You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

School of Our Lady of La Salette, Inc.

Rehiyon III

526 Mountain View Subdivision,

Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan

Ang Maganda at Hindi Magandang Dulot ng Pagkakaroon ng Kasintahan ng

mga Mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng School of Our Lady of La Salette, Inc.

Isang pananaliksik na ipinakita sa School of Our Lady of La Salette, Inc. sa

bahagyang katuparan ng mga kinakailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik

Chi, Anthony Miguel

Marcial, Raphael Francis

Coronel, Arian M.

Pascual, Mark Allen

Arellano, Krystal

2020

1
TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

ABSTRAK

KABANATA 1

PANIMULA…………………………………………………………………….

PAGLALAHAD NG PROBLEMA…………………………………………….

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL…………………………………………

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL……………………………..

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL…………………………………………

BALANGKAS………………………………………………………………….

HYPOTHESIS…………………………………………………………………...

DEPINISYON NG TERMINO…………………………………………………

KABANATA 3

METODOLOHIYA…………………………………………………………….

KABANATA 4

KABANATA 5

2
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

I. PANIMULA

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa ating kapwa na kung sa

an ipinapadamang isang indibidwal ang kanyang saloobin na gusto nitong

ipahayag. Sa pamamagitan nito,

maipapalabas natin ang ating emosyon, may mapagsabihan tayo ng ating mga 

problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpapahayag ng sariling

opinion sa bawat isa. Alam natin na ang lahat ng tao ay nangangailangan ng

matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Nakadepende na ito sa

isang indibidwal kung paano niya pahalagahan ang nasabing sitwasyon.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy ang ibat-ibang

pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang ng School of Our Lady of

La Salette, Inc. sa pakikipagrelasyon at ang magiging epekto nito sa

akademikong perpormans. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral

upang mas lalo nilang maintindihan kung ito ba’y

mayroong maidudulot na kabutihan sa kanilang pag aaral. Ito rin ay

naglalayong malaman ang mga epekto ng pakikipagrelasyon sa pag-

aaral ng mga magaaral. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas na

rarapat lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang saloobin

patungkol sa usaping ito. Sa pananaliksik na ito malalaman,

maunawaan, masagutan, at matugunan ang katanungan

3
ukol sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan at epekto nito sa akademikong

perpormans.

II. PAGLALAHAD NG PROBLEMA

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayon na bigyang kasagutan ang 

mga problema na nararanasan ng mga mag-aaral

gaya ng pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral pa ng sekondarya sa

School of Our Lady of La Salette, Inc.. Ito rin ay naglalayong mapunan ang

mga sumusunod:

a) Nakakataas o nakakababa ba ng grado ang pagkakaroon ng kasintahan

ang isang tao?

b) Ang pagkakaroon ba ng kasintahan ay isang gambala sa pag-aaral?

c) Ito ba ay pwedeng mag-silbing inspirasyon sa pag-aaral?

d) Posible bang dahil sa pag-ibig masira ang edukasyon ng isang tao?

e) Ang pagkakaroon ba ng kasintahan ay pwedeng mag resulta ng

depresyon sa isang tao?

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makapagbahagi ng

impormasyon sa aming kapwa mag-aaral, kanilang mga magulang at mga

guro. Nakapaloob dito ang mga epekto ng pagkakaroon ng kasintahan sa

mababang edad, para ipaalam sa mga mag-aaral, mga magulang at mga guro

kung may mabuti nga bang dulot ang pagkakaroon ng kasintahan.

Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral na nasa paaralang

sekundarya para mapabuti nila ang kanilang pag-aaral habang sila ay nasa

relasyon. Makatutulong ito hindi lamang sa mga mag-aaral na

4
nakikipagrelasyon pati na rin sa mga mag-aaral na nagbabalak pumasok sa

isang relasyon.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-10

baitang ng School of Our Lady of La Salette, Inc. upang maunawaan nang

mabuti at malaman kung nakakaapekto nga ba talaga sa kanilang pag-aaral

ang pakikipagrelasyon sa kapwa nito mag-aaral, dahil sa ganitong baitang mas

lumalaganap ang pagkakaroon ng nararamdaman o bugso ng damdamin sa

kamag-aral at upang mas malaman natin kung gaano ba kalaki ang naidudulot

ng pakikipagrelasyon sa kapwa nito mag-aaral, maaring ito ay makasasama o

makabubuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mas lalo pa nating

mauunawaan ang kanilang mga kilos, kung paano nila magagampanan ang

ganitong uri ng sitwasyon sa kanilang buhay at kung kaya ba nilang mabalanse

ang pag-aaral at ang pagkakaroon ng isang seryosong relasyon.

Ito rin ay nakapokus lamang sa dalawang seksyon ng ika-10 baitang ng

paaralan, lahat ng mag-aaral mula sa dalawang seksyon na ito ay dadaanan sa

isang masusing pag-aaral upang makasagap ng mga impormasyon na

makatutulong sa pananaliksik.

5
KABANATA 2

I. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL 

Ayon kay Chad LesterM. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyo

n ng isang mag-aaral ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung

ang kabataan ay masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang

mag-aral nang mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral.

Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa

kanilang karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong

makukuhang epekto lalung-lalo na sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng

karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung minsan, ikaw

ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng

husto ang iyong pag aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral,

tiyak na ikaw ay sisipag rin sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang

isang karelasyon ay nakakasama sa pag-

aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon ay determinasyon sa isang mag-

aaral na galingan sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon

sa paraan na maibigay natinang ating sariling motibo na maipabuti ang pag-

aaral.

Ayon kay Sternberg(2002), mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa 

pagitan ng sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng

adolescence at kapag ginagamit

sasekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyo

n ay isangemotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam 

sa isa’tisa at ang pagkakaroon ng parehong interes at mga paborito. Kung kaya

6
, ang dalawang indibidwal ay maaaring magkaroon ng isang intimate

relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa kabilang banda rin

naman ay maaari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walang

intimate relationship.

Ayon sa blog repost ni Gonzales (2013) na ayon kay

Ramon Carlos (2008)sa kanyangblog entry, naaapektuhan lamang ng pagiging

in a  relationship ng isang tao ang mga mahahalagang bagay na lubos niyang

kailangan sa pang-araw-araw bilang isang indibidwal. Tinukoy niya ang mga

negatibong epektong pagkakaroon ng lovelife sa buhay ng isang estudyante.

Maaapektuhan nangmalaki ang kanyang pag-aaral. Dahil dito, mahahati ang

ating oras at maguguluhan ang ating isipan kung alin sadalawa ang uunahin.

II. BALANGKAS

III. HYPOTHESIS

IV. DEPINISYON NG MGA TERMINO

Upang mas maging madali ang pagkaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga

mananaliksik na bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na mga salita

batay sa kung paaano ginagamit ang bawat isa sa pamanahong pananaliksik.

 RELASYON - "ito ay ang pagkakaroon ng kasintahan o ang

pagkakaroon ng koneksyon sa pamilya at kaibigan na malayo sa iyo".

Ayon sa diksyonaryo ito ay ang kauganyan, pakikipaghugnayan o

kinalaman.

 KASINTAHAN - "ito ay ang pagmamahalan ng lalaki at ng babae."

Ayon sa diksyonaryo ito ay ang liyag at kasuyo.

7
 INTIMATE RELATIONSHIP - "ito ay ang malalim na pagmamahalan

ng mag-kasintahan sa isa't-isa". Ayon sa diksyonaryo ito ay pakikipag

barkada at uganayang matalik.

 EMOTIONAL ATTACHMENT - "ito ay ang ayaw nang pakawalan ang

isang tao kapag mahal mo parang tinali mo na ang sarili mo sa kanya".

Ayon sa diksyonaryo ito ay lack of freedom.

 ADOLESCENCE - "ito ay ang unti-unting pagbabago sa iyong katawan

o mas kilala sa tawag na pagbibinata at pagdadalaga". Ayon sa

diksyonaryo ito at ay kabataan o pagiging teenager.

 SEXUALITY - "parang nahihikayat o napupusok silang gawin ang

pagtatalik". Ayon sa diksyonaryo ito ay pagkasarian.

 INTIMACY - "ito ay ang taong pinaka-palagay ang loob o komportable

ka kapag siya ang kasama mo". Ayon sa diksyonaryo ito ay lapit,

pagpapalagayang-loob at nais mangyari.

8
KABANATA 3

METODOLOHIYA

I. ANG METODO AT TEKNIK NG PAG-AARAL

II. POPULASYON AT SAMPLE NG PAG-AARAL

III. KAGAMITAN NG PANANALIKSIK

IV. PROSIDYUR NG PAGKOKOLEKTA NG DATOS

V. PROSESO NG DATOS

9
KABATANA 4

I. INTERPRETASYON NG DATOS

10
KABANATA 5

I. KONKLUSYON

II. REFERENSIYA

III. CURRICULUM VITAE

11

You might also like