You are on page 1of 5

PWERSA NG TATLONG LETRA

Ni: JEIAN RYNBEL B. CAYABYAB

P.S.U
Tatlong letra ngunit may matinding pwersa
Sa edukasyon ikaw ay primera
Lakas at galing mo ay hindi nag iiba,
Dahil angat ka at ikaw ay nag-iisa
Kaya naman namamayagpag
Produkto mo ay puno ng abilidad
Talino at Talento ay de kalidad

Ano nga bang meron ka?


Bakit ang mga bunga mo ay sadyang naiiba,
Kami ay sadyang namamangha
Pagkat mula sa iyo naitaguyod at nakilala
Ang mga magagaling na persona
Mga aral na sa iyo nagmula
Namulat kami ng walang pagdududa

Maraming pagkakataon ikay nasubok


Sinubok ng panahon at pagkakataon
Ngunit gumapang ng may husay at kalidad
Ngayon, ang isang daang taon ay narating na.
Matagumpay
Matibay
Puno ng pag asa
At hinding hindi na maitutumba.
Ngunit sakaling ikaw ay muling subukin,
huwag kang sumuko at huwag pansinin
patuloy na lumaban at harapin
kamiy kasama mo sa lahat ng hinaing
mga mag aaral na nahubog ng iyong galing

Kami bay gagaling ng ganito ng wala ka?


Sila bay nakarating doon ng wala ka?
Hindi!
Sa mga studyanteng sa iyo ay nagdaan
Aking paaralang minamahal
Ikaw ngayon ay matagumpay
Sa larangan na kanilang kinalalagyan
Ikaw, PSU, ay may malaking ginampanan

Aking pangalawang tahanan akoy ginagabayan


Hinuhubog… dinidiligan na parang halaman
Aral niyang itinanim sa aki’y kikimkimin
Tatak ng kahusayan aking aanihin

Hindi ba’t dito ka nagmula?


Ako, ikaw, tayo ay naglalayag sa buhay
Bitbit ang aral na may kahusayan,
Pangarap ng bawat studyante ay iyong tinupad
Paaralan kang walang katulad
Tumitindig sa anumang hamon ng bukas

Masaya akong malaman ikaw ngayon ay nagdiriwang


Ng iyong ika-isang daang kaarawan,
Isa itong patunay ng mga pagsubok at laban na iyong
napagtagumpayan
Isa kang institusyon na dapat tularan
Ikaw ay nagsisilbi ng tapat at may kalinisan

Alam ko ikaw ngayon ay nagbabalik-tanaw


Huwag kang mag-alala ikaw rin ay kanilang inaalala,
Sabi nila ikaw raw ay isang biyaya
Ng dahil sayo buhay nila’y guminhawa
Sa hirap at pasakit sila ay lumaya
Kanilang tinupad ang iyong nais
Ang magpatuloy sa buhay at huwag mapatid
Ikaw ay kanilang pinagmamalaki
Saan mang sulok ng mundo pangalan mo’y namamayani

Ang pagbuo ng isang matagumpay na mithiin ay hindi madali,


At walang sinuman at ninuman ang kayang gawin ito ng mag
iisa.
Nang dahil sa institusyon na kagaya mo
Na umaalalay at gumagabay sa twina
Naging possible ang tsansa at pag asa
Lalo na sa tulad kung bata

Ang inspirasyong mula sayo ang isang dahilan


Kung bakit hangad din naming ang tagumpay
Makabuluhang buhay para sa amin ang hatid mo
Kaya kami naririto ng taos puso
Pangakong iingatan ka kailanman
Aalahanin ang lahat ng aral
Ngayon at sa marami pang panahon
Taas noong ipagbubunyi at ng may pagmamalaki
Ang iyong husay at galing na natatangi
Ikagagalak at ipagpupunyagi
O mahal kung PSU, pangunahan mo kami
Iyo ang aming tiwala at pag asa
Nang kami makatungtong sa pangarap na mithi

Ang ilaw mo ang siyang naging daan


Sa madilim na landasin ng isang mag aaral
Sapat ang ningning kaya’t aming natunton
Ang tamang daan sa dako pa roon

Kami’y naihanda sa lahat ng hamon


Kayat tumibay, tumatag at handang lumaban
Isabak saan man ay mangingibabaw
Dahil tatak PSU, kakaibang tunay

Isang daang taon…


edad mo yan.
Oo ,edad mo yan.
Huwag kang mag-alala numero lang yan,
Numero na nagbabago
Ngunit ang pwersa at lakas mo
Kailanma’y hindi maglalaho
Magpapatuloy…
Dadaloy….
At itutuloy ang daloy…..

You might also like