You are on page 1of 1

Minamahal Kong Bayan

Ang tulang to’y alay ko sa mahal kong bansa,


Sapagkat ako ay kanyang inaaruga
Itong Pilipinas na bayan ko at ina,
Mamahalin ko saan man ako pumunta.

Paano mababalik ang dati mong kislap?


Kung dito ay maraming taong naghihirap,
Nang dahil sa mga Gobyernong laging Korapt
Ang pagmamahal pa ba sa bayan ay sapat.

Paminsan din ay nakakalimutan natin


Ang totoong halaga ng sariling atin
Naglaho na ang ating pagka-Pilipino
Kaya halika na at tayo ay magbago.

Ako’y nananawagan sa mga kabataan


Ating mahalin ang ating sariling bayan,
Dahil saad ni Doktor Jose Rizal iyan,
Na ang kabataan ang Pagasa ng bayan.

You might also like