You are on page 1of 2

Ang kurikulum sa batayang edukasyon

Teoryang kurikulum ng mga bata para sa sentro.


Ang teoryang aking nakalap ay nakabase sa pagkatuto ng bata na iniiiwasan ang tradisyuanal na
gawi sa pagtuturo. Ang kakayahan ng isang bata ang hinuhubog sa teoryang ito sa pamamgitang
ng pagpapagana sa mga pandama ng isang bata. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag sa
kakayahan ng kabataan na matuto sa pamamagitan ng pagkilos at pagpaparanas sa mga bata ng
mga konsepto na kailangan nilang makalap. Ito ay nagsasaad sa bawat estratehiya na ginagamit
ng bawat guro upang mas ganahan at mapagana ang bawat kaisipan ng bawat mag aaral.
Isinasama ang bawat magaaral sa pagdedesisyon sa kung ano ang dapat ituro at kung ano ang
dapat isalang-alang sa pagtuturo.
1. Ang pangunahing layunin ng edukasyon ay ang pagpapaunlad ng bata
Ang pangunahing layunin ng edukasyon ay ang paghubog sa bata. Kung kaya’t ay
nararapat lamang na dapat sa kanila nakasentro ang mga mag aaral. Ang tradisyunal na
edukasyon ay nagmula sa labas ng edukasyon at pilit na ipinataw sa Sistema ng edulasyon. Hindi
natin maaring ituro o iaral sa mga bata ang mga Sistema na hindi talagang nararapat sa sitema ng
edukasyon.
2. Ang kakayahan ng kurikulum ay karanasan
ang teoryang ito ay nakasentro sa karansan ng bata. Upang mas maintindihan ng mga
bata ang mga konsepto kailangan nila itong maranasan o kaya ay magkaroon ng paliwanag na
maaraing magpatibay sa paksa ata maiugnay nila ito sa sarili nilang karanasan. Maaring
ihalintulad ito sa proseso ng scaffolding,kung saan tinutulungan ang isang bata upang matuto
base sa karanasan nila at unti-unte tatanggalin ang gabay o supporta sa bawat baitang ng
kanialang pagkatuto.
3. Social Activity Center
Nakasentro ang teoryang ito sa karanasna ng isang bata sa lipunan. Maaring may
ginagampanang tunkulin anag isang bata o tao sa lipunan kung saan nakikita niya ang mga
konsepto na maari niyang gamitin sa pangaraw-araw. Gaya ng pagbili ng isanag bata sa tindahan
o palengke sipnayan(math) o economics. Gaya ng pagsali ng isang bata sa choir (MAPEH). Gaya
ng pagluluto ata pagtinda ng isang produkto(T.L.E.) at iba pa.
4. Gabay sa kurikulum na natanto mula sa "disiplina" hanggang sa "aktibong" anyo ng
pagbabagong pangkasaysayan
Ang teoryang ito ay nakapagpabago sa kasaysayan ng Sistema ng pagaaral sa buong
mundo. Nakasentro ito sa disiplina ng isang magaaral upang mas matutunan ang isang konsepto.
Maaring makita ito sa pamamagitan ng palagiang pagkilos nag isang bata sa isang konsepto o
paksa na humuhubog sa kakayahan nilang umunawa at isabuhay ang mga konseptong ito.
Kinakailanagang aktibo ang bawat istilo sa pagaaral ng isang bata upang mas gumana ang bawat
pandama nito at mas mapadali ang kakayahang pagunawa sa mga konseptong ito.
Maiiugnay ko ito sa pagaaral o pagtuturo sa wikang Filipino na ang bawat kabataan ay
natutklasan ang bawat konsepto sa pamamagitan ng pagtuklas at aktibong pakikilahok sa
nasabing diskuro o talakayan. Maaraing magpasok ang isang guro ng isang sitwasyon na
makakatulong sa mga bata upang mas maintindihan ang isang konsepto. Gayunidn ang
gramatiko sa wikang filipino talagang kay hirap nitong iugnay sa karanasan ng isdang bata
mgunit sa pamamgitang ng paglalapat nito sa isang sitwasyon na maaring ikabilang sa pagkatuto
ng bata ay mas maiintindihan niya ito at mas mapapalawak ang kanyang kaalaman patungkol sa
mga konseptong ito. Bawat magaaral din ay mas natatandaan ang aktibidad na ginagawa nila kay
sa konseptog pinagaaralan. Kung kayat mas Mabuti na bigyang pansin ang pagkatuto ng bata sa
kung pano sila matuto at hindi sa kung ano ang kailangan nilang matutunan. Dapat nating
isaalang-alag mga kakayahan ng bata sa pagbuo ng mga pagaaralan upang mas maintindahan
nila ito at mas bigyang pansin.

Glennson Copada
III-SVF

You might also like