You are on page 1of 91

1

2
Bilang isang tao na mahilig magbasa, manood, at magsulat ng mga kuwentong ka-
tatakutan at paranormal, isang paulit-ulit na palaisipan para sa akin ang pabagu-
bagong anyo at takbo ng mga ganitong kuwento base sa kung ano ang uso sa pana-
hon ng kanilang pag-akda at paglimbag, spesipiko sa lagay-panlipunan at -pulitikal
ng komunidad na pinagmumulan ng may-akda. Nagmimistulang survey ng bagabag
at pagkabigo na nararamdaman ng isang lipunan ang mga kuwentong katatakutan
at paranormal na lumalabas mula dito. Ang may-akda ay nagsisilbing daluyan ng di-
naramdam ng lipunan, tinatakda ang lahat sa papel upang mabasa at ma-analisa
nito - upang lubos na maintindihan - ang bagabag at pagkabigong nararamdaman.

Kaya palaisipan para sa akin ngayon ang kalalabasan ng prosesong ito sa panahon
kung kailan ang nilalaman ng pang-araw-araw na balita - ang pag-normalise sa
mainstream media ng galawang-breezy ng mga pasista - ay mas kagimbal-gimbal pa
kaysa sa mga aswang at tikbalang ng ating kolektibong nostalgikong panagimpan.
Paano ito ipoproseso ng mga may-akda ng mga kuwentong katatakutan at paranor-
mal ng kasalukuyang panahon? Ang ELLA ARCANGEL ni Julius Villanueva ang isa sa
mga unang matinong sagot sa tanong na ito.

Ang ELLA ARCANGEL ay isa sa mga pinakamulat na komix na nailabas sa Pilipinas,


ang isa sa pinakamalinaw na salamin sa lipunan kasabay sa pagiging isa sa pina-
ka-epektibong kuwentong katatakutan at paranormal nitong huling sampung taon
ng paglilimbag sa bansa. Maraming ginawang kritikal at malikhaing desisyon si
Villanueva para marating ang rurok na’to ng pag-akda, primera sa mga ito ay ang
pagtakda sa kuwento at sa bida sa squatter’s area. Galawang-henyo ang desisyon
na’to. Sa squatter’s area makikita ang pagpapatuloy ng umpugan ng dikotomiya
nina Urbana at Feliza - siyudad at probinsiya, neoliberal at piyudal, gentripikasyon
at ruralisasyon. Ito ang perpektong lugar kung saan ikukuwento ang pakikipagsa-
palaran ni Ella Arcangel, kung saan ang mga sigbin ay mga gusgusing asong kalye,
kung saan ang mga duwende ay nakatira sa mga kabuteng tumutubo sa paanan ng
mga barung-barong.

Nasa kahusayan rin ng pag-akda ni Villanueva ang simpatiya ng kuwento para sa mga
tambay sa kanto, sa mga ulilang lubos, sa mga nagtutulak ng droga. Hindi sila mga
biktima lamang ng asuwang o taumbayang nag-uudyok na sunugin sa krus ang man-
gkukulam, kundi aktuwal na mga tauhan na may buhay sa harap at likod ng pahina,
may mga pangarap at pagdurusa. Hindi sila sinisisi sa lagay nila sa buhay, hindi rin
sila masasamang tao - ginagawa lamang nila ang lubos ng kanilang makakaya upang
hindi sila mamatay bukas; kasalanan ng lipunan (o ng mga tao na nag-iimpluwensi-
ya ng lipunan) ang sitwasyon na’to, isang sitwasyon na hindi pa sigurado kung kaya
nilang mabago, ngunit nakapagtanim na ng mga punla para puwedeng mangyari
ito (sa sarili nila at sa kuwento). Nagsisilbi ring paalala ang ELLA ARCANGEL sa mga
mambabasa na (madalas ay nasa uring edukado at may-kaya na) hindi lang kuwen-
tong katatakutan at paranormal ng mga tisoy at tisay - ng mga Ingglisero - ang dapat
kinukuwento. Nagsisilbi ring paalala ang ELLA ARCANGEL na hindi lahat ng problema
o komprontasyon sa komix ay nadadaan sa dahas o pakikipagsuntukan sa kalaban.

At dito naka-ugat ang huling aral na makukuha mula sa librong ito, na ang tunay na
panganib ay hindi nagmumula sa mga tiyanak o sa mga kaluluwang ligaw o sa pag-
aalma ng Hilagyo ng Lupa; ang tunay na panganib ay nagmumula sa nihilismo, sa
pagiging makasarili, at sa kawalan ng interes sa lagay ng kapamilya, kapit-bahay, ng
mga kasabay sa dyip sa umaga. Mas madilim pa sa gabi ang loob ng mga bahay natin
ngayon; magbaon ng sariling sinag ng araw.

- Adam David, a fan


6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
Si Julius Villanueva ay lagpas sampung taon nang gumagawa ng komiks. Una siyang nakilala
sa kaniyang comic strip sa Manila Bulletin na pinamagatang Life in Progress. Gumagawa rin siya
ng independent komiks na tumatalakay sa iba’t ibang bagay mula sa mga dinosaurs (Cold Tooth,
First, Tender Things) hanggang sa mga normal na tao (t). Madalas siyang makikita na gumagala sa
Quezon City o sa mga comics convention.

Orihinal na gawa ni Julius Karagdagang gawa ko

Laking tuwa ko nang pumayag si Julius na maging bahagi ako ng Ella


Arcangel sapagkat tagahanga ako ng kuwentong ito. Makikita sa larawan
sa taas na shading lamang at tones ang aking idinagdag sa art niya upang
mapanatili ang istilo at karakter ng kanyang mga linya. Tingin ko, ganito
dapat makipag-collaborate sa kapwa artist — Nagtutulungan imbes na
nagsasapawan.

- Mervin Malonzo

ELLA ARCANGEL
Tomo Una: Ito ay Panganib

Karapatang-ari © 2017 ni Julius Villanueva


Unang lathala Hulyo 2017

Kuwento at guhit ni Julius Villanueva

Pagpapakinis at pagdidisenyo ni Mervin Malonzo

Pamamatnugot at pambuburaot ni Adam David

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng aklat na ito


ang maaaring sipiin sa anumang anyo at paraan, maliban kung may na-
kasulat na pahitulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari o kailangang
sipiin sa pagsusuri at pananaliksik pang-akademya.

Inilathala ng:

haliyapublishing.com

Please support us. Get more books from mervstore.com


Get 10% discount on all items by using this code when you checkout: LOLACRISANTA
91

You might also like