You are on page 1of 2

Ayon kay Demeterio (2010), narito ang buod ng sistematikong multilingguwalismo sa

pamamagitan ng mga kasunod na pahayag : Ang MLE ay hindi lamang tungkol sa oral na

paggamit ng unang wika, ito rin ay tungkol sa tekstuwal na paggamit ng nasabing wika na

sinasabayan ng pag-aaral sa istraktura at gramatika nito. Kapag ang pagkakatuto ng nilalaman ng

iba’t ibang asignatura ang pinag-uusapan, ang MLE ay mas mabisa kung ihahambing sa

edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika (UNESCO, 1953). Dapat malinang muna nang husto

ang kognitibong kakayahan ng bata sa kanyang unang wika, bago pa man siya ililipat sa

edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika. Hinggil kina (Dutcher at Tucker, n.d.), Kinakailangan

ng bata ng hindi bababa sa labingdalawang taon para lubusan niyang matutuhan ang kanyang

unang wika, kaya hindi sapat ang paggamit sa unang wika hanggang sa una, ikalawa o ikatlong

baitang sa elementarya lamang. Ang minamadaling paglipat (premature) mula MLE patungo sa

edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong, wika ay nakakasama sa pag-unlad ng literacy, at sa

kasanayan sa matematika at siyensya ng bata (Tingnan sa Nolasco, “Twenty-One Reasons Why

Filipino Children Learn Better while Using their Mother Tongue,” n.d.). Ang batang natuto nang

husto gamit ang kanyang unang wika ay mas madaling matuto ng ikalawa o ikatlong wika kung

ihahambing sa ibang batang ibinabad kaagad sa ikalawa o sa ikatlong, wika (Tingnan sa Dutcher

at Tucker, p. vii); at Kinakailangan ng bata ng hindi bababa sa anim na taong masinsinang pag-

aaral sa ikalawa o sa ikatlong wika bago pa man gamitin ang mga ito bilang midyum sa

pagtuturo (Tingnan sa Nolasco, “TwentyOne Reasons Why Filipino Children Learn Better while

Using their Mother Tongue,” p. 10).

Batay sa mga pahayag na ito makikita natin kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng

sistematikong multilingguwalismo sa una at ikalawa nating multilingguwalismo na iniutos noong

1973 at noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino. Kapag babalikan natin ang walong
pahayag na nagbibigay buod sa sistematikong multilingguwalismo, lahat nang ito ay nilabag ng

una at pangalawa nating multilingguwalismo: Ang una at pangalawa nating multilingguwalismo

ay tungkol sa oral na paggamit lamang sa unang wika at walang pakialam sa pag-aaral sa

istraktura at gramatika nito. Dahil hindi tayo nagkakaroon ng pagkakataon na gamitin nang tama

at husto ang estratehiyang multilingguwal sa ilalim ng una at pangalawa nating

multilingguwalismo, hindi natin napatunayan kung mas mabisa ba ang mga ito kaysa sa

edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika. Hindi nilinang nang husto ng una at pangalawa nating

multilingguwalismo ang kognitibong kakayahan ng bata sa kanyang unang wika, bago pa man

nito ililipat sa edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika. Hindi binigyan ng una at ikalawa nating

multilingguwalismo ng labingdalawang taon ang bata para lubusan niyang matutuhan ang

kanyang unang wika at hindi nito isinaisip na hindi sapat ang paggamit sa unang wika hanggang

sa una, ikalawa o ikatlong baitang sa elementarya lamang. Minamadali masyado ng una at

ikalawa nating multilingguwalismo ang paglipat ng bata mula sa isang edukasyon sa unang 36

MALAY TOMO XXIV BLG. 2 wika patungo sa edukasyon sa ikalawa o ikatlong wika. Hindi

isinaisip ng una at ikalawa nating multilingguwalismo na ang minamadaling paglipat (premature)

mula edukasyon sa unang wika patungo sa edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika ay

nakasasama sa pag-unlad ng literacy, at sa kasanayan sa matematika at siyensya ng bata. Hindi

binigyan ng pagkakataon ng una at ikalawa nating multilingguwalismo ang bata para matuto

nang husto gamit ang kanyang unang wika para mas madali siyang matutong gumamit ng

ikalawa o ikatlong wika; at hindi isinaisip ng una at ikalawa nating multilingguwalismo na

kinakailangan ng bata ng hindi bababa sa anim na taong masinsinang pag-aaral sa ikalawa o sa

ikatlong wika bago pa man gamitin ang mga ito bilang midyum sa pagtuturo (Demeterio, 2010).

You might also like