You are on page 1of 4

MODYUL 2: KAHIRAPAN

Sa pagsisimula ng aralin, malalaman ang konsepto ng kahirapan at kung paano


ito nabubuo. Sagutan ang mga gawaing inihanda sa pagpapatibay ng pagkatuto. Kung
may mga katanungan, malayang ito isangguni sa guro sa oras ng konsultasyon.

PAUNANG GAWAIN:
Panuto: Suriin ang larawan at magbigay ng maikling opinyon ukol sa naging diwa ng
larawan.

PAGTALAKAY SA PAKSA: (Ito’y nakahiwalay na file na makikita sa G classroom na


may titulong M1 SOSLIT. Ang file mismo ay naglalaman ng magiging pagtalakay.
Buksan at basahin lamang ang pahina 14-21.)
PAGTIYAK SA KAALAMAN:
Gawain Blg. 1. Magsaliksik ng 5 akdang pampanitikan na tumatalakay sa kahirapan.
Maaaring ito ay tula, sanaysay, maikling kwento at nobela. Ipaliwanag ng 3-5
pangungusap ang maikling nilalaman ng bawat napiling akdang pampanitikan.

Gawain Blg. 2 Basahin ang maikling akdang ito at sagutin ang mga katanungan ng 3-5
pangungusap.
Iskwater Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang
Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga bahay ay kakaunti pa
lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang taon ay parang mga
kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta maliliit na bahay kundi
mga naglalakihan na parang mansion. Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan
na idemolis ang mga bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa
pakikipaglaban ng mga nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban
sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan. Pero sabi ko sa
sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba
ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala
rin kaming maayos na malilipatan. Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay
may nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba naman ay
patuloy paring naghihintay.
Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugar kung saan ang mga mahihirap
lamang ang naninirahan. Pero bakit ganun, nakikipagsiksikan ang mga mayayaman pa
sa kaibigan ko na nakatira sa Don Enrique Subdivision, Quezon City. Ang ilang sa mga
kapitbahay naming ay napakalakas magsipagtugtog ng kanilang mga component na
animo’y nagpapasikat sa mga tulad naming mahihirap.
Minsan, nasilip ko ang loob ng isa sa mga kapitbahay naming dahil nakabukas
ang kanilang geyt at pinto. Nakita ko ang isang putting kotse na hindi ko alam kung
ano’ng tatak pero ang alam ko lang napakamahal ng ganoong klase ng sasakyan. At
ang gamit nila sa loob ay napakarami. Ang telebisyon nila ay higit pa sa apat na beses
ang laki ng Tv naming 14 inches. Ang karaoke ay dalawang beses ang laki sa
karaokeng naming Hanabishi. At higit na malakas ang dahil nakahiwalay pati ang
dalawang naglalakihan nitong speaker.
At kapag Pasko naman o Bagong Taon ay makikita mo lalo ang kanilang
pagiging galante. Sila pa rin ang pinakamalakas magpatugtog ng mga pamaskong
awitin. At ang kanilang mga handa ay isang buong litsong baboy o baka at iba pang
pagkain ng mga mayayaman.
Tuwing ang isa namang miyembro ng kanilang pamilya ang may kaarawan,
makikita mo na ang kanilang mga handa ay para sa isang pista ng nayon at ang mga
bisita ay halos lahat de-kotse.
Minsan nakita ko ang kapitbahay naming mayamang kolehiyala na tipo ang
itsura, kapag hindi mo kilala, ay di mo aakalain na nakatira sya sa isang squatters’ area.
Matangkad, maganda, maputi, seksi, kaakit-akit lalo na ang pananamit. Sa aking
obserbasyon, iba-iba ang kanyang boypren tuwing makikita ko siya sa labas. Hindi sya
nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng
malaki nilang bahay. Bakit dito pa sila nagpatayo ng bahay?
Mga Katanungan:
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto?
3. Magbigay ng halimbawa.
4. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
5. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano
naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
6. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
7. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng
iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater?
Ipaliwanag.
8. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag

Gawain Blg. 3: Sa mga nailahad na solusyon sa kahirapan batay sa binasang


sanaysay, pumili lamang ng isa na bibgyang pagtalakay at pagpapaliwanag, Ang bidyo
ay maaaring nasa tatlong minuto lamang.
1) a right-based and social development approach enables a broad understanding of
poverty;
2) agrarian reforms and national industrialization are necessary for poverty eradication;
3) macroeconomic policies need to be more balanced, reducing excessive reliance on
market forces;
4) comprehensive, universal, and transformative social policy isa needed, including the
establishment of a social protection floor;
5) reforms are possible with improved governance and greater peoples participation to
build constituency for change.

PAGPAPALALIM SA KAALAMAN: Sumulat ng maikling tula hinggil sa kahirapan. Ang


tula ay nasa apat na saknong at may apat na linya. Nasa inyog desisyon kung lalagyan
ng sukat gayundin ng tugma.

You might also like