You are on page 1of 4

Iba't Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di-  Intimate - makikita na ang magkausap

Berbal na Komunikasyon ay may distansyang 0 hanggang 1.5 feet


sa kanilang pagitan
1. Kinesika (Kinesics)
 Personal - makikita na ang mag-kausap
Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. ay may distansyang 1.5 hanggang 4 feet
Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa pagitan nila
pamamagitan ng pagkilos ay maipararating  Social Distance - kapag ang magkausap
natin ang mensaheng nais nating ipahatid. ay may distansya na 4 hanggang 12 feet
Kapag ang isang tao ay inilagay nang patayo ang pagitan
ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang labi,  Public - kapag ang magkausap ay may
alam nating ang ibig sabihin nito ay tumahimik. distansya na 12 feet, karaniwang
Kadalasan din nating ginagamit ang mga makikita ito sa mga nagtatalumpati.
kumpas.  Chronemics –
 Ekspresyon ng mukha (Pictics) Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong
Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha ang oras ay nakaaapekto komunikasyon. Ang
upang maunawaan ang mensahe ng paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng
tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di- mensaheng nais iparating. Ang pagdating ng
berbal, hindi maipagwawalang- bahala ang maaga sa isang job interview ay
ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng nangangahulugang may disiplina ang aplikante
mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon at interesado siya sa ina- aplayan.
kahit hindi man ito sinasabi. Sa ekpresyon ng Ito rin ay tumutukoy sa oras kung saan
mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman maaaring pormal gaya ng isinasaad ng relo o
ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot, impormal ma karaniwang nakadikit sa
galit, o natatakot. terminong "ngayon na", "sa lalong madaling
panahon" at "mamaya na".
 Galaw ng mata (Oculesics)
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
- Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa
galaw ng ating mga mata ang nararamdaman Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama
natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng na naghahatid ng mensahe. Itinuturing na isa sa
ating kaluluwa; nangungusap ito. Ipinababatid pinakaunang anyo ng ng komunikasyon. Ang
ng ating mga mata ang mga damdaming pagtapik sa balikat, ang paghablot, pagkamay, o
nararamdaman natin kahit hindi natin ito pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid
sinasalita. ang isang mensahe.
2. Proksemika (Proxemics) 4. Paralanguage
Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng Ito ay ang pag-aaral ng di-lingwistikong tunog
espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. na may kaugnayan sa pagsasalita, tono ng tinig
Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng at kalidad at bilis ng pagsasalita. Kasama rito
kausap sa kinakausap. Sinasabing may ang pagsutsot, buntong- hininga, at iba pang di-
kahulugan ang espasyong namamagitan sa lingwistikong paraan upang maipahatid ang
magkausap. mensahe.
5. Katahimikan o Kawalang Kibo
Lubhang makahulugan na karaniwang
ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang
sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo
o sama ng loob
6. Kapaligiran
Tumutukoy sa pinagdausan ng pakikipag-usap
at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intensiyon
ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais
makipag-usap. Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal,
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG mahalagang sangkap sa paglikha ng mga
MGA PILIPINO-KAKAYAHANG pahayag ang kaugnayan, at kaisahan.
DISKORSAL Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung
Diskurso - pag-uusap at palitan ng kuro paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga
Kakayahang diskorsal pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o
pasulat.
- tumutukoy sa kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak na wika A: Ang kalat naman dito!

-tumutukoy sa kakayahang mabigyan ng B: Aayusin ko lang ang mga libro.


wastong interpretasyon ang napakinggang Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano
pangungusap/ pahayag upang makabuo ng napagdidikit ang dalawang ideya sa
isang makabuluhang kahulugan. lingguwistikong paraan. Nakapaloob dito ang
DALAWANG URI NG KAKAYAHANG paggamit ng mga panghalip bilang panghalili sa
DISKORSAL mga natukoy na sa simula na pahayag at
pagdaragdag ng maari ding pagtambalin ang
Kakayahang tekstuwal mga payak na pangungusap o sugnay.
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa Pagpapahaba ng Pangungusap
pagbasa at pag-unawa ng ibat-ibang teksto gaya
ng mga akdang pampanitikan, gabay 1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
instruksiyonal atbp... - napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan
Kakayahang retorikal ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga,
pala at iba pa
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal
makibahagi sa kumbersasyon, kakayahang Halimbawa:
unawain ang iba't ibang tagapagsalita at May ulam.
makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.
May ulam ba?
Dalawang batayang panuntunan sa
Pakikipagtalastasan – Grice May ulam pa.

 Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag May ulam pa ba?


 Pakikiisa (na kinapapalooban ng May ulam pa nga pala.
kantidad, kalidad, relasyon at paraan ng
kumbersasyon) May ulam naman pala.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng c. Komplementong ganapan - isinasaad ang
panuring pinangyarihan ng kilos.
- napahahaba ang pangungusap sa tulong ng Pinapangunahan ng panandang sa at mga
mga panuring na na at ng. panghalili nito.
Halimbawa: Halimbawa:
Siya ay anak. Namalagi sila sa evacuation area.
Siya ay anak na babae. Namalagi sila rito.
Siya ay anak na bunsong babae. Namalagi sila roon.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng d. Komplementong sanhi - isinasaad ang
komplemento dahilan ng pangyayari o ng kilos.
Pinapangunahan ng panandang dahil sa o kay
- napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan
at mga panghalili nito.
ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba't Halimbawa:
ibang uri ng komplemento ng pandiwa ay
Nabaon sa utang si Delia dahil sa
tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o
pagkakakulong sa sugal.
sanhi, layon at kagamitan.
Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle.
a. Komplementong tagaganap - isinasaad ang
gumagawa ng kilos. Pinangungunahan ng e. Komplementong layon - isinasaad ang
panandang ng, ni at panghalip. bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Pinapangunahan ng panandang ng.
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain. Halimbawa:
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain. Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing
Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang
hapon.
pagkain.
f. Komplementong kagamitan - isinasaad ang
b. Komplementong tagatanggap - isinasaad
instrumentong ginamit upang maisakatuparan
kung sino ang nakikinabang sa kilos.
ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa
Pinapangunahan ng mga pang-ukol na para sa,
pamamagitan ng at mga panghalili nito.
para kay, at para kina.
Halimbawa:
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng internet, napapabilis ang
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang
pagkuha ng impormasyon.
kapatid.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
mo.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
at Eliyah.
pagtatambal
- napagtatambal ang dalawang payak na
pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na at ngunit, datapwat, subalit,
saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap
ay tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kanyang tatay at
nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak
naming matataas ang kaniyang marka sa mga
pagsusulit.

You might also like