You are on page 1of 1

Tamang Pagtawid sa Pedestrian

Importante na tumawid tayo sa tamang lugar. Iwasan ang basta-bastang pagtawid sa kalsada. Ang
pedestrian lane ay ginawa upang may tama at ligtas na daanan ang mga taong tatawid. Sa bawat
pagtawid sa tamang tawiran o pedestrian lane ay pagsunod sa batas trapiko at pagiging disiplinado.
Ipinapakita mo na ikaw ay nakikipagbayanihan upang masolusyunan ang problema sa traffic ng ating
bayan.

Iwasan ang basta-bastang pagtawid sa kalsada. Gamitin ang pedestrian lane para masigurong ligtas ang
iyong pagtawid.

Ang pedestrian lane ay ginawa upang may tama at ligtas na daanan ang mga taong tatawid.

Paggamit ng Overpass

Ang overpass ay isang tulay o kalsada na binuo sa itaas. ito ay ginagamit sa pagtawid ng tao upang
maging safety at maka iwas sa disgrasya. Ang over pass o fly over ay isang mataas na antas na tulay
ginagawa ito upang maging safety ang lahat na tumatawid lalo na sa mga malapad na daan at matulin
ang takbo ng sasakyan. Ang over pass ay tinatawag ding sky bridge o sky walk. ito ay kadalasan makikita
sa mga pampubliko at pribadong paaralan o sa mga lugar na mahirap tawiran. Ang over pass ay isang
proyekto ng gobyerno para sa mga mamamayan. Pero masakit isipin meron parin mga matitigas ang ulo
hindi gumagamit ng over pass at tumawid kahit na mahigpit pinagbawal ng batas dahil dilikado ang mga
sasakyang paparating.

Pagsuot ng Seatbelt/Sinturong Pangkaligtasan

Ang RA 8750 o ang Seat Belts Use Act of 1999 ay isang batas na mahigpit na ipinapatupad ang paggamit
ng seat belt sa mga pribado at pampublikong sasakyan. Layunin ng batas na ito na maiwasan ang
malubhang aksidente sa mga vehicular accident. Importanteng isuot ang sinturong pangkaligtasan kapag
nakasakay sa sasakyan.

Pagsuot ng Mask sa Paaralan

Isinabatas ang pagsuot ng facemask upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19. Ang patuloy
na pagsusuot ng face masks ng mga bata habang nasa loob ng mga paaralan ay isinagawa para maiwasan
na mahawa sila ng COVID-19 at hindi magkaroon ng seryosong mga kumplikasyon.

You might also like