Professional Documents
Culture Documents
PT 3rd Health V
PT 3rd Health V
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. bilugan ang titik ng tamang
kasagutan.
5. Hindi pinahihintulutan ni Aling Luisa na uminom ng kape ang kanyang maliliit na anak, bakit
kaya?
A. Baka nerbiyosin ang mga ito
B. Sapagkat masama ito sa kalusugan
C. Dahil mangingitim ang mga anak niya
D. Dahil makakasagabal ito sa kanilang paglaki
6. Hikain ang pamilyang pinagmulan ni Joanna, alin sa mga sumusunod ang dapat niyang
iwasan?
A. Pag-eehersisyo at paliligo
B. Pagkain ng matatamis na pagkain
C. Makalanghap ng usok ng sigarilyo
D. Pag-inom ng mga gamut sa ubo at sipon
9. Si Aling Rosana ay apatnapu’t limang taong gulang. Nagsimula siyang manigarilyo sa edad
na labintatlong taon. Ano ang magiging bunga sa katawan niya ng labis na paninigarilyo?
A. Sobrang sakit ng ulo
B. Nahihirapang magsalita
C. Kanser sa baga, bibig at lalamunan
D. Nahihirapang umunawa at magpasya
11. Isang ordinaryong factory worker si Arnold. Bago siya pumasok sa trabaho at pag-uwi niya
galling ditto hindi maaari na hindi siya iinom ng kape. Ano ang maaaring maging
negatibong epekto nito sa kanyang kalusugan?
A. Lagi siyang masigla
B. Magiging matibay ang kanyang resistensiya
C. Magkakaroon ng magandang pangangatawan
D. Maaari itong maging dahilan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
12. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng gateway drugs. Alin sa mga ito ang epekto
ng alcohol?
A. Nanginginig ang isang tao
B. Bumibilis ang tibok ng puso
C. Nagpapabagal ng proseso ng utak
D. Maaaring magdulot ng Chronic Bronchitis at Emphysema
13. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng gateway drugs. Alin sa mga ito ang epekto
ng nicotine?
A. Nanginginig ang isang tao
B. Hindi makatulog ng maayos.
C. Bumibilis ang tibok ng puso
D. Maaaring magdulot ng Chronic Bronchitis at Emphysema
14. Mahilig manigarilyo si Sally. Halos walang tigil ang kanyang bibig sa pagbuga ng usok ng
sigarilyo. Di naglaon siya ay nakaramdam ng pananakit ng dibdib at pagkahapo. Ano ang
maaaring maging epekto nito kay Sally?
A. Tataas ang kanyang tiwala sa sarili.
B. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan
C. Magagawa niya ang lahat ng kanyang gawain sa oras
D. Maaapektuhan ang kanyang pang-araw-araw na gawain.
15. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang makaiwas tayo sa pag-aabuso ng paggamit ng
gateway drugs?
A. Pag-inom ng kape tatlong beses isang araw.
B. Pag-inom ng kape tatlong beses isang araw.
C. Laging tumambay sa kanto, kung saan maraming kalalakihang nag-iinuman at
naninigarilyo.
D. Pagkagising ni Lyka sa umaga, siya ay nag-eehersisyo at pagkatapos ay umiinom ng
malamig na tubig sa halip na kape.
15.Ang mga sumusunod ay paraan upang makaiwas tayo sa pag-abuso ng paggamit ng
gateway drugs. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Pagtulong sa gawaing bahay sa halip na gumala
B. Paglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan
C. Laging tumambay sa kanto, kung saan maraming kalalakihang nag-iinuman at
naninigarilyo.
D. Pagkagising ni Lyka sa umaga, siya ay nag-eehersisyo at pagkatapos ay umiinom ng
malamig na tubig sa halip na kape.
17. Si Aling Rosana ay apatnapu’t limang taong gulang. Nagsimula siyang manigarilyo sa
edad na labintatlong taon. Ano ang magiging bunga sa katawan niya ng labis na paninigarilyo?
A. Sobrang sakit ng ulo
B. Nahihirapang magsalita
C. Kanser sa baga, bibig at lalamunan
D. Nahihirapang umunawa at magpasya
18. Ang mga sumusunod ay mga sakit na dulot ng paninigarilyo maliban sa isa. Alin ito?
A. Sakit sa baga
B. Pagkabulok ng ngipin
C. Pagkalagas ng buhok
D. Pagiging matibay ng mga buto
20.Tumatagal lamang ng ilang minuto ang epekto ng nikotina kung kaya’t kailangang magsindi
pa ng isang sigarilyo para maipagpatuloy ang nararamdamang kasiyahan hanggang sa
mauwi na sa __________.
A. Caffeine addiction
B. Ethanol addiction
C. Heroin addiction
D. Nicotine addiction