Professional Documents
Culture Documents
Pagtuturo Sa Wika
Pagtuturo Sa Wika
1. Sino Sila?
2. Saan sila galing?
3. Ano ang alam nila?
4. Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
5. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
6. Paano sila natuto ng wika?
1. Intelektwal na Pag-unlad- Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad
labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin ng tinatawagg ni Piaget na conrete
operations, dapat lamang na isaalang-alang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga
tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin nang may ibayong
pag- iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng
paglaki ang nosyon ng mga edad ng "kawastuhan " at lalong higit na hindi nila
mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika.
Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
> Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata
>Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang
kawilihan.
>Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanitili ang
kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang iba't ibang Padamdam (Sensory Input)
> Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro
> Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo't
higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na
subukin ang iba't ibang gawain sa pag-aaral ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika
> Iwasan ang pag gamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan.
Magaling ang mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil dito, iwasan
hangga't maaari ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika.
> Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap mga sangkap dahil
1. May kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga
tuntuning mahirap unawain pero kailangan pa rin ang pag-iingat. Maaaring kainisan ng
mga ito
ang masyadong mahirap at masyadong madali na paglalahat at tuluyan silang mawalan
ng interes sa pag-aaral
2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli
at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.
3. Hangga't maaari'y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang klase'y
maging masigla at laging buhay.
4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya't hindi masyadong kritikal ang
kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal
na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.
1. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na iyong medyo
mahina sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral
2.1 Huwag silang tawagin na "mga bata"
2.2 Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.
3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapagbigay ng
sariling desisyon hinggil sa kung ano ang maaari nilang gawin sa loob at labas ng
klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may lumabas sa
suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala, sa klase at, iba pa),
laging
"Sakit ng ulo" ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong
edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila'y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming
pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa
pagbibinata at pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng
mga konsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong tuturuan.
Bagama't kakaunti kung mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng
mga mag-aaral sa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng
pansin ang ilang paalala:
1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso
sa abstraktong pag-iisip kaya't maaari na silang ilayo nang unti-unti mula sa
kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa supostikadong pagpoproseso ng mga
kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing
intelektwal ay nakasalalay sa antas ng kawillihan o atensyong ibinibigay rito; kaya nga
kung ang isang mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada,
pagpapaganda sa sarili, disco, parti, at iba pa, maaaring ang gawaing pangklase at mga
bagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng
kahustuhan ng kanilang pag-iisip suballit maaari itong maging panandalian din dahil
sa maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba't ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga
pagkakataong kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng
kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig
na puna lalo't higit tungkol sa kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon, at
kanilang kakayahang pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa
paaralang sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang pansarili ng
kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
> Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari silang
makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung
magkamali man sila sa pagsagot.
Prescriptive Grammar
Halos ganito rin ang nangyari sa unang balarila ng wikang Filipino. Noong
unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila
ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang
pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong una,
kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.
Descriptive Linguistics
Teoryang Behaviorist
Bagama't hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang naging
umpluwensiya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak
pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging
isang doktor o isang abugado. Unti-unting ihahanda ang bata sa mga bagay at gawaing
kaugnay nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon
na sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring: "Magaling."
"Tama ang sagot mo". "Kahanga-hanga ka." "Sige ipagpatuloy mo."
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano malilinang
ang iba pang tungkuling bayolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang
gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon
bukod pa sa malaya siyang nakakikilos at nakagagalaw. Hindi na siya dapat pang turuan
sa paglalakad. Lahat ng bata ay nag-uumpisang maglakad sa halos na magkakatulad na
edad at ang gawaing ito ay nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki at pag-
edad. Para kay Chomsky, ganitong-ganito rin ang pagtatamo ng wika.
Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na
kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa
paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad a tuklasin sa
kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.
Ang mga halimbawang ito ang mga nagbibigay-daan upang gumana ang aparato. Sa
oras na gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasing sa kanyang sarili ang
istruktura ng wikang pag-aaraaaaalan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglay
na kabatiran sa batayang gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang kapaligiran.
Teoryang Cognitive
Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga
bata at kung paano sila natututo . Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga
ito ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyogn
posisyon hinggil sa mga teoryang ito'y hindi ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng
teorya o pagsaulo ng mga paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong
paniniwala hinggil sa kung paano natuto at kung nakapagtatamo ng wika ang mga bata.
Teoryang Makatao
Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo’t higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa
isa’t isa.
Pagnilayan
2. Mga larawan
Ayon sa pag-aaral ng mga linggwist, hindi raw basta ginagaya ng mga bata
ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga
bahagi ng pananalita na makahulugan sa kanila. Samakatuwid, ang mga bata
ay active learnrers at hindi passive learners gaya ng paniniwala nang marami.
Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at pinipila nila ang
bahaging may kahulugan sa kanila. Ang intonasyon ng wika ang unang
hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili nila ang salita at mga
hulwaran ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede. Ang mga
salitang ito ay nakakabit sa mga kongkretong bagay at pangyayari. Sa simula, ang
mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at pang-
uri.
Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natutunan.