You are on page 1of 5

CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION INC

PANIQUI, TARLAC

3rd Periodical Exam


sa Araling Panlipunan 9

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _________________


Year & Section: _________________________

I. PAGPIPILI: Bilugan ang titik na kumakatawan sa tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa sektor na may demand ngunit walang kakayahang lumikha ng produkto?
a. Bahay-kalakal b. Commodity
c. Kapital d. Sambahayan

2.Kapag ito ay tumaas, tataas din ang kita ng sambahayan at bahay-kalakal.


a. Commodity b. Kapital
c. Kita d. Renta o Upa

3. Ano ang sektor na may tanging kakayahang lumikha ng produkto.batay sa ikalawang modelo
ng pambansang ekonomiya?
a. Bahay-kalakal b. Commodity
c. Kapital d. Sambahayan

4. Bakit mahalaga sa iyo ang pag-iimpok?


a. Ito ay paraan upang magkaroon ng puhunan para sa negosyo sa hinaharap
b. Ito ay nagbibigay ng maraming pera upang mabili ang ibang luho
c. Ito ay nagagamit sa paglalakbay sa ibang lugar
d. Wala sa mga nabanggit

5. Ano ang kailangan upang tumaas ang kita ng sambahayan at bahay-kalakal batay sa
ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya?
a. Paglago ng kapital at oportunidad sa trabaho
b. Paglago ng utang ng sambahayan
c. Pagpapalaki ng utang ng Bahay-kalakal
d. Wala sa mga nabanggit

6. Lahat ay kabilang sa konsepto ng simpleng ekonomiya, maliban sa isa


a. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring consumer.
b. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon
c. Ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto
d. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at
bahay-kalakal

7. Ano ang tawag sa kita ng pamahalaan mula sa buwis?


a. Public Revenue b. Capital Build-Up
c. Savings d. Commodity

8. Mahalaga ang pagkolekta ng buwis ng pamahalaan dahil ito ang naging batayan sa
pagpapatupad ng mga
a. Pampublikong paglilingkod
b. Badyet ng mga bonus sa mga naglilingkod sa pamahalaan
c. Pansariling gastos ng mga nasa pamahalaan
d. Wala sa mga nabanggit
9. Lahat ay konsepto ng ikatlong modelo ng pambasang ekonomiya maliban sa isa
a. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa
panghinaharap
b. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita sa pamimili
c. Ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto
d. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at
bahay-kalakal

10. Ano ang sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon?
a. Gross National Income
c. Economic Performance
b. Gross National Product
d. Net Factor Income

11. Ano ang batayan upang sukatin ang kabuuang pampamilihang halaga ng produkto at
serbisyo na ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng bansa?
a. Gross National Income
c. Economic Performance
b. Gross National Product
d. Net Factor Income

12. Naniniwala kaba na ang "Hindi Pampamilihang Gawain" ay masusukat sa pambansang


kita?
a. Oo, dahil kahit walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman ay nakabubuo
ng kapaki-pakinabang na resulta.
b. Oo, dahil ang malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan
c. Hindi, dahil ang halaga ay kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita.
d. Hindi, dahil maraming anomalya ang nangyayari sa mga gawain na yan.

13. Lahat ay kabilang sa impormal na sektor na ang kita at produksiyon ay hindi naiuulat sa
pamahalaan maliban sa isa
a. black market
c. illegal na pasugalan
b. pamilihan ng illegal na droga
d. bigas na binibinta sa palengke

14. Bakit mahalaga na tumaas ang pambansang kita?


a. bumubuti ang katayuan ng buhay ng mga tao
b. dumarami ang mga nagnenegosyong dayuhan sa bansa
c. lumalaki ang populasyon ng bansa
d. wala sa mga nabanggit.

15. Ano ang tawag sa paraan ng pagsukat ng Gross National Income na kinabibilangan sa
sahod ng mga manggagawa, net operating surplus, depresasyon, at di- tuwirang buwis?
a. Expenditure Approach b. Value Added Approach
c. Income Approach d. Wala sa nabanggit

16. Ano ang tawag sa pataas na paggalaw ng presyo batay sa The Economics Glossary?
a. Deplasyon b. Implasyon
c. Basket of Goods d. Commodity

17. Kung ikaw ay may sariling negosyo, masama ba na magkaroon ng monopolyo sa isang
produkto?
a. Oo, dahil kontrolado ng negosyante o kompanya ang presyo at dami ng produkto.
b. Oo, dahil nawawala ang tinatawag na "free market competition".
c. Parehong tama ang A at B
d. Wala sa mga nabanggit
18. Lahat ay kabilang sa Income Approach na sinusukat ang pambansang kita maliban sa isa
a. Sahod ng mga manggagawa b. Net operating surplus
c. Gastusin ng Pamahalaan d. Depresasyon

19. Bakit mahalaga na mapaghambing ang pambansang kita sa loob ng ilang taon?
a. Dahil, nakikita ang halaga ng produksiyon na umiikot sa ating ekonomiya.
b. Dahil, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya.
c. Dahil, magiging gabay ito ng mga nagpaplano sa ekonomiya.
d. lahat ng nabanggit.

20. Ano ang tawag sa pagbaba sa halaga ng presyo sa pamilihan?


a. Deplasyon b. Implasyon
c. Basket of Goods d. Commodity

21. Ano ang halimbawa na nagkakaroon ng cost push inflation?


a. Mababang sahod ng mga manggagawa na nakakaapekto sa kabuang presyo ng produkto.
b. Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa na nakakaapekto sa kabuang presyo ng produkto.
c. Mataas na presyo ng produkto ngunit mababang sahod ng mga manggagawa.
d. Wala sa nabanggit.

22. Sa iyong pananaw, nakakabuti ba ang pagkakaroon ng labis na salapi sa sirkulasyon ng


ating ekonomiya?
a. Oo, dahil kung maraming pera, maraming mabibili na produkto.
b. Oo, dahil dadami ang magagamit nating pera sa pakikipagpalitan sa ibang bansa.
c. Hindi, dahil kung sobra ang salapi, patuloy na bibili ng maraming produkto ang mamimili na
magtutulak sa pagtaas ng presyo.
d. Wala sa nabanggit.

23. Lahat ay bunga ng implasyon maliban sa isa


a. Pagtaas ang demand dahilan na mahatak ang presyo pataas
b. Mataas ang presyo ng import na materyales para sa isang produkto, tataas din ang presyo.
c. Nalulustay ang pera ng gobyemo ng mga tiwaling opisyal na namamahala sa kaban ng
bayan.
d. Kulang ang dolyar na pumapasok sa bansa at bumababa ang halaga ng piso na dahilan sa
pagtaas ng presyo.

24. Lahat ay batayan sa paglago ng pambansang ekonomiya maliban sa isa


a. Pagtaas ng produksiyon
b. Ang produktibidad ng pamumuhunan
c. Ang supporta ng pamahalaan sa paglago ng ekonomiya
d. Pagkakaroon ng utang

25. Ano ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon sa simpleng ekonomiya?
a. Commodity b. Kapital
c. Kita d. Renta o Upa

Mahalagang gawain ang pag-iimpok kung ang perang inimpok ay inilalagak sa


mga pamilihang pinansiyal sapagkat _________________
a. ang perang inimpok sa pamilihang pinansiyal ay mas lalago
b. ang pera ay iikot sa ating ekonomiya
c. mas magiging sigurado ka na hindi mawawala ang iyong pera
d. Lahat ng nabanggit

26. Lahat ay kabilang sa pamilihang pinansiyal maliban sa isa


a. Bangko b. Kooperatiba
c. Insurance Company d. Factory
27. Ano ang ibig sabihin kung ang una hanggang ikaapat na modelo ng pambansang
ekonomiya ay kabilang sa siradong ekonomiya?
a. Ang ekonomiya ng bansa ay nalulugi
b. Ang siradong ekonomiya ay nakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya
c. Ang siradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya
d. Ang siradong ekonomiya ay nangangahulugang malakas ang ekonomiya natin

28. Ito ay modelo ng pambansang ekonomiya na ang konsepto ay nakatuon sa import at export
na sistema ng pagdaloy ng produkto.
a. Unang Modelo b. ikalawang Modelo
c. Ikaapat na Modelo d. Ikalimang Modelo

29. Bilang isang mamamayan, mahalaga ba na mayroong maayos na sistema ng


pangongolekta ng buwis sa ating bansa?
a. Oo, dahil gagamitin ang buwis sa pagbili ng magagarang sasakyan ng mga politiko
b. Oo, dahil makakatulong ito sa pagpapalaki ng pork barrel ng ating mga
namumuno
c. Oo, dahil ang buwis ang gagamitin para maisakatuparan ang mga pampublikong paglilingkod
d. Wala sa nabanggit

30. Ano ang mabuting epekto sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa?
a. Nakakadagdag ito ng kita sa ating ekonomiya
b. Lumalago ang ating pakikipagpalitan ng mga produkto sa ibang bansa
c. Mas nakikilala ang mga produktong gawa sa Pilipinas sa ibang bansa
d. Lahat ng nabanggit

31. Ano ang kahalagahan sa pag-aangkat ng mga produkto sa ibang bansa sa ating
ekonomiya?
a. Natutulungan ang ating bansa na matugunan ang kakulangan ng supply ng mga produkto
b. Tumitibay ang ating relasyon sa ibang bansa dahil sa pag-angkat ng mga produkto
c. Nakakuha tayo ng mga dekalidad na produkto na wala sa ating bansa
d. Lahat ng nabanggit

32. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan batay sa ikaapat na modelo
ng pambansang ekonomiya?
a. Nagbibigay ng trabaho sa mga tao
b. Nagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa
c. Nangongolekta ng buwis sa ating bansa
d. Wala sa nabanggit

33. Ang pagtaas ng kita ng sambahayan at bahay-kalakal ay dahil sa ___________


a. paglago ng kapital at oportunidad
b. pangongolekta ng buwis
c. pag-aangkat ng produkto.
d. pagluluwas ng mga produkto

34. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita sa pamimili dahil ____________
a. mag-aangkat pa ng produkto sa ibang bansa
b. magluluwas pa ng produkto sa ibang bansa
c. isinasaalang-alang nito ang desisyon para sa hinaharap
d. wala sa nabanggit

35. Bakit mahalaga na maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa ikalawang modelo ng
pambansang ekonomiya?
a. Upang mas matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan
b. Upang mas marami ang produkto na makokonsumo sa mga bahay-kalakal
c. Upang tumaas ang kita ng bahay-kalakal
d. Lahat ng nabanggit
36. Ayon sa ikaapat na modelo, ang paglago ng pambansang ekonomiya ay batay sa ________
a. pagtaas ng produksiyon
c. supporta ng pamahalaan
b. produktibidad ng pamumuhunan
d. lahat ng nabanggit

You might also like