You are on page 1of 22

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

AGRICULTURAL SCIENCE AND TECHNOLOGY SCHOOL

SALIK
NG PRODUKSIYON

RENZ MICHAEL F. RAMIREZ


LAYUNIN
01 Natutukoy ang kahulugan ng produksiyon
02 nasusuri ang ibat-ibang salik ng produksiyon; at
03 natatalakay ang mga salik ng produksiyon
SALIK NG
PRODUKSIYON
Noong unang panahon, natutugunan Dahil dito na nagkaroon ng suliranin
ng tao ang kanyang sa kakapusan o pangmatagalang
pangangailangan sa pamamagitan kakulangan ng mga produkto. Sa
ng saganang bunga ng kalikasan. ganitong sitwasyon, unti-unting
Subalit sa pagdaan ng panahon, natutunan ng tao na huwag nang
nagkaroon ng lubhang pagtaas ng umasa sa kalikasan at magsimulang
antas ng populasyon, higit na mas gumawa ng mga produkto gamit din
mataas sa kayang makuha sa ang mga material na matatagpuan
kalikasan. sa kalikasan.
SALIK NG
PRODUKSIYON
Nabatid niya na ang kanilang mga Malaki ang ginagampanan ng apat
pangangailangan ay maaring na salik na ito upang mapabuti ang
mapaunlad sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo na
paggamit ng mga iba’t ibang salik ng ikokonsumo ng bawat tao sa
produksiyon gaya ng lupa, kapital, pamamagitan ng matalinong
entrepreneur at ang lakas-paggawa. pagpapasya ng isang entreprenuer,
tamang paggamit ng kapital,
masipag na manggagawa at tamang
paggamit ng mga yamang likas gaya
ng lupa.
PRODUKSIYON
Ang produksiyon ay tumutukoy sa isang proseso ng pagpapalit anyo
ng isang produkto sa pamamagitan ng pinagsama-samang salik nito.
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na
input. Ang input ay ang mga bagay na kailangan natin para makabuo
ng produkto. Ang nabuong produkto naman ay tinatawag na output.
Halimbawa, ang arina ay puwedeng gawing tinapay. Ang harina
kabilang ang ibang sangkap ay tinatawag na Input. Samantalang ang
tinapay na nagawa mula sa harina ang siya naming tinatawag na
Output.
MGA SALIK NG
LUPA
PRODUKSIYON
PAGGAWA
Laging nating tandahan na nagiging
posible ang produksiyon sa
pamamagitan
pinagsamasamang
ng
salik
mga
ng
KAPITAL
produksiyon. Tara, pag-usapan natin
ang kahalagan ng mga ito at ating ENTREPRENEURSHIP
tingnan kung ano nga ba ang
implikasyon nito sa ating pang-araw
araw na pamumuhay.
LUPA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Sa konsepto ng ekonomiks kapag
sinabi nating lupa hindi lamang ito
tumutukoy sa lupang sinasaka o
tinatamnan ng mga magsasaka
bagkus ito rin ay tumutukoy sa
lahat ng yamang likas na
matatagpuan sa ibabaw at ilalim
nito. Tulad ng yamang mineral,
yamang tubig at yamang gubat.
LUPA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Maraming pakinabang ang lupa
sa kabila ng hindi ito
nadaragdagan. Masasabi natin na
kaiba ang katangian ng lupa kung
ikukumpara sa iba pang salik ng
produksiyon dahil ang lupa ay
fixed o hindi nadaragdagan.
Kaugnay nito ang nagmamay-ari
ng lupa ay maaring kumita sa
pamamagitan ng upa o renta
kapag ito ay pinagamit.
LAKAS PAGGAWA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ang lakas paggawa ang
sinasabing pinakamahalagang
salik ng produksiyon dahil ang
mga likas na yaman, mga hilaw na
materyal o sangkap ay hindi
maipoproseso kung wala ang mga
manggagawa. Kaya naman, ang
lakas paggawa ay binubuo ng ng
lakas, talino, kakayahan at
abilidad na gawin o iproseso ang
mga sangkap para magkaroon ng
transpormasyon ang mga ito.
LAKAS PAGGAWA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ang lakas paggawa ay binubuo ng
dalawang uri: manggagawa may
kakayahang mental o white collar
job at manggagawang may
kakayahang pisikal o Blue collar
job. Ang mga manggagawang
kinabibilangan ng may
kakayahang mental ay higit na
kailangan ng talas ng isip kaysa
lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa ng mga ito ay ang
doktor, abogado, inhinyero, guro at
iba pa
LAKAS PAGGAWA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Samantalang ang ikalawang uri
ng lakas paggawa ay ang
manggagawang may
kakayahang pisikal o Blue collar
job. Kung sa white collar job higit
na kailangan ang kakayahang
mental, sa blue collar job naman
higit na kailangan ng isang
manggagawa ang lakas ng
kanyang katawan. Ang ilan sa
mga halimbawa nito ay ang mga
drayber, magsasaka, hardinero,
tindero at iba pa.
LAKAS PAGGAWA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Tinatawag na sahod o suweldo
ang kabayaran ng mga
manggagawa sa paglikha ng mga
produkto at serbisyo na tutugon sa
mga pangangailangan ng tao.
LAKAS PAGGAWA
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Malaking ambag ang naibibigay
ng mga mangagagawang ito sa
ating pangaraw -araw na
pamumuhay dahil sa
pamamagitan nila natutustusan
ng bawat tao ang kanilang mga
pangangailagan. Maaaring kung
wala sila, napakapayak ng mga
produktong ating ginagamit
kagaya noong sinaunang
panahon.
KAPITAL
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Binubuo ang kapital ng mga
gawang tao na ginagamit sa
paggawa ng produkto at serbisyo.
Maaring maiugnay sa salapi at iba
pang mga imprastraktura, gaya
ng mga makinarya, gusali, at iba
pang mga kagamitan na kailagan
ng isang mangagawa sa pagbuo
ng mga produkto ang kapital.
KAPITAL
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Mahalaga na maging ganap ang
kapital sa paggawa ng produkto
dahil ito ang nagiging katuwang ng
isang mangagawa para
maiproseso o mabago ang anyo ng
mga produktong kailagan ng tao.
KAPITAL
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ang pagkakaroon ng maayos na
imprastraktura gaya ng mga
daungan, kalsada, tulay, tubo ng
tubig at kuryente ay mga
mahahalang kapital upang
magamit ng tama ang mga likas
na yaman at maging mabilis ang
paggawa.
KAPITAL
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ayon kay Edward F. Denison, isang
ekonomista, ang kapital ay isa sa
mga salik na mahalaga para
matamo ang pagsulong ng isang
ekonomiya. Sa makabagong
ekonomiya, ang mga bansa sa
buong daigdig ay nangangalap ng
malaking kapital upang lubusang
makamtan ang pagsulong. Interes
ang tawag sa kabayaran ng
paggamit ng kapital.
ENTREPRENEURSHIP
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Hindi maisasakatuparan ang mga
tatlong naunang salik ng
produksiyon kung wala ang
entrepreneurship dahil tumutukoy
ito sa kakayahan at kagustuhan
ng tao na magsimula ng negosyo.
Entrepreneur ang sinasabing taga
pag-ugnay ng tatlong naunang
mga salik upang makabuo ng
isang produkto at serbisyo.
ENTREPRENEURSHIP
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Mahalaga ang gawain ng isang
entrepreneur kaya naman talas ng
isip, pagiging malikhain,
pagkakaroon ng maayos na
disposisyon ang higit na kailagan
upang maging matagumpay ang
mga pagbabagong kinahaharap
sa pagbuo ng produkto.
ENTREPRENEURSHIP
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Mahalaga rin ang ginagampanan
ng isang entrepreneur sa paglikha
ng maraming hanapbuhay para
sa mga tao. Sinasabing nasa
kamay ng bawat entrepreneur ang
pagkakaroon ng mga bagong
produkto kung kaya’t ang pagiging
innovator o malikhain sa paglikha
ng produkto ay kailangang
isaalang-alang.
ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG
MGA KATANGIAN NA DAPAT
TAGLAYIN NG ISANG ENTRPRENUER:

1. May tatag ng loob at may


kakayahang magplano at mag-
organisa ng anumang negosyo;
2. masigasig at marunong lumutas
ng mga suliranin; at
3. may kakayahang gawing
kasiya-siya ang trabaho at may
kababaang loob.
ENTREPRENEURSHIP
BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Tinatawag na tubo o profit ang
kabayaran sa kita ng isang
entrepreneur. Ito ang kita matapos
maisakatuparan ang tagumpay
sa pakikipagsapalaran sa
negosyo.

You might also like