You are on page 1of 2

Fabia, Ryan S.

Vicariate of Our Lady of Purification


Parish of Jesus the Nazarene

Personal Reflection (WYD 2023)

Buong buhay ko’y alay ko sa Kanya. Saan man niya ako dalhin, buong puso kong
tatanggapin. Hindi ako magdadalawang isip at tatanggi dahil alam kong lagi Siyang na sa aking
tabi. Minsan man ay mayroong unos na dumarating ngunit alam kong may liwanag ding
parating. Patuloy na babangon, patuloy na magiging mabuting modelo sa kapwa ko kabataan, at
patuloy na magbubunyi sa lahat ng pagkakataon.
Habang aking binabasa ang mensahe ng ating pinakamamahal na Santo Papa, ito’y
tumatalakay sa salitang “Arise” o sa wikang Filipino ay tumindig at salitang “haste” o
pagmamadali. Ngunit ang tanging nakapukaw sa aking puso ay ang, buong-buo ipinagkatiwala ni
Maria ang kanyang sarili sa Diyos at sigurado siya na ang plano ng Diyos ang pinakamagandang
plano para sa kanyang buhay. Simula pa lang nang una ay nababagabag na ako sa aking mga
desisyon sa buhay dahil na rin sa mga sitwasyong akala ko’y wala ng solusyon. Marami ng
problema ang aking napagdaanan, mula bata hanggang sa aking pagtanda. Problema sa pamilya,
sa paaralan, sa simbahan, at sa komunidad. Isa sa talagang tumatak sa akin ay nang hindi ako
nakapasok sa isang Unibersidad Naipasa ko ang entrance exam ngunit hindi ako kwalipikado sa
mga kursong mayroong board exams kung kaya’t kumuha ako ng ibang kurso at akin lamang
ipinasa ang interbyu nito ngunit ‘di na ako bumalik para mag-enrol. Hindi ko na lubos maisip
kung ano ang aking gagawin o iisipin, iniyak ko na lang hanggang sa nakahanap ako ng paaralan
na sa tingin ko ay babagay ako at makukuha ko ang kursong gusto ko. Ilang araw na lang ay
magpapasukan na ngunit nag-aalinlangan pa rin ako sa kadahilanang may babayaran pa lang
matrikula. Sabi ko sa sarili ko, andyan naman Siya’t ‘di niya ako pababayaan kailangan ko lang
manindigan at magtiwala. Opisyal na akong naka-enroll at pinanindigan ko nang isa na akong
estudyante ng Unibersidad de Dagupan. Hindi ko lubos maisip na maganda pala ang plano ng
Diyos para sa akin, nalaman ko ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok sa unibersidad na
aking gusto, na aking pinapangarap pasukan dahil pala mayroon akong gampanin sa unibersidad
na kung saan ako’y Kanyang inilagay. Marami akong napatunayan sa sarili ko at sa maraming
tao na kaya ko pala. Naging bahagi ako ng executive positions sa Supreme Students Council
mula 2nd year hanggang 4th year sa kolehiyo. Ako’y naging pambato ng aming departamento sa
pagsulat ng sanaysay na kailanma’y di ko naranasan nang ako’y nasa high school. Ako’y naging
pambato rin sa kauna-unahang research symposium na ginanap sa aming unibersidad, at marami
pang iba. Hindi ko rin makalilimtan na hindi ko naging problema ang aking matrikula dahil
nakakuha ako ng iskolarsip na nakatulong sa aking pag-aaral at pagtatapos.
Marami pa ang nagyari sa aking buhay na ako’y natumba at muling bumangon.
Napagtanto ko na lamang na hindi sa lahat ng bagay ay kailangan nating magmadali’t maging
perpekto. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ibibigay sa atin ang gusto, sapagkat pinakamaganda
pa rin ang plano ng Diyos para sa atin. Magtiwala’t maniwala at bumangon dahil Siya’y laging
kasama.
Magnificat

Mahal naming Ama, ika’y aming pinupuri’t pinasasalamatan.


Salamat sa biyayang iyong ipinagkaloob sa amin.
Salamat sa iyong pagtitiwala’t paninindigan sa amin.
Salamat sa pagmulat sa aming puso’t isipan.

Mahal naming Ama, iyong ipagpaumanhin kung kami ay nakakasakit ng aming kapwa
Patawarin mo kami kung kami man ay nagiging gahaman at iniisip lamang ang aming sarili
Patawad din Ama kung minsan ay nawawalan kami ng tiwala't paninindigan
Patawad sa mga panahong ika’y aming nakalilimutan

Nawa’y kami ay Iyong pagkatiwalaan at bigyan ng paninindigan sa aming sarili at desisyon sa


buhay.
Ipinagkakatiwala na po namin ang aming sarili sa Iyo at ang aming mga plano sa buhay.
Kami'y yakapin mo na iyong mapagpalang mga kamay.
At nawa'y mapanindigan namin ang aming mga desisyon sa buhay.
Amen.

You might also like