You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan

IKATLONG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


sa pagbabago,pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na


pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20 siglo)

I. LAYUNIN
13. Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuhay.
13.1 Naiuugnay ang mga tradisyon sa bansa sa gawaing ispiritwal ng mga
mananampalataya.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Relihiyon at Kultura sa Asya
B. Sanggunian: AP CG pp. 27 – 28
C. Kagamitan: Batayang Aklat, larawan, task card

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Balitaan
B. Pagganyak
Ipakita sa klase ang ilang larawan tungkol sa iba’t ibang relihiyon sa Timog at
Kanlurang Asya. Base sa larawan, alin ditto ang iyong relihiyon? Mahalaga ba
ang relihiyon sa iyong buhay? Bakit?
C. Paglinang ng Aralin
Gawain
Pangkatin ang klase sa tatlo. Hayaang pumili ng pangkat ng kanilang lider. Bigyan sila
ng paksang iuulat.
 Ang kahalagahan ng edukasyon sa Asyano
 Relihiyon at kultura sa Asya
 Kalagayang Pang-ekonomiya ng Asya sa Kasalukuyan
Pagsusuri
1. Anu-anong bansa sa Timog Asya ang may mataas at mababang literacy rate?
2. Sino si Sheikh Muhammad Ibn Abd Al-Wahhab?
3. Ano ang kaugnayan ng edukasyon at relihiyon sa Saudi Arabia?
4. Ano ang sati? Bakit maraming tumututol ditto?
5. Sa iyong palagay, bakit pilit ipinasuot ng Taliban ang burka sa kababaihan?
6. Bakit nagkaroon ng krisis sa pananalapi noong 1997? Ano ang naging epekto
nito sa ekonomiya ng Asya?
Paghahalaw
1. Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa pamumuhay ng mga Asyano.
2. May mga pagkakataong naging makabuluhan ang pananatili ng tradisyong
nakaugat sa relihiyon subalit may mga pagkakataon ding ito ang naging sanhi ng
tunggalian lalo na sa usapin ng tradisyon laban sa moderninsasyon.
3. Bagamat may pag-unlad sa pang-ekonomiya sa Asya, iba’t iba naman ang antas
ng nasabing pag-unlad para sa mga bansang Asyano.
Paglalapat
1. Paano nakatutulong ang edukasyon sa pagsulong at pag-unald ng isang
mamamayan at ng bansa?
2. Alin sa mga nagawa ng mga Asyano sa ngalan ng relihiyon ang kaya mong
isagawa? Ipaliwanag.
3. May kaugnayan ba ang mga pagpapahalagang Asyano sa naganap na economic
miracle sa Asya? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA
Tukuyin ang hinahanap sa bawat aytem.
1. Tradisyon kung saan ang biyuda ang nagpapakamatay sa pamamagitan ng
paglukso sa funeral pyre ng kanyang patay na asawa.
2. Bansa sa Timog Asya na may mataas na literacy rate.
3. Bansa sa Timog Asya na may mababa na literacy rate.
4. Organisasyon na may kinalaman sa pagitan ng mga bansa.
5. Tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan ng mga kababaihang
Muslim.

V. TAKDANG ARALIN
1. Ano ang ibig sabihin ng kalakalan?

You might also like