You are on page 1of 2

AGENDA 4.

Magandang Gabi po mga kasama! Kami po Bilang Inyong taga supporta ay Isang obligasyon din po na
kami po ay mag Laan ng oras, araw, panahon sa Inyo. Andyan po yung mabawasan po kami ng oras sa
Pamilya namin? sa trabaho namin? Subalit hindi po ito Isang panunumbat or pagmamaki, ito po ay
sabihin nating isang paninindigan at paraan namin ng pag suporta, Paalala ko rin po sa Inyo na Ito po ay
walang hinihinging kapalit at kabayaran, wala po itong nkatayang position sa ating brgy. kung manalo po
kayo. Gusto lang po naming malaman din po ninyo na kalakip din po ng pag supporta namin sa Inyo ay
pag Puna, pag paumanhin po ninyo kung minsan po eh sa kung sa Inyong palagay kami ay nag
mamagaling o nagmanarunong na, sabihan o bulungan Nyo lang po kami, and we will step down
immediately.. kung bigay man po ng pagkakataon n kayong lahat ay palarin, at sa aming palagay po ay
hindi ninyo gingawa o nagagampanan ang Inyong tungkulin. Asahan Nyo din po na andun kami, hindi
para po sumuporta kundi para po kayo ay punahin. Hindi po kami yung tipo na kahit Mali na ay mag
aaleluya kami sa Inyo. Ang Isang politiko po ay parang Isang bukas na libro sa mata ng tao, kahit saang
pahina po ng Inyong buhay ay pwedeng hakungkatin ng mga taong naghahanap ng kasiraan ninyo. Ito po
ba ay normal? Opo normal po. Ang malayang pag pahahayag po ng saloobin at layunin ay nasasaad po sa
1987 constitution ng Bill of Rights sa section 4. Magkaiba po ang presumption ng batas na ito kung ang
pagbabatayan po natin ay Isang politiko at Isang normal na mamayan, kung pag uusapan po ay
paninirang puri o libel, papano po? Halimbawa Kung kayo pong politiko ay sinabihan o siniraan Nyo ako
sa social media na sinasabi ninyong ako ay magnanakaw, pwede PO akong mag file ng criminal case laban
sa Inyo witch is cyber libel, totoo man po ito o hindi wala pong dapat na humusga sa tao kundi ang batas,
papaano nmn po kung ako yung nag post sa social media na sinasabi Han ko di kapitan na siya
magnanakaw ng kaban ng bayan. Pwede po b Niya akong kasuhan? Opo pwede nmn, Pero pag dating po
sa husgado kailangan mo paring patunayan na hindi ka talaga nagnanakaw ng kaban ng bayan, ibig
sabihin po nito? Dapat po nakahanda kayo sa pagkakataon na tayo ay punahin, wag po dapat ninyo itong
ikagalit, dapat po handa kayo na patunayan ung mga paratang nila kung dumating man po kayo sa Punto
ng legalidad,

papunta n po kayo dun sa Isang pangarap ninyo n makapag lingkod, dapat po mas higit kayong handa sa
mga pag Puna ng ibang tao. Kayo po public servant ang tawag sa inyo, andyan ang gumagawa k ng
mabuti subalit my nasasabi ang iba, ginagalingan mo na pangit pa sa iba. Pero wla po kayong choice
kundi magpatuloy at maglingkod, ito Sana po ay lagi ninyong basehan ng pag gawa Nyo ng hakbang sa
paglilingkod kahit na may mga sumasalungat sa Inyong gampanin. Isang word lang po Pero marami.
"NUMERO" lahat po ng Inyong gagawin ay iyan po Sana ang maging batayan.. so papano po ba natin nito
magagamit? Ang batayan po sa botohan ay paramihan ng numero o Bilang. Kung ikaw man po ay naging
pang 7 kagawad hindi po swerte ang tawag dun, ibig sabihin po noon ay majority ng mga mamayan sa
Bagong Silang ay gusto Kang manalo, at gusto ang mga gagawin mo. Tandaan po ninyo lagi yung
NUMERO nung kayo ay nanalo, Kung 600 boto po ang nakuha ninyo. Punahin man kayo ng 500 tao dahil
sa gagawin ninyo, lagi po ninyong iisipin yung 600 oas nakararami na naniniwala at naka suporta sa Inyo.
Bkit ko po ito sinasabi. Kasi po iyan po talaga ang mang yayari. We cannot please everybody, kaya po
kung titingnan din po ninyo bakit Even numbers ang Bilang ng Kagawad? Kasi po numero po ang batayan
ng pag papasa ng Isang ordinansa at resolution, hindi po natin kayang hatiin ang 7 tao sa dalawang grupo
na magiging pantay ang Bilang nito. Sana po ay lagi nating bilangin yung numero ng mga tao bumoto sa
Inyo, sila po Sana yung lagi ninyong inspiration sa bawat desisyon n Inyong gagawin. Marami pa pong
kasiraan at kapangitan ang lalabas sa bibig ng mga taong hindi kayo gusto. Kaya Lang po wala nmn
kayong no choice kahit pa ganun sila. Ngayon po gusto ko pong balikan ang aking sinabi kanina na, kami
po ba ni Arnold ay nagkkatulong pa o nagmanarunong nalng sa Inyo? Pangalawa po, kung totoo po ba
talaga ang tag line natin na "Sammy Sama tayo" eh bakit hindi po tayo nakukumpleto? Kung ito palang
po unang hakbang natin papunta sa pag lingkod ay may kakulangan na tayo, papano pa po kaya kung
naka luklok na tayo? Makakapag laan pa po kaya tayo ng oras s ibang tao kung ngayon palang eh hindi po
tayo mag ka Sammy Sama? Pasensya na po kayo noh. Nakalahiya din po kasing magsalita at magbitaw ng
ganitong Linya sa Inyo eh. Dahil po ako po'y mas bata sa inyo, nakakatakot po kasi n baka mamaya eh
may mag tanong sa Inyo samin na sino ba kayo at ano ba ang pakialam Nyo samin. Sana po ay makita
Nyo rin po na kami po ay may mga iniwan din obligation sa bahay at sa aming mga hanapbuhay upang
makapag bigay po kami ng oras sa Inyo. Kaya po minsan po pag kami nlng 2 ni Arnold ang nag uusap eh,
nagtatanungan po kami kung worth it paba ang pag Sama namin sa mga meetings nyo? na bakit parang
mas agresibo pa yata kaming sumusuporta sa kanila? Sana po ay we all appreciate all small things. Ang
Isang magaling daw po na lider ay may mga mabuting taga sunod. Kaya po tayo inuumpisahan natin sa
sarili at pamilya natin bago sa iba, kasi ito po yung unang foundation natin eh. Bago daw po natin ma
appreciate ang mga bagay na nagpapaka baba satin eh, ilagay daw po muna natin yung sarili natin sa
pinaka worst na tao sa mundo. Paano po yun? Halimbawa po ikaw po ay hindi makapunta d2 sa meeting
dahil sa ikaw ay maglalakad lng, dapat daw po isipin natin yung mga taong naputulan ng paa, na kahit
Kelan ay hindi na maaring lumakad, kung ikaw nmn po ay malungkot dahil sa iyong sakit o karamdam.
Dapat daw po isipin muna natin yung mga taong my taning na ang buhay.. kaya po ang utak natin ay mas
mataas at ang puso po natin ay nasa gitna. Ibig pong sabihin nito na dapat po ay mataas tayong mag isip,
at si puso po ay ginta na nagpapa alala na dapat po na lagi tayong tumimbang kung puso po ang ating
paiiralin. Sana po ay nakaragdag po ako o kami ni Arnold sa Inyo hindi man po ng sakit ng ulo eh Sana po
ay kaalaman, hangad po namin ang tagumpay ninyong lahat, muli po ay magandang gabi....

You might also like