You are on page 1of 2

BRO.

JOHN MARK AGUSTIN


CHRISTMAS EXPOSURE: HOLY CROSS – SINAIT, ILOCOS SUR
INCLUSIVE DATES: DECEMBER 10, 2022 – DECEMBER 27, 2022
MAIKLING PAGLALARAWAN:
Napapaloob dito ang mga nangyari sa loob ng humigi’t
dalawang linggong pagkakadestino ko sa Diyosesis ng LUISA sa
Parish of the Holy Cross-Sinait.
PAGSUSURI:
Maliban sa aking Summer Exposure naman ay sa aking sariling
parokya ng St. Anne Piddig – sa Diyosesis ng LAOAG noong ako ay
nasa unang taon palang ng aking pag-aaral dito sa mahal na
seminaryo, ito palang ang unang beses na nadestino ako sa North-
Central Luzon dahil kadalasan nadedestino ako sa mga diyosesis na
napapaloob sa South-Central Luzon gaya ng sa Our Lady of the
Rosary – Luisiana, Laguna at St. Anthony of Padua – Ferrol,
Romblon
Sa buong Simbang gabi, dalawang beses kaming may misa,
magsisimula ito sa Parokya sa oras ng 4:00 AM at may misa sa
iba’t ibang barangay ng 6:00 PM sa mga covered court nila dahil
wala pang mga naipapatayong mga outstations, at kapag Linggo
naman ay dalawang beses ang Misa, 5:00 AM at 8:00 AM. May family
ministry ako kada hapon at minsan pati sa umaga at dahil dito
nagkasakit rin ako ng mga ilang araw dahil sa pagod at puyat
isama narin ang lamig ng panahon. Nagserve rin ako sa ibang mga
services ng simbahan noong mga panahon na nandoon ako. Nagkaroon
rin ako ng pagkakataon na makapagbigay ng Reorientation sa mga
sacristan nila at makapagturo ng iilang kanta na dagdag sa mga
gagamitin nila sa pagsamba. At noong araw bago ako umuwi ng
December 27, nagkaroon kami ng dalawang misa para sa Fiesta ni
San Esteban kasabay ng Christmas Fellowship ng parokya at 16 th
Sacerdotal Anniversary ng aking supervisor na si Rev. Digna C.
Blanco. Kinahapunan nagkaroon ako ng parte sa ginanap na
Christmas Fellowship ng kabataan ng mga parokya ng Sto. Domingo,
Cabugao, at Sinait dahil di natuloy ang Christmas Institute sa
Lagangilang, Abra. Ito ang unang beses kong makasali sa Christmas
Fellowship ng mga kabataan at unang beses na nakapagbigay ng Act
of Commitment. Kinaumagahan inihatid ako ng mga kasamahan sa
simbahan sa mismong bahay namin para mamalagi sa aming bahay sa
mga nalalabing araw ng aming Christmas Break at para makapagserve
narin sa aking parokya bilang isa ng ganap na Subdeacon.
Hindi ko makakalimutan ang lahat ng aking mga naranasan
doon, maliban sa karanasan sa usapin ng aking pagmiministriya,
tatatak rin sa akin ang mga turo at mga tao na itinuring akong
kapamilya sa bayan ng Sinait na magagamit ko lang rin sa aking
buhay ministriya at sa aking sariling buhay.
PAG-AARAL NG MGA PANANAW:

 Magsilbing aral ang lahat ng nangyayari sa ating buhay.


 Isipin at alagaan rin ang sarili upang makapagsilbi pa
ng mas maayos.
 Magsilbi sa Diyos at sa kanyang mga anak hangga’t kaya
at may pagkakataon.
TEOLOHIKAL NA REPLEKSYON:
Ang karamihan sa atin kapag ganitong mga panahon ay
itinuturing na BAKASYON at makakasama pa natin dapat ang ating
mga pamilya, ngunit sa ating mga taong simbahan ay itinuturing
natin itong BOKAYSON dahil sa dami narin ng ating gagawin sa
ganitong panahon. At ngayon nataon na nadestino ako sa Diyosesis
ng LUISA, sa bayan ng Sinait at dito nakahanap ako ng aking mga
kapamilya sa mga mahahalagang araw na ito. At dahil malapit lang
ito sa Ilocos Norte, may mga pagkakataon na makakapasyal ulit ako
doon at magkakaroon ulit ako ng pagkakataon upang
makapagpasalamat sa lahat ng naitulong nila sa akin sa kahit
anumang paraan. At bilang pangwakas, mag-iiwan ako ng isang
talata mula sa Ebanghelyo ni SAN JUAN 12:26 “Ang naghahanda na
maglingkod sa akin ay dapat na sumunod sa akin, at saanman ako
naroroon ay pumaparoon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang
maglingkod sa akin.”.

You might also like