You are on page 1of 1

5.

Ambag ng Sanguniang kabataan

Nailikha ang sanguniang kabataan upang magbigay boses at bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan
sa usaping pamahalaan at panlipunan. Ito ay nagbibigay-daan sa mga kabataan na maipahayag ang
kanilang mga pangangailangan, isyu, at kahilingan sa pamahalaan. Ang SK rin ay may mandatong maging
kinatawan ng mga kabataan at maglunsad ng mga programa para sa kabataan sa barangay at sa lokal na
pamahalaan.

Isa ring layunin ng sanguniang kabataan ay ang pagsulong sa kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno
sa pamamagitan ng epektibong pagkatawan nito sa mga kapwa kabataan bilang isang youth leader.
Tulad na lamag ng isulong ang interes ng mga kabataan at gumawa ng mga proyektong makabubuti para
sa mga ito. Kagaya ng Pagtataguyod ng mga programa para sa kabataan, Ang SK ay may kakayahan na
magpatupad ng mga programa at proyekto na nakatuon sa mga pangangailangan at interes ng mga
kabataan.

6. Mga nakakaapekto sa pagpili ng iboboto ng mga studyante

Kabataan ang Pagasa ng bayan ayon kay dr. jose rizal. Lalo na sa halalan kabataan ang siyang dapat na
bigyang pansin sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa pagboto. Madaming pwedeng makaepekto sa
pagpili ng iboboto ng kabataan isa na rito ang pagkakaroon ng voters education ang layunin nito na
bigyan ng kaalaman at buksan ang isip ng mga botante lalo na ang mga kabataan na una pa lamang
boboto patungkol sa tamang pagboto, pag-alam sa mga katungkulan na kailangang gampanan sa
pamahalaan, pagtalakay ng mga plataporma at posisyon sa mga isyu ng mga kandidato, at pagdiskurso
sa mga katangian ng isang kandidato na karapat-dapat na iluklok sa puwesto. 

Isa pang pwedeng makaapekto sa pagpili ng iboboto ng mga kabataan ay ang paggamit ng social media.
Ayon kay N.B. Isang studyante sa UP Diliman “ang social networking sites ay nakakatulong sa
pagpapalaganap ng impormasyon, pati na misimpormasyon. Ang isang ordinaryong mamamayan ay
nagkakaroon ng pagkakataong ipahayag ang kanyang saloobin sa mga isyu, gayundin ang mga sikat na
personalidad at grupo”.

You might also like