You are on page 1of 16

4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan –
SIM 4

Mga Gawaing Nagsusulong


ng Likas Kayang Pag-
unlad (Sustainable
Development) ng mga
Likas Yaman ng Bansa.

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Misamis Occidental
Araling Panlipunan – Baitang 4
Ikalawang Markahan – SIM 4: Mga Gawaing Nagsusulong ng Likas Kayang Pag-
unlad (Sustainable Development) ng mga Likas Yaman ng Bansa
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Myra P. Mebato, PhD,
CESE

Development Team of the Module

Developer/s: Roslyn S. Tubigon


Reviewers/Editors: Elizabeth R. Tagupa, Glenda A. Roasol,
Domingo Y. Lomoljo,
Michael C. Aquiatan, Hermecia I. Sarigumba
Illustrator and Layout Artist: Roslyn S. Tubigon

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD


CID Chief

Members Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMDS


Eleazar L. Tamparong, EPS – Araling Panlipunan
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Edwin V. Palma, PSDS
Ray G. Salcedo, P-1, DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address:Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
4
Mga Gawaing Nagsusulong ng
Likas Kayang Pag-unlad
(Sustainable Development) ng
mga Likas Yaman ng Bansa.

Aral Pan Ikalawang Markahan SIM 4

NILALAMAN:

Gabayan Mo Ako…. 1 - 3
Gagawin Ko
Gawain 1 … 4 ROSLYN S. TUBIGON
Teacher II
Gawain 2 … 5-6
Tudela Central School
Gawain 3 … 7
Subukan ko … 8
Ipakita ko … 9
Dagdag Kaalaman… 10-11
Wastuhin ko … 12
Gabayan Mo Ako

Ang SIM na ito ay dinesenyo at isinulat para sa inyo


upang matuto. Ito ay makatutulong para lalong lumawak ang
iyong kaalaman sa pangangalaga sa likas na yaman ng
bansa.

Pagkatapos ng SIM na ito, inaasahan na:

1. Masasabi ang kahulugan at kahalagahan ng likas


kayang pag-unlad (sustainable development)
AP4LKE-II-6

Noong 1972, natukoy ng United Nations Conference on


Human Environment (UNCHE) ang posibleng ugnayan ng
kalikasan at kaunlaran. Mula rito, naglitawan na ang mga
panawagan ng magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran
sa harap ng lumalalang krisis na pangkalikasan.

Noong 1987, binuo ng United Nations ang Nagkakaisang


mga Bansa ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at
Kaunlaran (World Commision on Environment and
Development, WCED) upang pag-aralan at bigyan ng
kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at
kaunlaran.

1
Ayon sa WCED, ang likas kayang pag-unlad ay ang
pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang
may pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na
henerasyon na makamit din ang kanilang pangangailangan.

Bilang pakikiisa sa mithiin ng WCED, binuo ng


pamahalaan ng Pilipinas ang Philippine Strategy for
Sustainable Development (PSSD) na nagsasagawa ng iba’t
ibang estratihiya upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao. Kabilang dito ang pagsama ng mga
usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon, pagsama ng
mga isyong pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa
pagpaplano ng pag-unlad, pagbabawas ng paglaki ng mga
rural na lugar, pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan,
pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong
lugar, pagpapaganda o pag-aayos ng mga nasirang
ecosystem, pagpigil sa polusyon, at pagpapalakas ng suporta
at partisipasyon ng taong bayan.

Tatlong bagay ang dapat pagtuunan ng pansin upang


magkaroon ng sustainable development.

1. Dapat tiyaking hindi masisira ang kalikasan.


Ihiwalay o pagsasalansan ng mga basura.
Halimbawa:
a. Nagtatapon sa tamang basurahan
b. Tumutulong sa paglilinis sa bakuran

2
2. Dapat ding bigyang konsidirasyon ang mga taong
gumagamit ng mga likas na yaman. Kung kaya,
dapat bigyang pansin at siguraduhin ang likas
kayang paggamit nito.
Halimbawa:
a. Pagsara ng gripo kapag hindi ginagamit
b. Patayin ang ilaw kapag hindi ginagamit
3. Gumamit lamang ng mga kailangang yaman. Ang
kalikasang wala nang yaman ay magdudulot ng
paghihirap.

Halimbawa:
Nagtatanim ng puno o halaman sa bakuran.

3
Gagawin Ko

Gawain 1

Panuto: Piliin ang titik na nagpapakita ng tamang gawain.


Isulat ito sa sagutang notbuk.

GAWAIN
Isinasara ang gripo ng
A tubig kapag hindi
ginagamit
Nagtatapon sa tamang
B
basurahan
Nagtatanim ng puno o
C
halaman sa bakuran
Tumutulong sa paglilinis
D
sa bakuran
Hinahayaang nakabukas
E ang ilaw kahit hindi
ginagamit

4
Gawain 2

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong sa


ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
notbuk.

1. Ang tumukoy ng posibleng ugnayan ng kalikasan at


kaunlaran ay
a. UNCHE
b. WCED
c. PSSD
d. DepED

2. Noong 1987 binuo ng United Nations ang WCED


upang
a. sirain ang kalikasan
b. wasakin ang likas na yaman
c. payamanin ang bawat tao sa mundo
d. pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang
suliranin ng kalikasan at kaunlaran

3. Ang mga nabanggit na pahayag sa ibaba ay mga


estratihiya upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao maliban sa isa.
a. pagtigil sa polusyon
b. pagpapayaman ng mga politiko
c. pagsama sa mga usaping pangkalikasan
d. pagsama sa mga isyung pampopulasyon

5
4. Ang kahulugan ng PSSD ay
a. Politics Strategy for System Development
b. Philippine Strategy for Sustainable Development
c. Philippine Strategic for Sustainable Development
d. Philippine Statistics for Sustainable Development

5. Ayon sa WCED ang likas kayang pag-unlad ay ang


a. likas na yaman ng bansa
b. pagtugon sa pangangailang at mithiin ng tao
c. salik sa pagkakaroon ng maunlad na kabuhayan
d. pangunahing pinanggagalingan ng
ikinabubuhay ng tao

6
Gawain 3

Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung ang larawan


ay nagpapakita ng likas kayang gawain at Mali
kung wala.

1. _____________ 2. __________

3. ______________ 4. ____________

5. ________________

7
Subukan Ko

Panuto: Isulat ang Tsek () kung tama ang ipinahayag


tungkol sa Likas Kayang Pag–unlad at Ekis (×)
kung hindi.

____________ 1. Ang likas kayang pag-unlad ay ang pagtugon


sa pangangailangan at mithiin ng mga tao.
____________ 2. Ang likas kayang pag-unlad ay mahalaga
dahil nakakasira ito sa kalikasan.
____________3. Isa sa mga gawaing lumilinang sa
pangangalaga at nagsusulong ng likas
kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng
bansa ay dapat tiyaking hindi masisira ang
kalikasan.

____________ 4. Bilang isang mag-aaral, ang magagawa ko


bilang pakikiisa sa likas kayang pag-unlad
ay pagtatapon ng basura saan-saan.
____________ 5. Mahalagang makilahok sa mga gawaing
lumilinang sa pangangalaga at pagsusulong
ng gawaing likas kayang pag-unlad dahil
nakabubuti ito sa ating kinabukasan.

8
Ipakita Ko

Panuto: Buuin ang Kasunduan ng Katapatan sa Kalikasan


o KKK. Isulat ang sagot sa notbuk.

Ako bilang isang matapat at makakalikasang


mamamayan ng Pilipinas, ay buong katapatang
sumusumpa na lalahukan ang sumusunod na gawain na
nagsusulong ng likas kayang pag-unlad:

_________________________________________________________

Rubriks sa Sulatin

Mga
1 2 3 4 5
Krayterya
Malinaw
May
Mahirap ngunit Mali-
kahira
basahin Medyo hindi naw at
pang
dahil sa malinaw lahat ay maayos
unawa-
Presentas hindi ang maayos ang
in ang
yon maayos pagkasu ang pagka-
pagka-
at mali- -lat ng pagkaka kasulat
kasulat
naw na sagot -sulat ng
ng
sagot ng mga sagot
sagot
sagot

9
Dagdag Kaalaman

 Noong 1972, natukoy ng United Nations Conference on


Human Environment ang posibilidad ng ugnayan ng
kalikasan at ng kaunlaran.
 Noong 1987, binuo ng United Nations ang World
Commision on Environment and Development (WCED)
upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang
suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
 Ang likas kayang pag-unlad (sustainable development)
ay pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao
nang may pagsaalang-alang sa kakayahan at abilidad
ng susunod na henerasyon na makamit din ang
kanilang mga pangangailangan.
 Ang Pilipinas, katulad ng iba pang bansa, ay
naghahanada rin sa posibleng kahinatnan ng patuloy
na pagkaubos ng mga likas nitong yaman

Sanggunian:
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Kagamitang ng Mag-aaral, pahina: 171 – 176
Unang Edisyon 2015

Pagsulong at Pagbabago: Pambansa Edisyong K-12 –


Batayang Aklat Mark Gilbert G. Rehoy, Lemark B. Viloria,
Diwa Learning Systems Inc.
Pahina: 110 – 111

10
11
Gawain 1 Gawain 2
1. b
a, b, c, d 2. d
3. b
4. b
5. a
Subukan Ko
Gawain 3
1. 
1. Tama 2. ×
2. Tama 3. 
3. Tama 4. ×
4. Mali 5. 
5. Tama
Ipakita Ko
May iba’t
ibang sagot
ang mga
bata
Wastuhin Ko
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o
tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis


Occidental

Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis


Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

You might also like