You are on page 1of 2

Pangalan: CHRISTAN M.

CORTEZ Petsa:
Kurso at Pangkat: BSCE-1F

KABANATA 2

GAWAIN 4

Panuto: Panoorin ang dokumentaryong “Brigada: Ano ang epekto ng pag-alis ng Filipino at
Panitikan sa college curriculum?” Pagkatapos ay gawin ang sumusunod sa sagutang papel.

1. Ibuod ang mahahalagang impormasyong tinalakay sa dokumentaryo.


-NAKASAAD SA TINALAKAY NA DOKUMENTARYO ANG NAAPRUBAHANG
HINDI NA OOBLIGAHIN ANG MGA ESTUDYANTE SA KOLEHIYO NA KUHAIN ANG
MGA ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN NA NAKAPALOOB SA CHED
ORDER NUMBER 20, SERIES OF 2013. ITO AY TINUTULAN NG ALYANSA NG
TAGAPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO. AYON SA KANILA, POSIBLE RAW NA
MAWALAN NG TRABAHO ANG HUMIGIT-KUMULANG 30,000 NA GURO SA
FILIPINO AT PANITIKAN. PINANINIWALAAN RIN NILANG PINAPATAY NG
BAGONG CURRICULUM ANG KAALAMAN NG MGA ESTUDYANTE SA SARILI
NILANG WIKA AT LITERATURA. SA KABILANG BANDA, NAKAHANDA NAMAN
RAW ANG PONDO PARA SA MGA GURO O PROPESOR, NA MAKAPAGTURO NG
IBANG ASIGNATURA SA UNIVERSITY LEVEL NA NAKAPAILALIM SA K-12
TRANSITION PROGRAM.

NAKAPALOOB RIN SA DOKUMENTARYO ANG PAG-AALIS NG ASIGNATURANG


PHILIPPINE HISTORY SA HAYSKUL AT ITUTURO NA LAMANG ITO SA
ELEMENTARYA.

2. Sumulat ng repleksyong papel tungkol sa mga impormasyong tinalakay sa dokumentaryo.

" ANO ANG EPEKTO NG PAG-ALIS NG FILIPINO AT PANITIKAN SA COLLEGE


CURRICULUM?"

ANG PAKSANG ITO AY HANGO SA DOKUMENTARYO NG "BRIGADA" UNDER


GMA PUBLIC AFFAIRS. ANG NASABING DOKUMENTARYO AY SUMASAGOT SA
TANONG NA, "ANO ANG EPEKTO NG PAG-ALIS NG FILIPINO AT PANITIKAN SA
COLLEGE CURRICULUM?". AKO AY NAPAISIP KUNG BAKIT KAILANGANG
HUMANTONG SA PAGTANGGAL NG MGA ASIGNATURANG ITO SA KOLEHIYO.
AKO AY NALUNGKOT SA NAPAGDESISYUNANG ITO NG KORTE SUPREMA. SA
AKING PALAGAY AY LANTARAN ITONG PAGPATAY SA ATING PAGKA-PILIPINO
AT PAGBABALEWALA SA MGA SAKRIPISYO NG ATING MGA BAYANI PARA SA
PAGKAKAKILANLAN NG ATING BANSA. ANG KONTROBERSYAL NA DESISYONG
ITO AY POSIBLENG MAGDULOT RIN NG PAGKAWALA NG TRABAHO NG MGA
PROPESOR SA NASABING MGA ASIGNATURA. HINDI RIN MADALI ANG
ALTERNATIBONG SOLUSYON NG COMMISION ON HIGHER EDUCATION O CHED,
NA MAGSHIFT ANG MGA PROPESOR SA IBANG ASIGNATURA NA KANILANG
ITUTURO KAHIT NA ITO'Y PINAGHANDAAN NAMAN DAW NG PONDO.

SANG AYON AKO SA PANANAW NG ALYANSA NG TAGAPAGTANGGOL NG


WIKANG FILIPINO O TANGGOL WIKA NA PANLULURAK ITO SA SIMBOLO NG
ATING PAGKAPILIPINO.

NGUNIT SA KABILA NG LAHAT NG ITO AY UMAASA PARIN AKO NA SANA AY


MULING BIGYANG-PANSIN NG KORTE SUPREMA AT KOMISYON NG MATAAS NG
EDUKASYON ANG PAKSANG ITO AT MAPAGDESISYUNANG MULING IBALIK SA
COLLEGE CURRICULUM ANG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN.

You might also like