You are on page 1of 7

BAITANG

5
ARALING PANLIPUNAN 5

Panuto. Basahin ang bawat katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Saan nakatira ang mga sinaunang tao noong panahong Paleolitiko?


A. ilog
B. yungib
C. bahay-kubo
D. bahay na bato
2. Ano ang tawag sa mga taong palipat-lipat ng tirahan?
A. lagalag
B. turista
C. iskwater
D. manlalakbay
3. Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay noong unang panahon?
A. datu
B. pari
C. reyna
D. ministro

4. Ano ang tawag sa lupang sinakop at pinangasiwaan ng isang malakas na


bansa?
A. bansa
B. kolonya
B. kanluranin
C. kolonyalismo

5. Ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas na naglalaman ng mga


panalangin at panuntunan sa pananampalatayang Kristiyanismo?
A. Koran
B. Obras Pias
C. Compradazgo
D. Doctrina Cristiana

6. Maliban sa pananakop ng mga lupain, alin sa sumusunod ang layunin ng


mga Espanyol sa pananakop ng mga bansa?
A. Magparami ng mga alipin.
B. Ipalaganap ang Katolisismo.
C. Manggalugad ng mga lupain.
D. Makilala ang Espanya sa daigdig.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


7. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas?
A. Inquilino
B. Insulares
C. Principalia
D. Peninsulares

8. May mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ang mga Espanyol sa


Pilipinas. Ano ang tawag sa patakarang naglalayong kontrolin ang pagtatanim
at pagbibili ng tabako?
A. Polo y Servicio
B. Bandala System
C. Kalakalang Galyon
D. Monopolyo ng Tabako

9. Sino ang nagtatag ng Confradia de San Jose na kinabibilangan ng mga


Indio?
A. Sumuroy
B. Diego Silang
C. Miguel Lanab
D. Hermano Pule

10. Nagkaroon ng kalakalang panlabas sa pagitan ng Pilipinas at Mexico kung


saan iniluluwas ang mga produkto sakay ng isang barko. Ano ang tawag dito?
A. Kalakalang Barter
B. Kalakalang Galyon
C. Kalakalang Pilipinas- Spain
D. Real Compania de Filipinas

11. Mayroon ng sariling pamahalaan ang mga Pilipino bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim sa
Mindanao?
A. Pamilya
B. Barangay
C. Sultanato
D. Reduccion

12. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakaaangat sa lipunan na nakapag-


aral sa ibang bansa at humiling ng pagbabago ng pamamahala sa mga
Espanyol?
A. polista
B. ilustrado
C. inquilino
D. encomendero

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


13. Ano ang dahilan nang pagiging arkipelago ng Pilipinas?
A. Nakaharap ito sa Karagatang Pasipiko.
B. Binubuo ito ng tatlong malalaking pulo.
C. Napapaligiran ito ng mga mayayamang bansa.
D. Binubuo ito ng maliliit at malalaking kapuluan na napapaligiran ng
tubig o dagat.

14. Kailan umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?


A. Nang magpalipat-lipat sila ng tirahan.
B. Nang gumamit sila ng magaspang na bato.
C. Nang natuto silang mamangka at maglayag.
D. Nang magsimula silang magtanim ng iba’t ibang halaman at
mapaunlad ang paraan ng pagsasaka.

15. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng relihiyong Islam?


A. May mga santo at birhen sa kanilang tahanan.
B. Nananalangin at nag-aayuno kapag Mahal na Araw.
C. Mayroon silang banal na aklat na ang tawag ay Bibliya.
D. Ang kanilang Panginoon ay si Allah at Koran naman ang kanilang
banal na aklat.

16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng


kolonyalismong Espanyol?
A. Mapalawak ang nasasakupan.
B. Maipalaganap ang Kristiyanismo.
C. Makuha ang karangalan at kapangyarihan.
D. Makamit ang pagiging malakas at makapag-asawa ng ibang lahi.

17. Bakit ipinalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas?


A. Upang magpayaman.
B. Mas madaling mapamahalaan ang kolonya.
C. Makapagtatayo sila ng mas maraming simbahan.
D. Maipapakita sa mga Pilipino na maka-Diyos ang mga Espanyol.

18. Alin sa sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng sapilitang paggawa


sa mga Pilipino?
A. Lumaki ang kita ng bawat pamilya.
B. Mas naging masipag ang mga Pilipino.
C. Umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino.
D. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya.

19. Anong pinakamalaking pagbabago sa Pilipinas ang naganap sa buhay ng


mga katutubong Pilipino dulot ng kolonyalismong Espanyol?
A. Pagtatag ng pamahalaang kolonyal.
B. Pagyakap ng mga katutubo sa Kristiyanismo.
C. Pagbabago sa mga tahanan ng mga katutubong Pilipino.
D. Pagbibigay ng pangalan ng mga Pilipino sa kanilang mga anak.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


20. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kaisipang nasyonalismo, MALIBAN
sa isa.
A. Pagtanggol sa kalayaan ng bansa.
B. Pagtangkilik ng produktong imported.
C. Pagsunod sa batas na umiiral sa bansa.
D. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.

21. Ang mga Pilipino ay nakipaglaban sa mga Espanyol. Alin sa sumusunod


ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol?
A. Pagpapakita ng higit na pagkilala sa mga mananakop.
B. Pagbalewala sa mga bantayog ng mga katutubong Pilipino.
C. Paglimot sa mga nagawang kabayanihan ng mga katutubo.
D. Pagbibigay-pugay at pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

22. Malaki ang epekto sa mga Pilipino ng mga ipinatupad na patakarang


pangkabuhayan ng mga Espanyol. Sa kabilang banda, nagbigay din ng
magandang bunga ang Monopolyo ng Tabako, ano ito?
A. Nakapagpagawa ang pamahalaan ng gusali, daan at pailaw sa mga bayan.
B. Pinagmulta ng mataas na buwis at binawian ng lupa ang mga magsasaka.
C. Nagpayaman at naging abusado ang mga pinunong naatasang mamahala.
D. Napunta ang salapi sa bulsa ng mga opisyal sa halip na sa pamahalaan.

23. Ang sumusunod ay naging dahilan ng pagsilang ng nasyonalismo sa


Pilipinas, MALIBAN sa isa.
A. Pagbubukas ng Suez Canal
B. Ang isyu ng Sekularisasyon
C. Ang pagdating ng mga Amerikano
D. Pagdami ng nabibilang sa Panggitnang Uri ng lipunan

24. Ipinaglaban ng mga paring Pilipino ang kanilang karapatan sa


pamamagitan ng samahang Sekularisasyon. Alin sa sumusunod ang naging
bunga nito?
A. Mas dumami ang Pilipinong gustong maging pari.
B. Mas lumakas ang kapangyarihan ng mga paring regular.
C. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng simbahan at estado.
D. Nagkaroon ng karapatan ang mga paring sekular sa pamumuno.

25. Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas sa Kweba ng Tabon sa Palawan


sa kasaysayan ng Pilipinas?
A. Pinatutunayan nito na maraming tao sa Pilipinas.
B. Ipinapakita nito na may mga inilibing na tao sa Pilipinas.
C. Pinatotohanan nito na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino.
D. Pinagtitibay nito na sila ay kabilang sa unang taong nanirahan sa mundo.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


26. Sa paglipas ng panahon ang mga sinaunang Pilipino ay natutong iangkop
ang kanilang pamumuhay. Ano ang naging epekto nito sa buhay nila?
A. Umangat ang kanilang antas sa pamumuhay.
B. Nagkaroon ng matibay at magandang tirahan.
C. Napadali ang kanilang paglalakbay sa ibat-ibang lugar.
D. Nagkaroon ng mga paninda para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.

27. Gumamit ng iba’t ibang paraan ang mga Espanyol sa kanilang


pananakop. Paano nila ginamit ang relihiyon upang madaling masakop ang
mga katutubong Pilipino?
A. Tinuruan sila ng pag-aayuno.
B. Nalaman nila ang iba’t-ibang tulang panrelihiyon.
C. Natuto sila ng pagsayaw at pag-awit ng mga himno.
D. Ipinalaganap ito sa maraming lugar sa tulong ng mga misyonero

28. Layunin ng mga Espanyol na ipalaganap ang Kristiyanismo. Sa paanong


paraan naging madali para sa kanila ang pagtuturo nito sa mga Pilipino?
A. Inilipat sila sa bulubundukin.
B. Nagpatayo sila ng maraming simbahan upang doon magsimba.
C. Sapilitan pinamahalaan ng mga misyonero ang mga Pilipino at
pinarusahan ang hindi sumunod dito.
D. Ipinatupad ang paglipat ng mga Pilipino mula sa malalayo upang
pagsama samahin sa iisang lugar na malapit sa simbahan

29. Maraming pag-aalsa ang naganap bilang pagtutol sa pamamalakad ng


mga Espanyol. Bakit itinuturing na pinakamatagal na pag-aalsa ang ginawa
ni Francisco Dagohoy?
A. Malakas at marami siyang mga tauhan.
B. Nakapag ipon siya ng maraming armas.
C. Nagkaroon siya ng malakas na kakampi sa ibang lugar.
D. Hindi siya nawalan ng lakas ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban.

30. Ang sumusunod ay kabilang sa layunin ng mga Espanyol sa ginawang


pananakop sa katutubong pangkat ng Igorot, MALIBAN sa isa.
A. Matutuhan ang pangangayaw.
B. Ipatupad ang Monopolyo ng Tabako.
C. Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo.
D. Makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
31. Maraming paraan upang maipakita ang pagsulong ng kamalayang
pambansa. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga rito?
A. Pagsasagawa ng protesta.
B. Pagkilos laban sa pamahalaan.
C. Hindi pagsunod sa mga kautusang ipinatutupad ng batas.
D. Pagkilala sa mga nagawa ng mga sektor sa pagsulong ng kalayaan sa
pamamagitan ng pagdiriwang.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


32. Ang liberal na pamumuno ay isa sa naging dahilan upang umusbong ang
kamalayang nasyonalismo sa mga Pilipino. Paano ito nakaapekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Nabawi ang pribilehiyong tinatamasa ng mga manggagawa.
B. Nagkaroon ng pantay na karapatan ang paring regular at sekular.
C. Naging abusado sa pamamalakad ng pamahalaan si Gob. Hen. Izquierdo.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa malayang pagpapahayag ng
kaisipan.

33. Sa paglipas ng panahon naging sedentaryo o permanente ang tirahan ng


mga Pilipino. Paano ito nakaapekto sa panahanan ng mga Pilipino?
A. Naging tiyak na ang mapagkukunan nila ng pagkain.
B. Naging palaboy-laboy at walang permanenteng tirahan.
C. Nagpatupad nang batas tungkol sa pagmamay-ari ng lupa.
D. Natuto silang gumawa ng mga bahay na may malalim na pundasyon.

34. Ang mga Pilipino ay may sistemang pampolitika noong panahong


kolonyal. Alin sa mga pahayag ang may katotohanan tungkol dito?
A. Tumaas ang posisyon ng mga katutubo sa panahong kolonyal.
B. Nagkanya-kanya ang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
C. Inalis ng mga Espanyol ang barangay bilang pinakamababang yunit ng
pamahalaang lokal.
D. Hindi binigyan ng pagkakataon ang maraming katutubo na mangasiwa sa
kani-kanilang pamayanan.

35. Naipakita ng mga Pilipino ang diwang nasyonalismo o pagmamahal sa


bansa sa iba’t ibang paraan. Paano ito pinatunayan ng mga sinaunang Pilipino?
A. Paggalang sa mga pinunong Espanyol
B. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol
C. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol
D. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol

36. Ang mga kababaihan noon ay matapang na nakipaglaban sa mga


Espanyol. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa kanila?
A. Ipagmamalaki ko ang nagawa nila para sa bansa.
B. Ipagsasawalang-bahala ko ang kanilang kontribusyon.
C. Kakalimutan ko na lang ang kanilang kabayanihang ipinakita.
D. Hindi ko ipaaalam sa iba ang kanilang mga naging ambag sa bansa.
37. Maraming pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ano
ang naging epekto ng sosyo-kultural at politikal na pagbabagong ito sa
kasalukuyang panahon?
A. Patuloy ang paniniwalang animismo.
B. Natuto ang mga Pilipino ng iba’t ibang paraan at sistema ng pamumuhay.
C. Nanatili ang kinagisnang paraan ng pamumuhay hanggang sa
kasalukuyan.
D. Ang ilan sa mga paniniwala noon ay naging bahagi pa rin ng pamumuhay
ng mga Pilipino ngayon.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5


38. Nag-alsa ang maraming Pilipino laban sa mga mananakop sa iba’t ibang
paraan. Bakit nabigo sila na pigilin ang mga dayuhang Espanyol na sakupin
ang kanilang pamayanan?
A. Marami ang mga mandirigmang Espanyol.
B. Malalakas ang mga mandirigmang Espanyol.
C. Walang alam sa pakikipagdigma ang mga katutubo laban sa mga
Espanyol.
D. Kulang sa pagkakaisa ang mga katutubo upang lumaban sa mga
mananakop.

39. Tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo sa Cordillera.


Bakit ninais nilang gawin ito?
A. Interesado sila sa lokasyon ng lugar
B. Masunurin sila sa utos ng Hari ng Espanya
C. Dahil sa ginto, monopolyo sa tabako at Kristiyanismo
D. Upang ipakita ang katapangan at kagitingan ng mga katutubo

40. Sinikap na lumaban ng mga Pilipino sa mga dayuhang Espanyol. Bakit


hindi nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa ng mga katutubo laban sa
mga Espanyol?
A. May pagkakaisa ang mga Pilipino.
B. Iisa ang wika at diyalektong ginamit.
C. Mayroon silang maayos na komunikasyon.
D. Kulang sila sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.

Regional Achievement Test -Araling Panlipunan 5

You might also like