AKO, ANNALIZA B. ANACION, nasa hustong gulang, may-asawa, Filipino, at
naninirahan at may pahatirang sulat sa Brgy. Silang, Lopez, Quezon, matapos manumpa ng ayon at susug sa batas, ay Malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod.
Na. si Romeo T. Barreno ang tunay at lubos na may-ari ng bahagi ng isang
parselang lupa na natatayo sa Brgy. Cabuguang, Guinayangan, Quezon sa bisa ng isang Kasulatan ng Extra Judicial Partition na ginawa at nilagdaan sa harap ni Notaryo Publiko Francisco J. Avila ng Lalawigan ng Quezon at nakatala bilang Doc. No. 482; Page No. 097; Book LXXXVI; at Series of 2007 at ang lupang ito ay higit na makikilala gaya ng mga sumusunod:
“Isang parselang lupa na natatayo sa Brgy. Cabuguang,
Guinayangan, Quezon. May laking isang Daan Limampu’t Walong Libo at Walong Daan at Limampu’t Anim (158,856), metro kuadrados, humigit kumulang, at nasasaklaw ng Original de Titulo No. 7581 ng Registro de Titulos ng Lalawigan ng Quezon
Na, sa bisa ng isang Malayang Salaysay na ginawa at nilagdaan ko sa harap ni
Notario Publiko, Ma. Aurora Escasa-Ramos ng Lalawigan ng Quezon at nakatala bilang Doc. No. 442; Page No. 89; Book No. LVI; at Series of 2022, ay binigyan ko ng pahintulot si CRISTITA LEONISA V. GARCIA, na magputol ng Isang Libo at Limang Daan (1,500) puno ng Mahogany, humigit-kumulang, sa lupang nabanggit, subalit sa kadahilanang napaso na ang kanilang permit mula sa DENR Calauag at hindi pa nasisimulan ang nasabing pagpuputol ay tinatanggalan ko na ng bisa ang nasabing Malayang Salaysay;
Na, bilang may-ari ng nasabing lupa ay binibigyan ko ng pahintulot si NELITA
IRENE C. PEǸAMORA, na magputol ng Isang Libo at Limang Daan (1,500) puno ng Mahogany, humigit-kumulang, sa lupang nabanggit, at alinsunod dito ay maghayin ng aplikasyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calauag, Quezon at iba pang dokumento na kinakailangan dito;
Na, ginawa ko ang salaysay na ito bilang pagpapatunay sa lahat ng dito ay
nasasaad.
SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumalagda ng aking pangalan
ngayong ika-15 ng Pebrero, 2023 dito sa bayan ng Lopez, Quezon.
ANNALIZA B. ANACION
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me on the date and place above-stated.
Affiant exhibiting to me her Identification Card issued by LMBP with ID No. 045622-71-BS.