You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Samar
Villareal District I
VILLAREAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Villareal, Samar

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Petsa ng Pagtuturo January 16, 2023

Asignatura Araling Panlipunan

Guro ROSEBELLE L. OPREP

Track/SUBJECT Araling Panlipunan 7


Strand
Oras/Baita Grade 7- Malikhain
ng/Seksyon Grade 7- Marangal

MARKAHAN Ikalawang Markahan


I. LAYUNIN
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang uri ng
Pagtuturo. Isulat ang pamumuhay (AP7KSA-IIg-1.10)
kodigo ng bawat
kasanayan

II. NILALAMAN Mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang uri ng
pamumuhay

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Modyul Para sa Mag-aaral
1. Mga pahina sa gabay
ng guro
2. Mga Pahina sa mga 164-165
kagamitang Pang mag-
aaral
3. Karagdagang
kagamitan mula sa portal Internet
ng Learning Process
B. Iba pang kagamitang
panturo LCD Projector, Laptop

IV. PAMAMARAAN MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Balik-aral sa nakaraang “Sino ang makapagbibigay kung ano ang mga “Ma’am tinalakay po natin ang
aralin/ o pagsisimula ng tinalakay natin noong nakaraang araw?” tungkol sa iba’t ibang pananaw,
bagong aralin tradisyon, at paniniwala ng mga
ACTIVITY Asyano.
`

“Okay, magaling.

B. Paghahabi sa Layunin Ano ang mahihinuha o masasabi ninyo sa bawat Inaasahang sagot:
ng Aralin larawan? Ito po ay nagpapakita ng sinaunang
ACTIVITY pamumuhay at kalagayan ng mga
babae.

C. Pag-uugnay ng mga Ipapanood sa mga mag-aaral ang inihandang Naunawaan po naming ang na dapat
halimbawa sa bagong aralin video presentation. pantay-pantay ang bawat tao lalaki
ACTIVITY man o babae.

Ano ang inyong naunawaan tungkol sa inyong


napanood?

D. Pagtalakay ng Ang inyong napanood ay may kinalaman sa


bagong konsepto at ating bagong aralin ngayong hapon ito ay
paglalahad ng bagong tungkol sa mga kalagayang legal at tradisyon ng
kasanayan # 1 mga kababaihan sa iba’t ibang uri ng
ANALYSIS pamumuhay.
Ang katayuan ng mga babae ay karaniwang di
kita ng mga paniniwalang panrelihiyon o
kultura.
Sa kasalukuyang panahon, karamihan ng mga
kababaihan ay nakakaranas ng parehas na
karapatan sa mga lalaki.
Ang Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya
I. Ang mga Kababaihan sa Batas ni
Hammurabi at Code of Mandu

 Itinuturing diyosa ang mga babae at


sila’y iginagalang. Subalit, hindi pa rin
pantay ang trato ng mga kababaihan sa
mga lalaki.
 Ang mga babae ay itinuturing bagay
na pwedeng ibenta at bilhin.
 Walang layang pumili ang babae kung
sino ang gusto niyang maging asawa
dahil ang ama niya ang
nakikipagkasundo sa lalaki. Kung
hindi siya tapat sa kanyang asawa,
kamatayan ang parusa nito.
 Ayon sa batas nila, iligal kung ayaw
ipakasal ng ama ang kanyang
nagdadalagang anak.

II. Ang Babae sa Relihiyon at Pilosopiya ng


Asya
1. Buddhism – Binigyan ng karapatan mag-aral
ang mga babae. Pero kahit ganito, itinuturing
malas ang anak na babae dahil mahina, pabigat,
at madalas magkamali sila.
2. Islam – Ang asawa babae ay pwedeng mag-
asawa ng higit sa isang babae (polygamy). Pero
pwedeng mag-diborso ang babae sa lalaki o ang
lalaki sa babae.
- Hindi naman pwede magmana ng
ari-arian ang babae sa kanyang
asawa o maghawak ng pera.

3. Hindu – Bata pa lamang ipinagkakasundo ng


mga magulang ang anak na babae. Sinasanay
rin ng mga Hindu ang polyandry – kung saan
kinakasal ang magkapatid.
- Ang asawang babae sa kanilang
lipunan ay isa sa pangunhing haligi at
pundasyon. Legal dito ang diborso.
4. Confucianism – Ayon kay Confucius, mas
nakatataas ang asawang lalaki sa asawang
babae. Mababa ang tingin ng pilosopiyang ito
sa kababaihan dahil sa bahay lamang sila
nananatili at tagasilbi lang sila ng pamilya.
III. Ang Tradisyunal na Papel ng Babae

 Ramayana-Sita – Isang kuwento ng


pagiging tapat ni Sita(babae) sa
kanyang asawa si Rama sa kabila ng
lahat ng paghihirap na dinaanan niya.
 Funeral Pyre – Tradisyon na sinasanay
kung saan nagpapakamatay ang babae
(pilit o kusang-loob) sa pamamagitan
ng pagsusunog kasama ang bangkay
ng asawa.
 Purdah – Nagsusuot ng mga makulib
na damit ang mga babae dahil ang
asawa lamang nila ang pwedeng
makakita sa kanila.

Sa Pilipinas, mataas ang pagpapahalaga ng


mga unang Pilipino sa mga kababaihan. Sa
pagpapakasal ay nagbibigay rin ng lupa, ginto,
o anumang ari-arian, o kahit anong makakaya
ng lalaki sa pamilya ng babae. Ito ay bahagi ng
tinatawag na bigay-kaya. Ang kaugaliang ito ay
ginagawa pa sa ilang pook sa Pilipinas.
Ang ambag ng kababaihang Asyano sa
buhay pulitikal, panlipunan, at kultural:
 Aung San Suu Kyi – National League
for Democracy sa Myanmar bilang
kalihim ng Heneral
 Chandrika Bandaranaike
Kumaratunga – dating Presidente sa
Sri Lanka
 Megawati Sukarnoputri – Ang
naging Presidente ng Indonesia
 Corazon Aquino – Unang babaing
Pangulo sa Pilipinas
 Gloria Macapagal-Arroyo – Sa
pangalawang pagkakataon, nagkaroon
din ng babaing Presidente ang
Pilipinas
 Hanae Mori – Ang Haponesang kilala
bilang fashion designer sa Paris
 Anita Magsayho – Nagtataglay ng
iba’t ibang likha ng sining na
Pilipinang pintor
 Amy Tan at Ninotchka Rosca –
Isang Pilipinong lumaki sa US na
manunulat sa Asya
 Meena Alexander ng India at Lien
Chao ng China – Mga makatang
babae sa Asya

Sa ating bayan, may ilang kababaihang


nagpamalas ng kanilang kakayahan at ambag sa
iba’t-ibang larangan sa lipunan. Ilan lamang
dito ay sina:
1. Anita Lucero – Pinakaunang babaeng
naging alcalde sa ating bayan.
2. Marivel Camilon-Sacendoncillo – Dating
Regional Director of DILG sa Region VIII at sa
kasalukuyan siya ay nakaupo bilang DILG
Undersecretary for Local Government na
itinalaga ng ating pangulong si President
Rodrigo Duterte.
3. Patricia Pauline Labugin – Isang 21 taong
gulang na kilala sa kanyang pagsali sa iba’t
ibang beauty contest sa rehiyon na
nakapagbibigay ng karangalan sa ating bayan.
Isang halimbawa dito ang pagtalaga sa kanya
bilang Miss Villareal noong taong 2017.
4. Mayor Marilou Latorre – Pangalawang
babaeng naging alcalde at ito’y nakaupo sa
kanyang termino sa kasalukuyan.
5. Gina Gacus-Colinayo – Kilala sa kanyang
kontribusyon sa larangan ng food and local
products gaya ng cookies at masasarap na
delicacies na ipinapasalubong na mga turista
pag-uwi sa kanilang lugar.

Alam niyo ba na marami ring mga kababaihan


sa ating bansa ang nagsusulong sa pagsugpo ng
mga illegal drugs o mga bawal na gamot. Ito’y
upang maiwasan ang pagdami ng mga criminal
o mga taong may mga masamang gawain sa
kapwa dahil sa paggamit nito.

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan # 2
OPTIONAL

F. Paglinang sa Bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang Ma’am, sa palagay ko po ay


Kabihasnan (tungo sa mataas ang katayuan at iginagalang pa rin ba iginagalang pa rin at mataas ang
(Formative ang mga kababaihan sa kasalukuyan? katayuan ng mga babae ngayong
Assessment) panahon kasi po halos lahat ng mga
ANALYSIS organisasyon at mga pagtatalakay sa
kahit anong usapin ay palaging bahagi
ang mga babae sa pag dedesisyon.
Tama!

Katulad nalang nating mga Pilipino na isang


demokratikong bansa hindi mawawala ang
pakikibahagi o papel ng mga babae sa ating
lipunan dahil katulad ng mga lalaki sila rin ay
may angking kakayahang makagawa ng mga
bagay makakatulong sa pagpapaunlad ng ating
bayan.

Klas, sang-ayon ka bang paglingkuran muna Opo ma’am! Sang-ayon po ako upang
G. Paglalapat ng Aralin ang pamilya ng babae bago sila mapakasalan ng makita at malaman ng mga magulang
sa Pang-araw-araw na iniibig na lalaki? Bakit? ng babae kung totoo nga ba ang pakay
buhay ng lalaki na nais kumuha o magmay-
ari sa kanilang anak. Nang dahil dito
ABSTRACTION ay magiging panatag ang mga
magulang ng babae kung makita nila
na maayos at Mabuti ang kalalagayan
ng kanilang anak.
H. Paglalahat ng Aralin Klas, anu-ano ang mga ginagawa ng mga Ma’am ang mga kababaihan po
ABSTRACTION kababaihan ngayon na di nagawa ng kababaihan ngayon ay mayroon ng boses. Sila ay
noon? mga palaban sa lipunan at maging sa
anumang hamon ng buhay sa tahanan.
Di katulad noon ay binigyan lamang
sila ng limitadong karapatan.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga ‘ Mga inaasahang sagot:
ASSESSMENT pahayag. Lagyan ng TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng kalagayang legal at tradisyon 1. TAMA
ng mga sinaunang kababaihan sa Asya, at 2. MALI
MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa 3. TAMA
patlang.
4. TAMA
_____ 1. Ang babae ay itinuturing na bagay 5. MALI
na maaaring ikalakal.
_____ 2. Ayon sa sinaunang kababaihan,
may layang pumili ang mga babae kung
sino ang gusto niyang maging asawa.
_____ 3. Ayon kay Confucius, mas
nakatataas ang asawang lalaki sa asawang
babae. Mababa ang tingin ng pilosopiyang
ito sa kababaihan dahil sa bahay lamang
sila nananatili at tagasilbi lang sila ng
pamilya.
_____ 4. Ang babaeng hindi tapat sa
kanyang asawa ay paparusahan ng
kamatayan ayon sa tradisyong Hindu.
_____ 5. Sa tsina, mas mahalaga ang mga
anak na babae kaysa mga anak na lalaki.
J. Karagdagang Gawain Pag-aralan ang susunod na aralin.
para sa takdang aralin at
remediation
ACTIVITY
RETEACH IF 80%
RESPONSE IS NOT
MET

I. MGA TALA

II. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. ____ Mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation ____ Mag-aaral na nakakuha
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na _______OO _________HINDI
nakaunawa sa aralin. ____ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation ___
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan


sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong


ibahagi sa mga kapwa ko guro?

INIHANDA NI:

ROSEBELLE L. OPRE
Tagapagturo

APROBADO:

RAMEL F. PAJARILLO
Secondary School Principal I

You might also like