You are on page 1of 5

FILIPINO 9 REVIEWER

Ang Tanka at Haiku


Tanka
- Unang uri ng tulang sumibol
- Tanyag sa bansang Japan (ikalawang siglo)
- Maikling awit na puno ng damdamin
- Nagpapahayag ng emosyon at kaisipan
- Pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig (mga paksa)
- 31 ang pantig nito
- Nahahati ang taludtod sa 5
- May sukat na 5-7-5-7-7 o 7-7-7-5-5

Haiku
- Isa pang uri ng tula
- Kalikasan (paksa)
- 17 ang pantig nito
- Nahahati sa 3 taludtod
- May sukat na 5-7-5
- Kiru tawag sa Nihonggo o cutting sa Ingles (kahawig ng sesura sa ating panulaan)
- Kireji (salitang paghihintuan o cutting word, matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong
parirala ng bawat berso)

Ponemang Suprasegmental
- Ang pagpapalutang ng damdamin sa kabilang banda ay nakasalalay rin sa tamang
pagbigkas nito.

2 Kategorya ang ponema:


- Ponemang Segmental
- Ponemang Suprasegmental

3 Uri ng Ponemang Suprasegmental


1. Tono o Intonasyon
- Pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig sa isang salita.
2. Diin
- Bigat o lakas ng bigkas na iniuukol sa panig ng isang salita.
3. Antala/Hinto
- Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw at maintindan ang mensaheng
nais ipabatid.
Ang Katangian, Elemento, at Paraan ng Pagsusuri ng Pabula
Pabula
- Ang pabula ay isang uri ng kwento kung saan ang mga nagsisipagganap ay mga hayop
na kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.

Elemento ng Pabula
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Mahahalagang aral
5. Tema o paksa ng pabula
6. Estilo ng pagkakasulat ng May-akda
7. Tono o damdamin ng pabula

Iba’t Ibang Elemento sa Pagpapahayag ng Damdamin


1. Pangungusap na padamdam
- Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Ang bantas na ginagamit ay tandang padamdam (!).
2. Maiikling sambitla
- Nagpapahayag ng matinding damdamin na iisahin o dadalawahing pantig.
3. Pangungusap na nagsasaad ng tulak na damdamin o Emosyon
- Pangungusap na pasalaysay kaya hindi iyo nagsasaad ng matinding damdamin ngunit
malinaw o tiyan naman ang damdaming binabanggit nito.
4. Idyomatikong pahayag
- Pangungusap na gumagamit ng matalinghagang pahayag o idyoma sa halip na gawin
sa tuwirang paraan.

Pagbubuo at Paglalahad ng Talumpati


Talumpati
- Buhok ng kaisipan ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.

Komposisyon ng talumpati
1. Simula
- Ang bahaging ito ay kinakailangan nakatatawag-pansin, nakaaakit, at nakagaganyak.
2. Katawan o Gitna
- Binubuo ng talatang kinapalolooban ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan upang
maibigay ang detalye sa isang paksa.
3. Wakas
- Nagbibigay ng impresyon sa mga mambabasa o tagapakinig.
Mga bagay na dapat isaalang-alang
1. Tindig
2. Kilos at Galaw
3. Kumpas sa Kaugalian
4. Kumpas ma Parang Naglalarawan

Pahayag sa Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon, Paninindigan, at Mungkahi


1. Pagtiyak sa Layunin
2. Kaalaman sa Paksa
3. Tiwala sa sarili

Mga Gabay sa Pagsulat ng Banghay


Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapadaloy at Pagtatapos
1. Pagsisimula
2. Pagpapadaloy
3. Pagtatapos

Elemento, Katangian, at Bahagi ng Dula


Dula
- Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na itinatanghal sa harap ng entablado.

Mga Elemento ng Dula


1. Banghay (Kuwento)
2. Tauhan
3. Tema
4. Wika
- Pampanitikan (mga malalim na salita)
- Kolokyal (pangaraw-araw na mga salita)
- Balbal (pabaliktad na mga salita)
- Panlalawigan (mga salita sa isang pook o lugar)

Katangi ng Dula
- Sinasalamin ng isang dula ang pag-uugali ng tao kung saan ipinakikita ng mga aktor ang
kanilang mga likas na talento sa entablado.

Bahagi ng Dulang Pantanghalan


1. Yugto (Act)
- Ito ay ang pagkakahati ng kabuaan ng dula.
2. Tanghal-eksena (Scene)
- Ito ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan sa isang dula.
3. Tagpo (Frame)
- Ito ay tumutukoy sa partikular na lugar na pinaggaganapan ng mga eksena.
Wastong Gamit ng Pang-ugnay (Pangatnig, Pang-angkop, at Pang-ukol)
1. Pangatnig
- Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
- Ang mga halimbawa nito ay - at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, kung,
nang, bago, upang, kapag o pag, dahil, sapagkat, palibhasa, habang, upang,
sakali, kaya, kung gayon, sana, at iba pa.
2. Pang-angkop
- Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
- Ang mga halimbawa nito ay - na at -ng
3. Pang-ukol
- Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang
salita sa pangungusap.
- Ang mga halimbawa nito ay - ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para
sa/kay, alinsunod sa/kay, ukol sa/kay, tungkol sa/kay, at hinggil sa/kay.

You might also like