You are on page 1of 2

Southwill Learning Center, Inc.

Lim Street Digos City

ARALING PANLIPUNAN 5
Activity text

Mga Anyong Lupa


-> Ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng
kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng
kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.
Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig
sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang
nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana
ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at
dominyo ito ng heolohiya.
Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na
mas mataas kaysa sa burol.
Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman
Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng
tao at hayop.
Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — mas maliit sa tangway.
Disyerto — mainit na anyong lupa

Anyong Tubig
> Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang
tinatakpan ang Daigdig.
Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig.
Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang
Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang
Karagatang Southern.)
Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.
Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o
sa karagatan.
Golpo - bahagi ito ng dagat.
Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad
ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa - anyong tubig na dumadaloy.

You might also like