You are on page 1of 4

Banghay Aralin ng Araling Panlipunan 10

Kontemporaryong Isyu
Inihanda ni: Aple Mae M. Silagan

Pamantayan sa pagkatuto

Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga karapatang pantao upang


matugunan ang iba’t ibang isyu at hamong panlipunan. AP10MKP-IVe-5

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang


a. natutukoy ang mga karapatan na dapat taglayin ng mga bata batay sa
United Nations Conventions on the Rights of the Child;
b. napatitibay ang kahalagahan ng karapatan ng mga bata sa
pamamagitan ng “Choconut o Coconut”; at
c. nakasusulat ng sariling paraan na nagpapahayag ng suporta sa mga karapatan
ng bata sa pamamagitan ng “Tree of Child”

II. Nilalaman

A. Paksa: Mga Karapatan ng Bata


B. Sanggunian:LM.AP104.21.17 Pahina 388-389
C. Kagamitan: Larawan at ‘Stip of paper”
D. Estratehiya: “Socratic Method” at “Brainstorming”

III. Pamamaraan

A, Karaniwang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtala sa mga lumiban sa klase

B.Panimulang Gawain
a. Balik Aral

-Bago tayo magsimula sa aralin:


 Ano ang ating itinalakay noong nakaraang araw?
 Magbigay ng kaalaman hinggil sa nakaraang leksiyon?
 Paano natin mapapahalagahan ang lahat ng mga ito?

b. Pagganyak

“Pic. Sure”
 Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na kaugnay sa
bagong leksiyon
 Mga larawan na nagpapakita ng mga karapatan ng bata.
 Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral ng “Dolly Dolly
Name”
 Kapag tinuro ng guro ang isang mag-aaral, dapat ang mag-
aaral na kanyang tinuro ay magbibigay ng pangalan.
 Ang pangalan na nabanggit ng mag-aaral ang siyang
sasagot sa katanungan/

Gabay na tanong

1. Ano ang iyong nakita o napansin sa mga larawan?


2. Ano sa palagay ninyo ang ipinahihiwatig nito?
3. Ito ba ay pamilyar sa inyo?
4.Ano sa palagay ninyo ang ating paksa sa araw na ito?

c. Abstraksiyon
 Sisimulan na tatalakayin ang mga karapatan ng mga bata na
dapat taglayin batay sa “United Nation Convention on the
Rights of the Child’.

-Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong grupo


-Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng karapatan na
nakabatay sa “United Nation Convention on the Rights of the
Child.
-Magkakaroon sila ng maikling talakayan sa loob ng bawat
grupo. Bibigyan lamang ng dalawang minuto.
-Bawat pangkat ay ipaliliwanag batay sa kong ano ang
kanilang naintindihan sa mga karapatan mayroon sila.
-Bibigyan lamang ng dalwang minuto upang Ipaliwanag ito.
-Bawat grupo ay bibigyan ng sampong puntos.
“Choconut o Coconut”
 Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral sa paraan na
“Choconut o Coconut”.
 “Choconut” ibig sabihin ilalagay nila ang kaliwang kamay sa
noo at kanan kay sa dibdib. “Coconut” naman ay lahat ng
kamay ay itataas.
 Ang hindi makagawa ng tama ay siyang sasagot sa mga
katanungan.

Gabay na tanong

1. Bakit mahalagang malaman natin ang mga karapatan na dapat taglayin


ng mga bata?
2..May malaki ba itong papel sa bawat isa sa atin?
3. Paano natin mapapanatili ang mga kaalaman na ito?

d. Aplikasyon

“ Tree of Child’

-Magbibigay ang guro ng makukulay na papel.


-Isusulat ng mga mag-aaral kong paano nila susuportahan ang mga
karapatan ng mga bata?
-Ididikit nila ito sa ‘Tree of Child”
- Ang limang unang makatapos ay siyang ibabahagi ang kanilang isinulat
sa papel.
-Ang bawat isa na nagbahagi ay siyang bibigyan ng dagdag na sampong
puntos.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

A.Tama o Mali

______________1. Dapat hindi maka-alam ng impormasyon ang mga bata.


______________2. Si Ana ay isang batang malusog at masayahin dahil taglay nila ang
mga karapatan para sa mga bata.
______________3. Karapatan ni Kim magdesisyon para sa kanyang ikabubuti.
_____________4. Karapatang mag-aral sa kahit saan paaralan.
_____________5.Karapatang magkaroon ng pangalan.

B. Pagpapaliwanag

1. Mahalaga bang malaman natin ang mga karapatan ng mga bata? Bakit?
Ipaliwanang.

Pamantayan:
Ideya/Nilalaman-10
Organisasyon -10

20 puntos

V. Takdang Aralin
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod sa kalahatin papel.

Magsaliksik sa mga batas at ahensya na nagbibigay proteksiyon sa mga bata.

You might also like