You are on page 1of 24

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
ANG LOKASYON NG PILIPINAS

1
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Lokasyon Ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Maribel E. Tenorio


Maristela V. Torremocha
Editor: Hope A. Jandomon
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Tagaguhit:
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Lokasyon Ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Lokasyon ng Pilipinas!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Lokasyon ng Pilipinas!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat
ninyong matutunan sa nasabing baitang. Nakapaloob dito ang pag-aaral ng lokasyon sa
paghubog ng kasaysayan.

Sa katapusan ng modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Most Essential Learning Competency

Naipapaliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan.

Mga Layunin:

K: Natutukoy ang lokasyon ng bansa ayon sa tiyak na lokasyon at relatibong


lokasyon nito.

S: Naiguguhit ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa relatibong lokasyon nito.

A: Naipagmamalaki ang kabihasnan ng ating mga ninuno at ang naging


ambag nito sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.

1
Subukin

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang


kuwaderno ang tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang


araw?
A. International Date Line C. Green Line
B. Base Line D. Spectral Line
2. Ito ay ang modelo ng mundo o representasyon ng daigdig.
A. larawan C. globo
B. Pilipinas D. lokasyon
3. Ang tawag sa patayong imahinasyong guhit sa globo.
A. globo C. mapa
B. meridian D. iskala
4. Ang ay imahinasyong guhit na matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may
pantay na layo mula sa North Pole at South Pole.
A. longhitud C. latitude
B. ekwador D. prime meridian
5. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa dalawang bahagi– ang silangang hating-
globo at kanlurang hating-globo?
A. longhitud C. latitude
B. ekwador D. prime meridian
6. Ano ang tawag ng kawadrong espasyo sa globo na nabubuo sa pamamagitan ng
pagtatagpo ng mga parallel at meridian.
A. ekwador C. iskala
B. grid D. insular
7. Ano ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang napalibot sa Pilipinas?
A. ekwador C. grid
B. bisinal D. insular
8. Ano ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga kalupaang
nakapalibot.
A. insular C. ekwador
B. bisinal D. grid
9. Ang yunit ng panukat sa mapa ay may katumbas na yunit ng panukat sa aktuwal na
daigdig.
A. iskalang grapik C. iskalang verbal
B. iskalang fractional D. iskala
10. Ang simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng pangunahing at
pangalawang direksiyon batay sa compass.
A. Compass rose C. grid
B. insular D.bisinal

2
Balikan

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap,
Mali naman kung hindi. Isulat sa iyong sagutang kuwaderno ang tamang
sagot.

1. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng kapuluang nagtataglay ng iba’t-ibang anyong


lupa at anyong tubig.

2. Isa sa halimbawa ng anyong lupa ay tinatawag na putik.

3. Ang lawa ay hindi kabilang sa anyong tubig ng Pilipinas.

4. Ang pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas ay matatagpuan sa


Luzon.

5. Binunuo ang Pilipinas ng 7,641 na mga isla.

6. Ang grid ay kuwadrong espasyo sa globo na nabubuo sa pamamagitan


ng pagtatagpo ng mga parallel at meridian.

7. Ang insular ay ang angular na distansiya pasilangan o pakanluran mula sa


Prime Meridian.

8. Angbisinal ay ang angular na distansiya pahilaga o patimog mula sa


ekwador.

9. Ang iskala ay bahagi ng mapa na nagpapakita ng ugnayan ng sukat ng


sukat at distansiya sa mapa at katumbas nitong sukat at distansiya sa
diagdig.

10. Iskala ay simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng mga


pangunahing at pangalawang direksiyon batay sa compass.

3
Tuklasin

Tingnan ang mapa sa ibaba at isulat ang mga karatig-bansa at mga katubigang
nakapalibot sa Pilipinas. Isulat sa iyong sagutang kuwaderno ang inyong sagot.

Lokasyong Bisibal Lokasyong Insular

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

https://www.google.com/search?q=map+of+the+philippines+in+asia&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=OGwrOyNvhRK0KM%252CfaLAk4L
ZJL4aVM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTKRTmyneB2151sH3ih6GsDU5SxTw&sa=X&ved=2ahUKEwjZhJab5qjqAhWUP3AKHduyCaYQ9QEwAXoECAoQHw&biw=1366&bih=657#img
r

4
Suriin
PAGTUKOY SA KINALALAGYAN NG PILIPINAS

Alam mo ba na may dalawang paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan


ng Pilipinas– ang tiyak na lokasyon at ang relatibong lokasyon.
Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan
ng latitude at longitude. Ang relatibong lokasyon naman ay
natutukoy batay sa mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid
sa isang lugar.
Kaya mo kayang alamin ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas
Britannica.com
sa pamamagitan ng mga kasanayan sa pagbasa ng globo at mapa?

Ang globo ay modelo o representasyon ng daigdig. Gamit ito sa


pag-aaral ng heograpiya. Kung mapapansin, napapalibutan o
nababalot ang globo ng mga linya. Ang mga linyang ito ay mga
imahinasyong guhit na inilalagay upang magamit sa pagtukoy ng
ibat-ibang bahagi ng daigdig. Ano-ano ang imahinasyong guhit na
ito? Alam mo ba? Tunghayan ito sa sumusunod na pagtalakay.

Timeanddate.com

MERIDIAN
Ang meridian ay ang patayong imahinasyong guhit sa globo. Ito ay nakaguhit mula
hilaga patimog na globo. Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag
sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga at sa timog. May dalawang espesyal na meridian–
ang Prime Meridian at ang International Date Line.
Prime Meridian
Ang Prime Meridian ang naghahati sa globo sa dalawang bahagi– ang silangang
hating-globo at kanlurang hating-globo. Tinatawag din itong Greenwich Meridian sapagkat
bumabagtas ito sa Greenwich, England.

International Date Line


International Date Line (IDL) ay ang imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa
magkabilang araw. Ang bahagi ng mundo sa silangan ng IDL ay nauuna ng isang araw kaysa
sa bahaging nasa kanluran ng guhit na ito. Matatagpuan ang IDL katapat ng Prime Meridian
sa kabilang panig ng daigdig.

5
.

PARALLEL
Ang parallel ay ang pahigang imahinasyong guhit sa globo. Magkakapantay
ang mga layo ng parallel sa isa’t isa. May limang espesyal na paralleling globo. Ito
ay ang sumusunod.
Ekwador
Ang Ekwador o equator ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may
pantay na layo mula sa North Pole at South Pole. Ito ay ang imahinasyong guhit na
humahati sa daigdig sa hilagang hating-globo at timog hating-globo. Ito rin ang
pinakamalaking bilog na likhang guhit na parallel.
Tropiko ng Kanser
Ang tropiko ng Kanser o Tropic of Cancer ang pinakahilagang bahagi ng
daigdig na tuwirang nasisinagan ng araw. Ito rin ang nagsisilbing hilagang hangganan
ng tropics o ang rehiyon malapit sa equator at may mainit na klima.
Tropiko ng Kaprikornyo
Ang tropiko ng Kaprikornyo o Tropic of Capricorn ang pinaka timog na bahagi
ng mundo na tuwirang nasisinagan ng araw. Ang Tropic of Capricorn ang timog na
hangganan ng tropics.
Kabilugang Arktiko
Ang Kabilugang Arktiko o Arctic Circle ang pinakadulong bahagi ng daigdig sa
hilaga na naabot ng pahilis na sinag ng araw.
Kabilugang Antarktiko
Ang Kabilugang Antarktiko o Antarctic Circle ang pinakadulong bahagi ng
daigdig sa timog na naabot ng pahilis na sinag ng araw.

6
PAGTUKOY NG TIYAK NA LOKASYON GAMIT ANG PARALLEL
AT MERIDIAN
Malaki ang naitutulong ng mapa at globo sa pagtukoy sa lokasyon ng mga lugar sa
daigdig. Ginagamit ang mga imahinasyong guhit sa globo upang hatiin ang daigdig sa mga
bahagi. Sa pagtatagpo ng meridian at parallel ay nabubuo ang mga mala-parihabang espasyo
sa ibabaw ng globo. Grid ang tawag sa kabuuan ng mga espasyong ito. Gamit ito sa pagtukoy
sa tiyak na lokasyon ng anumang lugar sa iababw ng mundo.

Ang pagtatagpo ng mga likhang isip ng mga guhit sa kabuuan ng grid ay ginagamit sa
pagtukoy ng eksatong lokasyon o tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.
https://www.google.com/search?q=picture+of+grid+in+geography&tbm=isch&source
Ang tiyak na lokasyon naipahahayag sa pamamagitan ng longhitud (longitude) at latitude
(latitude. Ang bawat isang guhit sa mapa ay may itinakdang digri (degree). Sa pagkilala at
pagbasa ngmga digri ng latitude at longitude at ng kanilang pagtatagpo sa grid, natutukoy ang
eksaktong lokasyon. Ang longhitud ang angular na distansiya pasilangan o pakanluran mula
sa Prime Meridian. Ang latitud naman ang angular na distansiya pahilaga o patimog mula sa
ekwador.
Ginagamit ang degree (º) at minute (‘) na yunit na pagsukat ng longhitud (longitude) at
latitude (latitude). Ang bawat digri (degree) ay mayroong 60 minutes.
Maaring isipin ang mga parallel at meridian hindi lamang bilang mga guhit sa ibabaw
ng daigdig. Ito rin ay tumatagos patungo sa sentro ng daigdig na vertex. Nasusukat naman
ang latitude (latitude) sa pamamagitan ng pagtukoy sa anggulo sa pagitan ng alainmang
parallel at ng equator gamit ang sentro ng daigdig bilang vertex. (Tingnan ang pigura sa
paglalarawan ng longitude at latitude sa ibaba)
https://www.google.com/search?q=Latitude+and+longitude+time+zones&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwje-
pT5rabqAhVWM94KHcrMDgIQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=608#imgrc=ZRN5tVOT
Ff1byM

7
PAGTUKOY SA RELATIBONG LOKASYON
NG PILIPINAS

Isa sa mga araling ito ang paraan sa pagtukoy sa relatibong lokasyon ng


Pilipinas . Ano ba ang pagtukoy sa rdelatibong lokasyon? Ito ay matutukoy sa
pamamagigtan ng nakapaligid na hangganang lupain o katubigang nakapaligid dito.
May dalawang uri sa pagtukoy ng relatibong lokasyon sa Pilipinas ito ang:
Insular
Bisinal(vicinal)
Ano ang Insular? Ang Insular ito ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang
nakapalibot sa Pilipinas. Bilang bansang arkipelago, napapalibutan ang Pilipinas ng
mga katubigan: ang Pilipinas ay nasa timog ng Bashi Channel; kanluran ng Pacific
Ocean; hilaga ng Celebes Sea; at silangan ng west Philippine Sea

Bashi Channel

Dagat Timog Tsina Karagatang Pasipiko

Dagat Celebes

Ano ang Bisinal (Vicinal)? Ang Bisinal (Vicinal) naman ang paraan sa pgtukoy
sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga kalupaang nakapalibot dito o karatig bansa:
timog ng Taiwan; hilaga ng Malaysia at Indonesia; kanluran ng Guam; at salangan ng
Vietnam.

• Taiwan, Japan, China, Hongkong, North at South Korea


Hilaga

Kanlur • Vietnam, Laos, Cambodia, Myanmar, Thailand at Singapore


an
Silanga • Palau, Guam Micronesia
n
• Brunei Derusalem, Indonesia, East Timor, Papua New Guinea at Australia
Timog

8
PAGBASA NG MAPA
Sa araling ito malalaman natin kung paano ang pagbasa ng mapa at ang kahalagahan
nito.

Compass Rose

Upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar, gumagamit tayo ng mga


pangunahin at pangalawang direksiyon. Ang pangunahing direksiyon ay ang hilaga
(north), silangan (east), kanluran (west), at timog (south). Samantala,, ang mga
pangalawang direksiyon ay ang mga direksiyon sa pagitan ng mga pangunahing
direksiyon. Ito ay ang hilagang-silangan, hilagang-kanluran, timog-silangan, at
timog-kanluran. Gamit sa pagtukoy sa mga direksiyon ito sa mga mapa ay ang
compase rose.

https://www.google.com/search?q=compass+rose&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiS1YSps6bqAhWJP3AKHSHuA0sQ_AUoAXoE
CBEQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=9XHb2-46ZrOnIM

Ang compass rose ay ang representasyon ng mga direksiyong makikita sa isang


compass. Kumakatawan sa bawat direksiyon ang mga titik. (nasa ibaba ang linked
na halimbawa ng compass rose.

https://www.youtube.com/watch?v=FdSr0SzGZ2Y

9
Pagyamanin
Gawain A

Punan ang nawawalang letra sa kahon na isinasaad sa pangungusap. Isulat ang


tamang sagot sa inyong sagutang kuwaderno.

1. -- Ang patayong imahinasyong guhit sa globo. Ito


ay nakaguhit mula hilaga patimog na globo.

2. -- Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng globo may


e k a o r
pantay na layo mula sa North Pole at South Pole.

3. g l o -- Modelo o representasyon ng daigdig. Gamit ito


sa pag-aaral ng heograpiya.

4. -- Modelo o representasyon ng daigdig. Gamit ito


l a i t d sa pag-aaral ng heograpiya.

5. p a r l l l
-- Ang pahigang imahinasyong guhit sa globo.

Gawain B

Panuto: Buuin ang mga pinaghalong letra at isulat ang wastong sagot sa angkop na
bilang sa patlang . Gawin ito sa inyong kuwaderno.
1. lanisbi ______________________
2. kaisla _______________________
3. niusral _____________________
4. ridg _________________________
5. reso ssapmoc _______________

Punan ang patlang ng tumpak na sagot ayon sa sumusunod na pahayag . Isulat sa


unyong kwaderno ang tamang sagot.

1. _____________ kuwadradong espasyo sa globo na nabubuo sa pamamagitan ng


pagtatagpo ng mga parallel at meridian.
2. ______________simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng mga pangunahin
at pangalawang direkssiyon batay sa compass.
3. ______________ paraan ng pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas.
4. ______________ paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga
kalupaang nakapalibot dito.
5. ______________ bahagi ng mapa na nagpapakita ng ugnayan ng sukat at
distansiya sa mapa at ang katumbas nitong sukat at distansiya sa daigdig.

10
Isaisip
Isaisip

1. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas? (Absolute Location)

Sagot:

2. Ano ang dalawang relatibong lokasyon sa pagtukoy sa kinalagyan ng


Pilipinas?

Sagot:

3. Maipagmamalaki ba natin ang kabihasnan ng ating mga ninuno at ng


Pilipinas? Paano?

Sagot:

11
Isagawa

Gawain

Batay sa bisinal na lokasyon ng Pilipinas, anong bansa ang nasa


_____________.

1. Hilaga ng Pilipinas. _______________________________


2. Timog ng Pilipinas. _______________________________

Batay sa lokasyong insular o katubigang nakapalibot sa Pilipinas, anong


mahalagang tubig ang nasa _____________________

3. Pagitan ng Pilipinas at Vietnam? _____________________


4. Silangan ng Pilipinas? _____________________________
5. Timog ng Pilipinas? _______________________________.

12
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang kuwaderno ang
tamang sagot.

1. Ito ay ang modelo ng mundo o representasyon ng daigdig.


A. larawan C. globo
B. Pilipinas D. lokasyon
2. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw?
A. International Date Line C. Green Line
B. Base Line D. Spectral Line
3. Ang tawag sa patayong imahinasyong guhit sa globo.
A. globo C. mapa
B. meridian D. iskala
4. Ang ay imahinasyong guhit na matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may pantay na
layo mula sa North Pole at South Pole.
A. longhitud C. latitude
B. ekwador D. prime meridian
5. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa dalawang bahagi– ang silangang hating-globo at
kanlurang hating-globo?
A. longhitud C. latitude
B. ekwador D. prime meridian
6. Ano ang tawag kawadrong espasyo sa globo na nabubuo sa pamamagitan ng pagtatagpo
ng mga parallel at meridian.
A. ekwador C. iskala
5. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa dalawang bahagi– ang silangang hating-globo at
kanlurang hating-globo?
A. longhitud C. latitude
B. ekwador D. prime meridian
B. grid D. insular
7. Ano ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang napalibot sa Pilipinas?
A. ekwador C. grid
B. bisinal D. insular
8. Ano ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga kalupaang
nakapalibot.
A. insular C. ekwador
B. bisinal D. grid
9. Ang simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng pangunahing at pangalawang
direksiyon batay sa compass.
A. Compass rose C. grid
B. insular D.bisinal
10. Ang yunit ng panukat sa mapa ay may katumbas na yunit ng panukat sa aktuwal na
daigdig.
A. iskalang grapik C. iskalang verbal
B. iskalang fractional D. iskala

13
Karagdagang Gawain
Iguhit ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa relatibong lokasyon nito. Gawin ito sa iyong
kwaderno. Maari ring lapatan ng mga kulay.

A. Lokasyong Bisinal o mga bansang karatig ng Pilipinas.

B. Lokasyon Insular o mga mahalagang katubigang nakapalibot sa Pilipinas.

14
15
Subukin
Isagawa
1. A
1. Taiwan 2. C
2. Indonesia 3. B
3. Timog Dagat Tsina 4. B
4. Karagatang pacipiko/Paicific Ocean 5. D’
5. Celebes Sea 6. B
7. D
8. B
9. A
10. A
Balikan
1. T
2. M
3. M
4. M
Tayahin 5. T
1. C 6. T
2. B 7. T
8. T
3. B
9. T
4. B 10. M
5. D Pagyamanin
6. B Gawain A:
7. D 1. e d
8. B 2. w d
9. A 3. o b
10. A 4. t u
5. a e
Gawain B:
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. MELC 2020, pahina 39, week 1

2. Araling Panlipunan 5
Pilipinas Bilang Isang Bansa
Mga May-akda:
Maria Annalyn P. Gabuat
Michael M. Mercado
Mary Dorothy dL. Jose
Mga Patnugot:
Celestina P. Boncan, PhD.
Vicente C. Villan, PhD.

3. Google internet search


https://images.app.goo.gl/idkEArHmE8ojBsuq8
East Asia/Southeast Asia:Phil.
https://www.thoughtco.com/degree_of_latitude_and_longitude_distance_4070
616
Britannica.com
Timeanddate.com
google.geography of the Philippines-Wikipedia
google.com. (asiasociety.org)
https://www.youtube.com/watch?v=FdSr0SzGZ2Y
https://www.google.com/search?q=picture+of+grid+in+geography&tbm=isch&
source
https://www.google.com/search?q=Latitude+and+longitude+time+zone
s&source=lnms&tbm=isc h&sa=X&ved=2ahUKEwje-
pT5rabqAhVWM94KHcrMDgIQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=6
08#imgrc=ZRN5tVOTFf1byM
https://www.google.com/search?q=compass+rose&source=lnms&tbm=isch&s
a=X&ved=2ahUKEwiS1YSps6bqAhWJP3AKHSHuA0sQ_AUoAXoECB
EQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=9XHb2-46ZrOnIM
https://www.youtube.com/watch?v=FdSr0SzGZ2Y

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like