You are on page 1of 7

Grades 7 School Grade Level VII

BANGHAY Demo Teacher Jennie Rose C. Olivo Learning Aral Pan


ARALIN Area
Teaching Dates and Time July 6, 2020 Quarter 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
Pangnilalaman Sinaunang Kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Malalim na nakapag uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng


Pagganap Sinaunang Kabihasnang Asyano.
C. Pamantayan sa Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.
Pagkatuto
Knowledge: Nakikilala ang iba’t ibang uri ng likas na yaman ng Asya.
Skills: Nakikilahok ng masigasig sa talakayan ng iba’t ibang yamang likas ng Asya.

Affective: Nakakapag-bigay halaga sa yamang likas ng Asya


AP7HAS-Ie1.5

II. NILALAMAN Mga Likas na Yaman ng Asya


III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Paksa Ang Mga Likas na Yaman ng Asya


B. Sanggunian Batayang Aklat sa . 2008 AP p.36-42
C. Kagamitan Tsart, larawan, CG, projector, laptop
III Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A . Panimulang Gawain

Pagbati
Magandang umaga.
Magsitayo muna kayong lahat para sa ating panalangin. Ana, maaari bang ikaw ang
maging lider sa pagdarasal ngayong araw.

Pagdarasal
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen. (Ang mag-aaral ay maaaring may sariling inihandang panalangin.)
Pag tsetsek ng mga lumiban at hindi lumiban
Ngayong araw, aalamin ko kung sinu-sino ang mga lumiban ngayon sa aking klase.
Magaling! Walang lumiban sa aking klas ngayong araw. Ngayon, nais kong maging
handa kayo dahil sisimulan na natin ang ating aralin ngayong araw.

B. Panlinang na Gawain
1. Balik aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Pasyalan natin ang ating nakaraang leksiyon doon sa mga katangi- tanging lugar sa
Asya upang malaman natin kung anu-no ang inyong mga natutunan noong
nakaraang leksiyon. Lalakbayin natin ang mga nasa larawan at sabihin niyo kung
ano ang pangalan nito. Handa ka na ba? Tayo na!
1. Banaue rice terraces
2. Yellow river
3. Mt. Everest

Magaling! Tama ang lahat ng inyong sagot.


Ang mga ipanakita kong mga larawan ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
iba’t ibang anyo na humuhubog sa pisikal na anyo ng Asya. Ang Mt. Everest,
Banaue rice terrace at Mt. Mayon ay nabibilang sa anyong lupa ng Asya. Ang
Yellow river at Caspian sea naman ay nabibilang sa anyong tubig ng Asya.

2. Pangganyak:
Ang gawaing ito ay ginawa ko upang maging handa kayo sa iba pang inihanda kong
gawain tungkol sa panibago nating aralin ngayong araw.

Mula sa krosalita, subukan niyong hanapin, sa anumang deriksyon, ang anim na


salitang magiging gabay natin sa ating paksang tatalakayin. Isulat ito sa inyong
kwaderno.

Kung kayo ay tapos na, hanapin natin ang mga salita na nasa krosalita. Ang
gustong sumagot ay maaaring pumunta dito sa harapan. Kumuha ng panulat at
bilugan ang nakitang salita.
(Sasagutin ng magboboluntaryong mag-aaral ang patlang sa harap ng
klase)
a x b a k a v r p y
b w r s h a r w a i
f a b t r o s o l i
t l k k g e n a a g
g i n t o r n l y c
s d s y h g h f a w
c r a d i g f l o s
d s i s a i d s a a

Magaling! Tama lahat ang mga salitang inyong nakita sa krosalita.

3. Paglalahad ng Paksa:
Ang troso, isda, palay, ginto, at langis ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
bagay na natutuklasan ng mga tao sa likas na kapaligiran kung kaya ang mga ito ay
mga halimbawa ng likas na yaman.

4. Talakayan
Ang likas na yaman ay ang tawag sa mga bagay na natutuklasan ng mga tao sa
likas na kapaligiran tulad ng tubig, lupa, kagubatan, mineral, yamang-dagat, hayop
at mga enerhiyang natural na maipantutugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan at makapagbibigay-kasiyahan sa mga tao.

Ang likas na yaman ay binubuo ng limang uri. Ito ay ang Yamang Lupa, Yamang
Tubig, Yamang Gubat, Yamang Mineral, at Yamang Hayop.
Ang Yamang Lupa ay mga bagay na itinatanim sa paligid. Ang Yamang Tubig ay
mga bagay na makikita sa tubig. Ang Yamang Gubat any mga bagay na makikita sa
gubat. Ang Yamang Mineral ay mga bagay na namimina o nakukuha sa ilalim ng
lupa. Ang Yamang Hayop naman ay ang mga iba’t ibang hayop na makikita sa
paligid lalong-lalo na sa lupa.

Batay sa mga sagot na ibinigay niyo sa ating gawain, mayroon akong mga larawan
ng mga ito rito sa harap. Ngayon naman ay tuklasin natin kung anong uri ng Likas
na Yaman ang mga ito. Ito ba ay Yamang Mineral, Yamang Tubig, Yamang Lupa,
Yamang Hayop o Yamang Gubat?
1. Yamang gubat
2. Yamang lupa
3. Yamang tubig
4. Yamang mineral
5. Yamang mineral
6. Yamang hayop

Opo
Ang mga yamang ito ba ay makikita natin dito sa Asya?
Tama! Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng likas na yaman na
makikita natin dito sa Asya.
Batay sa ating diskripsyon ng Likas na Yaman, ang mga ito ay nakapagtutugon sa
mga pangangailangan at kagustuhan at makapagbibigay-kasiyahan sa mga tao. (Ang mga mag-aaral ay maaaring may iba-ibang sagot)
Paano nakapagtutugon sa mga pangangailangan ang bawat larawang ito sa buhay
ng tao lalong-lalo ng ng mga Asyano?
Unang larawan: troso
Ikalawang larawan: palay
Ikatlong larawan: isda
Ika-apat na larawan: ginto
Ika-limang larawan: langis
Ika-anim na larawan: baka

5. Pagsasagawa ng Gawain
Ngayon naman ay dumako tayo sa ating susunod na gawain. Ang gawaing ito ay
inihanda ko upang mapalalim ang inyong kaalaman tungkol sa ating Aralin. Kayo
ay hahatiin sa tatlong pangkat pero bago ko ibigay ang mga panuto sa gawaing ito,
babasahin ko muna ang mga panuntunan sa pangkatang gawain.
Panuntunan sa Pangkatang Gawain
1. Magbigay ng importanteng puna.
2. Respeto sa panukala ng iba.
3. Hinaan ang boses upang hindi makaabala.
4. Lumahok nang aktibo.
5. Manatili sa inyong grupo.

Ngayon naman ay babasahin ko ang rubrics ng inyong mga gawain.


Pagmamarka ng Rubric
Puntos INDICATORS
5 -Tamang mga kasagutan.
4 -Kooperasyon
3 -Katahimikan
2 -Malinaw na Pagbasa sa mga Sagot
1 -Walang interes sa mga ginagawa

Mga pangulo ng grupo kunin niyo ang inyong activity sheets at simulan ang Gawain.
Unang grupo: Gumawa ng dula-dulaan kung paano mapapakinabangan ang mga
likas na yaman ng Asya.
Ikalawang grupo: Gumawa ng poster kung paano mapapakinabangan ang mga
likas na yaman ng Asya.
Ikatlong grupo: Gumawa ng tula kung paano mapapakinabangan ang mga likas na
yaman ng Asya.

May tanong pa ba kayo tungkol sa inyong gagawin?

Maaari na kayong pumunta sa inyong mga pwesto at pag-usapan ang inyong


gagawing presentasyon. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para pag-usapan
ang mga gagawin ng inyong grupo. Kung kayo ay tapos na, bumalik na kayo sa
inyong upuan ng tahimik at antayin matapos ang ibang grupo.

Presentasyon ng bawat grupo


(Ang mga mag-aaral ay maaaring may iba-ibang sagot)
6. Paglalahat
Ano-ano ang limang uri ng likas na yaman?
Ano-ano ang mga halimbawa ng yamang likas na matatapuan sa Asya?
Anong uri ng yamang likas ang mga ito?
Magbigay ng isang halimbawa ng pakinabang ng likas na yaman sa buhay ng mga
Asyano.

Naiintindihan niyo na ba ang ating tinalakay ngayong araw?


Itaas lamang ang inyong kanang kamay kung kayo ay may katanungan pa.

1. Paglalapat
Ngayon naman, susukatin natin ang inyong kaalaman tungkol sa paksang tinalakay (Ang mga mag-aaral ay maaaring may iba-ibang sagot)
sa pamamagitan ng isang gawain. Humanap kayo ng mga bagay dito sa loob ng 1. Baon kong pagkain
ating silid-aralan at alamin niyo kung saang bagay ito galing at kung anong uri ng Ang pagkain tulad ng palay, gulay, at prutas ay galing sa lupa.
yamang likas ang mga ito. Ilahad niyo rin kung paano ito mapapakinabangan sa 2. Leather kong sapatos
inyong pag-aaral. Ang aking sapatos ay gawa sa leather. Ang leather naman ay galing sa
balat ng baka na isa sa mga halimbawa ng Yamang Lupa.
Halimbawa, itong lapis na hawak ko ay gawa sa punong-kahoy. Ang punong-kahoy 3. Pantalim ng lapis
naman ay isa sa mga yamang galing sa gubat. Ang lapis ay ginagamit kong panulat Ang aking pantalim ay may bakal na binuo ng tao galing sa Yamang
ng mga Gawain inihanda sa klase. Mineral.

IV. PAGTATAYA
Kumuha ng isang-kapat na papel at ballpen.
Sagutin niyo ang bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang sagot. Tukuyin ang mga pakinabang ng bawat Likas na Yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano.

____________1. Troso A. Ang mga magsasaka ang pangunahing nagpapayaman nito upang may makain ang bawat tao.

____________2. Palay B. Ito ay raw material na ginagamit upang makabuo ng mga kasangkapan sa loob ng bahay.

____________3. Isda C. Karaniwang inaangkat sa mga lugar na hindi sagana nito upang mapadali ang paggalaw ng mga tao.

____________4. Ginto D. Ito ay may malaking halaga kung ipagbibili dahilan kung bakit bihira itong makita saan mang lugar.

____________5. Langis E. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga mangingisda at pangunahing pagkain ng mga nakararami.

V. Gawaing Bahay

Sagutin ang bawat katanungan sa kwaderno.


1. Ano ang maaaring kapahamakan ang mabibigay ng likas na yaman sa mga Asyano?
2. Paano nito maipapahamak ang mga tao?
3. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito?

DEMO TEACHER:

JENNIE ROSE C. OLIVO


Teacher I Applicant

You might also like