You are on page 1of 84

AGLIPAY CENTRAL

THEOLOGICAL SEMINARY

COLLECT

Bro. Julius Zatiel Vertido

Ang Unang Linggo ng Adbiento

† Page 1 †
Taon A
Isaias 2:1-5
Awit 122
Roman 13:8-14
Mateo24:37-44

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng pagkakapantay-pantay, layunin mo po ang
pag-iral ng kapayapaan at katarungan ng Iyong sangnilikha: Nawa’y ang
pangyayaring pagbaha sa panahon ni Noe ay tumimo sa aming mga kaisipan na
may higit na kahalagahan kaysa sa mga panandaliang kasiyahan lamang upang
maging bahagi kami sa pagsasakatuparan ng Iyong Kaharian ng kapayapaan at
pag-ibig; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B

Isaias 64:1-9a
Awit 80 o 80:1-7
1 Corinto 1:1-9
Marcos 13(24-32)33-37

Panalangin:
Mapagkupkup naming Ama: Lukuban mo po kami ng Iyong Espiritu upang
sa pagpapalaganap ng Iyong Kaharian, na ipinahayag ng mga propeta at ng Iyong
Anak na si Hesukristo, kami ay mapangalagaang handa sa Kanyang muling
pagbabalik upang ito’y Kanyang isakatuparan; alang-alang sa pagmamahal Mo sa
Iyong Anak na aming dakilang Tagapamagitan, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Zacarias 14:4-9
Awit 50 o 50:1-6

† Page 2 †
1 Tessalonica 3:9-13
Lukas 21:25-31

Panalangin:
Mapaglingap naming makalangit na Ama: Patuloy mo po kaming alalayan
sa pagtahak sa tamang daan hanggang sa muling pagbabalik ng aming Panginoong
Hesukristo, upang sa Kanyang pagbibigay katuparan sa kaganapan ng Iyong
Kaharian ay maganap din ang aming kaligtasan. Sa pamamagitan Niya na aming
makapangyarihang kaibigan at kasama; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ikalawang Linggo ng Adbiento


Taon A
Isaias 11:1-10
Awit 72 o 72:1-8
Roma 15:4-13
Mateo 3:1-12

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng sangnilikha: Nawa’y sa gitna ng aming pag-
asa sa muling pagbabalik ng Iyong Anak ay ganap naming maihanda ang aming
mga pamumuhay ayon sa ipinangangaral ni Juan Bautista upang marapat kaming
sumalubong sa muling pagbabalik ng iyong Anak na si Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 40:1-11
Awit 85 o 85:7-13
2 Pedro 3:8-15a, 18
Marcos 1:1-8

Panalangin:
Mapagmahal naming Ama, na patuloy sa aming nagpapaala-ala sa katiyakan
ng muling pagbabalik ng Iyong Anak at aming Tagapagligtas: Nawa’y sa patuloy
na pagbabago ng kasaysayan sa bawat panahon, kami ma’y patuloy na maging
handa sa Kanyang muling pagbabalik upang Siya’y aming masalubong ng may
kagalakan at pagdiriwang; sa pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming
† Page 3 †
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Baruc 5:1-9
Awit 126
Filipos 1:1-11
Lukas 3:1-6

Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, patuloy mo pong pinangungunahan at
sinusubaybayan ang Iyong mga Anak tungo sa Iyong kalooban: Masuklian po
nawa namin ang Iyong kabutihan sa pamamagitan ng aming sama-samang
pagkilos laban sa kasamaan upang sa tulong mo ay aming maisaayos ang daraanan
ng Iyong Anak upang maipagdiwang namin ang Kanyang pagliligtas; na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ikatlong Linggo ng Adbiento


Taon A

Isaias 35:1-10
Awit 146 o 146:4-9
Santiago 5:7-10
Mateo 11:2-11

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng pag-asa at aming makapangyarihang
Tagapanguna: Sa gitna ng aming mga kahinaan at pagkamakasalanan, ay makita
nawa namin ang Panginoong Hesukristo na handang tumulong sa amin upang sa
pamamagitan Niya kami’y magkaroon ng kalakasan at katatagan laban sa
anupamang kasamaan; sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 65:17-25
Awit 126
† Page 4 †
1 Tessalonica 5: (12-15)16-28
Juan 1:6-8, 19-28 o Juan 3:23-30

Panalangin:
Mapagpalayang Diyos ng kaligtasan, bahagi Ka sa mga mithiin ng Iyong
mga anak na lumaya sa kasamaan: Nawa’y magsilbi kaming tagapagdala ng
kaliwanagan sa aming kapwa, upang kami na kasama nila ay sama-samang
maipagdiwang ang pagdating ng kaganapan ng Iyong kaharian; sa pamamagitan
ng Iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
Sofonias 3:14-20
Awit 85 o 85:7-13
Filipos 4:4 -7 (8-9)
Lukas 3:7-18

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos kayo ay bahagi ng aming kasaysayan: Ipagkaloob
po sa amin ang katatagan ng loob sa gitna ng lahat ng mga pagbabagong
nagaganap sa kapaligiran at sa aming buhay upang sa pamamagitan ng
pangangaral ni Juan Bautista, kami’y mapanatiling matapat sa pananampalataya
hanggang sa muling pagbabalik ng Iyong Anak; na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-apat na Linggo ng Adbiento


Taon A
Isaias 7:10-17
Awit 24 o 24:1-7
Roma 1:1-7
Mateo 1:18-25

Panalangin:
Makapangyarihan Diyos ng Kasaysayan, inihayag mo po sa amin ang buhay
na kaanyuan ng Iyong di-malirip na biyaya at pag-ibig sa pamamagitan ng isang
† Page 5 †
palatandaan: Ang pagsilang ng aming tagapagligtas mula sa angkan ni David at
ang paghahanda mo po sa Kanyang pagkakatawang tao. Nawa’y patuloy po
naming pinagpapahalagahan ang Kanyang kagustuhan sa aming mga puso upang
kami’y maging marapat Niyang kaibigan at kasama, at ngayo’y kasama Mong
nabubuhay at naghaharing kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
2 Samuel 7:4,8-16
Awit 132 o 132:8-15
Roma 16:25-27
Lukas 1:26-38

Panalangin:
Pinagpalang Diyos na makapangyarihan, mula sa isang Birhen ay isinilang
ang iyong Anak na aming Tagapagligtas: Nawa’y patuloy mo rin kaming
pangunahan at gabayan upang sa patuloy Mong pangunguna at paggabay ay
tuluyan na Siyang maghari sa amin ng lubusan; sa pamamagitan pa rin ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Mikas 5:2-4
Awit 80 o 80:1-7
Hebreo 10:5-10
Lukas 1:39-49 (50-56)
Panalangin:
Mapagpalang Diyos, pinagpala mo ang Birheng Maria upang siya’y
magsilbing ina ng Iyong nagkatawang – tao na Salita, at bugtong Mong Anak na si
Hesukristo: Nawa’y makintal sa aming diwa ang kahalagahan ng aming ina na
umaruga sa amin mula pa ng kami’y sa kanila pang sinapupunan, upang sa
pamamagitan ng pagsukli namin sa kanilang kabutihan ay maluwalhati ang iyong
Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Pasko 1
† Page 6 †
Isaias 9:2-4,6-7
Awit 96 o 96:1-4, 11-12
Titus 2:11-14
Lukas 2:1-14 (15-20)

Panalangin:
Makapangyarihan Ama, sa pamamagitan Mo ay nagkakaroon ng bagong
liwanag ang sanlibutan ng dahil sa Iyong pinakamamahal na Anak, ang Salita na
nagkatawang-tao: Idinadalangin namin sa Iyo na ipagkaloob mo na habang
pinagniningas Niya ang apoy ng aming pananampalataya at ang pag-ibig sa aming
mga puso ay magningning nawa ang Kanyang liwanag sa aming buhay upang
kami’y magsilbi ring liwanag na magbibigay ng mabuting balita sa aming kapwa;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Pasko 2
Isaias 62:6-7, 10-12
Awit 97 o 97:1-4,11-12
Tito 3:4-7
Luke 2:(1-14) 15-20

Panalangin:
Papurihan Ka O Diyos sa kaitaasan sapagkat sa sangkalupaan ay
ipinagkaloob Mo ang kapayapaan sa pagsilang ng Iyong Anak para sa
sangkatauhan, tanda na sa mga pangkaraniwang kapamamaraanan, ay nagmula
ang Iyong dakilang layunin para sa sangdaigdigan: Nawa’y mula rin sa mga
pangkaraniwan naming gawain ay makagawa kami ng pagmumulan ng mga bagay
na magtatanyag sa iyong kapurihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Pasko 3
Isaias 52:7-10
Awit 98 o 98:1-6
Hebreo 1:1-12
Juan 1:1-14

Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na ipinagkaloob sa amin ang
bugtong na Anak sa pamamagitan ng dalisay na paglilihi ni Birheng Maria upang
† Page 7 †
angkinin ang aming katauhan: Itulot mo po na kami na napaging bago sa
pamamagitan ng biyaya ng Iyong pag-ampon sa amin ay patuloy na mabago ng
Iyong Banal na Espiritu upang ang iyong mga aral ay magkaroon ng kaayuan sa
amin; sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Siya ring Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Unang Linggo Pagkatapos ng Pasko

Isaias 61:10-62:3
Awit 147 o 147:13-21
Galacia 3:23-25, 4:4-7
Juan 1:1-18

Panalangin:
Makapanyarihang Diyos na aming Ama, inihayag Mo po sa amin ang tunay
na Liwanag sa pamamagitan ng Iyong nagkatawang tao na Salita: Itulot po na ang
liwanag na dulot Niya ay mag-alab sa aming mga puso upang magbigay sa amin
ng inspirasyon at pag-asa, ng kanlungan at kalakasan sa aming pamumuhay sa
paglilingkod; sa pamamagitan pa rin Niya na aming maningning na Liwanag, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ang Pagtuli kay Hesukristo


1 Enero
Isaias 9: 2, 6 - 7
Awit 62: 1 - 8
Filipos 2: 9 - 13
Lukas 2: 15 - 21

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na kung saan ang pinagpalang bugtong na Anak
ay tinuli bilang pagsunod sa kautusan alang-alang sa sangkatauhan: Ipagkaloob
mo sa amin ang kalinisan ng diwa; upang ang aming mga puso at lahat ng aming
mga kasapi na nagpapakasakit laban sa mga makamundo at makalaman na
pagnanasa ay aming masunod ang iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 8 †
Ang Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus

Ipinagdiriwang sa linggo na pumapaloob sa Pagtuli Kay Hesukristo at Epipanya.


Gayunpaman, kung walang linggo sa pagitan ng dalawang nabanggit na
pagdiriwang, ito’y ginaganap tuwing ika-2 ng Enero.

Exodus 34: 1- 8
Awit 8
Roma 1: 1- 7
Luke 2: 21

Panalangin:
O Diyos na siyang nagtadhana na ang Iyong bugtong na Anak ang maging
Tagapagligtas ng sanlibutan at siyang nag-utos na siya’y tatawaging Hesus: sa
Iyong kahabagan ay ipagkaloob mo sa amin na sumasamba sa kanyang Pangalan
ang patuloy na katapatan sa kanya na Siyang tagapagligtas ng sangkatauhan, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen

Ikalawang Linggo Pagkatapos ng Pasko

Jeremias 31:7-14
Awit 84 o 84:1-8
Efeso 1:3-6, 15-19a
Mateo 2:13-15, 19-23 o Lukas 2: 41- 52 o Mateo 2: 1-12

Panalangin:
Aming Ama at makapangyarihang Diyos, bahagi Ka ng aming buhay at
kasaysayan: Sa pagsilang ng Iyong Anak ay muli Mong ipinanumbalik ang dangal
ng Iyong sangkatauhan: Itulot mo po na mapanatili kami ng Kanyang kabanalan,
na pakumbabang nabuhay upang maging bahagi ng aming pagkatao, nang sa
gayo’y magsilbi namin Siyang matatag na sandigan laban sa mga kapahamakan;
sa pamamagitan Niya, si Hesus, na Iyong Anak na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Epipanya
Isaias 60:1-6,9
Awit 72 o 72:1-2, 10-17
† Page 9 †
Efeso 3:1-12
Mateo 2:1-12

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pangunguna ng isang tala ay naihayag ang
Iyong natatanging bugtong na Anak sa buong Sanlibutan: Lukuban mo po kaming
sumasampalataya ng Iyong liwanag tungo sa Iyong Anak, upang sa pakikibahagi
Niya ay magsilbi rin kaming kaliwanagan ng aming kapwa tungo sa Iyong
kaluwalhatian; sa pamamagitan Niya na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Unang Linggo Pagkatapos ng Epipanya: Ang Sagrada Pamilya

Deuteronomio 6: 1- 9
Awit 100
Roma 12: 1- 5
Lukas 2: 41 - 52

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na aming Ama na nagkakaloob ng katiwasayan sa
aming mga pamilya: Itinatalaga namin sa iyong patuloy na pangangalaga ang
aming mga tahanan. Bigkisin mo po kami sa tamis ng pagmamahalan. Panatilihin
mo kami sa pag-uunawaan at paggagalangan; at pangunahan mo kami sa daan ng
masagana mong kahabagan. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen

Ikalawang Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Isaias 49:1-7
Awit 40:1-10
I Korinto 1:1-9
Juan 1:29-41

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na nagkaloob sa amin ng isang Korderong hain
para sa sanlibutan: Ipagkaloob mo po sa Iyong samabayanan na tinatanglawan ng
† Page 10 †
Iyong Salita at mga sakramento ay makilala Siya na aming Tagapagligtas, upang
Siya’y sambahin at sundin ng lahat hanggang sa dulo ng sandaigdigan; alang-
alang sa Iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
1 Samuel 3:1-10(11-20)
Awit 63:1-8
1 Korinto 6:11b-20
Juan 1:43-51
Panalangin:
Makapangyarihan Diyos ng Sangnilikha, inihayag mo po ang Iyong
kalooban sa pamamagitan ng Iyong mga hinirang na tao upang magsilbi Mong
mga tagapamahayag na alagad: Nawa’y aming maunawaan at matugunan ang
Iyong mga panawagan sa amin upang maihayo mo po kami bilang mabisang
kasangkapan sa pagpapalaganap ng Iyong kaharian; Sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Isaias 62:1-5
Awit 96 o 96:1-10
1 Korinto 12:1-11
Juan 2:1-11

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos ng Pag-asa, at maningning na liwanag ng
kaligtasan; katulad ng nadarama ng lalaking ikakasal sa kanyang katipan ay lubos
Kang nagagalak sa katapatan ng katipan Mong sambayanan: Nawa’y sa
pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo, na Iyong inihayag sa sangkatauhan,
tungo sa kaganapan ng isang panibagong Tipan, ay mapagkalooban kami ng
katatagan ng pag-asa at kaliwanagan upang kami’y kakitaan ng katapatan; Siya na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ikatlong Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Amos 3:1-8
Awit 139:1-11
† Page 11 †
1 Korinto 1:10-17
Mateo 4:12-23

Panalangin:
Amang walang hanggan: Pangunahan Mo po kaming sumusunod sa Iyong
kalooban upang sa ngalan ng pinakamamahal mong Anak ay managana ang aming
buhay sa mga mabubuting gawa; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Jeremias 3:21-4:2
Awit 130
1 Korinto 7:17-23
Markos 1:14-20

Panalangin:
Amang Makalangit: Pagkalooban Mo po kami ng biyaya upang
makapaglingkod kami sa Iyo sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong Anak na si
Hesukristo upang sa aming pagtalima ay masumpungan namin ang Iyong
magandang kalooban; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Nehemias 8:2-10
Awit 113
1 Korinto 12:12-27
Lukas 4:14-21

Panalangin:
Amang Makapangyarihan: Bigyan mo po kami ng biyaya na laging handang
tumugon sa pagtawag ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo, at ipahayag sa
lahat ng tao ang Magandang Balita ng kanyang pagliligtas upang kami at ang
buong mundo ay makabatid ng kaluwalhatian ng kanyang mga dakilang gawain;
Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-apat na Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
† Page 12 †
Mikas 6:1-8
Awit 37:1-6
1 Korinto 1: (18-25)26-31
Mateo 5:1-12

Panalangin:
Panginoon naming Diyos: Loobin Mo na ipagdangal ka namin nang buong
isip at puso upang kami man ay tanghaling mapalad dahilan sa kami’y sumusunod
sa Iyong mga aral; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Deuteronomio 18:15-20
Awit 111
1 Korinto 8:1b-13
Markos 1:21-28

Panalangin:
Pinagpalang Panginoon, minarapat mong maisatitik ang Banal na Kasulatan
upang kami ay mapanuto: Marapatin mo pong ito ay aming dinggin, basahin,
bigyan ng pagpapahalaga, pag-aralan at itimu sa aming mga puso, upang kami’y
mapagaling sa aming kahinaan at mapalakas sa paglaban ng kasamaan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.

Taon K
Jeremias 1:4-10
Awit 71:1-6, 15-17
1 Korinto 14:12b-20
Lukas 4:21-32

Panalangin:
Walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, pinamamahalaan Mo
ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa: Buong-awa mong dinggin ang mga
panalangin ng Iyong bayan, at sa aming panahon ay ipagkaloob Mo po ang Iyong
kapayapaan upang mabatid ng lahat ang iyong kapangyarihan at kahabagan; sa

† Page 13 †
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-limang Linggo Pagkatapos ng Epipanya

Taon A
Habakkuk 3:2-6, 17-19
Awit 27:1-7
1 Korinto 2:1-11
Mateo 5:13-20

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ibinigay mo sa amin ang Iyong bugtong na Anak
upang maging ilaw ng sanlibutan: Pangalagaan mo po kaming Iyong mga lingkod
sa pamamagitan ng salita at Sakramento, ng sa gayon ay magkaroon kami ng lakas
na paglingkuran ang lahat ng kinapal sa tulong ng hindi malirip na yaman ni
Kristo, ng sa gayon Siya ay kilalanin, sambahin at sundin hanggang sa wakas ng
panahon; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B

2 Hari 4:(8-17) 18-21, (22-31) 32-37


Awit 142
1 Korinto 9:16-23
Markos 1:29-39

Panalangin:
Magpalang Diyos ng kalayaan: palayain mo po kami mula sa pagkaalipin sa
aming mga kasalanan at ipagkaolob mo po sa amin ang kalakasan ng
pananampalataya sa pagsunod ng Iyong kagustuhan upang aming mapaglaban ang
sarili naming mga kahinaan; sa pamamagitan ng Iyong Anak at aming
Tagapagligtas na si Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Mga Hukom 6:11-24a
Awit 85:7-13
† Page 14 †
1 Korinto 15:1-11
Lukas 5:1-11
Panalangin:
Butihing Diyos at aming Ama: alagaan Mo po kaming iyong mga anak nang
buong pagmamahal upang kami na tumutugon sa Iyong panawagan sa
paglilingkod ay madama ang mapaglingap Mong pagsubaybay sa tuwina; alang-
alang sa Anak Mo, si Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ika-anim na Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Ecclesiastico 15:11-20
Awit 119:9-16
1 Korinto 3:1-9
Mateo 5:21-24, 27-30, 33-37

Panalangin:
Matapat naming Diyos, ikaw ay nananahan sa mga pusong matuwid at
tapat: Loobin mong kami ay maging gayon upang lagi kang manahan sa aming
kalooban; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon B
2 Hari 5:1-15a, b
Awit 42:1-7
1 Korinto 9:24-27
Markos 1:40-45

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, ikaw ang sandigan ng lahat ng nananalig sa Iyo:
Pakinggan mo po ang karaingan ng iyong bayan na patuloy na tumatahak sa iyong
batas, upang sa pagsunod sa Iyo kami ay maging kalugod-lugod mong mga
lingkod; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
Jeremias 17:5-10
† Page 15 †
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:12-20
Lukas 6:17-26

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw po ang lakas ng lahat ng nagtitiwala sa Iyo:
Buong awa pong dinggin ang aming mga dalangin upang magsilbi ka naming
kalakasan sa aming kahinaan, pag-asa sa gitna ng aming kapighatian, at matatag
na kalasag laban sa mga kapahamakan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-pitong Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Levitico 19:1-2,9-18
Awit 71:16-24
1 Korinto 3:10-11, 16-23
Mateo 5:38-48

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, Ipinadama mo sa amin ang Iyong Pag-ibig sa
pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak: Ipagkaloob mo po sa aming mga puso
ang dalisay mong walang hanggang pag-ibig upang kami’y makasunod sa iyong
mga ipinag-uutos; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 43:18-25
Awit 32:1-8
2 Korinto 1:18-22
Markos 2:1-12

Panalangin:
Diyos na walang-hanggan, na dahilan sa Iyong habag ay patuloy mo po
kaming kinakalinga: Ipagkaloob po sa amin ang iyong walang-hanggang
kahabagan, upang kami na nananalig sa iyong kapangyarihan ay magkaroon ng
lakas na pagtagumpayan ang masama; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 16 †
Taon K
Genesis 45:3-11, 21-28
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:35-38, 42-50
Lukas 6:27-38

Panalangin:
Mapagmahal naming Diyos, itinuro mo po na kung wala kaming pag-ibig,
anuman ang aming gawain ay walang halaga: Ipadala mo po ang iyong Espiritu
Santo at ibuhos sa aming puso ang iyong pinakadakilang kaloob na pag-ibig upang
magsilbi namin itong mabisang panlaban sa kasamaan; alang-alang sa Iyong Anak
na si Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ikawalong Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Isaias 49:8-18
Awit 62:6-14
1 Korinto 4:1-5, (6-7) 8-13
Mateo 6:24-34

Panalangin:
Mapagmahal na Ama, nais mo na kami’y magpasalamat para sa lahat ng
bagay, na walang kinakatakutan kundi ang pagkawalay sa iyo, at isuko ang lahat
ng aming alalahanin sa Iyo na kumakalinga sa amin: Ipag-adya mo po kami sa
takot na bunga ng kahinaan ng pananampalataya, at gayundin sa makamundong
pagkabalisa, upang walang balakid sa mortal na buhay na ito ang magkait sa amin
ng liwanag ng walang hanggan Mong pag-ibig; sa pamamagitan ni Hesukristong
iyong Anak at aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Hoseas 2:14-23
Awit 103:1-6
2 Korinto 3(4-11)17-4:2
Markos 2:18-22

Panalangin:

† Page 17 †
Diyos ng kahabagan, ikaw ay patuloy na matapat sa iyong mga anak: Aming
hinihiling ang iyong patnubay upang sa pagkakahirang mo sa amin bilang iyong
mga lingkod ay magkaroon kami ng lakas na tahakin ang Iyong landas ng may
katapatan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
Jeremias 7:1-7(8-15)
Awit 92:1-5,11-14
1 Korinto 15:50-58
Lukas 6:39-49

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, higit na mabuti sa lahat ng mabuti, hindi Mo
hinayaan ang gawaing masama na mangibabaw sa mundong ito: Hinihiling namin
sa Iyo na bigyan po kami ng sanggalang na labanan ang masasama, upang patuloy
na manaig ang kabutihang dulot ng iyong pag-ibig; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Huling Linggo Pagkatapos ng Epipanya


Taon A
Exodo 24:12(13-14), 15-18
Awit 99
Filipos 3:7-14
Mateo 17:1-9

Panalangin:
Mahabaging Diyos, bago nagdusa ang iyong bugtong na Anak ay nahayag
ang Kanyang kaluwalhatian sa banal na Bundok: Itulot mo po na kaming
nagtataglay ng pananampalataya ay maging malakas upang aming
mapagtagumpayan ang aming mga kamalian at mabago tulad niya, mula sa
pagkakalugmok patungo sa kaluwalhatian ng tagumpay; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
1 Hari 19:9-18
Awit 27:5-11
† Page 18 †
2 Pedro 1:16-19 (20-21)
Markos 9:2-9

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, bago ang paghihirap ng iyong bugtong na Anak
ay ipinakita Niya ang kanyang kaluwalhatian sa itaas ng Banal na Bundok:
Ipagkaloob mo po sa amin ang katatagan ng pananampalataya sa pamamagitan ng
pagliliwanag ng Kanyang kaanyuan, upang sa liwanag ng Kanyang kapangyarihan
ay aming mapaglabanan ang aming mga sariling kahinaan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Exodo 34:29-35
Awit 99
1 Korinto 12:27-13:13
Lukas 9:28-36

Panalangin:
Diyos na aming Ama, ipinahintulot mo po na ang iyong Bugtong na Anak
ay magdusa para sa amin: Palaganapin Mo sa sanlibutan ang iyong walang
hanggang kaluwalhatian upang makilala ng lahat ang liwanag ng Iyong
katotohanan at kapangyarihan; alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Mierkules de Ceniza

Joel 2:1-2,12-17 o Isaias 58:1-12 o Jonas 3:1-10


Awit 103:8-14
2 Korinto 5:20b-6:10
Mateo 6:1-6,16-21

Panalangin:
Mahabagin naming Diyos, hindi ka nasusuklam sa Iyong mga nilikha at
pinatatawad mo ang lahat ng nagsisisi: Gawin mo pong bago at nagsisisi ang
aming mga puso, upang kaming nagdadalamhati dahil sa aming mga kasalanan at
kumikilala sa aming kasamaan, ay tumanggap mula sa Iyo ng ganap na
kapatawaran; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at

† Page 19 †
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Unang Linggo ng Kuwaresma


Taon A
Genesis 2:4b-9, 15-17,25-3:7
Awit 51:1-13
Roma 5:12-19 (20-21)
Mateo 4:1-11

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Ipagkaloob mo na makasunod kami sa diwa ng
Kuwaresma at nawa’y mapag-aralan namin ang nauukol kay Hesukristo upang
tularan siya sa aming pamumuhay; alang-alang sa Anak mo, si Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Genesis 9:8-17
Awit 25:3-9
1 Pedro 3:18-22
Markos 1:9-13

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ang iyong pinagpalang Anak na aming
manunubos ay tinukso ring tulad namin, subalit di nahulog sa pagkakasala:
Idinadalangin namin sa Iyo na bigyan po kami ng lakas upang mapaglabanan ang
anyaya ng tuksong nakapalibot sa amin; at sapagkat nalalaman mo ang aming
kahinaan, nawa’y makilala ka namin bilang malakas na sandigan tungo sa aming
kaligtasan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
Deuteronimo 26:(1-4)5-11
Awit 91:9-15
Roma 10:(5-8a)8b-13
Lukas 4:1-13

Panalangin:
† Page 20 †
Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang iyong pinagpalang Anak ay dinala
ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin si Satanas: Agad ka pong pumarito at tulungan
kami na laging sinasalakay ng maraming tukso, at dahil nga sa batid mo ang
aming kahinaan, tulutan mo po na matagpuan ka ng bawat tao na handang
tumulong; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ikalawang Linggo ng Kuwaresma


Taon A
Genesis 12:1-8
Awit 33:12-22
Roma 4:1-5(6-12) 13-17
Juan 3:1-17

Panalangin:
Pinakamamahal naming Ama, ipinag-utos mong pakinggan namin ang
iyong minamahal na Anak: Ipinagkaloob mong mapagnilay-nilay namin ang Iyong
mga aral, upang sa pagsunod namin ng Iyong kalooban ay luminis ang aming
isipan at matamo ang iyong kaluwalhatian; alang-alang kay Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Genesis 22:1-14
Awit 16:5-11
Roma 8:31-39
Markos 8:31-38
Panalangin:
Mahabaging Ama, sa iyo nagmumula ang lahat ng aming nakakamit:
Pagpalain mo ang bawat isa sa amin at gabayan kami upang mapanatili namin ang
kababaang-loob, ang matingkad na pananampalataya at ang patuloy na
paglilingkod at nang aming maipamahagi ang iyong nagbibigay buhay na salita; sa
pamamagitan ni Hesukristo, na kasama mong nabubuhay at naghaharing kaisa ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen
Taon K
Genesis 15:1-12, 17-18
Awit 27:10-18
Filipos 3:17-4:1
Lukas 13: (22-30) 31-35
† Page 21 †
Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na sa iyong mga kamay ang sandali ng aming
oras: Ipagkaloob mo sa lahat ng taong nagsisi ang iyong kaawaan upang madama
nila ang iyong pagmamahal, at ng sa gayon ay patuloy silang mamuhay ng
naaayon sa iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ikatlong Linggo ng Kuwaresma


Taon A
Exodo 17:1-7
Awit 95:6-11
Roma 5:1-11
Juan 4:5-26(27-38) 39-42

Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, sa pamamagitan ng tubig ng
buhay na iyong kaloob ay naibsan ang uhaw ng sanlibutan: Ipagkaloob mo na ang
lahat ng nauuhaw sa tubig ng buhay ay makabahagi sa pagpapalaganap ng iyong
banal na salita upang ang lahat ay madala sa kaluwalhatian ng Iyong Kaharian; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Exodo 20:1-17
Awit 19:7-14
Roma 7:13-25
Juan 2:13-22

Panalangin:
Mapaglingap na Ama, nababatid mo na kami ay walang kapangyarihan para
tulungan ang aming mga sarili: Gabayan Mo ang bawat isa sa amin upang sa
piling mo ay mapangunahan kami sa tunay na pagsamba; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Exodo 3:1-5
† Page 22 †
Awit 103:1-11
1 Korinto 10:1-13
Lukas 13:1-9

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, na puspos ng awa at kabanalan, ipinadadama
mong nagkakamit ng kapatawaran ang mga makasalanan sa tulong ng pag-aayuno
at pagbabalik-loob: Isinasamo namin sa iyo na kaming nagpapakumbaba at
nagsisisi ay makatanggap buhat sa iyo ng awa at patawad upang sa gitna ng aming
kasalanan at kahinaan ay makapagpanimula po kaming muli sa buhay na kalugod-
lugod sa Iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma

Taon A
1 Samuel 16:1-13
Awit 23
Efeso 5:1-7(8-14)
Juan 9:1-13(14-27) 28-38

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng Iyong pagmamahal, namulat
kami sa katotohanan ng buhay: Ipahintulot mo nawa sa lahat ng may
pananampalataya na makita ang kagandahan ng sangnilikha upang ang lahat ay
mamuhay sa katotohanan, pag-ibig at paglilingkod sa Iyo; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
2 Cronica 36:14-23
Awit 122
Efeso 2:4-10
Juan 6:4-15

Panalangin:
Mapagpalang Diyos, na kung saan ang Iyong Banal na Anak na si
Hesukristo ay bumaba mula sa langit upang maging tinapay na nagbibigay buhay
sa sanlibutan: Nawa’y matanggap namin ang tinapay na ito sa banal na komunyon
† Page 23 †
upang Siya ay mabuhay sa amin at kami’y sa kanya; na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Josue (4:19-24); 5:9-12
Awit 34:1-8
2 Korinto 5:17-21
Lukas 15:11-32

Panalangin:
Mapaglingap at mapagbigay na Ama, sa Iyo nagmumula ang pagmamahal
na may pagpapatawad: Sa pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak na naghirap,
namatay at nabuhay na muli ay ipinagkaloob mo po sa amin ang kapatawaran ng
aming kasalanan, ipagkaloob mo sa amin na magsilbi Siyang matatag naming
sandigan sa gitna ng aming pagsusumikap at mapaglingap na kaagapay upang
kami’y makapagpanimulang muli sa aming pagkagupo at pagkakamali; sa
pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ika-limang Linggo ng Kuwaresma


Na kadalasang tinatawag na Linggo ng Pasyon

Taon A
Exekiel 37:1-3(4-10) 11-14
Awit 130
Roma 6:16-23
Juan 11:(1-16) 17 -44

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, dahil sa Pag-ibig sa sangkatauhan ay namatay sa
Krus ang Iyong bugtong na Anak: Isinasamo namin, na kami sana’y lukuban mo at
pangunahan upang kami’y mabuhay na tulad niya; alang-alang sa kanya na Anak
Mo, si Hesukristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magkailanman. Amen.

Taon B
Jeremias 31:31-34
Awit 51:11-16
† Page 24 †
Hebreo 5:(1-4) 5-10
Juan 12:20-33

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng iyong Bugtong na Anak ay
pinatawad Mo ang aming mga kasalanan: Ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong
biyaya at pag-ibig upang magampanan namin ang tungkuling iniatas Mo sa bawat
isa sa amin, nang sa gayon sa Kanyang paghatol sa sanlibutan ay maging bahagi
kami sa Kanyang karangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Taon K
Isaias 43:16-21
Awit 126
Filipos 3:8-14
Lukas 20:9-19

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, dahilan sa iyong walang-hanggang pag-ibig,
ibinigay Mo sa amin ang iyong pinakamamahal na Anak para sa aming kaligtasan:
Ipagkaloob mong maging marapat kaming tumanggap ng Iyong pagpapala at
kabutihan upang maipadama namin sa aming kapwa ang pagmamahal na naidulot
mo sa amin; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Linggo ng Palaspas
Taon A
Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12
Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Mateo (26:36-75) 27:1-54(55-66)

Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa ‘di-mapantayang pag-ibig Mo sa
sangkatauhan ay ibinigay mo si Hesukristo upang magpakasakit at mamatay para
sa amin: Kahabagan Mo kaming nagsusumamo na matularan namin ang Kanyang
pagpapakumbaba at katapatan sa Iyong kagustuhan upang maging kabahagi kami
sa Kanyang muling pagkabuhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
† Page 25 †
Tagapagligtas, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo na kaisa ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon B

Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12


Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Markos (14:32-72) 15:1-39 (40-47)

Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, sa ‘di matingkalang
pagmamahal mo sa sangkatauhan ay nagdusa at namatay ang iyong bugtong na
Anak na si Hesukristong aming Panginoon: Kaawaan mo kaming naghihintay ng
iyong pagpapatawad upang marapat kaming tumanggap ng pag-ibig na inialay ng
iyong Anak at maihandog din namin ang aming buhay sa paglilingkod sa aming
kapwa; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Tagapagligtas na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.
Taon K

Isaias 45:21-25 o Isaias 52:13-53:12


Awit 22:1-11
Filipos 2:5-11
Lukas (22:39-71) 23:1-49(50-56)

Panalangin:
Walang hanggang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, mula sa iyong
magiliw na pagmamahal sa sanlibutan ay ipinadala Mo ang Iyong Anak na si
Hesukristo na aming Panginoon upang yakapin niya ang aming kalikasan at
magdusa ng kamatayan sa krus, na siyang pinakadakilang halimbawa ng
pagpapakumbaba: Buong awa mo pong itulot na kami’y makasunod sa daan ng
kanyang pagpapakasakit upang kami’y makibahagi rin sa kanyang muling
pagkabuhay; Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen

Linggo ng Pagkabuhay

Taon A

Gawa 10:34-43 o Exodo 14:10-14, 21-25; 15:20-21


† Page 26 †
Awit 118:14-29 o Awit 118:14-17, 22-24
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Juan 20:1-10(11-18) o Mateo 28:1-10

Panalangin:
Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na sa pamamagitan ni Kristo ay
binuksan mo ang pinto ng buhay ng lahat ng umaasa sa Iyo: Ipagkaloob mo nawa
sa amin ang bagong pag-asa na hatid ng muling pagkabuhay ng Iyong Anak upang
makapagbagong buhay kami sa tulong ng Iyong Espiritu Santo; alang-alang sa
Anak mo, si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B

Gawa 10:34-43 o Isaias 25:6-9


Awit 118:14-29
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Markos 16:1-8

Panalangin:
Mapagpalayang Diyos na patuloy na naghahari sa lahat ng bansa:
Patuloy mo kaming gabayan sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo upang kami
na nakatanggap ng iyong kapatawaran sa pamamagitan ni Hesukristo ay muli ring
makapagbagong buhay; sa pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak na si
Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Gawa 10:34-43 o Isaias 51:9-11


Awit 118:14-29
Colosas 3:1-4 o Gawa 10:34-43
Lukas 24:1-10

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na sa laki ng iyong pagmamahal sa amin ay
ibinigay Mo ang Iyong bugtong na Anak na mamatay sa Krus, at sa pamamagitan
ng kanyang muling pagkabuhay ay binuksan Mo ang pinto ng lahat ng umaasa sa
Iyo: Ipagkaloob mo nawa sa amin ang patuloy mong pagpapala upang kami’y
laging mabuhay na kasama Niya sa galak na dulot ng kanyang Muling
† Page 27 †
pagkabuhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 2:14a, 22-32 o Genesis 8:6-16; 9:8-16


Awit 118:19-24
1 Pedro 1:3-9 o Gawa 2:14a, 22-32
Juan 20:19-31

Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, na nagtatag sa Misteryo ng
Paskua ng pakikipag-isa: Ipagkaloob Mo nawa na sa pamamagitan ng aming
pakikipag-isa sa aming Panginoong Hesukristo ay masumpungan namin ang
bagong-buhay sa pamamagitan Niya upang kasama ng lahat ng nananalig sa Iyo sa
buong sanlibutan ay magkaron din ng pagkabuhay na muli; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Gawa 3:12a, 13-15, 17-26 o Isaias 26:2-9, 19
Awit 118:19-24
1 Juan 5:1-6 o Gawa 3:12a, 13-15,17-26
Juan 20:19-31

Panalangin:
Walang-hanggang Diyos, binigyan Mo ng lubos na kapayapaan ang mga
taong tapat at nagtitiwala sa Iyo: Ipagkaloob Mo sa amin ang lakas at katatagan ng
pananampalataya upang mapaglabanan namin ang sarili naming kahinaan at pag-
aalinlangan; sa pamamagitan ni Hesukristo ng aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K

Gawa 5:12a, 17-22, 25-29 o Job 42:1-6


† Page 28 †
Awit 118:19-24
Pahayag 1:(1-8) 9-19 o Gawa 5:12a,17-22,25-29
Juan 20:19-31

Panalangin:
Diyos na walang hanggan, pinag-aalab Mo ang pananampalataya ng lahat
ng taong tapat na nananalig sa Iyo: Ipagkaloob mo nawa sa amin ang patuloy
Mong biyaya upang maunawaan namin ng lubos ang diwa ng Muling Pagkabuhay
ng Iyong Anak; alang-alang pa rin kay Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 2:14a, 36-47 o Isaias 43:1-12


Awit 116:10-17
1 Pedro 1:17-23 o Gawa 2:14a, 36-47
Lukas 24:13-35

Panalangin:
Mahabaging Diyos, ipinakilala ng iyong bugtong na Anak ang kanyang
sarili sa kanyang mga alagad sa pamamagitan ng pagpira-pirasong tinapay:
Buksan mo po ang mga mata ng aming pananamplataya upang Siya ay makita
namin sa lahat ng kanyang gawain ng pagliligtas; Siya na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, sa pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B

Gawa 4:5-12 o Mikas 4:1-5


Awit 98:1-5
1 Juan 1:1-2:2 o Gawa 4:5-12
Lukas 24:36b-48

Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni
Hesus ay naihayag na Siya nga ay makapangyarihan: Ipagkaloob Mo po sa amin,
yayamang inampon mo po kami at patuloy na kinukopkop sa pamamagitan Niya
ay aming matamo ang kaganapan ng Iyong pangakong buhay na walang hanggan;
† Page 29 †
sa pamamagitan pa rin ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman.. Amen.

Taon K

Gawa 9:1-19a o Jeremias 32:36-41


Awit 33:1-11
Pahayag 5:6-14 o Gawa 5:6-14
Juan 21:1-14

Panalangin:
Mapagpalang Ama, na patuloy na naghahari sa sangkatauhan, ipinakilala ng
Iyong Anak ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga pangkaraniwang bagay,
maging man sa mga hindi inaasahang pagkakataon, at higt sa lahat sa tinapay na
nagbibigay buhay: Nawa’y ang Kanyang katawan sa pamamagitan ng Banal na
Komunyon ay patuloy na magbigay sa amin ng panibagong buhay upang aming
maipagpatuloy ang paglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo sa
pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.. Amen.

Ika-apat ng Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 6:1-9; 7:2a, 51-60 o Nehemias 9:6-15


Awit 23
1 Pedro 2:19-25 o Gawa 6:1-9; 7:2a, 51-60
Juan 10:1-10 o Juan 14:15-21

Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, akayin Mo kami sa landas ng
kabanalan upang kaming mga Anak Mo ay makarating sa lugar na inihanda mo
para sa amin: Pangalagaan Mo ang aming pamumuhay sa pamamagitan ng
Espiritu ng katotohanan upang patuloy ka naming mapaglingkuran sa aming
kapwa; alang-alang sa Anak Mong si Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon B

† Page 30 †
Gawa 4:(23-31) 32-37 o Ezekiel 34:1-10
Awit 23 o Awit 100
1 Juan 3:1-8 o Gawa 4:(23-31) 32-37
Juan 10: 11-16

Panalangin:
Mapaglingap naming Ama, ang iyong Anak na si Hesukristo ay ang aming
Mabuting Pastol: itulot mo po na kung marinig namin ang kanyang tinig ay amin
Siyang makilala upang kami’y makasunod sa kanyang pangunguna at
pangangalaga; Siya na kasama Mong nabubuhay at naghaharing kasama ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Gawa 13:15-16, 26-33(34-39) o Mga Bilang 27:12-23


Awit 100
Pahayag 7:9-17 o Gawa 13:15-16, 26-33(34-39)
Juan 10:22-30

Panalangin:
Makapangyarihang Ama, sa Iyo ang kapurihan at karangalan, sapagkat sa
Iyo nagmumula ang buhay: Nawa’y buong lugod mo na patnubayan ang Iyong
bayan na kumikilala at sumusunod sa Iyo upang patuloy kaming mailayo sa
kapahamakan sa pagpapatotoo ng Iyong kadakilaan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 17:1-15 o Deuteronomio 76:20-25


Awit 66:1-8
1 Pedro 2:1-10 o Gawa 17:22-31
Juan 14:1-14

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang makilala kang lubos ay buhay na
walang-hanggan: Itulot mo po na ganap naming makilala si Hesus bilang Daan,
ang Katotohanan, at ang Buhay upang matapat naming sundan ang kanyang mga
bakas patungo sa buhay na walang-hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristong
† Page 31 †
iyong Anak at aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, sa
pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Gawa 8:26-40 o Deuteronomio 4:32-40
Awit 66:1-8
1 Juan 3:(14-17)18-24 o Gawa 8:26-40
Juan 14:15-21

Panalangin:
Dakilang Diyos ng buong sangnilikha, na tumubos at umampon sa amin:
Buong lugod Mo po kaming lingapin sa patnubay ng Iyong Espiritu upang sa
aming pagsunod sa Iyong Anak ay matamo namin ang tunay na kaganapan ng
buhay na walang-hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon K
Gawa 13:44-52 o Levitiko 19:1-2,9-18
Awit 145:1-9
Pahayag 19:1,4-9 o Gawa 13:44-52
Juan 13:31-35

Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, sa Iyong kagustuhan ay nahayag ang
karangalan ng Anak ng Tao: Nawa’y matutuhan naming hanapin ang pag-ibig na
inihayag mo sa amin upang ito ma’y aming mai-alay sa aming kapwa nang sa
gayo’y makilala kaming mga alagad Mo; sa pamamagitan ng Iyong Anak na si
Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ika-anim na Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 17:22-31 o Isaias 41:17-20


Awit 148:7-14
1 Pedro 3:8-18 o Gawa 17:22-31
Juan 15:1-8

† Page 32 †
Panalangin:
Diyos na makapangyarihan, na patuloy na nananahan sa amin: Ipagkaloob
mo nawa sa aming lagi ang iyong pagpapala upang kami na nananatili sa Iyo ay
makaiwas sa gawaing masama at upang ang aming buhay ay palagiang
naihahandog sa Iyo; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B

Gawa 11:19-30 o Isaias 45:11-13, 18-19


Awit 33:1-8, 18-22
1 Juan 4:7-21 o Gawa 11:19-30
Juan 15:9-17

Panalangin:
Mapagmahal naming Diyos, inihanda mo para sa mga nagmamahal sa Iyo
ang mga mabubuting bagay na di-malirip ng aming pang-unawa: Ibuhos mo po sa
aming puso ang pag-ibig na ukol sa Iyo, upang kami na nagmamahal sa iyo nang
una sa lahat ay tumanggap nawa ng iyong mga ipinangako na higit pa sa lahat ng
aming ninanais; sa pamammagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon K
Gawa 14:8-18 o Joel 2:21-27
Awit 67
Pahayag 21:22-22:5 o Gawa 14:8-18
Juan 14:23-29

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa Iyo nagmumula ang lahat ng
pagpapala at biyaya: Kami na palagiang nagagalak dahil sa iyong walang humpay
na kabutihan ay patnubayan nawa ng Iyong Espiritu Santo upang siyang patuloy
na magturo sa amin sa lahat ng bagay na naaayon sa Iyong kalooban; alang-alang
sa pag-ibig ng Iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

† Page 33 †
Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon
Taon A
Gawa 1:1-11 o Daniel 7:9-14
Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15, 19-20

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay
umakyat sa langit upang Siya ay mapasalahat: Buong awa mo pong ipagkaloob sa
amin ang patuloy na pananampalataya upang maitamo sa aming mga puso’t
kaisipan na Siya’y lagi naming kapiling patungo sa buhay na walang hanggan; sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa kaluwalhatiang walang
hanggan. Amen.

Taon B

Gawa 1:1-11 o Ezekiel 1:3-5a, 15-22, 26-28


Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15,19-20

Panalangin:
Diyos at Ama ng aming Panginoong Hesukristo: Itulot mo po, na kung
paano kami nananalig na ang Iyong bugtong na Anak at aming Panginoong
Hesukristo ay umakyat sa langit, kami rin nawa ay maging mapagpakumbaba ring
katulad Niya upang kami ma'y maitaas na kasama at sa pamamagitan Niya; na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
Taon K

Gawa 1:1-11 o 2 Hari 2:1-15


Awit 110:1-5
Efeso 1:15-23 o Gawa 1:1-11
Lukas 24:49-53 o Markos 16:9-15,19-20

Panalangin:
Diyos na walang hanggan, ang Iyong bugtong na Anak ay umakyat sa langit
upang ihanda ang lugar sa lahat ng nanalig at sumasampalataya sa Iyo: Ipagkaloob
† Page 34 †
mo po sa amin, na mga naghihintay sa Iyo, ang patnubay ng Espiritu Santo upang
buong tatag naming maihayag sa sangdaigdigan ang iyong kahanga-hanga mga
gawa; sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Ika-pitong Linggo ng Pagkabuhay


Taon A

Gawa 1(1-7)8-14 o Ezekiel 39:21-29


Awit 47
1 Pedro 4:12-19 o Gawa 1:(1-7)8-14
Juan 17:1-11

Panalangin:
O Diyos na Hari ng kaluwalhatian, sa pamamagitan ng pagkabuhay ng
Iyong bugtong na Anak na si Hesukristo ay inihayag Mo nang may dakilang
tagumpay ang Iyong kapangyarihan: Itulot Mo po na kami ma’y mapalakas upang
buong tatag naming maihayag ang Iyong kapangyarihan; sa pamamagitan pa rin ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, sa kaluwalhatiang walang-hanggan. Amen.

Taon B

Gawa 1:15-26 o Exodo 28:1-4,9-10,29-30


Awit 47
1 Juan 5:9-15 o Gawa 1:15-26
Juan 17:11b-19

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos: Paunlakan mo nawa ang aming karaingan kahit
na nakaluklok sa Iyong kanan ang aming Tagapagligtas na si Hesukristo ay
manatili nawa siya sa aming piling upang patuloy naming madama ang bunga ng
Kanyang ginawang pagliligtas; alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanaman. Amen.

Taon K

Gawa 16:16-34 o 1 Samuel 12:19-24


† Page 35 †
Awit 47
Pahayag 22:12-14. 16-17,20 o Gawa 16:16-34
Juan 17:20-26

Panalangin:
Mahabaging Ama, patuloy na nananahan sa aming puso ang kadakilaang
ginawa mo alang-alang sa amin: Lingapin mo kaming lagi upang patuloy naming
maisa-isip at maisa-puso ang Pag-ibig at karangalang nahahayag sa iyong bugtong
na Anak; Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ang Araw ng Pentekostes


Taon A

Gawa 2:1-11 o Ezekiel 11:17-20


Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13 o Gawa 2:1-11
Juan 20:19-23 o Juan 14:8-17

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, sa Kapistahan ng araw na ito, pinagiging banal
Mo ang buong Simbahan sa lahat ng bayan at bansa: Kasihan Mo kami ng mga
kaloob ng Espiritu Santo, upang yaong ginawa Mo noong una ay patuloy na
maganap sa aming puso; sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo na kaisa ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Gawa 2:1-11 o Isaias 44:1-8
Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13 o Gawa 2:1-11
Juan 20:19-23 o Juan 14:8-17

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa araw na ito ay ibinukas sa bawat
lahi at bansa ang daan tungo sa walang hanggang buhay sa pamamagitan ng
ipinangakong kaloob ng iyong Espiritu Santo: Ipagkaloob Mo po sa buong
sangkatauhan ang kaloob na ito sa pamamagitan ng pangangaral ng Mabuting
Balita, upang ito ay maipahayag hanggang sa dulo ng daigdig; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 36 †
Taon K
Gawa 2:1-11 o Joel 2:28-32
Awit 104:25-32
1 Korinto 12:4-13 o Gawa 2:1-11
Juan 20:19-23 o Juan 14:8-17

Panalangin:
O Diyos, sa araw na ito ay tinuruan mo ang iyong matapat na bayan sa
pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng liwanag ng iyong Espiritu Santo: Itulot
mo po na sa pamamagitan rin ng pagsanib ng gayunding Espiritu sa amin ay
maging bahagi kami sa pagsasakatuparan ng Iyong kapayapaan upang maihayag
ang Iyong kadakilaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na iyong Anak at aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Linggo ng Santisima Trinidad


Taon A

Genesis 1:1-2:3
Awit 150
2 Korinto 13:(5-10)11-14
Mateo 28:16-20

Panalangin:
O Diyos na aming Ama, ipinahayag Mo sa sanlibutan ang iyong kahanga-
hangang misteryo noong isugo Mo sa amin ang nagkatawang taong Salita upang
magturo ng katotohanan at ang Espiritung Tagapagkaloob ng buhay: Loobin Mong
sampalatayanan namin ang katotohanan at ng Tatlong Persona ng iisang Diyos at
sambahin ang kanilang Kaisahan; alang-alang sa Anak Mong si Hesukristong
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan. Amen.

Taon B
Exodo 3:1-6
Awit 93
Roman 8:12-17
Juan 3:1-16

Panalangin:
† Page 37 †
O walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, pinagkalooban Mo
kaming Iyong mga lingkod ng biyaya na isilang na muli sa tubig at sa Espiritu:
Panatilihin mo po kaming matapat sa pananampalataya at pagsamba, at sa wakas,
dalhin mo po kami sa Iyong harapan upang mamasdan ka sa Iyong natatangi at
walang hanggang kaharian; O Ama, na kasama ng Anak at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Isaias 6:1-8
Awit 29
Pahayag 4:1-11
Juan 16:(5-11)12-15

Panalangin:
Banal at makapangyarihang Ama, laganap ang Iyong kaningningan sa
sanlibutan, na sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo ay binigyan mo ng liwanag
ang aming buhay: Nawa’y ang liwanag na ito ay maging gabay namin upang
maunawaan ng buong katotohanan ang dulot na handog ng Espiritu Santo; sa
pamamagitan ng Anak Mong si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Ang Panahon Pagkaraan ng Santisima Trinidad


(Proper 1) Linggo Pinakamalapit sa Mayo 11

Taon A
Ecclesiastiko 15:11-20
Awit 119:9-16
I Korinto 3:1-9
Mateo 5:21-24,27-30,33-37

Panalangin:
O Panginoon, ang pagkakalikha mo sa amin ay ayon sa Iyong kaanyuan:
Ipag-adya mo kami sa lahat ng gawaing masama at patuloy Mo kaming kalingain
upang kami’y maging karapat-dapat na tawaging mga anak Mo; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
2 Hari 5:1-15ab
† Page 38 †
Awit 42:1-7
1 Korinto 9:24-27
Markos 1:40-45

Panalangin:
Alalahanin mo po, O Panginoon na kami’y Iyong mga anak na bagama’t
naglilingkod ay nagkukulang din at magkaminsan ay nakagagawa ng mga maling
kapasyahan: Pangunahan mo po kami sa aming mga kapasyahan at punuin kami sa
aming mga pagkukulang upang Iyong maipahayag ang nakapagbibigay kagalingan
Mong kapangyarihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon K
Jeremias 17:5-10
Awit 1
1 Korinto 15:12-20
Lukas 6:17-26

Panalangin:
O Makapangyarihang Diyos, loobin mong lagi na aming pagnilay-nilayin
ang mga bagay na matuwid at nakalulugod sa Iyo: Isinasamo namin na tulungan
mo kaming maisagawa ang mga bagay na ito upang lalo naming madama ang
kabutihang ipinagkakaloob mo sa amin; alang-alang kay Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Proper (2) Linggo Pinakamalapit sa Mayo 18


Taon A
Levitiko 19:1-2,9-18
Awit 71:16-24
1 Korinto 3:10-11, 16-23
Mateo 5:38-48

Panalangin:
O Banal na Diyos, Ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng kabutihan:
Isinasamo namin sa Iyo na lagi mo kaming patnubayan sa aming mga gawain,
upang lagi naming maisa-isip ang mga tuntunin tungkol sa kabanalan at
† Page 39 †
katarungan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 43:18-25
Awit 32:1-8
2 Korinto 1:18-22
Markos 2:1-12

Panalangin:
Maawaing Diyos na makapangyarihan sa lahat: Aming hinihiling sa iyong
kabutihan, na kami po ay ilayo sa mga bagay na nakasasakit upang kami na laging
naghahanda sa isip at sa katawan ay nawa’y makapagsagawa ng mga bagay na
ayon sa iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
Taon K
Genesis 45:3-11,21-28
Awit 37:3-10
1 Korinto 15:35-38,42-50
Lukas 6:27-38

Panalangin:
Diyos na aming Ama, ikaw ang nagturo sa amin upang maunawaan namin
ang kahulugan ng pag-ibig: Nawa’y matutuhan naming mahalin ang aming kapwa
upang kami’y maging karapat-dapat sa iyong paningin; alang-alang kay
Hesukristo na amin Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman.. Amen.

(Proper 3) Linggo na Pinakamalapit sa Mayo 25


Taon A
Isaias 49:8-18
Awit 62:6-14
1 Korinto 4:1-5(6-7)8-13
Mateo 6:24-34

Panalangin
† Page 40 †
Itulot mo po, O Panginoon, na ang kalagayan ng sanlibutan ay mapayapang
mapangalagaan ng Iyong mga biyaya upang ang iyong Iglesia ay magalak sa
paglilingkod sa Iyo sa pananampalataya at kapayapaan; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Hosea 2:14-23
Awit 103:1-6
2 Korinto 3:(4-11)17-4:2
Markos 2:18-22

Panalangin:
O Panginoon, ipagkaloob Mo po na ang pagbabago ng sanlibutan ay patuloy
na naaayon sa Iyong kagustuhan: Hinihiling namin ito upang ang Iyong
Sambayanan ay madala sa Iyong Kalooban; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Jeremias 7:1-7(8-15)
Awit 92:1-5, 11-14
1 Korinto 15:50-58
Lukas 6:39-49

Panalangin:
O Makatarungan Diyos, ikaw ang humahatol sa mga taong gumagawa ng
kamalian: Turuan mo po kaming hanapin ang katuwiran upang di kami mabulid
sa masama at nang lubos naming malirip ang mga bagay na naayon sa iyong
kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

(Proper 4) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 1


Taon A

Deuteronomino 11:18-21, 26-28


Awit 31:1-5, 19-24
Roma 3:21-25a, 28
† Page 41 †
Mateo 7:21-27

Panalangin:
O Diyos, ang iyong hindi kumukupas na biyaya ay nagsasa-ayos ng lahat ng
bagay sa langit at sa lupa: Hinihiling namin sa Iyo na aming magawa ang mga
bagay na ayon sa Iyong kalooban upang kami’y marapat na pumasok sa Iyong
kaharian; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B

Deuteronomio 5:6-21
Awit 81:1-10
2 Korinto 4:5-12
Markos 2:23-28

Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang pamamahala Mo ay hindi
nagkakamali sa ipinag-uutos: Buong kababaang-loob naming hinihiling sa Iyo na
alisin mo nawa sa amin ang lahat ng nakasasama at ipagkaloob sa amin ang mga
bagay na nakabubuti upang kami’y mapailalim sa Iyong kapangyarihan; alang-
alang sa Anak Mo, si Hesukristong Panginoon namin, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanaman. Amen.

Taon K
1 Hari 8:22-23, 27-30, 41-43
Awit 96:1-9
Galatia 1:1-10
Lukas 7:1-10

Panalangin:
Makapangyarihan naming Diyos, tapat kayo sa inyong mga ipinangako sa
amin: Ipahintulot mo po na kaming mga tagasunod ng iyong Anak ay lubos na
manampalataya sa Kanya upang kami’y maging karapat-dapat na sumunod sa Iyo;
alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

† Page 42 †
(Proper 5) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 8
Taon A
Hoseas 5:156-6:6
Awit 50:7-15
Roma 4:13-18
Mateo 9:9-13

Panalangin:
O Diyos, na pinagmulan ng lahat ng kabutihan: Itulot mo po na sa
pamamagitan ng iyong inspirasyon ay aming isipin ang mga bagay na wasto, at sa
tulong rin ng iyong pangunguna ay maisagawa namin ang mga iyon; sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Genesis 3:(1-7) 8-21
Awit 130
2 Korinto 4:5-12
Markos 4:26-34

Panalangin:
Mapagpalang Ama, yayamang ang lahat ng biyaya ay nagmumula sa Iyo:
Ipagkaloob mo na lagi naming maisa-isip ang matuwid at maisagawa ito sa tulong
ng iyong patnubay upang sa pamamagitan nito ay sumibol at mamunga ang butil
ng aming pananampalataya; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
1 Hari 17:17-24
Awit 30:1-6, 12 –13
Galatia 1:11-24
Lukas 7:11-17

Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat, dahil sa kagandahang-loob mo ay
inihayag Mo ang kalingang kaloob ng Bugtong mong Anak: Kahabagan mo
kaming nagsusumamo sa Iyo na nawa’y matugunan sa aming mga
pangangailangan at kahilingan upang mamutawi sa aming mga labi ang pagpupuri
sa Iyo at pasasalamat; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
† Page 43 †
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

(Proper 6) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 15


Taon A
Exodo 19:2-8a
Awit 100
Roma 5:6-11
Mateo 9:35-10:8(9-15)

Panalangin:
Butihing Panginoon: Panatilihin mo po ang Iyong Iglesia sa matatag na
pananampalataya at pagmamahal sa Iyo upang sa pamamagitan ng iyong kaloob
ay maipahayag namin nang walang takot ang iyong katotohanan, at maitaguyod
ang iyong katarungan nang may habag; alang-alang kay Hesukristong aming
Tagapagligtas, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B

Ezekiel 31:1-6, 10-14


Awit 92:1-4, 11-14
2 Korinto 5:1-10
Markos 4:26-34

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ang lakas ng lahat ng mga umaaasa sa Iyo:
Lingapin mo po kami sa aming kahinaan upang sa pagsunod namin sa Iyong mga
ipinag-uutos ay maisagawa namin ang nakalulugod sa Iyo at maihayag ang Iyong
kaharian; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
2 Samuel 11:26-12:10, 13-15
Awit 32:1-8
Galatia 2:11-21
† Page 44 †
Lukas 7:36-50

Panalangin:
O Diyos, dahil sa pananalig sa Iyong bugtong na Anak ay pinawalang-sala
mo kami: Nawa’y matagpuan namin si Kristo na nananahan sa amin upang
mabuhay kaming patuloy na kasalo Niya sa aming mga gawain; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 7) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 22

Taon A
Jeremias 20:7-13
Awit 69:7-10, 16-18
Roma 5:15b-19
Mateo 10:(16-23) 24-33

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos: Ipaala-ala Mo po sa amin na kami’y laging
nasa harapan Mo upang matakot kaming gumawa ng kasalanan; pangalagaan Mo
po ang aming pamumuhay sapagkat minamahal mo kami; alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Job 38:1-11, 16-18
Awit 107:1-3,23-32
2 Korinto 5:14-21
Markos 4:35-41; (5:1-20)

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay: Gawin mo pong
walang sukat ang aming pagmamahal at paggalang sa Iyong banal na Pangalan
sapagkat hindi mo kailanman binibigo ang pagtulong at pamamahala sa mga taong
lubos na umaasa sa iyong mapagmahal na kalinga; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
† Page 45 †
Zakarias 12:8-10; 13:1
Awit 63:1-8
Galatia 3:23-29
Lukas 9:18-24

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ang luminis sa karumihan at kasalanan ng
mundo: Nawa’y matutuhan naming limutin ang aming sarili at iukol ito sa
pangangailangan ng aming kapwa upang makamtan namin ang buhay na walang-
hanggan; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

(Proper 8) Linggo na Pinakamalapit sa Hunyo 29

Taon A
Isaias 2:10-17
Awit 89:1-4, 15-18
Roma 6:3-11
Mateo 10:34-42

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, itinayo Mo ang Iyong Iglesiya sa pundasyon ng
mga Apostol at mga Propeta, si Hesukristo ang pinakapangunahing batong-
panulukan: itulot mo po na kami ay magkasama-sama sa pagkakaisa ng diwa ng
kanilang pagtuturo upang kami ay makasunod sa Iyo maging ito man ay
mangahulugan ng pagpasan ng Krus hanggang sa maipagkaloob mo sa amin ang
gantimpala ng Iyong pagiging alagad; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Deuteronomio 15:7-11
Awit 112
2 Korinto 8:1-9,13-15
Markos 5:22-24, 35b-43

Panalangin:

† Page 46 †
O aming Ama, dahil sa Iyong pag-ibig, kami ay Iyong inampon at kinupkop
upang maging Iyong mga anak: Isinasamo namin na kami’y ilayo mo po sa lahat
ng kapahamakan upang kami’y patuloy na mabuhay sa pagsamba sa Iyo ng may
pagpupuri’t pasasalamat sa Iyong kabutihan; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
1 Hari 19:15-16, 19-21
Awit 16:5-11
Galatia 5:1, 13-25
Lukas 9:51-62

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ni Hesukristo ay naging malaya
kami at nailigtas mula sa pagka-alipin ng kasamaan: Nawa’y matutuhan naming
mahalin ang aming kapwa at gabayan kami sa pagawa ng kabutihan upang kami
ay mapasama sa Iyong kaharian; sa pamamagitan ng Iyong Bugtong na Anak na si
Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 9) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 6

Taon A
Zakarias 9:9-12
Awit 145:8-14
Roma 7:21-8:6
Mateo 11:25-30

Panalangin:
O Diyos, itinuro mo sa amin na sundin ang lahat ng Iyong mga utos sa
pamamagitan ng pagmamahal sa iyo at sa aming kapwa: Ipagkaloob mo po sa
amin na mga napapagal sa paglilingkod sa Iyo ay lumapit sa Iyong Anak sa gitna
ng aming kahinaan upang sa piling Niya ay makasumpong kami ng kapahingahan;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
† Page 47 †
Ezekiel 2:1-7
Awit 123
2 Korinto 12:2-10
Markos 6:1-6

Panalangin:
Diyos na aming Ama, dahil sa kababaang-loob ng Iyong Anak na si
Hesukristo, itinaas mo ang sanlibutan: Ipagkaloob mo po sa amin ang patuloy na
pananampalataya sa Kanya upang kami’y mapasama sa banal na kaligayahang
dulot ng Kanyang kaligtasan; alang-alang sa Anak Mong si Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanaman. Amen.

Taon K
Isaias 66:10-16
Awit 66:1-8
Galatia 6:(1-10) 14-18
Lukas 10:1-12, 16-20

Panalangin:
Diyos na aming Ama, patuloy Mo kaming inaaruga at pinadadalhan ng mga
tunay Mong alagad: Makinig nawa kami sa kanilang mga ipinangangaral na
nakapagbibigay buhay na salita at isugo kami upang kamtan naming lahat na
nananalig sa Iyo ang buhay na walang-hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama, kaisa ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailaman. Amen.
(Proper 10) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 13

Taon A
Isaias 55:1-5, 10-13
Awit 65:9-14
Roma 8:9-17
Mateo 13:1-9, 18-23

Panalangin:
Dakila at Mahabaging Panginoon: Tanggapin Mo po ang panalangin ng
iyong bayan at iyong itulot na kanilang mabatid at maunawaan ang mga bagay na
dapat nilang gawin, at mabigyan nawa sila ng biyaya at lakas upang ang mga iyon
ay matapat nilang maisagawa; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,

† Page 48 †
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Amos 7:7-15
Awit 22:22-30
Efeso 1:1-14
Markos 6:7-13

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, tanglawan Mo po ang mga naliligaw ng daan
upang makabalik sa Iyo: Nawa’y buong tatag naming matalikuran ang mga
kamalian at mamulat kami sa katotohanan upang kami ma’y maihayo na Iyong
alagad; alang-alang sa Anak mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K

Deuteronomio 30:9-14
Awit 25:3-9
Colosas 1:1-14
Lukas 10:25-37

Panalangin:
Mapagpalang Ama, ikaw ang nagbibigay sa amin ng lahat ng aming
nakakamit: Nawa’y makasunod kami sa iyong mga ipinag-uutos na mahalin ka at
makagawa ng kabutihan sa aming kapwa upang makamit namin ang buhay na
walang-hanggan; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

(Proper 11) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 20

Taon A
Karunungan 12:13, 16-19
Awit 86:11-17
† Page 49 †
Roma 8:18-25
Mateo 13:24-30,36-43

Panalangin:
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, bukal ng lahat ng karunungan, batid
mo po ang aming pangangailangan bago pa namin ito malaman o hilingin:
Mahabag ka po sa aming kahinaan, at ipagkaloob ang mga bagay na di namin
maatim hilingin dahil sa aming pagiging di-karapat-dapat, at di masambit dahil sa
aming kabulagan upang kami ma’y marapat tumanggap; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 57:14b-21
Awit 22:22-30
Efeso 2:11-22
Markos 6:30-44

Panalangin:
O Mahabagin naming Ama, ikaw ay marunong magpatawad sa lahat ng mga
lumalapit sa Iyo ng matapat: Kaawaan mo kaming makasalanan na naglilingkod sa
Iyo, at tulungan Mo kaming lumakas ang aming pananampalataya, pag-asa, at pag-
ibig upang kami’y makasunod sa Iyong mga kautusan; alang-alang kay Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanaman. Amen.

Taon K
Genesis 18:1-10a(10b-14)
Awit 15
Kolosas 1:21-29
Lukas 10:38-42
Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos: Ipagkaloob mo po,
idinadalangin namin sa Iyo, na ang landas ng mundong ito ay mapayapang maisa-
ayos sa ilalim ng iyong pamamahala, ng sa gayon ay mapaglingkuran ka ng iyong
simbahan ng buong ligaya at kapayapaan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

† Page 50 †
(Proper 12) Linggo na Pinakamalapit sa Hulyo 27

Taon A
1 Hari 3:5-12
Awit 119:129-136
Roma 8:26-34
Mateo 13:31-33, 44-49a

Panalangin:
Diyos na tagapagtanggol ng lahat ng nagtitiwala sa Iyo, kung wala ka ay
walang bagay na matibay at banal: Pag-ibayuhin mo po ang iyong awa sa amin,
upang kami, na kasama Ka bilang Pinuno at Gabay, ay magkamit nawa ng mga
bagay na pansamantala nang hindi napababayaan ang mga bagay na walang-
hanggan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
2 Hari 2:1-15
Awit 114
Efeso 4:1-7, 11-16
Markos 6:45-52

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, tangapagtanggol ng mga umaasa sa Iyo at
pinagmumulan ng lahat ng lakas at kabanalan, dagdagan mo po nawa ang iyong
biyaya sa amin: Patnubayan mo po kaming gamitin ang mga bagay na makalupa
upang matamo ang mga makalangit na biyaya; alang-alang sa Anak Mong si
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Genesis 18:20-33
Awit 138
Kolosas 2:6-15
Lukas 11:1-13

Panalangin:
O Panginoong naming Diyos, isinasamo namin sa Iyo na buong awa mo
pong dinggin ang mga panalangin ng lahat ng tumatawag sa Iyo: Ipagkaloob mo
† Page 51 †
po na kanilang matalos at maitimo sa kanilang mga puso ang mga bagay na dapat
nilang gawin at magkaroon din nawa sila ng biyaya at lakas upang maisakatuparan
ang mga ito; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

(Proper 13) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 3


Taon A
Nehemias 9:16-20
Awit 78:14-20, 23-25
Roma 8:35-39
Mateo 14:13-21

Panalangin:
Itulot mo po, O Panginoon, na ang Iyong awa ang siyang luminis at
magtanggol sa Iyong Iglesia: Dahil hindi siya makapagpapatuloy nang
maluwalhati kung wala ang Iyong tulong, lagi mo po siyang ipagsanggalang at
pamunuan sa pamamagitan ng Iyong kabutihan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Exodo 16:2-4, 9-15
Awit 70:1,4-5
Efeso 4:17-25
Juan 6:25-35

Panalangin:
O Panginoon, tunghayan mo po ang Iyong mga lingkod atr paunlakan ang
aming hinihinging kalinga: Pangalagaan mo po ang aming buhay upang
makapaglingkod kami ng buong katapatan sa Iyo; alang-alang kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing Kasama Mo, at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Ang Mangangaral 1:12-14; 2:(1-7, 11) 18-23


Awit 22:1-3a, 3b-4, 5-6
Kolosas 3:(5-11), 12-17
Lukas 12:13-21
† Page 52 †
Panalangin:
Makapngyarihang Diyos, batis ng lahat ng kaalaman, yaman din lamang na
alam mo ang aming kawalang-muwang sa paghingi: Kaawaan mo po kami sa
aming kahinaan at buong awa mo pong ipagkaloob yaong mga bagay na sa aming
kasalanan ay hindi namin karapat-dapat na tanggapin at sa aming pagiging bulag
ay hindi namin makuhang hingin; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 14) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 10


Taon A
Jonas 2:1-9
Awit 74:19-23
Roma 9:1-5
Mateo 14:22-33

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Idinadalangin namin na pagkalooban mo po
kami ng diwa na laging mag-isip at magsagawa ng mga bagay na wasto upang
kami, na di-mabubuhay nang wala ka, ay mabuhay nawa ayon sa iyong kalooban;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Deuteronomio 8:1-10
Awit 144:10-11, 15-16, 17-18
Efeso 4:(25-29) 30-5:2
Juan 6:37-51

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ikaw ay buong giliw naming tinatawag na Ama:
Loobin mo nawang mabuhay kami bilang Iyong mga anak sa isip at damdamin
upang aming matamo ang Iyong pamanang buhay na walang-hanggan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Genesis 15:1-6
† Page 53 †
Awit 67:6-10
Hebreo 11:1-3, (4-7), 8-16
Lukas 12:32-40

Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos: Idinadalangin namin sa Iyo,
na Iyong ipagtanggol at gawing malinis ang Iyong Simbahan upang sa
pamamagitan ng Iyong walang-hanggang biyaya, ito’y makapagpatuloy na
maluwalhati sa kanyang mga gawain; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 15) Linggo Na Pinakamalapit sa Agosto 17

Taon A
Isaias 56:1(2-5)6-7
Awit 84:8-10, 11-12
Roma 11:13-15, 29-32
Mateo 15:21-28

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ibinigay mo ang iyong bugtong na
anak upang magsilbing sakripisyo sa aming kasalanan, at maging halimbawa ng
maka-Diyos na pamumuhay: Bigyan mo po kami ng biyaya upang tanggapin ang
bunga ng kanyang ginawang pagliligtas upang patuloy kaming makasunod sa mga
yapak ng kanyang banal na buhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Mga Kawikaan 9:1-6
Awit 144:10-18
Efeso 5:15-20
Juan 6:53-59

Panalangin:
O Diyos, naghahanda Ka ng mga biyaya para sa lahat ng mga umiibig sa
Iyo: Ihasik sa aming mga puso ang matimyas na pagmamahal sa Iyo upang sa
katapatan ng aming pagsamba ay aming makamtan ang ipinangako ng Anak mo na
† Page 54 †
aming tanggapin ang Kanyang kamahal-mahalang katawan at dugo; sa
pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon K
Jeremias 23:23-29
Awit 82
Hebreo 12:1-7 (8-10) 11-14
Lukas 12:49-56

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, idinadalangin namin sa Iyo, na ipagkaloob mo
po sa amin ang diwa ng tamang pag-iisip: At nawa’y pawang mabubuting bagay
lamang ang aming maisipang gawin, ng sa gayon, kami, na hindi maaring
mabuhay ng wala ka, ay mamuhay ng ayon sa Iyong kagustuhan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at
ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 16) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 24


Taon A
Isaias 51:1-6
Awit 86:1-5
Roma 11:33-36
Mateo 16:13-20

Panalangin:
Maawaing Diyos na aming Ama: Itulot mo po na ang Iyong Iglesiya na
pina-isa ng Espiritu Santo ay nawa’y magpakita ng iyong kapangyarihan sa lahat
ng bansa sa kaluwalhatian ng iyong Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Josue 24:1-2a, 14-25
Awit 34:15-22
Efeso 5:21-33
Juan 6:60-69

† Page 55 †
Panalangin:
O Ama, pinag-iisa mo ng isip at damdamin ang mga tapat sa Iyo:
Ipagkaloob mong mahalin ng iyong bayan ang iyong ipinag-uutos at naisin ang
mga ipinangangako Mo upang sa gitna ng mga ligalig ng buhay ay huwag naming
kalimutan ang kaligayahang walang-hanggan na sa Iyo lamang makakamtan;
alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Isaias 28:14-22
Awit 46
Hebreo 12:18-19, 22-29
Lukas 13:22-30

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, nilikha Mo ang Iyong Banal na Simbahan sa
pamamagitan ng Iyong mga Propeta at mga Apostoles sa ilalim ng pamamahala ng
aming Panginoong Hesukristo: Ipagkaloob mo po na sa pamamagitan ng kanilang
mga aral ay magkaisa kami sa iisang diwa at sa gawa, ng sa gayon ay maging
karapat-dapat kami na kabahagi sa Iyong kaharian, sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 17) Linggo na Pinakamalapit sa Agosto 31

Taon A
Jeremias 15:15-21
Awit 86:1, 11-16
Roman 12:1-8
Mateo 16:21-27

Panalangin:
O Panginoon ng lahat ng kapangyarihan at lakas, ang may akda at
tagapagbigay ng lahat ng mabubuting bagay: Itanim mo po sa aming mga puso
ang pagmamahal sa iyong Pangalan, palaguin sa amin ang tunay na pagsunod
maging man sa krus upang kami’y mabuhay sa kabutihan, at sumibol sa amin ang
bunga ng mabubuting gawa; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.
† Page 56 †
Taon B
Deuteronomio 4:1-9
Awit 15
Efeso 6:10-20
Markos 7:1-8, 14-15, 21-23

Panalangin:
Diyos na makapangyarihan, pinagmumulan ng lahat ng kabutihan, itanim sa
aming mga puso ang pagmamahal sa iyong kagustuhan: Pangalagaan ang
kabutihang nasa aming mga puso at huwag kaming pabayaang manghinawa sa
paglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa; alang-alang kay Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Ecclesiastico 10:(7:11)12-18
Awit 112
Hebreo 13:1-8
Lukas 14:1,7-14

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, ibinigay mo sa amin ang Iyong Anak upang
maging sakripisyo namin sa kasalanan at maging huwaran namin sa isang maka-
Diyos na pamumuhay: Pagkalooban mo po kami ng mapagpasalamat na mga puso
upang maging karapat-dapat kaming tumanggap ng kanyang walang kapantay na
pagpapala, at nawa’y magsikap kami upang aming sundin ang mga pinagpalang
yapak ng kanyang banal na buhay; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 18) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 7

Taon A
Ezekiel 33: (1-6) 7-11
Awit 119: 33-40

† Page 57 †
Roma 12:9-12
Mateo 18:15-20

Panalangin:
Itulot mo po, Panginoon, na kami’y magtiwala sa Iyo nang buong puso:
Sapagkat kung paanong lagi mong ibinababa ang mga palalo na umaasa sa
kanilang sariling lakas, gayundin naman, hindi mo kailanman pinababayaan ang
mga nagtitiwala sa iyong awa; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen

Taon B
Isaias 35:4-7a
Awit 146:4-9
Santiago 1:17-27
Markos 7:31-37

Panalangin:
Mapaglingap naming Diyos, magiliw mo pong pakinggan ang mga anak mo
na Iyong kinupkop at tinubos: Pagkalooban mo ang mga sumasampalataya sa
Iyong bugtong na Anak ang kalayaan mula sa mga karamdaman at kapahamakan
upang patuloy na maihayag ang Iyong kabutihan; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Deuteronomio 30:15-20
Awit 1
Filimon 1:1-20
Lukas 14:25-33

Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos: Ipagkaloob Mo po,
idinadalangin namin sa Iyo, na unahin muna namin ang Iyong kagustuhan kaysa sa
sarili naming kapakanan upang maging marapat kaming alagad Mo; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

† Page 58 †
(Proper 19) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 14

Taon A
Ecclesiastico 27:30-28:7
Awit 103:8-13
Roma 15:5-12
Mateo 18:21-35

Panalangin:
Mahabaging Diyos, kung wala ang iyong kahabagan ay hindi ka namin
mapaliligaya: Buong awa mo pong itulot na sa lahat ng bagay, ang Iyong Espiritu
Santo ang siyang manguna at mamuno sa aming mga puso upang ang Iyong
kahabagan ay siya rin naming maipagkaloob sa mga nangangailangan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 50:4-9
Awit 116:1-8
Santiago 2:1-5, 8-10, 14-18
Markos 8:27-38 o Markos 9:14-29

Panalangin:
Tunghayan mo po kami aming Diyos, na may likha at namamahala sa lahat
ng bagay: Ipadama mo po sa amin ang kapangyarihan ng Iyong Anak na si Hesus
at ang alab ng paglilingkod sa Iyo nang buong katapatan upang magsilbi kaming
matibay na moog ng pagiging alagad; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
Taon K
Exodo 32:1,7-14
Awit 51:1-11
1 Timoteo 1:12-17
Lukas 15:1-10

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, patuloy mo po kaming pinangangalagaan:
Huwag mo po nawa kaming pababayaang maligaw ng landas, ituro mo po sa amin
ang daan ng kapatawaran upang kami’y mailayo sa kapahamakan; sa pamamagitan

† Page 59 †
ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 20) Linggo na Pinakamalamit sa Septiembre 21

Taon A
Jonas 3:10-4:11
Awit 145:1-8
Filipos 1:21-27
Mateo 20:1-16

Panalangin:
Itulot mo po, O Panginoon, na huwag kaming mabalisa tungkol sa mga
bagay na makamundo, kundi aming mahalin ang mga bagay na makalangit: at
kahit ngayon, samantalang kami ay kapiling ng mga bagay na lumilipas, kami
nawa’y maging matapat sa mga bagay na hindi lilipas; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B

Karunungan 1:16-2:1(6-11) 12-22


Awit 54
Santiago 3:16-4:6
Markos 9:30-37

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, ang mga nagpapakumbaba sa paglilingkod ay
siya mong itinataas at ang mga nagpapakataas ay siya mo ring ibinababa:
Ipagkaloob mo sa amin ang gayung kababaang loob sa pagsunod sa Iyong Anak na
si Hesus upang sa pagtanggap namin at sa pagsunod sa Kanya ay maihayag namin
na tunay kang dakila; alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Taon K
Amos 8:4-7(8-12)
Awit 138
1 Timoteo 2:1-8
† Page 60 †
Lukas 16:1-13

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, yaman din lamang na di ka namin kayang bigyan
ng kasiyahan kung kami’y hindi mo tutulungan: Isinasamo po namin sa Iyo na
marapatin mo na sa lahat ng bagay ay pangunahan mo kami upang sa gitna ng
kasaganahan ng Iyong biyayang kaloob ay magamit namin ang mga ito sa ika-iiral
ng Iyong kagustuhan; ito’y hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 21) Linggo na Pinakamalapit sa Septiembre 28


Taon A
Ezekiel 18:1-4, 25-32
Awit 25:3-9
Filipos 2:1-13
Mateo 21:28-32

Panalangin:
O Diyos, ipinapahayag mo ang iyong walang-hanggang kapangyarihan sa
pagpapakita ng awa at habag: Idulot mo po sa amin ang kabuuan ng iyong biyaya,
upang kaming nagsisikap na tumanggap ng iyong mga ipinangako, ay maging
kabahagi sa iyong makalangit na kayamanan; sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B

Mga Bilang 11:4-6, 10-16, 24-29


Awit 19:7-14
Santiago 4:7-12(13-5:6)
Markos 9:38-43, 45, 47-48

Panalangin:
O Diyos, Iyong ipinahahayag ang iyong kapangyarihan sa pamamagitan ng
iyong pagpapatawad ng mga sala at pagdadalang-awa sa mga makasalanan:
Linggapin Mo kaming lagi upang sa Pangalan mo ay makagawa kami ng Iyong
kapurihan; alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
† Page 61 †
Taon K
Amos 6:1-7
Awit 146:4-9
1 Timoteo 6:11-19
Lukas 16:19-31

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos na aming Ama: Hinihiling namin sa Iyo na huwag
mo po kaming pababayaan at yaman din lamang na tinawagan mo kami upang
paglingkuran ka ay gawin mo po kaming karapat-dapat sa pagtawag na ito; ito’y
hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

(Proper 22) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 5

Taon A
Isaias 5:1-7
Awit 89:7-14
Filipos 3:14-21
Mateo 21:33-43
Panalangin:
Walang-hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, higit ang iyong
pagdinig sa amin kaysa sa aming pagdalangin, higit rin ang iyong pagkakaloob
kaysa sa aming paghiling: Ibuhos mo po sa amin ang iyong awa, patawarin po ang
mga kasalanang bumabagabag sa aming budhi, at ipagkaloob mo po ang
mabubuting bagay na hindi namin karapat-dapat hilingin, maliban sa tulong at
pamamagitan ni Hesukristong aming Tagapagligtas; na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
Genesis 2:18-24
Awit 128
Hebreo 2: (1-8) 9-18
Markos 10:2-9

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan at walang-hanggan, ang awa mo ay higit pa sa
nararapat hilingin at kamtan ng iyong mga nilikha: Maghari ka nawa sa aming
† Page 62 †
mga tahanan upang patuloy na mabigkis ang Iyong mga anak sa tamis ng
pagmamahalan, pag-gagalangan, kapayapaan at kaunlaran; alang-alang sa Anak
Mo, si Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo
at Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Habacuc 1:1-6(7-11) 12-13; 2:1-4


Awit 37:3-10
2 Timoteo 1:(1-5) 6:14
Lukas 17:5-10

Panalangin:
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, Ikaw ang sandigan ng lahat
ng nananalig sa Iyo: Kaawaan mo po kaming ipagkaloob ang gabutil man lamang
na pananampalataya upang magsilbi kaming makabuluhan mong mga alagad;
alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.
(Proper 23) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 12
Taon A
Isaias 25:1-9
Awit 23
Filipos 4:4-13
Mateo 22:1-14

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos: Aming idinadalangin na ang iyong kagandahang-
loob ay laging manguna at sumunod sa amin upang patuloy kaming makagawa ng
mabubuting bagay nang sa gayo’y kami na Iyong tinawag ay karapatdapat ding
mahirang; sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Amos 5:6-7, 10-15
Awit 90:1-8
Hebreo 3:1-6
Markos 10:17-27 (28-31)

Panalangin:
† Page 63 †
O Ama, isinasamo namin sa Iyo na kupkupin mo kaming lagi sa aming mga
gawain: Tulungan mo kaming magkawanggawa sa aming kapwa upang huwag
kaming manghinawa sa aming mga tungkulin; alang-alang kay Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang-hanggan. Amen.

Taon K
Ruth 1:(1-7) 8-19a
Awit 113
2 Timoteo 2:(3-7) 8-15
Lukas 17:11-19

Panalangin:
O Panginoon naming Diyos, patuloy mo pong tinutugunan ang mga
kahilingan ng Iyong mga anak: Nawa’y maituro sa aming mga puso at kaisipan
ang kahalagahan ng pagpupuri at pasasalamat sa Iyong kabutihan sapagkat ito’y
kalugod-lugod sa Iyong kalooban; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 24) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 19


Taon A
Isaias 45:1-7
Awit 96:1-9
1 Tesalonika 1:1-10
Mateo 22:15-22

Panalangin:
Walang-hanggang Diyos, na makapangyarihan sa lahat, sa pamamgitan ni
Kristo ay iyong ipinahayag ang iyong kaluwalhatian sa lahat ng mga bansa:
Panatilihin Mo po ang iyong awa, upang ang iyong Iglesiya sa buong mundo ay
magpakatatag sa pananampalataya at maging masigasig sa pagpapahayag ng iyong
Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Isaias 53:4-12
Awit 91:9-16
Hebreo 4:12-16
† Page 64 †
Markos 10:35-45

Panalangin:
Diyos, na makapangyarihan at walang-hanggan: Lingapin mo nang buong
giliw ang aming mga puso upang ikaw lamang ang aming iibigin at paglilingkuran
ng walang pag-iimbot at pansariling katanyagan; alang-alang sa Anak Mong si
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Genesis 32:3-8, 22-30
Awit 121
2 Timoteo 3:14-4:5
Lukas 18:1-8a

Panalangin:
O Diyos naming Tagapaghusga: Pangalagaan mo po kami sa Iyong
kanlungan, paalalahanan mo po kami kung kami’y nakalilimot, akayin mo po
kami sa aming kahinaan upang sa aming paghiling ay huwag mo kaming
mapagkaitan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang-
hanggan. Amen.

(Proper 25) Linggo na Pinakamalapit sa Oktubre 26

Taon A
Exodo 22:21-27
Awit 105:1-4
1 Tesalonika 2:1-8
Mateo 22:34-46

Panalangin:
Diyos na makapangyarihan sa lahat: Palaguin Mo po sa amin ang
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig at upang tanggapin namin ang iyong
ipinangako ay mahalin namin ang Iyong kautusan; sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
† Page 65 †
Isaias 59:(1-4) 9-19
Awit 13
Hebreo 5:12-6:1,9-12
Markos 10:46-52

Panalangin:
O Panginoon ng lahat at kapangyarihan at lakas, Ikaw ang tagapaglikha at
tagapag-bigay ng lahat ng magagandang bagay: Ikintal mo po sa aming mga puso
ang pag-ibig sa Iyong Pangalan, palawakin mo po sa amin ang tunay na
pananampalataya at pangalagaan mo po kami ng lahat ng kabutihan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing
Kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K

Jeremias 14: (1-6) 7-10, 19-20


Awit 84:1-6
2 Timoteo 4:6-8, 16-18
Lukas 18:9-14

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, nasa Iyong mga kamay ang lahat ng kapatawaran
at pagpapala: Ikintal mo po sa aming puso ang ganap na pagbabago ng loob at
pagpapakumbaba upang kami na iyong mga anak ay malayo sa mga masasamang
gawain; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

(Proper 26) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 2


Taon A
Mikas 3:5-12
Awit 38:1, 15, 18, 21-22
1 Tesalonika 2:9-13, 17-20
Mateo 23:1-12

Panalangin:
O maawaing Diyos, na makapangyarihan sa lahat, ang iyong bayang
sumasampalataya ay nakapag-aalay ng tunay at kapuri-puring paglilingkod sa
† Page 66 †
pamamagitan lamang ng iyong mga kaloob: Itulot mo po na kami’y laging
magsikap at huwag manghina, upang aming makamit ang iyong mga makalangit
na pangako; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Deuteronomio 6:1-9
Awit 119:1-8
Hebreo 7:23-28
Markos 12:28-34

Panalangin:
Mapagpalang Diyos na pinanggagalingan ng lahat ng biyaya: Ipagkaloob
mo po sa amin na iyong mga lingkod, na sa pamamagitan ng iyong banal na
inspirasyon ay maisip namin ang mga bagay na mabubuti, at sa pamamagitan ng
Iyong pamamatnubay ay magamit namin ang mga ito sa magandang
kapamamaraanan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, at
magpakailanman. Amen.
Taon K
Isaias 1:10-20
Awit 32:1-8
2 Tesalonika 1:1-5(6-10) 11-12
Lukas 19:1-10

Panalangin:
Ama na puno ng lakas at awa, ikaw ang nagbibigay ng lakas at sigla upang
makapaglingkod sa Iyo ang mga anak Mo: Ipagkaloob mong mabuhay kami ayon
sa salita mo at ng sa gayon ay matupad sa amin ang iyong mga pangako; alang-
alang kay Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo, at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 27) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 9


Taon A
Amos 5:18-24
Awit 88:1, 2-9
1 Tesalonika 4:13-18
Mateo 25:1-13

† Page 67 †
Panalangin:
O Diyos, ang iyong pinagpalang Anak ay naparito sa daigdig upang wasakin
ang mga gawain ng demonyo at gawin kaming Iyong mga anak at mga
tagapagmana ng walang-hanggang buhay: Itulot mo po na samantalang taglay
namin ang pag-asang yaon, kami nawa ay patuloy na maging handa sa kanyang
muling pagbabalik upang kami’y makasalubong sa pagsasakatuparan ng
kaganapan ng Kanyang kaharian; kung saan siya ay nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon B
1 Hari 17:8-16
Awit 146:4-9
Hebreo 9:24-28
Markos 12:38-44

Panalangin:
Makapangyarihang at walang-hanggang Diyos, sa pamamagitan ni Kristo ay
ipinamalas Mo ang Iyong kaluwalhatian sa lahat ng mga bansa: Pangalagaan mo at
ingatan ng mga bunga ng Iyong kaawaan, ng sa gayon, ang Iyong Simbahan na
ngayo’y nasa lahat ng sulok ng Sanlibutan, ay maitaguyod ng may katapatan sa
paglilingkod sa Iyong banal na Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Taon K
Job 19:23-27a
Awit 17:1-8
2 Tesalonika 2:13-3:5
Lukas 20:27(28-33) 34-38

Panalangin:
Aming Ama na puno ng lakas at awa: Buong pag-ibig mong iligtas ang
iyong mga anak sa lahat ng kapahamakan at taglay ang kalinisan sa isip at
damdamin, kami sana’y makatupad lagi sa iyong kalooban; alang-alang sa Anak
Mong si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang-hanggan. Amen.

(Proper 28) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 16


Taon A
† Page 68 †
Sofonias 1:7, 12-18
Awit 85:7-10
1 Tesalonika 5:1-10
Mateo 25:14-15, 19-29

Panalangin:
O Pinagpalang Panginoon, na siyang nagnais na ang Banal na Aklat ay
maisulat para sa aming pag-aaral: Iyong itulot na ang Banal na Kasulatan ay
aming mapakinggan, mabasa, matandaan, mapag-aralan at maisapuso upang
aming mayakap at panaligan ang banal na pag-asa ng walang-hanggang buhay na
ibinibigay mo sa pamamagitan ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo; na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
Taon B
Daniel 12:1-4a (5-13)
Awit 16:5-11
Hebreo 10:31-39
Markos 13:14-23

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, walang makapag-wawalang bahala sa mga dakila
mong kagustuhan: Bigyan mo po kami ng sapat na pananampalataya upang
maging matatag kami sa gitna ng mga kaguluhan sa mundong ito. Matanim nawa
sa aming mga puso na ang kagustuhan mo rin ang mangyayari at ang Kaharian Mo
rin ang siyang maghahari, para sa walang-hanggang kaluwalhatian ng Iyong
Pangalan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon K
Malakias 3:13-4:2a, 5-6
Awit 98:5-10
2 Tesalonika 3:6-13
Lukas 21:5-19

Panalangin:
Makapangyarihan at Panginoon naming Diyos: Loobin Mo na ang aming
pamumuhay ay laging mai-alay sa Iyo upang ang aming kaligayahan ay maging
ganap sa paglilingkod at katapatan sa Iyo; alang-alang sa Anak Mong si

† Page 69 †
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at nagahaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

(Proper 29) Linggo na Pinakamalapit sa Nobyembre 23

KRISTONG HARI: Ang Huling Linggo ng Santisima Trinidad.

Ipinagdiriwang ang araw na ito sa ikararangal ni KRISTO, ang HARI ng


SANLIBUTAN

Taon A
Ezekiel 34:11-17
Awit 95:1-7
1 Korinto 15:20-28
Mateo 25:31-46

Panalangin:
O Walang hanggang Diyos na makapangyarihan sa lahat, nais mong
mapanumbalik ang lahat ng bagay sa iyong minamahal na Anak, ang Hari ng mga
Hari at Panginoon ng mga Panginoon: Buong awa mo pong itulot na ang mga tao
dito sa lupa, na nahahati at nga alipin ng kasalanan, nawa ay mapalaya at magkaisa
sa ilalim ng mapagbiyayang pamumuno ni Hesukristo; siya na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Taon B
Daniel 7:9-14
Awit 93
Pahayag 1:1-8
Juan 18:33-37 o Markos 11:1-11

Panalangin:
Makapangyarihang at walang hanggang Diyos: pangunahan Mo ang
kalooban ng iyong bayan tungo sa paghahari ng Iyong Anak upang sa ilalim ng
kanyang kapangyarihan, kami’y maitaguyod sa Iyong walang hanggang kaharian
upang masidhing hanapin ang bunga ng gawaing ito; alang-alang kay Heuskristo
na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

† Page 70 †
Taon K
Jeremias 23:1-6
Awit 46
Kolosas 1:11-20
Lukas 23:35-43 o Lukas 19:29-38

Panalangin:
O Diyos na makapangyarihan at walang-hanggan, niloob mong mabagong-
anyo ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Iyong mahal na Anak: Ang Hari at
Panginoon ng sangnilikha, iligtas mo po ang Iyong bayan sa pagka-alipin ng
kasamaan upang buong layang makapaglingkod sa iyo hanggang sa wakas ng
panahon; alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon at Hari, na nabubuhay
na kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.

PANALANGIN PARA SA MGA KAPISTAHAN


Ang Pagbabalik-loob (Conversion) ni San Pablo (Enero 25)

Makapangyarihang Diyos, sa pamamahayag ng iyong Apostol na si Pablo


ay itinulot mo na ang liwanag ng iyong mabuting balita ay nagliwanag sa
sanlibutan: Ipagkaloob mo na habang aming ipinadiriwang ang kanyang
kamanghamanghang pagbabalik-loob sa iyo, kami’y makapagpasalamat sa aming
pagsunod sa kanyang mga banal na katuruan; sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ang Pagbati ng Anghel sa Pinagpalang Birheng Maria


(Marso 25)

Aming idinadalangin sa iyo Panginoon, ipagkaloob mo ang iyong biyaya sa


aming mga puso: upang kami, na nananalig sa pagkakatawang tao ng iyong Anak
na si Hesukristo na inihayag sa pamamagitan ng mensahe ng isang Anghel; sa
pamamagitan ng kanyang krus at pagpapakasakit, kami man ay maging kabahagi
sa kaluwalhatian ng kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan pa rin ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ang kamahalmahalang Dugo ng Panginoong Hesukristo


(Hulyo 1)

† Page 71 †
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos na siyang nagtakda na ang
iyong bugtong na Anak ang maging Tagpagligtas ng sangnilikha at minarapat na
tanggapin ang kanyang dugo bilang kabayaran ng aming mga kasalanan: sa iyong
kahabagan ay ipagkaloob sa amin na nagdiriwang sa ikaluluwalhati ng Dugo na
iyon, na siyang halaga ng aming kaligtasan, upang kami’y maipagtanggol ng
kanyang kapangyarihan sa ngayon at magdiwang sa walang hanggang bunga na
kanyang kaloob hanggang sa buhay sa walang hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ang Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo


(Agosto 6)

O Diyos, na kung saan sa bundok na yaon ay iyong ipinahayag ang iyong


bugtong na Anak sa mga piling saksi sa pamamagitan ng kanyang pagbabagong-
anyo: sa iyong kahabagan ay ipagkaloob sa amin na iyong inililigtas sa kaguluhan
ng mundong ito ay maitulot mo rin na mamasdan ang Hari sa kanyang
kaluwalhatian; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

San Andres, Apostol (St. Andrew)

Makapangyarihang Diyos, na nagkaloob ng biyaya sa iyong lingkod na


apostol na si Andres upang handa niyang masunod ang panawagan ng iyong Anak
na si Hesukristo, at isama ang kanyang kapatid: Ipagkaloob mo po sa amin na
tinawag ng iyong banal na Salita, ang biyaya na makasunod sa Kanya ng walang
pagka-antala, at dalhin ang mga malalapit sa amin sa Kanyang mapagpalang
piling; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman.
San Andres, Apostol; November 30

Si San Andres ay kapatid ni San Pedro. Siya ang unang naging Apostol ni
Kristo sa talaan ng mga tinawag; at, makikita natin ang patunay ng kanyang buhay
sa mga ebanghelyo. Kinikilala na siya’y nangaral ng ebanghelyo sa ‘Asia Minor’
and ‘Greece’ at naging martir sa pamamagitan ng pabaliktad na krus sa ‘Patras’,
sakop ng lupain ng ‘Achaia’.

Santo Tomas, Apostol (St. Thomas)

† Page 72 †
Walang hanggang Diyos, na nagpalakas ng iyong apostol na si Tomas ng
may matatag at tiyak na pananampalataya sa iyong muling nabuhay na Anak:
Ipagkaloob mo po sa amin na matapat at walang pag-aalinlangan na
sumampalataya kay Hesukristo, ang aming Panginoon at Diyos upang ang aming
pananampalataya ay makitang hindi nagkukulang sa iyong pagtingin; sa
pamamagitan Niya na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Santo Tomas, Apostol; December 21

Makikilala si Santo Tomas sa pamamagitan na rin ng mga Ebanghelyo.


Tinatawag siyang kambal at ayon sa mga ebanghelyo: siya ay may pag-
aalinlangan sa muling pagbuhay ng Panginoon - na naging bahagi na rin ng mga
kawikaan (i.e Doubting Thomas).

San Esteban, Martir (St. Stephen)

Nagpapasalamat kami sa iyo, O Panginoon ng kaluwalhatian sa halimbawa


ng unang martir na si Esteban, na tumingin sa langit at nagdasal para sa mga
nagmalupit sa iyong Anak na si Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama
mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Esteban; December 26

Ang pagka-martir ni San Esteban, na kinikilalang unang diyakono at unang


martir para sa Panginoong Hesukristo, na ayon kay San Lukas ay “isang tao na
puno ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu” (Gawa 6,7) ay sa pamamagitan
ng pagbato. Ito’y sa kautusan ng Sanhedrin sa Herusalem; at, kasama sa sumang-
ayon sa kanyang kamatayan ay si Saul na naging si San Pablo.

San Juan, Apostol at Ebanghelista (St. John the Evangelist)

Padaloyin mo sa Iyong Simbahan, O Panginoon ang liwanag ng Iyong ilaw,


upang kami, na naliliwanagan ng mga katuruan ng Iyong apostol at ebanghelista
na si Juan ay makapaglakbay sa ilaw ng Iyong katotohanan at sa kaganapan ng
panahon at makamtan namin ang buhay na walang hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Juan, Apostol at Ebanghelista; December 27


† Page 73 †
Si San Juan “ang minamahal na alagad ni Hesus” ay binibigyan ng pagkilala
bilang “the Divine” o kaya’y “the Theologian”. Siya’y isang mangingisda sa
Galilea at nakababatang kapatid ni Santiago (St. James the greater); sa kanya
ipinagkatiwala ang Ina ng ating Panginoon noong Siya’y nakapako sa krus. Siya
ang may akda ng Ebanghelyo na nagtataglay ng kanyang pangalan, ang tatlong
mga epistola (1,2,3 Juan) at ang Pahayag. Siya lamang sa labindalawang apostoles
ang tiyak na hindi naging martir. Namatay siya sa Ephesus (c. 100) sa matandang
edad.

San Matias, Apostol (St. Matthias)

Makapangyarihang Diyos, na kung saan sa lugar ni Hudas ay pinili Mo ang


iyong lingkod na si Matias na makasama sa labindalawa: Ipagkaloob mo po sa
iyong simbahan na mailayo sa mga maling apostoles at patuloy na magabayan at
mapamahalaan ng mga tunay na pastol; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Matias, Apostol; February 24

Siya ang Apostol ng Panginoong Hesukristo na humalili kay Hudas


Escariote. Maliban sa mga nakatala sa Gawa ng mga Apostoles ay wala ng
matibay na batayang impormasyon na mapagkukunan hinggil sa kanya. Kinikilala
na siya ay naging martir sa ‘Colchis’.

San Jose, Kabiyak ng Pinagpalang Birheng Maria


(St. Joseph)

O Diyos, mula sa pamilya ng Iyong lingkod na si David ay lumaki si Jose


upang maging tagapag-alaga ng Iyong nagkatawang-tao na Anak at kabiyak ng
pinagpalang birheng ina: Ipagkaloob mo po sa amin ang biyaya na makasunod sa
katuwiran ng kanyang buhay at katapatan sa Iyong mga kautusan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Jose, Kabiyak ng Pinagpalang Birheng Maria; March 19

† Page 74 †
Siya ang kabiyak at tagapangalaga ng Birheng Maria at kinikilalang Ama ng
ating Panginoong Hesukristo. Siya ay kinikilalang ‘matuwid na tao’ (mula sa una
at ikalawang kabanata ng ebanghelyo ayon kay Mateo at Lukas); at hindi
pinagdududahan na siya’y batang bata. Siya’y kinikilala na patron ng mga
manggagawa.

San Markos, Apostol at Ebanghelista


(St. Mark)

Makapangyarihang Diyos, mula sa mga kamay ni Markos, ang ebanghelista,


ay ipinagkaloob mo sa Iyong Simbahan ang mabuting Balita ng Panginoong
Hesukristo, ang Anak ng Diyos: Kami’y nagpapasalamat sa kanyang pagsaksi at
nananalangin na kami nawa’y maging matatag sa kanyang katotohanan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Markos, Apostol at Ebanghelista; April 25

Siya marahil ang batang lalaki na nahubaran at tumakas noong dakpin si


Hesus (Markos 14: 51-52); kasama siya ni San Pablo sa kanyang unang misyon at
sa iba pang mga pagkakataon; at ayon sa lumang tradisyon ay naging malapit siya
kay San Pedro na naging dahilan upang matutunan niya ang buhay at mga
ipinangangaral ng Panginoon. Maaring namatay siya bilang Obispo ng Alexandria
at doon na rin siya naging martir noong c. 74.
San Felipe at Santiago
(Sts. Philip and James)

Makapangyarihang Diyos na nagkaloob sa Iyong mga Apostoles na sina


Felipe at Santiago ang biyaya at lakas na maging saksi sa katotohanan: Ipagkaloob
mo po sa amin na pinanghahawakan ang tagumpay ng kanilang pananampalataya
ay luwalhatiin sa aming buhay at kamatayan ang Pangalan ng aming Panginoong
Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Felipe, Apostol

Ang Apostol na si San Felipe ay madalas na nababanggit sa Ebanghelyo


ayon kay Juan. Ayon sa matandang tradisyon, siya ay nangaral ng mabuting balita
† Page 75 †
sa Phrygia pagkatapos ng Pentekostes at namatay sa Hierapolis. Hindi matiyak
kung siya ay namatay na martir.
Santiago, Apostol

Ang nakababatang si Santiago (James the Less) ay ang apostoles na unang


naging obispo ng Herusalem. Siya ay naging martir sa pamamagitan ng pagbato sa
kanya hanggang sa siya’y mamatay o kaya’y ayon sa sinasabi ng ilan, siya’y
itinapon mula sa taluktok ng Templo. Siya ang sumulat ng epistola sa bagong
Tipan na nagtataglay ng kanyang pangalan.

San Bernabe (St. Barnabas)

Ipagkaloob mo po Panginoong Diyos, na kami’y makasunod sa halimbawa


ng Iyong matapat na lingkod na si Bernabe, na kung saan ang mithiin ay hindi ng
kanyang sariling kapakanan kundi ng Iyong simbahan, ay ipinagkaloob ang
kanyang buhay at kayamanan para sa mga dukha at ipinahayag ang mabuting
Balita; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.
San Bernabe

Ayon sa Aklat ng mga Gawa 11: 24, “Siya ay mabuting tao, puspos ng banal
na Espiritu at ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng pagsunod niya kay San
Pablo, ay ibinibilang siya ng Simbahan bilang kasama ng labing dalawang
apostoles bagamat siya’y hindi kasama sa labingdalawang alagad. Siya’y
itinalagang kasama ni San Pablo sa kanyang mga paglalakbay upang mangaral.
Sinasabi na siya’y naging martir sa Cyprus.

Ang Pagsilang ni San Juan Bautista,

Makapangyarihang Diyos, sa Iyong kagustuhan ang Iyong kingkod na si


Juan Bautista ay kahangahangang isinilang, at inihayo upang ihanda ang daan ng
Iyong Anak na aming Tagapagligtas upang mangaral ng pagsisisi: Gawin mo po
kami na makasunod sa halimbawa ng kanyang pangangaral at banal na
pamumuhay, upang kami’y matapat na makapagsisi; at sa pagsunod sa kanyang
halimbawa, ay aming mithiin ang katotohanan at matatag na paglabanan ang mga
kasamaan alang-alang sa katuwiran; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

† Page 76 †
Ang Pagsilang ni San Juan Bautista, Hunio 24

Si Juan Bautista ang tagapanguna ng Mesias. Si Hesukristo mismo ang


nagsabi na siya ang pinakadakilang isinilang na propeta (Lukas 7: 28). Ang
kanyang kapistahan ay isa sa mga unang kapistahan na ipinagdiwang ng
sangkakristiyanuhan. Ang kanyang buhay ay inilalahad sa mga ebanghelyo lalong-
lalo na kay Lukas, na kung saan siya ay pinatay bilang pagtutol sa kasamaan ni
Herodes. Siya ay kinikilalang martir at ang pagpugot sa kanyang ulo ay inaala-ala
tuwing Agosto 29.

San Pedro at San Pablo, Hunio 29

Makapangyarihan Diyos, na kung saan ang pinagpalang Apostoles na sina


Pedro at Pablo ay niluwalhati kayo sa kanilang pagka-martir: Ipagkaloob mo po
sa Iyong Simbahan, na ginagabayan ng kanilang mga pagtuturo at halimbawa, at
nabibigkis ng kaisahan ng Iyong Espiritu ay maging matatag sa iisang
pundasyon, ang Panginoong Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Pedro

Si Simon Pedro ay kinikilalang pinuno ng mga Apostoles. Siya ay isang


mangingisda sa dagat ng Galilea at nanirahan kasama ng kanyang asawa sa
Betsaida. Kasama niya ang kanyang kapatid na si Andres nang tinawag silang
maging apostol. Ang pinakadakilang pangyayari sa kanyang buhay sa Palestina na
inilahad ng mga ebanghelyo ay ang ginawa niyang paghahayag ng katotohanan ng
pananampalataya sa Panginoon at ang pagkakasabi sa kanya, “ Ikaw ay Pedro, at
sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya” (Mateo 16: 15 – 19)
bilang pagkumpara sa tatlong ulit niyang pagkaila sa Panginoon sa tahanan ni
Caifas. Halos ang lahat ng kaalaman sa huling yugto ng kanyang buhay ay
makikita sa Mga Gawa at sa mga sinasabi niya sa kanyang Sulat at sa mga Sulat
ni Pablo. Maaring siya ay naging obispo sa Antioch ngunit sa Roma siya nagtayo
at nanatili ng kanyang pamamahala. Kinikilalang naging martir siya roon noong
AD 67 (?) at inilibing sa burol ng Batikano (Vatican).
San Pablo

Kinikilala siyang isang apostol ng mga Hentil. Siya’y mula sa Tarsus, sa


Cilicia at nabubuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga tolda. Mayroong siya
pinag-aralan at ito’y makikita na rin sa ayos at kapamamaraan ng kanyang mga
isinulat. Dati siyang si Saul, ang Pariseo na nagpahirap at tumuligsa sa mga
† Page 77 †
kristiyanong hudyo bago binago ang kanyang buhay ng Panginoon noong siya ay
sa daan papuntang Damascus. Ang kanyang misyon sa mga Hentil na
naisakatuparan sa pamamagitan ng tatlong bantog niyang paglalakbay mula sa
kanlurang Asia Minor at Greece. Kinikilala rin na siya ay naging martir, sa
pamamagitan ng pagpugot ng kanyang ulo, kasama ni San Pedro sa Roma.
Santa Mariang Birhen

Makapangyarihang Diyos, tinanggap mo sa Iyong sarili ang pinagpalang


Birheng Maria na maging ina ng Iyong nagkatawang taong Anak: Ipagkaloob mo
po sa amin na iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay makabahagi na
kasama niya sa kaluwalhatian ng Iyong walang hanggang kaharian. Sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Santa Mariang Birhen

Siya’y isang hudyo mula sa lipi ni David. Siya’y nakatakdang ikasal noon
kay Jose, na isang karpentero noong siya’y maglihi (Annunciation) sa
pamamagitan ng banal na Espiritu at nagsilang kay Hesus sa Bethlehem. Naroroon
siya noong ipinako ang kanyang Anak, at siya’y ipinagkatiwala kay San Juan; sa
araw ng Pentekostes ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanya kasama ng mga
apostoles at iba pang mga alagad doon sa itaas na kwarto (Upper Room) sa
Herusalem. Pinaninindigan ng simbahan ito na siya’y hinirang ng Diyos kung
kaya’t siya’y dapat lamang na bigyan din ng higit na pagpapahalaga.

San Bartolome

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na nagkaloob sa Iyong


Apostol na si Bartolome ng biyaya na tunay na manampalataya at ang mangaral sa
buong sanlibutan: Ipagkaloob sa Iyong Simbahan na ibigin ang kanyang
pinanampalatayaan at ipinangangaral; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Bartolome, Apostol, Agosto 24

Isa siya sa mga 12 Apostoles. Maliban dito ay walang maliwanag na naitala


hinggil sa kanyang buhay. Pinaniniwalaan na siya ay napabilang kay Nathaniel at
maaring naging martir sa Armenia bagama’t ito man ay wala ring matibay sa
batayan.
† Page 78 †
San Mateo

Nagpapasalamat kami sa Iyo, aming makalangit na Ama, sa pagsaksi ng


Iyong Apostol at ebenghelista na si Mateo sa mabuting balita ng Iyong Anak na
aming Tagapagligtas: kami’y nananalangin na sa pagsunod namin sa kanyang
halimbawa, kami ma’y maging handa ng buong puso at katatagan sa pagsunod sa
panawagan ng aming Panginoon; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Mateo, Apostol and Ebanghelista, Septiembre 21

Isinasaad ng ebanghelyo na siya ay isang maniningil ng buwis at siyang


sumulat sa ebanghelyo na nagtataglay ng kanyang pangalan. Pinaniniwalaan na
siya’y naging martir bagama’t ito’y walang matibay na batayan.

San Miguel Arkanghel at lahat ng mga Anghel

Walang hanggang Diyos, itinalaga mo at itinatag sa isang kahanga-hangang


kaayusan ng paglilingkod at nag anghel at mga mortal: Sa Iyong kahabagan ay
ipagkaloob mo na habang ang Iyong mga banal na anghel ay patuloy na
naglilingkod at sumasamba sa Iyo sa kalangitan, sila nawa’y italaga mo rin na
kami’y patuloy nilang ingatan at ipagtanggol dito sa sangkalupaan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

San Miguel Arkanghel, Setyembre 29

Si San Miguel arkanghel is kinikikilala bialng pinakapinuno sa lahat ng mga


arkangel. Siya’y natatanging tagapagkupkop laban sa mga gawa ng diyablo.
Kinilala rin siya sa (Eastern Church) bilang Tagapagtangkilik (Patron Saint) ng
mga may sakit.

San Lukas

† Page 79 †
Makapangyarihang Diyos na nagbigay ng inspirasyon sa iyong lingkod na
si Lukas na manggagamot na maging pangunahing bahagi sa mabuting Balita ang
pag-ibig at nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Iyong Anak: ipagkaloob mo
ng patuloy sa Iyong Simbahan ang pag-ibig na ito at ang kapangyarihang
magpagaling, sa kaluwalhatian at kapurihan ng Iyong Pangalan; sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.
San Lukas, Ebanghelista, Oktobre 18

Siya’y isang Griyego na taga-Antioch. Isang manggamot; naging kasama ni


San Pablo sa ilang bahagi ng kanyang ginawang mga misyon at sa kanyang
pagkakakulong sa Roma. Siya ang sumulat sa Gawa ng mga Apostoles at sa
Ebanghelyo na nagtataglay ng kanyang pangalan. Hindi maliwanag kung siya ay
naging martir o kaya’y pintor ng mga larawan. Hindi rin malaman kung kailan at
saan siya namatay.

Santiago ng Herusalem (St. James of Jerusalem)

Ipagkaloob mo O Diyos, na sa pagsunod namin sa halimbawa ng Iyong


lingkod na si Santiago, ang Matuwid, na kapatid ng aming Panginoon, ay
maipagkaloob ng Iyong Simbahan ang patuloy na pagdarasal at ang
ipagkakasundo ng lahat; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

San Simon at San Hudas (Sts. Simon and Jude)

O Diyos, nagpapasalamat kami sa maluwalhating kaisahan ng mga Iyong


Apostoles lalong lalo na sa araw na ito para kina Simon at Hudas: Kami’y
nananalangin na sa pamamagitan ng kanilang ipinakitang katapatan sa kanilang
misyon, kami ma’y maging matapat na ipahayag ang pag-ibig at kahabagan ng
aming Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Tagapagpatotoo (Martyr, 1)

Makapangyarihan Diyos, na nagkaloob ng Iyong lingkod na si ____ ng


katapangan na patotohanan ang aming Tagpagligtas na si Hesukristo sa harapan
ng mga namumuno sa mundong ito at naging matatag maging man sa harap ng
† Page 80 †
kamatayan alang alang sa pananampalayang ito: Ipagkaloob mo na kami’y patuloy
mang maging handa na magbigay sulit sa pananampalatayang taglay namin at
magpakasakit ng may kagalakan alang-alang sa aming Panginoong Hesukristo na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Para sa Tagapagpatotoo (Martyr, 2)

Makapangyarihang Diyos, na kung saan sa Iyong biyaya at kapangyarihan,


ang Iyong tagapagpatotoo na si ______ ay nagtagumpay mula sa paghihirap at
naging matapat maging man sa kamatayan: Ipagkaloob mo sa amin, na ngayon ay
nagala-ala sa kanya ng may pasasalamat, na maging matapat mong mga saksi sa
mundong ito upang kami’y makatanggap din na katulad niya ng korona ng buhay;
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Tagapagpatotoo ( Martyr, 3)

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na pinag-alab ang apoy ng


pag-ibig sa Iyong banal na martir na si _______: Ipagkaloob mo sa amin na Iyong
mga abang lingkod, ang gayon ding pananampalataya at kapangyarihan ng pag-
ibig, upang kami na nagagalak sa kanyang tagumpay ay makinabang din sa
kanyang halimbawa; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Para sa Misyonero ( Missionary, 1)

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, nagpapasalamat kami sa Iyo


para sa Iyong lingkod na si ___, na Iyong tinawag upang mangaral ng mabuting
balita para sa lahat ng tao. Patuloy ka nawang tumawag sa lahat ng dako at sa
lahat ng bansa ng mga mangangaral na magpapahayag ng Iyong kaharian upang
ang Iyong Simbahan ay maipahayag ang di-malirip na kabutihan ng aming
Panginoong Hesukristo; na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Misyonero ( Missionary, 2)

Makapangyarihan at mahabaging Diyos, na kung saan ang kaluwalhatian ay


nais na naihahayag sa pamamagitan ng Iyong mga banal at tumawag sa Iyong
† Page 81 †
lingkod na si ____ na maging ilaw ng sanlibutan: magliwanag ka sa aming mga
puso upang sa amin mang henerasyon ay aming maipakita ang kahanga-hangang
liwanag ng Iyong kaluwalhatian; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Pastol (1)

Makalangit na Ama, Pastol ng Iyong sambayanan, kami’y nagpapasalamat


sa Iyo para sa Iyong lingkod na si ___ na naging matapat sa pangangalaga at
pagpapalago ng Iyong kawan; aming idinadalangin sa Iyo na sa pagsunod namin
ng kanyang halimbawang banal na pamumuhay, kami ma’y lumago sa
pamamagitan ng Iyong biyaya tungo sa kaganapan ng kaisahan ng aming
Panginoong Hesuskristo, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Pastol (2)

O Diyos na aming makalangit na Ama, na tumawag sa Iyong matapat na


lingkod na si ___, na maging (Obispo at) Pastol ng Iyong Simbahan at nagpakain
ng kanyang kawan: Ipagkaloob mo sa lahat ng Iyong mga Pastol ang biyaya ng
Banal na Espiritu upang sila’y makapaglingkod sa Iyong sambahayan bilang mga
tunay na lingkod ni Hesukristo na aming Panginoon; na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Para sa Teologo at Guro (Theologian and Teacher, 1)

O Diyos, sa Iyong Banal na Espiritu ay ipinagkaloob mo sa iba ang biyaya


ng katalinuhan at sa iba ay ang biyaya ng kaalaman, at sa iba naman ay ang biyaya
ng pananampalataya: Pinupuri ka namin para sa mga kaloob mong biyaya na
naihayag sa Iyong lingkod na si ___; ipinapanalangin namin ang Iyong Simbahan
na nawa’y huwag itong maging salat sa ganitong mga pangangailangan; sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Teologo at Guro ( Theologian and Teacher, 2)

† Page 82 †
Makapangyarihang Diyos, ipinagkaloob mo sa Iyong lingkod na si _____
ang natatanging biyaya na maunawaan at maipangaral ang katotohanan na katulad
ni Hesukristo: Ipagkaloob mo na sa katuruang ito ay higit ka naming makilala na
nag-iisa at tunay na Diyos at si Hesukristo na Iyong isinugo; na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Para sa Monghe (Monastic, 1)

O Diyos, na kung saan ang pinagpalang Anak ay naging mahirap upang sa


kanyang kahirapan kami ay maging mayaman: Ilayo mo kami sa labis na pag-ibig
sa sanlibutang ito, upang sa inspirasyon na ipinakita ng pagpapakasakit ng Iyong
lingkod na si ___ kami man ay makapaglingkod sa Iyo ng buong puso at makamit
ang kayamanan sa buhay na darating; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Monghe (Monastic, 2)

O Diyos, sa Iyong biyaya ang Iyong lingkod na si ____ na nag-alab ang


apoy ng Iyong pag-ibig, ay naging maningning na liwanag ng Iyong Simbahan:
Ipagkaloob mo na kami ma’y mag-alab sa diwa ng Iyong pag-ibig at disiplina, at
tumahak na kasama Mo bilang mga anak ng liwanag; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen.

Para sa Banal (Saint, 1)


Makapangyarihang Diyos, kami’y pinaligiran mo ng dakilang hukbo ng
mga saksi: Ipagkaloob mo sa amin na nahikayat ng mabuting halimbawa ng Iyong
lingkod na si ____, ay maging masigasig sa paligsahan na iniharap sa amin,
upang sa aming pagwagi kami’y makasama Niya sa Iyong walang hanggang
kaligayahan; sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Para sa Banal (Saint, 2)

Makapangyarihang O Diyos, sa Iyong Banal na Espiritu ay itinulot mo na kami’y


maging kaisa sa kalipunan ng iyong mga banal sa kalangitan at sa sangkalupaan:
Ipagkaloob mo na sa aming paglalakbay sa sanlibutang ito, kami ma’y
† Page 83 †
mapangalagaan ng kaisahan na ito sa pag-ibig at panalangin at malaman sa aming
mga sarili na kami’y napapaligiran ng kanilang pagsaksi sa Iyong kapangyarihan
at kahabagan. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon na nabubuhay
at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

† Page 84 †

You might also like