You are on page 1of 12

1

6y
Aralin
Pagsulat ng Reaksyong Papel
7
Mga Inaasahan

Sa araling ito, susulat ka ng reaksyong papel batay sa babasahing teksto


ayon sa katangian at kabuluhan nito. Aalamin mo rin ang kaugnayan nito sa
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


kasanayan na :
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya b. komunidad c. bansa d. daigdig (F11EP-
IIIj-37)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pag-aaral pero sagutin mo muna ang
unang gawain. Ang mga sagot sa bawat pagsasanay at gawain ay ilalagay sa
nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na tanong at ilagay ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1. Tinatawag na pinagtutuunang ideya sa pagsasalaysay.


A. paksa C. konsepto
B. kaisipan D. tema
2. Nakapaloob sa balangkas ng pagsusuri ang mga nangingibabaw na ________.
A. puna C. rekomendasyon
B. kongklusyon D. saklaw
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsulat ng reaksyong papel?
Maipabatid ang:
A. prosidyural na konsepto ng bawat kaisipan.
B. pansariling opinyon na magtutuwid sa isang proposisyon.
C. argumentatibong pamamaraan mula sa mga piling paksa.
D. malalim at pansariling saloobin at masusing obserbasyon.
4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pagtalakay sa simulain ng reaksyong
papel?
A. Inilalahad ang kabuuang pananaw.
B. Sinisimulan sa isang paglalahad ng paksa.
C. Ipinakikilala ang tunguhin ng nilalaman ng pagsusuri.
D. Inilalahad ang nais ipabatid na kabuuang pagtalakay ng reaksyong papel.
5. Matapos mailahad ang kabuuang pananaw at reaksyon kaugnay sa napiling akda o
teksto. Ang isang manunulat ng reaksyong papel ay tutungo na sa pagbuo ng
__________________.
A. rekomendasyon C. kongklusyon
B. paghihinuha D. paksa

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
2

6. Sa alinmang teksto na susuriin at gagawan ng isang reaksyong papel, ano ang


kinakailangang tandaan sa bahagi nito bilang panimula ?
A. Masusing ilahad ang kabuuang obserbasyon/ pananaw
B. Buuin ang pangkalahatang puna batay sa gagawing pagsusuri.
C. Bigyang pokus ang mga elemento sa bawat akdang tuluyan na nasuri
D. Isa-isahin ang mga bibigyang puna mula sa gagawing pagsusuri
7. Ano ang nangingibabaw na tungkulin sa pagsulat ng isang reaksyong papel sa
bahagi ng panimula o introduksyon?
A. Sumulat ng panimulang lagom.
B. Isa-isahin ang kasipan batay sa kahalagahan nito.
C. Paikliin ang kinakailangang datos mula sa tekstong susuriin.
D. Maayos na mailarawan o mailahad ang akda o tekstong sinuri at pinag-
aralan.
8. Sa pagsulat ng reaksyong papel sa bahagi ng nilalaman o katawan nito. Ano ang
kinakailangan na mangibabaw mula sa mga pangunahing ideya?
A. kaisipan C. diwa
B. konglusyon D. rekomendasyon
9. Pinakamahalagang bahagi ng reaksyong papel na maglalagom sa mga naihanay na
impormasyon na naglalaman ng mga pangunahing kaisipan o ideya.
A. panimula C. nilalaman
B. konglusyon D. bibliograpiya
10. Ayusin ang sumusunod na mga bahagi sa pagsulat ng isang Reaksyong Papel.
1. panimula
2. kongklusyon
3. nilalaman o katawan
4. kaugnay sa pinagmulan ng impormasyon
A. 1234 C. 4321
B. 1324 D. 2413

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Basahin ang lunsarang teksto sa ibaba at sagutan ang mga gabay na tanong
sa sagutang papel.
Death Penalty

Sa kasalukuyan, may ilang mga mambabatas ang nagnanais ibalik ang isang
batas na sa tingin nila ay makatutulong sa pagpapababa ng antas ng krimen dito sa
ating lipunan, ito ay ang death penalty. Subalit sa kabila ng magagandang epekto na
maaaring maidulot ng batas na ito, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi
pabor sa pagbabalik ng naturang batas. Ayon sa kanila, hindi na raw kailangan na
ibalik ang death penalty dahil may iba pa naming paraan para mapababa ang antas
ng krimen.

May mga nagsasabi na hindi na dapat ibalik ang death penalty dahil sa ito ay
labag sa karapatang pantao ng isang indibidwal. Ayon naman sa simbahang katolika,
hindi ito dapat ibalik sapagkat labag ito a kautusan ng Diyos o walang ibang maaaring
bumawi sa buhay ng isang tao maliban sa Diyos. May iba naman na mga mambabatas
at karaniwang mamamayan na nagsasabing pataasin nalang ang mga parusa sa
bawat krimen sa halip na ibalik ang death penalty.

Sa sariling opinyon ko naman, pabor ako sa pagbabalik ng death penalty dito


sa bansa sapagkat masyado ng mataas ang antas ng krimen ngayon kumpara noong

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
3

mga panahon na mayroon pang death penalty sa Pilipinas. Ito ay sa kadahilanan na


nagsisilbing “deterrent” upang hindi gumawa ng krimen ang mga tao, iiwas silang
gumawa ng mga bagay na maaaring magdala sa kanila sa sitwasyon na matulad sa
mga taong napatawan ng death penalty sa pamamagitan ng silya elektrika o lethal
injection. At dahil nga dito, mas mapayapa ang pamumuhay at mababa ang antas ng
kriminalidad sa panahong ito. Subalit noong napatalsik sa pamahalaan si Ferdinand
Marcos ay na- abolish ang death penalty sa utos na rin ng pumalit sa kaniya na si
Cory Aquino. At simula noon unti unti na ring tumaas ang antas ng krimen sa
Pilipinas.

Isa pa sa mga dahilan ay dahil sa talamak na droga sa bansa, na dahil na nga


sa maluwag na parusa, napipili ng mga dayuhan na gawing bagsakan o bentahan ng
illegal na droga ang Pilipinas. At kahit pa makulong sila ay naipagpapatuloy pa rin
nila ang kanilang negosyo sa loob ng bilangguan, kaya parang walang pagbabago na
nangyayari.

Maraming bagay ang kailangang isaalang-alang kung sakali kaya nasa kamay
na ng mga taong manunungkulan sa hinaharap kung maibabalik ito o hindi. Ang
magagawa nalang natin ay ang maghintay at ipanalangin na hindi na lalong lumala
ang kasalukuyang problema ng bansa sa dami ng krimen.

Ang teksto ay mula sa https://zknight27.wordpress.com/


Gabay na mga Tanong
1. Ano ang pangunahing paksa ng tekstong binasa?
2. Anong uri ito ng teksto?
3. Anong kaisipan ang nakapaloob sa tekstong binasa?
4-5 Punan ang angkop na kohesyong gramatikal ang sumusunod na pangungusap
4. Patuloy na pinupuntahan ng mga turista ang mga isla ng Palawan dahil ______ ay
totoong namamangha sa angking ganda ng mga tanawin dito.
5. _______ ay isa sa aktibong manlalakbay na patuloy na pumupunta sa Batanes
dahil ayon kay Leo L. Cantillang paborito niya itong lugar sa buong Pilipinas.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang pamamaraan ng maayos na pagsulat


ng isang reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian, at
kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
Ang Kaligiran sa Pagsulat ng Reaksyong Papel

Isa sa kapangyarihan ng pagsulat ay ang pagbuo ng isang reaksyon hinggil sa


paksang napili ng taong nais magsuri ng isang akdang nabasa, o di kaya ay isang
pelikulang napanood. Nakapaloob sa balangkas ng pagsusuri ang mga nangingibabaw
na puna. Makikita rin sa nilalaman nito ang mga sistematikong pagbibigay opinyon
batay sa napiling paksang pinag-aaralan. Layunin ng reaksyong papel na maipabatid
ang malalim at pansariling saloobin sa pamamagitang ng masusing obserbasyon.

Mga Simulain sa Pagbuo ng Reaksyong Papel


Reaksyon sa Larang Pampelikula
1. Gumawa ng sistematikong balangkas batay sa maayos na pagkakalahad ng
pangyayari sa pelikula.
2. Itala ang mga naisaayos na komentaryo o reaksyon sa mga piling pangyayari.
3. Likumin nang maayos ang mga reaksyon mula sa mga pangyayari at bumuo ng
kaisahang paglalagom.
Narito ang mga elemento ng isang pelikula.
a. Iskrip
b. Sinematorapiya

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
4

c. Tunog at Musika
d. Disenyong Pamproduksyon
e. Pagdidirihe
f. Pag-eedit
Reaksyon sa Akdang Pampanitikang Tuluyan at Iba’t ibang Uri ng Teksto
1. Maayos na pagkakalahad ng lagom o buod mula sa akdang napili.
2. Masusing ilahad ang kabuuang obserbasyon/ pananaw hinggil sa sinusuri.
3. Bigyang pokus ang mga elemento sa bawat akdang tuluyan.
4. Isa-isahin ang mga bibigyang puna mula sa iba’t ibang aspeto na may kaugnayan
sa sinusuri.
5. Buoin ang naisa-isang pagsusuri mula sa bawat elemento ng akdang nasuri at
bumuo ng kabuoang puna o reaksyon.
Mga Bahagi at mga Dapat Tandaan sa pagsulat ng Reaksyong Papel
1. Panimula- Sa bahaging ito ay kinakailangan ay mapukaw ang kawilihan o interes
ng mga mambabasa. Kinakailangan sa bahaging ito na maayos na mailarawan o
mailahad ang akda o tekstong sinuri at pinag-aralan. Idagdag sa bahaging ito ang
maikling pagpapaliwanag hinggil sa simulain kung bakit nais gawin ang reaksyong
papel.
2. Nilalaman o Katawan- Inilalatag sa bahaging ito ang nangingibabaw na kaisipan
mula sa mga pangunahing ideya na nakapaloob sa reaksyong papel.
3. Kongklusyon – Pinakamahalagang bahagi ng reaksyong papel na maglalagom sa
mga naihanay na impormasyon na naglalaman ng mga pangunahing kaisipan o ideya.
4. Kaugnay sa Pinagmulan ng Impormasyon- Nasa bahaging ito ang mga maikling
datos ng impormasyon mula sa mga nailahad na kaisipan.

Mga Gawain
Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan Bigyang kahulugan ang sumusunod
na salita na ginagamit sa pagsulat ng reaksyong papel at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.
1. Samakatuwid:
2. Talaga:
3. Gayunpaman:
4. Marahil:
5. Sa katunayan:
Gawain 1.2 Pagsulat ng Reaksyong Papel
Matapos mong mabasa ang kaligiran at pag-alam sa paraan ng pagsulat ng
reaksyong papel batay sa babasahing teksto, ikaw naman ay susulat ng isang
reaksyong papel ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa,
at daigdig.
Basahin ang teksto sa ibaba at sumulat ng isang reaksyong papel batay sa
katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Isulat ito
sa sagutang papel.

Muling Pagbisita sa Karapatang Pambata Tungo


sa Pagsalubong sa Pananagutang Pantao
Tekstong Impormatibo
ni Leo L. Cantillang

“There is no trust more sacred than the one word holds with children. There is no duty
more important than ensuring that the rights are respected, that their lives are free from
fear and want that they can grow up in peace.” – Kofi Annan

Sa kasalukuyang mukha ng panahon, malaking usapin sa lipunang ating


ginagalawan ang salitang “Karapatan”. Ito marahil ang salita na sumusukat sa
pamantayang moral o kaugalian na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng
paggawi ng tao at palagiang protektado bilang mga karapatan likas at legal. Sa mga

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
5

uri at mga saklaw nito nangingibabaw sa alinmang panig ng mundo ang tinatawag na
“Karapatang Pambata”.

Ang mabuhay, umunlad, magkaroon ng proteksyon, at pakikilahok sa alinmang


gampaning panlipunan ay nakasakop sa pangangailangan ng isang batang
sumasalubong sa mapanghamong panahon. Ang karapatang matugunan ang
basikong pangangailangan para mabuhay tulad ng ligtas na tirahan, palagiang
pagkain at serbisyong medikal ay isa sa pangunahing saklaw ng karapatang pambata.

Ayon sa Child Rights Information (Interantional) Network (CRIN), nahahati sa


dalawang kategorya ang karapatan ng mga bata. Ang una ay ang karapatang
panlipunan at kultural. Ito ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng katulad
ng pagkain at tubig, bahay, edukasyon, pangangalaga ng kalusugan at maging
karapatang-kultural ng mga katutubo na kinabibilangan ng bata. Ang ikalawa ay
pangkapaligiran, kultural at karapatang pang-unlad naman ay ang mga bata na may
karapatang mamuhay sa ligtas na komunidad upang makilahok sa pag-unlad ng
ekonomiya, kultura at maging sa pamamalakad ng pamahalaan.

“Hayaan ang bata na maranasan ang pagiging bata dahil


minsan lang sila maging bata”- G. Matute

Mula sa mga piling akda ni Genoveva Endroza Matute sa mga panitikang


pambata. Nailalapat niya na ang kalayaan sa alinmang aspeto ng buhay ay nagiging
bentahe ng sinumang bata na maipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang pagkamulat ng kanilang interes sa alinmang bagay ay magbubunga ng
mga karanasang magbibigay sa kanila ng aral.

Bukod pa rito, may karapatan din ang mga bata na maprotektahan sa


anumang abuso, pagpapabaya at pananakit sa kanilang emosyon. Tumutugma ito sa
Maslow’s hierarchy of needs kung saan, maliban sa pangangailangang pisikal at
seguridad, dapat di kaligtaan ang pangangailangan ng bawat bata na mahalin,
maibilang sa pamilya at komunidad, irespeto at makamit ang potensiyal nila (self-
actualization). Kung susuriing mabuti, ang mga pangangailangang ito ay matutugunan
ng pamilya, paaralan at lipunan.

Ang Magulang at ang Karapatang Pambata

Saan nga ba nagsisimula ang pagtuturo ng karapatan? Sa kasalukayang lagay


ng lipunan, ibinibigay ang simulaing pagkamulat sa mga bata ng mga magulang
upang maituro ito. Bilang mga magulang sila ang saksi sa alinmang pagbabagong
nagaganap sa kanilang mga anak. Ang pagpapabatid sa mga ito ay isang napalaking
responsibilidad sa kamulatan at kabatirang kailangang matamo ng isang bata.

Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) ay isang
pandaigdigang kasunduan na pinirmahan ng Canada at karamihan ng mga bansa. Ito
ay nagpapahayag na ang bawat tao na mababa sa edad 18 taon ay kailangang
umunlad at mabuhay ng isang malusog na pamumuhay

Sa Canada ang bawat bata at kabataan na nasa ilalim ng 18 gulang, kabilang


ang kabataang immigrate ay may karapatan na maprotektahan sa ilalim ng UNCRC.

Karapatang Pambata sa Pananagutang Pantao

Kung ating lalagumin ang hinihingi ng panahon at ng kasalukuyang


panahon. May mga karapatang pambata na higit na kinakailangang paunlarin at
palaganapin. Una, walang deskriminasyon, tratuhin ng patas ang lahat at may
paggalang. Pangalawa, karapatan sa buhay, mabuhay ng ligtas (survival) at pag-
unlad, ang mga bata at kabataan ay may karapatan sa mga saligang pangangailangan
upang mabuhay at umunlad. Pangatlo, bilang nakatatanda ay palaging tanungin ang
iyong sarili: “ang desisyon bang ginagawa ko ay para sa mga bata?” At pang-apat,

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
6

igalang ang pananaw ng mga bata at kabataan, kinakailangang kasali at isaalang-


alang ang kanilang mga pananaw kapag gumagawa ng mga desisyon na nakakaapekto
sa kanila.

Buo Ngunit Kulang na Pananaw sa karapatang Pambata

Habang ang UNCRC ay tinitiyak ang karapatan ng mga bata at kabataan


upang ipahayag ang kanilang mga pananaw, hindi ito nangangahulugan sila ay amo.

Ang karapatan ng mga bata at kabataan ay nandiyan upang hikayatin ang


lahat ng mga nasa sapat na gulang (adults) na makinig sa opinyon ng mga bata at
isangkot sila sa paggawa ng desisyon sa pag-asa na sila ay matuto kung paano
gumawa ng mga responsableng desisyon.

May kakulangan man sa ibang aspeto hinggil sa karapatang pambata,


kinakailangan na ang mga pamamaraan upang itaguyod ang mga ito. Una, tulungan
ang mga bata upang maunawaan nila ang mga karapatan na magbibigay proteksyon
sa kanila. Pangalawa, isangkot ang mga bata sa paggawa ng desisyon ng pamilya.
Pangatlo, bigyang kalayaan ang mga bata sa mga bagay na magpapasaya sa kanila
ngunit kinakailangan na ito ay may limitasyon.

Gabay ng mga Tanong:


A. Pagkakabuo ng Teksto: Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Ano ang nilalaman ng teksto at ano ang pangunahing tinalakay nito sa panimulang
talata?
2. Paano inilahad ng manunulat ang mga impormasyon sa bahagi ng nilalaman nito?
3. Paano binuo ang kabuuang puna sa huling bahagi ng teksto?
B. Pagsulat ng Reaksyong Papel mula sa Binasang Teksto.
Sundin ang mga hakbangin sa pagsulat (Panimula, Nilalaman, at Kongklusyon) at
iugnay ito sa pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Isulat ito sa sagutang papel

Panukatan sa Pagsulat ng Reaksyong Papel


Maayos na pagkakalahad ng pananaw at nagpakita ng mga ebidensya 50%
Pagsunod sa kaayusan ng balangkas ng nilalaman 30%
Mahusay na paggamit ng mga salita sa pagbibigay reaksyon o pananaw 20%
Kabuoan 100%

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong


1. Ano ang natutuhan mo sa pagsulat ng isang reaksyon papel?
2. Ano ang masasabi mo tungkol sa daloy ng pagsulat ng isang reaksyong papel?
3. Ano-anong mga pamamaraan ang ginamit sa pagsulat ng reaksyong papel upang ito
ay umunlad batay sa pagkakabuo?
4. Sa iyong nabasa na nilalaman ng teksto, naging epektibo ba ang pagsusuri mo
batay sa katangian at kabuluhan nito?
5. Bakit kinakailangang maiugnay sa pamilya, komunidad, bansa, at daigdig ang
nilalaman ng isang tekstong iyong nabasa patungo sa pagsulat ng isang maayos na
reaksyong papel?

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang pagsulat ng reaksyong papel mula sa


tekstong binasa gayundin ang katangian at kabuluhan nito sa pamilya,
komunidad, bansa at daigdig, narito ang mga dapat mong tandaan:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
7

1. Sa pagsulat ng isang reaksyong papel ay kinakailangang mapag-aralan mabuti ang


mga nabatid na impormasyon mula sa tekstong nabasa/napanood upang makabuo ng
sariling kaisipan o opinyon hinggil dito.

2. Kinakailangan na mabatid ng nagsusuri ang katangian at kabuluhan nito.

a. Tinatalakay sa bahagi ng katangian ay kung anong uri ng akda o teksto ang


nais suriin.
b. Sa bahagi ng kabuluhan ay ang kaugnayan nito sa iba’t ibang aspeto katulad ng
sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Malaking tulong ito upang
lubusang maintindihan ang ang kahalagahan ng akdang sinusuri.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin ang teksto sa ibaba at sumulat ng isang reaksyong papel na


naglalaman sa pagsusuri hinggil sa katangian at kabuluhan nito. Isulat ito sa
sagutang papel

Social Media 2020: Ang Kalagayan ng Wikang Filipino


Ni Leo L. Cantillang

“Language is the most massive and inclusive art we know, a mountainous and
anonymous work of unconscious generations”- Edward Sapir

Isa sa yaman ng wika na mayroon ang bansang Pilipinas ay ang masistemang


balangkas nito na umaayon sa sistematikong istruktura. Kung muli nating bibisitahin
ang paglalagom ng mga kahulugan nito, sinasabing sistema ito ng mga tunog na
kinagawiang gamitin ng mga lipon ng mga taong naninirahan sa isang pook upang
makipagtalastasan. Subalit sa pagdaan ng panahon at gayundin sa kagustuhan ng
kaligiran ng wika. Ito ay nagbabago sa hinihinging pangangailangan ng linggwistikong
komunidad.

Ang wika ay dumadaan sa proseso ng pagbabago subalit hindi maaaring


maihiwalay ang istandardisasyong tunguhin nito sa bawat larang. Nagkakaroon
lamang ng pagbabago sa balangkas ng pagkakasulat ng isang wika kapag pinag-
uusapan na ang rehistro nito.

Sa pagdaan ng panahon, ang wika ang siyang nagiging kagamitan natin upang
maipahayag ang ating saloobin, at dahil dito hindi mapipigilan ang mga Pilipino na
umaalinsabay sa makabagong takbo ng teknolohiya. Ayon sa isang pag-aaral, 88
porsyento ng mga kabataan ngayon ang gumagamit ng social media. Sa 9.9 milyong
Pilipino na gumagamit ng internet, 8.6 milyon sa mga ito ang higit na mahaba ang
oras sa Facebook, Instagram, at Twitter. Kaya naman ang bansang Pilipinas ay
tinagurian ngayong sentro ng Social Networking sa buong mundo.

Hindi mapipigilan ang mga kabataan sa ngayon gayundin ang ating ibang
kapwa Filipino sa pagsalubong sa pagbabagong nagaganap sa mundo ng teknolohiya.
Hindi man natin pansin, ngunit wika ang sentro ng social media. Ito ang nagiging
lundayan kung bakit tayo nasasangkot sa mga iba’t ibang usapin na ibinibigay ng
internet.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
8

Kaugnay sa usaping ito nailahad sa isang social media site na tumbler noong
ika-23 ng Nobyembre 2016 na kung ating mapapansin, kahit pa tayong mga
Pilipino ang pinaka gumagamit sa mga social networking sites na laganap ngayon,
walang site ang gumagamit ng ating wika, ang Wikang Filipino, ng “default”.
Maaaring ito ay dahil ang mga Amerikano ang gumawa ng mga sites na ito, maaari
din namang dahil Ingles ang Unibersal na wika, o maaari din namang dahil hindi
natin lubos na tinatangkilik ang ating sariling wika. Sa mga kadahilanang
nabanggit, sa tingin ko ang dahilan ay nasa sa atin din, sapagkat kung tutuusin
wala naman talaga, o kung mayroon man ay kakaunti lang, ang gumagamit ng
Wikang Filipino sa kanilang mga social media sites maliban sa kanilang mga
“posts, comments, at tweets”.

Sa panahon ngayon ng 2020 ay hindi masyadong maayos ang kalagayan ng


Wikang Filipino sa mga social media sapagkat hindi natin lubusan nagagamit nang
maayos ang sariling wika na mayroon tayo. Sa totoong persepsyon sa istatus ng
ating wika ay hindi na nabibigyang pansin ang pormalidad na pagkakabuo nito na
mula sa salita tungo sa pangungusap. Higit pa nating sanayin at gamitin ang
wikang Filipino na naayon sa istandardisasyon nito. Malaking kapakinabangan sa
atin kung pagyayamanin natin ang paggamit nito sa maayos na pagpapahayag sa
pang-araw-araw nating pakikipag-usap. Muli rin nating balikan at pag-aralan ang
wastong paggamit nito na higit na makakatulong sa preserbasyong pangwika ng
ating bansa.

Panukatan sa Pagsulat ng Reaksyong Papel


Maayos na pagkakakalahad ng kabuluhan at katangian ng teksto 50%
Pagsunod sa kaayusan ng balangkas ng nilalaman 30%
Mahusay na paggamit ng mga salita sa pagbibigay reaksyon o pananaw 20%
Kabuoan 100%

Pangwakas na Pagsusulit

Para sa bilang 1-5: Piliin ang tamang letra mula sa loob ng kahon sa ibaba
at basahin ang sumusunod na pahayag sa bawat bilang na makikita sa kabuuang
pagsulat ng reaksyong papel. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

A. Panimula
B. Nilalaman o Katawan
C. Kongkusyon
D. Kaugnay sa Pinagmulan ng Impormasyon

1. Ang tekstong pasalaysay na pinamagatang “Nasaan na ang Pag-asa” ay nakasentro


sa buhay ng isang mag-aaral na nakatira sa gilid ng riles sa lungsod ng Maynila. Si
Martina ay isa lamang sa napakaraming residente na naninirahan sa may gilid ng
Quiapo na kadalasan ay nagtitinda ng sampaguita.
2. Gayunpaman, marami sa mga pangyayari na isinalaysay sa loob ng teksto ang mga
postibong pananaw na nakapaloob sa teksto. Malaki ang naging kaugnayan nito sa
makatotohanang pangyayari ng buhay.
3. Ipinapakita sa teksto na may mga bagay sa buhay natin na hindi natin
naiintindihan subalit ito ang magmumulat sa atin sa napakagandang pangyayari na
darating pa sa ating buhay.
4. Ang tekstong sinuri ay isang paglalahad na karaniwang nangyayari sa buhay ng
isang tao mula sa kaniyang pagkabigo patungo sa muli niyang pagbangon. C
5. Ang aking reaksyon sa nobelang Canal de la Reina na inilathala ni Liwayway Arceo
ay isang realismong pagsisiyasat sa totoong kaganapan sa isang lugar na nagpapakita
ng kahirapan ng buhay.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
9

Para sa bilang 6-8: Suriin ang sumusunod na pahayag batay sa katangian at


kabuluhan ng teksto. Piliin ang tamang letra sa loob ng kahon sa ibaba.

A. sa pamilya B. komunidad C. sa sarili D. daigdig

6. Sa panahon ngayon ng 2020 ay hindi masyadong maayos ang kalagayan ng


Wikang Filipino sa mga social media sapagkat hindi natin lubusan nagagamit nang
maayos ang sariling wika na mayroon tayo.
7. Bagamat sa ibang paglalapat ng impormasyon, naipakita sa pagsasalaysay ng
teksto ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao na ipinatutupad sa loob at labas ng
bansa.
8. Sa realismong pananaw na mababakas sa nilalaman ng teksto, ang mga
pangyayaring natamasa ng taong tinatalakay sa pagsasalaysay ay dumaan sa
naparaming pagsubok. Ito ang nagpatatag sa kaniya upang ibangon ang pamilya sa
kahirapan.
Para sa bilang 9-10: Basahin ang sumusunod na tanong at ilagay ang tamang
sagot sa sagutang papel.
9. Nasa bahaging ito ang mga maikling datos ng impormasyon mula sa mga nailahad
na kaisipan.
A. Panimula
B. Kongklusyon
C. Nilamaman
D. Kaugnay sa Pinagmulang Impormasyon
10. Inilalatag sa bahaging ito ang nangingibabaw na kaisipan mula sa mga
pangunahing ideya na nakapaloob sa reaksyong papel.
A. Panimula
B. Kongklusyon
C. Nilamaman
D. Kaugnay sa Pinagmulang Impormasyon

Pagninilay

Bumuo o lumikha ng isang dayagram na nagpapakita sa proseso ng pagsulat ng


isnag reaksyong papel. Isulat ito sa sa sagutang papel

Panukatan sa Pagbuo ng isang Dayagram

Sumunod sa nilalaman batay sa balangkas ng pagsulat 50%

Kaangkupan ng paggamit ng salita 40%

Kaisahan ng ideya 10%

Kabuoan 100%

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
10

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
SAGUTANG PAPEL
Quarter 3- Week 7

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________


Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________
Paunang Pagsubok
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

Balik-Tanaw
1.

2.

3.

4.

5.

Mga Gawain 1.1


1. Kahulugan: ____________________________________________________________________

Pangungusap:

2. Kahulugan: ____________________________________________________________________

Pangungusap:

3. Kahulugan: ____________________________________________________________________

Pangungusap:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
11

4. Kahulugan: ____________________________________________________________________

Pangungusap:

5. Kahulugan: ____________________________________________________________________

Pangungusap:

Gawain 1.2
A.
1.
2.
3.
B.

Gawain 1.3
1.

2.

3.

4.

5.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo
12

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

Pagninilay

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikawalong Linggo

You might also like