You are on page 1of 10

𝗔𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗠𝗲 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗲

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 1: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular
sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre
Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 2: 𝗖𝗿𝗶𝘀𝗼𝘀𝘁𝗼𝗺𝗼 𝗜𝗯𝗮𝗿𝗿𝗮

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay
at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang
Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang
kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 3: 𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻

Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre
Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang
kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si
Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating
si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 4: 𝗘𝗿𝗲𝗵𝗲 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗯𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿𝗼

Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang


magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon
dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang
ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 5: 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗚𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗱𝗶𝗹𝗶𝗺

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang
maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis
na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino,
pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 6: 𝗦𝗶 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗧𝗶𝗮𝗴𝗼

Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga,
maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat
ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 7: 𝗦𝘂𝘆𝘂𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝘀𝗼𝘁𝗲𝗮

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan
sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si
Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang
magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng
tuwa.
𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 8: 𝗠𝗴𝗮 𝗚𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮

Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito
ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng
kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-
kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong
hila ng mga makupad na kalabaw.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 9: 𝗠𝗴𝗮 𝗦𝘂𝗹𝗶𝗿𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito
ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Biglang dumating si Padre
Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria
Clara kay Ibarra.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 10 : 𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗗𝗶𝗲𝗴𝗼

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at
my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng
simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 11: 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa


kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan
dito.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 12: 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘆

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay
ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki
sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay
na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 13: 𝗠𝗴𝗮 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗼𝘀

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita nina Ibarra
at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango
ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang
krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 14: 𝗦𝗶 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘀𝗼𝗽𝗼 𝗧𝗮𝘀𝘆𝗼

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng
kaniyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 15: 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗸𝗿𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻

Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga


kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na
mgananakaw sa simbahan. Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 16: 𝗦𝗶 𝗦𝗶𝘀𝗮


Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago
marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa
siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Si
Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang
asawa at sinasaktan pa siya.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 17: 𝗦𝗶 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa
kamay ng sakristan mayor.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 18: 𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗹𝘂𝗹𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗴𝗮𝘄

Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang
makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang
tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog
sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang
onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura
ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang
hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 19: 𝗠𝗮𝘆 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗚𝘂𝗿𝗼

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito
ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 20 : 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗶𝗯𝘂𝗻𝗮𝗹

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista
na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda
sa pyesta.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 21: 𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗱𝘂𝗿𝘂𝘀𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗶𝘀𝗮

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa
pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang
sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag
dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 22: 𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝗗𝗶𝗹𝗶𝗺

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang
darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi
nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang
kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot
sa tuwing makakaharap niya ang kura.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 23: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗸𝗻𝗶𝗸


Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang
at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-
minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige
pa rin ang kanilang kuwentuhan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 24: 𝗦𝗮 𝗞𝗮𝗴𝘂𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain
ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak
ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa
piknikan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 25: 𝗦𝗮 𝗧𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘀𝗼𝗽𝗼

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat
nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 26: 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘀𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝘀𝘁𝗮

Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang


pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga
pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man
o mayamanupang masiyahan sila sa pista.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 27: 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗹𝗶𝗺

Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki.
Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na
kanyang mamanugangin. Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 28: 𝗠𝗴𝗮 𝗟𝗶𝗵𝗮𝗺

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng
mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga
kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 29: 𝗔𝗻𝗴 𝗨𝗺𝗮𝗴𝗮

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila.Eksaktong
alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng
matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa
nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay
kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 30 : 𝗦𝗮 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos
hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250,
ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa
impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 31: 𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗺𝗼𝗻

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog.


Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng
laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling
sermon.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 32: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗵𝘂𝗴𝗼𝘀

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng
kalong ang kanyang itinayo. Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas, nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari
at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 33: 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng
babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag
din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 34: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban
kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na
ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra.
Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may
kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at
sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 35: 𝗠𝗴𝗮 𝗨𝘀𝗮𝗽-𝘂𝘀𝗮𝗽𝗮𝗻

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong
San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang
binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 36: 𝗔𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗹𝗶𝗿𝗮𝗻𝗶𝗻

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang
ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay
Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 37: 𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻-𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna


niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig
ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na
ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang
panahon basta sa katarungan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 38: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻


Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang
inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang
alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 39: 𝗦𝗶 𝗗𝗼𝗻𝘆𝗮 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗼𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang
umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi
nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes
ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga
guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa
kay Maria Clara.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 40 : 𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay
parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing
ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang unang bahagi ng dula
nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na
binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 41: 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮

Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang
laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang
panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang
panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang
ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala
itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 42: 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲 𝗘𝘀𝗽𝗮𝗱𝗮𝗻̃𝗮

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak
ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si
Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 43: 𝗠𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗼 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮

Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni


Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na
si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang
maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central.
Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 44: 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗕𝘂𝗱𝗵𝗶

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing


pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay
binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at
nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba
ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa
kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 45: 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴-𝘂𝘂𝘀𝗶𝗴

Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa


isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong
marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-
Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang
ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 46: 𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng
sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta
ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina
Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 47: 𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝘆𝗼𝗿𝗮

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina
Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang
Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim.
Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila.
Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang
pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay
at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng
alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-
pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay
sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 48: 𝗔𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗵𝗮𝗴𝗮

Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang
kanyang isip.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 49: 𝗔𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴-𝘂𝘂𝘀𝗶𝗴

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng
panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na
binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 50 : 𝗔𝗻𝗴𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗘𝗹𝗶𝗮𝘀

Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang
din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor
de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki,
ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad
sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo
sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang
gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak
ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-
saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy
ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang
paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis
nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 51: 𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼

Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina. Alam
ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino
naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 52: 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗻𝗶𝗻𝗼

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok
ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim
ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw
pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon
ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila
ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa
kura.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 53: 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗺𝗮𝗴𝗮

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang
nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa
kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 54: 𝗗𝗶 𝗠𝗮𝗶𝗹𝗶𝗹𝗶𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗴 𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito
sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na
ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 55: 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗴𝘂𝗹𝗼

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang
dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa
kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana,
silang lahat ay tumindig upang magdasal.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 56: 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗿𝗼-𝗸𝘂𝗿𝗼

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang
tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid.
Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 57: 𝗩𝗮𝗲 𝗩𝗶𝗰𝘁𝘂𝘀! 𝗦𝗮 𝗔𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗻𝗹𝘂𝗹𝘂𝗽𝗶𝗴

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra
sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos
ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang
kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may
tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang
pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 58: 𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗻𝘂𝗺𝗽𝗮

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang
mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang
isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila
iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga
tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali.
Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 59: 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo
sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang
lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa
mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa kabilang dako sa isang
pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang
tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata.
Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat
silang ituring na mga tunay na tao.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 60 : 𝗜𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗹𝗮𝗿𝗮

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring


na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung
babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t
namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong
pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-
kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si
Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay
kaiinggitan ng mga tao.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 61: 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗶𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝘄𝗮


Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na
manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na
magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 62: 𝗦𝗮 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗱𝗿𝗲 𝗗𝗮𝗺𝗮𝘀𝗼

Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata
niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero,
hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na
hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,
ang kamatayan o ang kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang
kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang
binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi
pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 63: 𝗔𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗰𝗵𝗲 𝗕𝘂𝗲𝗻𝗮

Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging
amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga
tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga
parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla.
Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.Nakarating na
si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang
landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.
Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni
Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng
alilang babaing nasa daan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 64: 𝗘𝗽𝗶𝗹𝗼𝗴𝗼

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila.


Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay
niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay
dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip
at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya
Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-
isa.

You might also like