You are on page 1of 4

Department of Education

Region VII Central Visayas


Division of Cebu Province
District of Dumanjug 1
TAPON ELEMENTARY SCHOOL

Fourth Periodical Test in EPP V

Name:______________________________ Grade and Section:____________________ Score: ________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng wastong sagot.
Panuto: Punan ang mga patlang ng salita o grupo ng mga salita na nasa kahon upang
maging tama ang mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

chat magalang dokumento All Caps

Digital Record mapanuri

mag-offline emoticons discussion forum

FB Messenger makipag-away pakikipagkomunikasyon


11. Iwasan ang labis na paggamit ng________________________ .
12. Ugaliing maging ______________________sa pagsagot sa chat.
13. Magpaalam ng maayos sa kausap bago__________________________ .
14. Iwasan ang paggamit ng____________________ sa pagsulat ng mensahe.
15. Anuman ang inyong nai-post online ay bahagi na ng_____________________ .
16. Iwasang mag-post ng_____________________ kung hindi ikaw ang nagmamay-ari.
17. Siguraduhing kilala ang ka-chat o kausap at maging_____________________ sa grupong iyong
sinasalihan.
18. Ang pagsali sa mga discussion forum at chat ay nagpapaunlad ng ating kakayahan
sa_____________________________ .
19. Ang ______________________ay klase ng isang board kung saan maaaring mag-post o
mag- iwan ng anumang mensahe o tanong.
20. Ang ___________________________ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang
mga tao gamit ang computer at konektado sa internet.
Panuto: Basahing mabuti ang serbisyo o produkto sa hanay A. Itugma ito sa naaayong tao o mamimili sa hanay B
Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_____21. gasolina at mga piyesa A. Mag-aaral
_____22. chalk at ibang pang gamit sa loob silid aralan B. Drayber ng jeep
_____23. karayom, sinulid at ibang pang gamit sa pagtatahi C. Guro
_____24. hair blower, hair brush at hair colors D. Beautician
_____25. murang lapis, papel at bag E. Mananahi

Panuto: Isulat ang titik “T” kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at “M” naman kapag ito ay
mali.

_______26. Si Jenna bilang isang entrepreneur ay nag aalok ng mga produktong mapapakinabangan nang matagal sa
kanyang mga mamimili.
_______27. Tinutugunan ni Juan ang mga pangangailangan ng kanyang mga mamimili ng mga produktong
maaasahan at de-kalidad.
_______28. Ang mga pangangailangan ay maaaring pampisikal, intelektuwal, sosyal, o emosyonal.
_______29. Tanging mga babae lamang ang maaaring magsimula ng negosyong pagtitinda.
_______30. Ang produkto o serbisyong magaan sa bulsa ay isa sa mga dapat isaalang-alang bago magbukas ng isang
negosyo.
Panuto: Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat sundin tungkol sa ligtas at responsableng paraan
ng pagsali sa discussion forum at chat. Piliin ang titik ng wastong sagot at bilugan ito.

31. Sa pagsali sa isang chat, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin?
A. Mag reply ng kahit anong gustong sabihin.
B. Maging malinaw sa mga pahayag upang maunawaan nang lubos ang kausap.
C. Gumamit ng malalaking titik o all CAPS sa pag-type ng mga mensahe sa pakikipag-chat.
D. Mag-offline kung kinakailangan kahit nasa kasagsagan ng chat dahil hindi ka naman mapapansin gawa ng
marami kayo.

32. Sa tuwing mag-post ng paksa sa dicussion forum, siguraduhin na______.


A. offline ka.
B. laging mauna sa pag po-post kaysa sa iba.
C. maging malabo sa mga punto sa pag-uusap.
D. gumamit lamang ng linggwaheng maiintindihan ng lahat.

33. Kung sasagot naman sa isang paksa, ano ang dapat tandaan?
A. Sumabay sa uso ngayon.
B. Sagutin ng taliwas ang post na hindi kaaya-aya
C. Huwag sasagot ng walang kinalaman sa pinag-uusapan.
D. Laging mag pasimula ng panibagong usapin kahit may nag-popost pa.

34. Kung sasali sa discussion forum, ano ang dapat sundin sa paggamit ng internet?

A. Etiquette B. Netiquette C. Etinequitte D. wala sa nabanggit

35. Alin sa mga sumusunod ang dapat ugaliin o sundin upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng iyong
kausap sa chat o discussion forum?
A. Sumagot ng mabilis at huwag pag-hintayin ang kausap.
B. Huwag maging magalang at mahinahon sa pakikipag-chat.
C. Hayaan ang kausap na mag-post ng mag-post hanggang sa magsawa.
D. Huwag mag reply sa mga hindi kanais-nais na mga sagot ng kausap at mag-offline kaagad.

36. Biglang may gustong makikipag-chat sa iyo na hindi mo kilala. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sumagot ng mabilis at huwag pag-hintayin ang kausap.
B. Huwag maging magalang at mahinahon sa pakikipag-chat.
C. Hayaan ang kausap na magpost ng magpost hanggang sa magsawa.
D. Huwag mag reply dahil baka may masamang intensiyon ang hindi kilalang taong gustong makikipag-chat.

37. Gustong makita ng iyong ka-chat na isang mabuting kaibigan ang iyong mukha sa pamamagitan ng
webcam. Ano ang dapat gawin?
A. Huwag ipakita ang mukha sa webcam.
B. Ipakita lang ang buhok o pisngi sa webcam.
C. Huwag mag reply dahil baka may masamang intensiyon ang iyong mabuting kaibigan.
D. Hayaan ang kausap na makita ang iyong mukha sa webcam dahil siya ay kilala mo at iyong mabuting
kaibigan.
38. Ang pinag-uusapan niyo sa group chat ay wala ng kinalaman sa paksa. Ano ang dapat gawin?
A. Mag-offline kaagad.
B. Mag send ng maraming angry emojis.
C. Pagalitan ang nag-chat ng mga mensahe na hindi importante.
D. Sa magalang at mahinahon na paraan, sabihan ang lahat na wala na sa paksa ang pinag-uusapan at pag-
usapang muli ang wastong paksa.

39. Ang pakikipag-usap sa impormal na paraan, ng dalawa o higit pang tao sa pamamagitan ng internet at
website / app ay tinatawag na ___________.
A. text B. chat C. video D. call
40. Ito ay nakatutulong sa mga taong naghahanap ng kasagutan, opinyon, o solusyon mula sa mga
makababasa nito sa pamamagitan ng internet.
A. open forum C. discussion forum
B. close forum D. wala sa nabanggit

You might also like