You are on page 1of 4

DON’T GIVE UP!

9 'So I say to you: Ask, and it will be given to you; search, and
you will find; knock, and the door will be opened to you.

10 For everyone who asks receives; everyone who searches finds;


everyone who knocks will have the door opened.

Luke 11:9-10

Couples For Christ (CFC) - A Catholic movement intended for the renewal and strengthening
of Christian family life. CFC is a private international association of faithful of pontifical right
recognized by the Pontifical Council for the Laity

Visit us @ https://www.couplesforchristglobal.org/
August 21, 2023

Dear Bro at Sis ___________________________________________

Pagbati ng kapayapaan mula kay Kristo!


Ang bawat pamilya ay nahaharap sa iba’t-ibang pagsubok. Marami sa mga mag-
asawahan ngayon ang naghihiwalay, na dapat sana ay siyang matibay na pundasyon
ng pamilya. Ngunit hindi ang lahat, binibigyan pa tayo ng Diyos ng pagkakataong
baguhin ang mukha ng mundong ating ginagalawan sa pamamagitan ng ating sama-
samang mumunting pagkilos sa gabay ng ating Panginoong Hesus.
Ang Samahan po ng Couples For Christ (CFC) ay malugod na nag-aanyaya sa inyo sa
Christian Life Program (CLP) para sa mga mag-asawahan, at sa mga kapatid natin na
iniwan ng asawa, balo, nasa abroad ang asawa at single parent. Ang CLP ay
naglalayong higit na mapatibay ang buhay mag-asawa at mapatatag ang
pagsasamahan sa pamilya tungo sa isang mapayapang pamayanan.
Upang lubos po naming maipakilala sa inyo ang CFC at mahikayat kayong makiisa sa
kristiyanong kapatirang ito, kayo po ay malugod naming inaanyayahan sa darating na
Oktubre 08, 2023 at inaasahang magtatapos sa Nobyembre 25, 2023. Ito po ay
gaganaping tuwing araw ng lingo sa ganap na ala-una ng hapon (1:00 PM) sa St. Paul
Church, Langkaan 1, Dasmarinas, Cavite kasama po ng mga mag-asawahan na
magiging bagong kapamilya.
Hangad po naming matamo rin ninyo ang mga makabuluhang maidudulot sa inyo ng
pakikiisa sa Couples for Christ katulad ng mga sumusunod:
• Kasiyanhan at kapanatagan sa buhay
• Pananampalataya at kalakasang ispirituwal
• Pag-iibigan at pagkakaisa ng pamilya sa tahanan at pamayanan
Note: Ang Couples For Christ (CFC) ay kinilala ng Holy See (Vatican) bilang isang
pribadong internasyonal na asosasyon ng mga layko ng pontifical right.

Dalangin po namin ang inyong pagtugon sa paanyayang ito.


Kaisa kay Kristo,
Noted by:

Bro. Randy at Sis. Jessan Ratilla REV. FR. NESTOR CHAVEZ


CLP Team Leader Parish Priest
Contact us:
Bro. Randy – 09xxxx
Sis. Jessan – 09xxxx

You might also like