You are on page 1of 5

68

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Markahan 1

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod ng Zamboanga

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


ASIGNATURA AT
EsP 8 MARKAHAN 1 LINGGO 3 ARAW
BAITANG
CODE EsP8PBIc-2.1
Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa
inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin : Nakapaglalahad ng mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay
ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Paksa: Gawi / Karanasan sa Sariling Pamilya

Alamin ang mga katagang paulit-ulit mong narinig sa iyong mga magulang o kapamilya kapag may
mga bagay kang nagawa o hindi nagawa o kaya naman ay mga salitang palagi nilang paalala sa iyo
mula noon at hanggang ngayon.

Mag-aral kang mabuti. ‘Yan lang ang maipamamana namin


sa iyo.

Iligpit mo ang mga gamit mo, Anak. Dapat nagkukusa ka


nang gawin yan kasi malaki ka na

O, kapag nagpunta tayo sa bahay ng lolo at lola ninyo,


huwag ninyong kalilimutan magmano ha.

Bata ka pa para makipagligawan ha. Dapat maging maingat


sa pakikitungo lalo na sa mga lalaking hindi mo pa gaanong
kilala.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


Unahin ninyo ang pagsimba sa araw ng Linggo. Bukod sa
pagsimba, araw yan dapat para sa pamilya.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang iyong naramdaman sa mga pangaral/paalala na naririnig mo


sa iyong magulang?
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano ang iyong sariling karanasan sa sariling pamilya kaugnay sa
edukasyon, pagpapasya at pananampalataya?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Sagutin ang bawat bilang.

1. Maglista ng mga kataga (kawikaan o mga salitang kapupulutan ng aral upang maging gabay) na
naririnig mo sa iyong mga magulang o kapamilya kapag may mga bagay kang nagawa o hindi
nagawa o kaya naman ay mga salitang palagi nilang paalala sa iyo mula noon hanggang ngayon.
2. Anong pagpapahalaga ang nais ikintal sa iyong isipan sa mga kawikaan na paulit-ulit sinasambit
ng iyong magulang?

3. Paano mo maipapakita ang mga pagpapahalagang naituro sa iyo?

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang pamilya ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong kaganapan
bilang tao. Nakatakda silang tumupad sa isang mahalagang misyon upang makamit ito.

 Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang ay ang
kagustuhan niya na ang katulad ng paggalang at pagkilala ay ibigay ng mga magulang sa
kanilang mga anak.

 Bukod sa pang-araw araw na pangangailangan tungkulin ng magulang para sa kanilang mga


anak ang paggabay sa mga ito upang lumaki nang maayos. Kasama rito ang paghahanda para
sa kanila sa magandang buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na
tunguhin ng tao:ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
A. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at piliin ang titik ng pinaka-angkop na
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing biyayang natanggap ng isang pamilya mula sa
Diyos?
a. Bahay c. Anak
b. Negosyo d. Swerte
2. Karaniwan sa mga kabataan ang napagsasabihan o sinisermonan ng kanilang magulang na kung
saan ang pakiramdam nila ay pinagkaitan sila ng kanilang karapatan. Ang sitwasyong
kinakaharap ng mga kabataang ito ay dulot ng …
a. Sila ay bata lamang at sila’y dapat sumunod sa bawat ito ng magulang
b. Malalim ang pagmamahal at pagnanasa ng mga magulang na bigyan ng marangal at maayos
na buhay ang kanilang anak
c. Ang mundo ay napakalaki at mapanganib sa mga bata
d. d.Ito ay dahil sa batas na dapat sundin paniwalaan ng mga kabataan
3. Sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa iyong pagitan
magulang, lumilitaw ang mga pagkakaiba sa pananaw at paniniwala sa pagitan mo at ng mga
kasapi ng iyong pamilya. Ang tekstong ito ay…
a. Tama, dahil natural itong nagaganap sa pag-usbong ng panahon dahil tayo ay binayayaan ng
Diyos kalayaan maghusga.
b. Tama, dahil ang tayo ay Malaya
c. Mali, dahil ito’y hindi angkop at sa lahat ng pagkakataon ay dapat sumunod lamang sa
magulang
d. Mali, dahil natural itong nagaganap sa pag-usbong ng panahon dahil tayo ay binayayaan ng
diyos kalayaan maghusga.
4. Bilang isang indibidwal, alin sa mga sumusunod ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa
pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao.
a. Teknolohiya c. Paaralan
b. Kayamanan d. Magulang
5. “Ang pamilya ay maituturing na likas na institusyon” , dahil may tungkulin ang pamilya sa
pagbibigay ng _____
a. Edukasyon, pangangatwiran , pagabay at paghubog ng pananampalataya
b. Edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya
c. Edukasyon, Paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng kakayahan
d. Edukasyon, paggabay sa kapwa, at paghubog ng pananampalataya

B. Panuto: Ayusin ang mga titk upang maibigay ang hinihinging kasagutan sa mga katanungan.
1. Pagbabahagi ng kaalaman.
(SYAKAEDUNO)
2. Pinakamaliit na sangay ng lipunan.
(ALIYAMP)
3. Daan upang makipag-ugnayan sa Maylikha.
(GNAAINPNAL)
4. Pagpapakita ng patnubay sa gawi o karanasan.
(BGYAAAPG)
5. Pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao sa
(LPGAANAGG) sarili sa pamamagitan ng pagmamano o pagsabi ng Po at Opo.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

- DepEd. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Modyul para sa mag-aaral.


(Modyul 2 pp. 29-39). FEP Printing Corporation.
- Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.
- https://images.app.goo.gl/ef6DYmo3tmwBEpVU8
Sanggunian - https://images.app.goo.gl/zoQ2A6EnTxSUVag19
- https://images.app.goo.gl/eJvDWo6CG9YE4vUK8
https://images.app.goo.gl/dJRTAXwf3tj83MFc9
- https://images.app.goo.gl/J3QumPWuuHdfXNa28

This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this time
DISCLAIMER:
of pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be
used for educational purposes only. No malicious infringement is intended by the
writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in
this learning resource.

Inihanda ni:

DELMAR P. TAHIL
Zamboanga National High School West

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

You might also like