You are on page 1of 2

MGA KABANATA NG PANANALIKSIK

Kabanata I – Suliranin at Kaligiran

a. Panimula- Ito ay isang maikling sipi na naglalaman ng pangkalahatang pagtalakay sa paksa ng


pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa mga tanong na ano at bakit.

b. Kaligirang pangkasaysayan- Ang kaligirang pangkasaysayan ay ang tinatawag na pinagsimulan o


''origin'' ng mga bagay-bagay na naririnig,nababasa, nakikita at nararanasan sa kasalukuyang
panahon.

c. Balangkas Teoretikal- Ang teoretikal na balangkas ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagtukoy


sa disiplina kung saan pag-aari ang napiling larangan ng pag-aaral, ang mga nauugnay na
konsepto at kababalaghan na pag-aralan o palalimin.

d. Balangkas Konseptuwal- naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na


isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas
ay ipinakikita sa isang presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag
nang maayos. Ito ay binubuo ng Paghahanda (input), Proseso (process) at Kinalabasan (Output).

e. Paglalahad ng Suliranin- Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa
ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Sa
bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad
ditto ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa.

f. Haypotesis- nangangahulugang teorya kung saan mapapatunayan mo sa pamamagitan ng iyong


pag-aaral. Ito ay mga hula o prediksyon na binubuo kaugnay ng kalalabasang pag-aaral.
Maaaring ang mga ito’y mga palagay na nabuo ng isang mananaliksik.

g. Kahalagahan ng pag-aaral- Nilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng


paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging
kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.

h. Saklaw at Limitasyon- Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang
pagaaral.
i. Katuturan ng Salitang Ginamit- Upang maging mas malinaw at maliwanag ang pag-aaral na ito,
inilahad ng mga mananaliksik ang kahulugan ng mga talakay na ginamit na may kaugnayan sa
paksa.

You might also like