You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAUNANG PAGTATAYA SA FILIPINO 5

TAONG PANURUAN 2020-2021


No. _________
Name _______________________________

Basahin ang talata at punan ng angkop na panahunan ng pandiwa ang patlang sa pamamagitan ng
pagbilog sa letra ng tamang sagot.
Habang __________ ang panahon, damang-dama ng sangkatauhan ang modernisasyon sa
larangan ng agham at teknolohiya. Kitang-kita natin ang lumabas na iba-ibang klaseng kagamitan
para sa komunikasyon- ang cell phones, fax machine, kompyuter at iba pa. Mababakas sa unti-unting
umuunlad na bansa ang pagyakap nito sa halimuyak ng modernong pamumuhay.
1. A. lumilipas B. lumulundag C. tumatakas D. umuurong

Ang Bata at Ang Palaka


Isang maaraw na umaga, may isang batang hindi naman talagang masama. Kaya lamang may mga
pagkakataong nagpapakita ng pagiging salbahe ang batang ito. Pero sa kabuuan, masasabing siya’y isang
batang OK. Kakatwa ang batang ito. Alam ninyo, siya ay may bisyong gumawa ng kakaiba sa matatanda. Ang
problema, ginagawa ng batang ito pati ang masasamang sinasabi ng matatanda. Noong simula, ginawa ito ng
bata bilang katuwaan. Subalit ng magtagal, ang masasamang salita ay naging bahagi na ng kanyang pang-
araw- araw na pagsasalita.Sinikap ng mga magulang ng bata na maiwasto ang kanyang bisyong pagmumura.
Isang araw inutusan ng ina ang bata. Nang siya’y tumatawid sa ilog, nawalan siya ng balanse at tuluyang
bumagsak. Nagmura ang bata. Samantala sa palibot ng ilog na iyon ay may mga nakatirang laman-lupa. Hindi
nila matagalan ang masamang lumalabas sa bibig ng bata.
“Dahil doon, ang mababait na duwende at engkantada ay tuluyan nang nagpahayag ng
pagkayamot.”Turuan natin ng leksyon ang batang iyan” sigaw ng isang duwende.
“Minsan, magmumura na sana ang bata, isusunod na sana niya ang pagmumura nang may maramdaman
siyang bukol sa kanyang lalamunan. Pinagsikapan niyang magsalita subalit ...Kokak! kokak! dalawang palaka
ang lumabas sa kanyang bibig at tumalon. Nasindak siya kaya hindi na siya nagbuka ng bibig maghapon. Sa
tuwing magsasalita ang bata dahil nakasanayan na niyang magmura lumalabas ang mga palaka sa bibig niya.
Nang makita ito ng mga kalaro ay natakot at nagsipagtakbuhan.
Hindi naman nagtagal ay napagtanto ng bata ang kahulugan ng paglabas ng palaka sa bibig niya. Kaya
pinag-aralan na niyang hindi na magsalita ng masama at magmura.
2. Paano mo ilalarawan ang tagpuan at ang bata sa kuwento?
A. Isang maaraw na umaga habang mura ng mura ang isang bata.
B. Isang maaraw na umaga habang naglalaro sa damuhan ang batang mabait.
C. Isang hapon naglalakad ang batang masunurin sa kabukiran habang umaawit.
D. Isang maulang umagang paawit-awit ang batang palakaibigan sa tabi ng malinis na ilog.

3. Sa pangungusap na “Pinarusahan ng engkantada ang bata dahil sa pagiging palamura nito”. Ano
ang sanhi.
A. Pinarusahan ng engkantada ang bata
B. Dahil sa pagiging palamura nito
C. Pinarusahan ang engkantada
D. Ang engkantada at dwende

4. Bakit pinarusahan ng engkantada at ng mga duwende ang bata?


A.dahil lagi itong marungis.
B.dahil palagi itong nagmumura sa tuwina.
C.dahil palagi nitong inaaway ang kanyang mga kalaro.
D.dahil siya ay laging nagdadabog sa tuwing uutusan ng kanyang mga magulang.

Basahin at unawain ang maikling dokumentaryo.


Si Lolo Pedro ang hari ng karagatan sa Isla Berde noong kanyang kabataan. Ang Isla Berde ay
matatagpuan sa pagitan ng Mindoro at Batangas na sagana sa mga korals o tirahan ng mga isda. Si
Lolo Pedro ang isa sa maninisid at gumagamit ng sodium cyanide sa pangingisda. Naparalisado ang
kanyang katawan dahil sa gumagamit siya ng compressor sa pangingisda kung kaya hindi na siya
makapaghanap-buhay.
Pumalit sa kanya ang kanyang anak na si Totie. Masipag, mabait at masunuring anak. Sa una, ay
sa mababang lugar ng dagat siya sumisid upang manghuli ng isda. Habang tumatagal ay sa malalim
na lugar na siya nangingisda kung kaya ganun din ang naging kapalaran niya sa kanyang ama.
Naging paralisado silang mag-ama kung kaya hindi sila nakapag-hanapbuhay. Sa ngayon ay umaasa
na lang sila sa pagtatanim ng mga gulay sa bukid at ipinangako nila sa kanilang sarili na hindi na sila
muli gagawa ng illegal na gawain.

5. Ano ang paksa ng dokumentaryong binasa?


A. Ang hanap-buhay sa Isla Berde
B. Ang pagiging sakim ng mag-ama
C. Kung may itinanim ay mayroong aanihin
D. Ang aral na napulot ng mag-ama sa paggamit ng illegal na pangingisda

Sinaunang Pamayanan ng mga Pilipino


Napatunayan din sa mga pag-aaral ng mga antropologo na ang mga unang Pilipino ay
__________
sa mga kapatagan at lambak na malapit sa mga ilog,dagat, lawa at look. Ang iba ay nanirahan sa
mga burol at bundok upang makakuha ng pagkaing kailangan sa araw-araw.

6. Ano ang angkop na panahunan ng pandiwa ang dapat na ilagay sa patlang sa itaas?
A. kumain B. nag-away C. naglakad D.tumira

Sabado, ika-3 ng Hunyo, 2020


Pagkakain ng agahan, ipinasyal kami ni Tita Carmen sa Rizal Shrine sa Dapitan. Ito
pala ay nasa baybay-dagat. Napakalamig at sariwang-sariwa ang hangin na nagbubuhat sa
dagat at napakalinaw ng tubig. Napasarap langhapin ang sariwang hangin.
Linggo, ika-4 ng Hunyo, 2020
Pagkakain ng agahan, inihatid kami ni Tito Robert sa Bus Terminal patungong Davao.
Alas dose na kami nakarating sa Lungsod ng General Santos. Dito kami titigil ng limang araw.
Maulan ang lugar na ito, kaya mura rito ang mga bungangkahoy. Napakalaki ang inihain sa
aming saging.
7. Ano ang paksa ng binasang talaarawan?
A. Ang pamimitas ng bungangkahoy C. Ang Paliligo sa Boracay
B. Ang pamamasyal sa Davao D. Ang Pagtatanim ng Puno
Ipinasulat saiyo ng iyong guro ang talata sa ibaba.
Init-lamig, lamig init, ulan sa tag-araw, at init sa tag-ulan. Lubhang malaki na nga ang
ipinagbabago ng klima sa ating bansa simula ng pumasok ang ika-20 siglo. Naku___nasusunog ang
kagubatan. May magagawa ka kaibigan Ikaw handa ka bang makiisa_____
8. Anong bantas ang dapat na ilagay sa patlang sa talata sa itaas?
A. ! at / B. ! at . C. ! at ? D. ! at #

9. Maunlad na ang lungsod ng Lucena. Maraming gusali ang nagsusulputan. Naglalakihang pabrika
ang ipinapatayo ng mga negosyante at ng pamahalaan. Ibigay ang angkop na kalalabasan kung
patuloy ang pag-unlad ng Lungsod.
A. Giginhawa ang buhay ng mayaman
B. Magiging maayos at magulo ang buhay ng mga tao.
C. Mananatili ang katahimikan at pagmamahalan sa bansa
D. Maraming manggagawa ang magkakaroon ng hanap-buhay.
10. Iba na ang panahon ngayon sa tuwing ako ay lalabas ng bahay ay napapansin ko na sobrang init
ng sikat ng araw. Ito ay napakasakit sa balat. Lagi kong iniisip na sira na ang ozone layer. Ang ozone
layer ang tumutulong sa atin upang protektahan tayo sa matinding sikat ng araw. Sobrang walang
pakundangan sa pagsira ng ating kapaligiran ang mga tao. Kung iguguhit mo ang butas ng ozone
layer, alin kaya sa mga sumusunod na larawan ang iyong iguguhit?

A. B. C. D.
IKALAWANG MARKAHANG PAUNANG PAGTATAYA SA FILIPINO 5
TAONG PANURUAN 2020-2021
TALAAN NG ESPISIPIKASYON

Learning Competency ITEM PLACEMENT

Cognitive Level

Analyzing

Number Number Rememberi Applying Evaluating Total No.


of Days of Items ng, of
(30%) Creating Questions
Understand
ing AVERAGE (10%)

(60%) DIFFICUL
T
EASY

Nagagamit ang wastong pandiwa ayon 1 1 1


sa panahunan.

Nailalarawan ang mga tauhan at 1 1 1


tagpuan sa kuwento.

Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga 1 1 1


pangyayari at nasasagot ang mga
literal na tanong sa napakinggang
teksto/nabasa.

Nagagamit ng wasto ang pandiwa 1 1 1


ayon sa panahunan sa pagsasalaysay
tungkol sa kasaysayan.

Naibibigay ang paksa/layunin sa 1 1 1


pinanood o nabasang dokumentaryo.

Naibibigay ang mahahalagang 1 1 1


pangyayari sa nabasang
talaarawan/talambuhay.

Naisusulat ng wastong baybay bantas 1 1 1


ang idinektang talata.

Naiuugnay ang sariling karanasan sa 1 1 1


napakinggang teksto at naisasalaysay
ang mga pangayayaring
naobserbahan sa paligid.

Nasasagot ang mga tanong sa 1 1


binasang tekstong pang-impormasyon

Nakapagbibigay hinuha sa 1 1 1
kalalabasan ng mga pangayayri sa
napakinggang teksto.

Kabuuan 10 6 3 1 10

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. B
3. B
4. D
5. D
6. B
7. B
8. D
9. A

Second Quarter Pre-Assessment


ENGLISH 5

No. ________
Name: _________________________ Score: _________
Grade and Section: _______________ Date: __________

Write you answer here. Choose the letter of the correct answer.

1. _________ 6. _________
2. _________ 7. _________
3. _________ 8. _________
4. _________ 9. _________
5. _________ 10._________

IKALAWANG MARKAHANG PAUNANG PAGTATAYA SA FILIPINO 5


TAONG PANURUAN 2020-2021

No. ________
Name: _________________________ Score: _________
Grade and Section: _______________ Date: __________

Isulat ang iyong sagot dito. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. _________ 6. _________
2. _________ 7. _________
3. _________ 8. _________
4. _________ 9. _________
5. _________ 10._________

You might also like