You are on page 1of 47

Prepared & Developed by:

Roselin Kunayon Backian


Barlig Central School
Barlig District
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF MOUNTAIN PROVINCE

Published by the
Learning Resource Management and Development System
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Mountain Province

COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum Implementation Division
(CID) – Learning Resource Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes
and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a
supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.

ii
PREFACE
This book is a project development of the Curriculum Implementation Division particularly the Learning Resource
Management and Development Unit, Department of Education, Schools Division of Mountain Province which is in response
to the implementation of the K to 12 Curriculum.
This Learning Material is a property of the Department of Education – CID, Schools Division of Mountain Province. It
aims to improve pupils’ performance specifically in the Filipino subject.
Date of Development: January 2017
Resource Location: Schools Division of Mountain Province/ Barlig Central School
Learning Area: Filipino
Grade Level: III
Learner’s Resource Type: Learner’s Material
Copyright Year: 2018
Pamantayang Pangnilalaman:
➢ Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
➢ Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
Pamantayan sa Pagganap:
Kasanayang Pampagkatuto:
Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto:
➢ Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid F3WG-Ia-d-2
➢ Natutukoy ang mga salitang magkakatugma F3KP-Ib-f-8
➢ Naisasakilos ang tulang napakinggan F3PN-Ie-5
➢ Nababasa ang tula nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F3TA-0a-j-3
➢ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tula F3PN-IIc-3.1.1
➢ Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari F3WG-IIIa-b-6
➢ Nakapagla larawan ng mga tao, hayop, bagay at lugar sa pamayanan F3WG-IIIcd-4
➢ Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas F3PP-IIIb-d-2.3
➢ Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan F3WG-IIIe-f-5
➢ Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa , ukol sa, tungkol sa) F3WG-IIIi-j-7
➢ Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan F3WG-IVe-f-5
➢ Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin F3PS-IVg-2.7
Pamamahagi ng Oras: 50 minuto

iii
ACKNOWLEDGEMENT

The author would like to express her deepest gratitude and appreciation to those who contributed for the realization of this learning
material.

CATHERINE C. COFIN, Elementary School Head Teacher III of Barlig Central School for the encouragement and guidance;

PATRICIA C. BOCALAN and ALEX COTARAN for sharing the pictures of the different scenic spots in Barlig Proper;

TEACHERS OF BARLIG CENTRAL SCHOOL AND FAMILY for their support and suggestions;

BARLIG PROPER COUNCIL OF ELDERS for their certification and contextualization validation;

MOST OF ALL TO THE ALMIGHTY FATHER for the God-given talent in composing the poems.

DIVISION LRMDS STAFF

ANDRES M. CUYASAN NIKKI T. MACABEO


Project Development Officer II Librarian II

DIVISION EVALUATOR JOCELYN P. SAMIDAN


Education Program Supervisor-LRMDS

CONSULTANTS KHAD M. LAYAG


CHIEF, Curriculum Implementation Division

IRENE S. ANGWAY
Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
School: Barlig Central School Grade Level: III
GRADES 1 to 12 Teacher: Roselin K. Backian Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON LOG Teaching Dates and Time: Week 1/ Day 2 Quarter: 1st QUARTER
(ARAW)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at
code ng bawat kasanayan) bagay sa paligid
F3WG-Ia-d-2

II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro TG pp.172-175

2. Mga pahina sa Gabay ng Pang-mag-aaral LM pp. 94-95


3. Mga pahina Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Pangturo Flash cards, larawan ng sariling pamayanan, kopya ng tulang ginawa ng
guro: Ang Aking Bayan (pamagat)
IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Pumili ng 5 mag-aaral na magpapakilala sa kanilang katabi. Batay sa
ng bagong aralin kanilang pagpapakilala, ilista sa pisara ang mga pangngalang ginamit ng mga
bata.
B. Paghahabi ng layunin ng aralin Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang nakalista sa pisara.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ipaliwanag na ang mga salitang kanilang binasa ay mga pangngalan. Ang
aralin pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, at hayop.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Magpakita ng iba pang pangngalan gamit ang mga flash cards. Ipabasa ang
ng bagong kasanayan # 1 mga ito sa mga bata at tulungan silang uriin kung alin ang ngalan ng tao,
bagay, lugar, at hayop.

v
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pabigayin ang mga bata ng sarili nilang halimbawa ng mga pangngalan gamit ang
paglalahad ng bagong kasanayan # 2 mga nasa loob ng silid-aralan. Uriin kung ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay,
lugar, o hayop.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Basahin ang tulang pinamagatang “Ang Aking Bayan”. Ipabasa ang tula sa mga
Formative Assessment) mag-aaral nang pangkatan. Tukuyin ang mga pangngalang ginamit sa tula at
ipatukoy kung alin ang para sa tao, bagay, lugar, o hayop.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Pabigayin ang mga bata ng sariling pangungusap gamit ang mga pangngalan.
na buhay
H. Paglalahat ng aralin Itanong: Ano ang pangngalan?
I. Pagtataya ng aralin Salungguhitan ang pangngalan sa bawat bilang.
1. Masaya ang mga batang naglalaro ngayon.
2. Nasa bukid ang mga magsasaka.
3. Tumatahol ang aso sa harap ng bahay.
4. Makukulay ang kanyang mga lapis.
5. Mabigat ang dala-dala niyang bag.
J. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin Gumawa ng tatlong pangungusap gamit ang mga pangngalan. Salungnguhitan ang
at remediation pangngalang ginamit sa bawat pangungusap.
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

vi
Talaan ng Nilalaman
Pamagat Pahina
Ang Aking Bayan…………………………………………………….. 2
Sa Paaralan………………………………………………………….. 6
Buhay Magsasaka…………………………………………………… 10
Ang Bundok ng Amuyao……………………………….…………… 14
Siblaw Taraw……………………………………………….………… 18
Mainit na Tubig sa Mornang……………………………...………… 22
Mga Manok…………………………………………………………… 26
Pamamasyal sa Lawa ng Tufub…………………………………… 30
Talon ng Munkingub………………………………………………… 34
Ang Aming mga Gawain……………………………………………. 38

vii
Photo by Roselin K. Backian
Layunin: Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, lugar, bagay at hayop sa paligid.

ANG AKING BAYAN


Ako’y lumaki sa bayan ng Barlig,
Luntian ang paligid, malinis ang tubig;
Kabundukan ang mga nakapaligid,
Kabukiran ang nasa kanyang gilid.

Ang mga tao’y masisipag,


Mga batas, hindi nilalabag;
Kapag may nangangailangan,
Lahat kami’y nag-aambagan.

2
3
Mga bata, sa paaralan pumupunta,
Para matutong bumasa at kumanta;
Mga magsasaka, sa bukid nagtatrabaho,
Ang iba nama’y sa ospital at munisipyo.

Maraming mga hayop sa gubat,


Sa ilog ay may mga isda tulad ng igat;
Sa komunidad may manok, baboy, pato at aso,
Inaalagaan ng mga taga rito.

4
Photo by Roselin K. Backian

5
Layunin: Natutukoy ang mga salitang magkakatugma.

SA PAARALAN
Sa paaralan nagtuturo,
Mababait na mga guro;
Mga bata’y ginagabayan,
Para sila’y may kahihinatnan.

Mga aklat, bigay ng pamahalaan,


Para gamitin ng mga kabataan;
Mamahalin at babasahin,
Aalagaan at hindi pupunitin.

6
7 Photo by Roselin K. Backian
Sa paaralan, may mga tuntunin,
Mga kasunduang dapat sundin;
Gawin ang mga takdang-aralin,
Ang mga paligid, dapat linisin.

Ipinapaalala sa mga bata,


Magagalang na pananalita;
Mga magulang, dapat sundin,
Mahalagang sa Diyos manalangin.

8
9
Layunin: Naisasakilos ang tulang napakinggan.

BUHAY MAGSASAKA
Paggising sa umaga,
Pinakakain ang mga alaga;
Kumakain din nang maaga,
Sa bukid agad ang punta.

Mga palayan, inihahanda,


Bago tamnan ng mga punla;
Mga batong pilapil nililinis,
Lahat ng damo’y inaalis.

10
Photo by Roselin K. Backian

11
Nagtatanim ng mga palay.
Pati mga prutas at gulay;
‘Pag panahon ng anihan,
Halos lahat nagtutulungan.

Kayat ang buong pamayanan,


Masisinag sa mukha ang kagalakan;
May mga pagkaing sagana,
Lahat nakatitikim ng pagkaing sariwa.

12
Photo by Errol Angelo C. Naulgan

13
Layunin: Nababasa ang tula nang may tamang bilis, diin, tono, antala
at ekspresyon

ANG BUNDOK NG AMUYAO


Pinakamataas na kabundukan,
Ipinagmamalaki ng aming bayan;
Amuyao ang kanyang pangalan,
Sa Macalana, Barlig matatagpuan.

Dinarayo ng maraming turista,


Pinoy man o mga banyaga;
Pagod at pawis ang nararanasan,
Maakyat lamang ang kabundukan.

14
Photo by Alex Cotaran

15
Sa daan ay nakagiginhawa,
Mga halamang minsan nakikita;
Pagsikat at paglubog ng araw,
Sa tuktok niya ay matatanaw.

Malamig ang simoy ng hangin,


Nagpapagaan ng damdamin;
Mga ulap ay nahahawakan,
Para kang nasa kalawakan.

16
Photo by Alex Cotaran

17
Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
tula.

SIBLAW TARAW
Ang gandang pagmasdan,
Malinis at luntiang kalikasan;
Tinatawag nilang Siblaw Taraw,
Sa Latang, Barlig matatanaw.

Ayon sa mga nakapunta,


Kumunoy ang bandang gitna;
Kaya sa gilid ka lang muna,
Doon ka lalakad sana.

18
Photo by Alex Cotaran

19
Dito raw naligo, mga pitong diwata,
May binatang nagkagusto sa isa;
Itinago ang isang pakpak niya,
Siya’y kanyang napangasawa.

Dalawang anak, nagkaroon sila,


Ang pamilya nila’y masaya sana;
Hanggang sa makita ang pakpak niya,
Siya’y lumipad, iniwan ang mag-aama.

20
Photo by Alex Cotaran

21
Layunin: Nakapaglalarawan ng lugar sa pamayanan.

MAINIT NA TUBIG SA MORNANG


Dalawang oras na lakaran,
Kalahating oras kung sakayan;
Mararating mo ang Mornang,
Sa Lingoy-Chatol matatagpuan.

Dito pumupunta, bata’t matatanda,


Minsan, pati na rin mga turista;
Kung mainit na tubig ang nais nila,
Magtampisaw sa paliguang parihaba.

22
Photo by Alex Cotaran

23
Masarap na pagkain, maaaring baunin,
Habang naliligo’y puwedeng kumain;
Huwag lang sanang kalilimutan,
Ang mga basura’y bawal iwanan.

Mga berdeng halaman ang nakapaligid,


Mahahabang tubo, dinaraanan ng tubig;
Tandaang maging maingat sa paglakad,
Sakali mang matapilok ay kapit agad.

24
Photo by Roselin K. Backian

25
Layunin: Nakapaglalarawan ng hayop sa pamayanan.

MGA MANOK
Nauuna sa pagbati tuwing umaga,
Mga manok na aking alaga;
Pagdilat ng aking mga mata,
Bukang-liwayway na pala.

Mga inahin ay matiyaga,


Mga sisiw ay isinasama;
Dinadala sa mga hardin,
Naghahanap ng pagkain.

26
Photo by Roselin K. Backian

27
Tumutuka sa tuyong lupa,
Minsan pati sa mga basa;
Mga berdeng dahon isinasali,
Kahit pa mga tanim na sili.

Iba-iba ang mga kulay nila,


Itim, puti, kayumanggi at pula;
Pati sa laki sila ay magkakaiba,
May maliliit, malalaki at matataba

28
Photo by Roselin K. Backian

29
Layunin: Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay
ng mga personal na karanasan.

PAMAMASYAL SA LAWA NG TUFUB


Masaya kapag nagsasama-sama,
Ang mga miyembro ng pamilya;
Hindi ko kailanman malilimutan,
Nang minsan kami ay namasyal.

Lawa ng Tufub, aming pinuntahan,


Sa sitio ng Chatol ito madadatnan;
Para marating, kailangang akyatin,
Pataas na daan, mga bata’y akayin

30
31
Aming ninamnam, hanging sariwa,
Namingwit ng mga tilapya sa lawa;
Naghahabulan ang mga bata,
Pinapanood ng mga nakatatanda.

Aming nilapitan, alaga nilang usa,


Pinapakain ng mga naroroong bunga;
Pagdating ng hapon, kailangang lumisan;
Makabalik lamang sa pinanggalingan.

32
Photo by Alex Cotaran

33
Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon
sa, para sa, ukol sa).

TALON NG MUNKINGUB
Sa Talon ng Munkingub nagmula,
Sariwang tubig na tinatamasa;
Tinubo sa kanyang binabagsakan,
Para sa mga mamamayan.

Ayon sa mga nakapunta,


Ang ganda ng talon talaga;
Masarap pang magtampisaw,
Sagad man sa buto ang ginaw.

34
Photo by Alex Cotaran

35
Ukol sa nakabibighaning talon,
Na buhay ng daan daang taon;
Napapaligiran ng mga kahoy,
Sa gitna, tubig ay dumadaloy.

Ang ganda nitong kalikasan,


Kailangan nating alagaan;
Laban sa mga naninira,
Para hindi mapariwara.

36
37
Layunin: Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol
sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.

ANG AMING MGA GAWAIN


Iba-iba ang aming mga ginagawa,
Kahit pa mahirap, minsan tumatawa;
Sa tahanan, paaralan, at pamayanan;
Para gumaan at ito’y makayanan.

Sa aming mga tahanan,


Maraming ginagampanan;
nagluluto, naglalaba, at nililinisan,
ang loob, labas at kapaligiran.
38
Photo by Roselin K. Backian

39
Pagdating naman sa paaralan,
Mga bata’y dapat may matutunan;
Tumulong, makiisa at gumalang,
Magpakita ng magandang asal.

Kapag may gawain sa pamayanan,


Lahat tayo’y makipag-ugnayan;
Makisulong sa mga programa,
Siguradong uunlad nang sama-sama.

40

You might also like