INTRODUKSYON SA SOSYOLINGGUWISTIKA PINAGMULAN NG SALITANG
SOSYOLINGGWISTIK
Binuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon. Ang salitang Sosyolinggwistik ay
nilikha noong 1939 ni Thomas C. Hudson, sa pamagat ng kanyang articule “Sociolinguistics in India”. 1960s naging sikat ang pag-aaral ng sociolinguistics at nagkaroon ito ng dalawang pamagat: sociolinguistics at ang sosyolohiya ng wika. Sa katapusan nagkaroon ng kaibahan ang dalawa, ang sosyolohiya ng wika ay humahawak sa mga paliwanag at hula sa mga ganap na wika sa iba’t-ibang antas ng grupo. Teoryang Sosyolinggwistik- pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. -nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon. Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al. 2010, ang sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang cultural at sosyal na mga gawain at grupo.
Ayon naman sa pagtatalakay sa dyornal na inilathala ng Shiffield Academy sa United
Kingdom, ang sosyolinggwistika ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at ang lipunan: Sociolinguistics is the study of the relationship between language and society. Sociolinguistics can help us understand why we speak differently in various social contexts, and help uncover the social relationships in a community. (http://sites.google.com/a/sheffield.ac.uk/aal2013/branches/sociolinguistics/what is- sociolinguistics). Ayon dito malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang lipunan. Kung saan ang sosyolinggwistika ay ang teoryang nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang particular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng tao dito. Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay teorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay teorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito. Ayon naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. AYON SA UP DIKSYONARYONG FILIPINO Ang lipunan ay tumutukoy sa malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ayon sa pananaliksik tungkol sa Teoryang Sosyolinggwistik sa isang nilathalang Tesis ni Berly J. Lebrita (Mayo, 2016). Ang layunin niya sa pag-aaral na ito ay suriin ang implikasyong
Sosyolinggwistikal ng mga tulang Filipino sa Bagwis at malikom, matukoy at masuri ang
paksa at mensahe ng mga tula gamit ang Teoryang Sosyolinggwistik. Natuklasan ng mananaliksik na ang mga tulang Filipino sa Bagwis ay mayroong mga paksang nauugnay sa pamumuhay ng bawat tao kahit sila ay may iba’t ibang relihiyon at prinsipyo. Karamihan sa mga paksang ito ang tumatalakay sa pagiging mabuting tao o ang magandang pag-aasal, kapayapaan, nagbibigay puna sa mga baluktot na pag- aasal, kapayapaan, nagbibigay puna sa mga baluktot na pag-uugali ng mga tao. Ang Bagwis ay may malaking papel na ginagampanan lalo na sa mga tulang naisulat na dito. Ito ang nagiging talaan ng mga nangyayari sa lipunang sakop nito mula sa simpleng damdaming nararamdaman ng sumusulat hanggang sa mga masalimuot na pangyayari sa lipunan. Iminumungkahi ng mananaliksik na magkaroon ng dagdag na pag-aaral tungkol sa kalagayan ng Bagwis sa kasalukuyan; magkaroon pa ng mas malalim na pag-aaral
gamit ang teoryang Sosyolinggwistikal at mapag-aralan pa ang ibang genre ng
panitikan katulad ng maikling kwento at Sanaysay sa Bagwis.
Ang sosyolingguwistika ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga asepto
ng lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan.
Ang sosyolingguwistika ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga asepto
ng lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan. Kaiba ang sosyolingguwistika mula sa sosyolohiya ng wika dahil nakatuon ang sosyolingguwistika sa epekto ng lipunan sa wika, habang ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan. Sumasaklaw ng malaking bahagi ang sosyolingguwistika sa pragmatika. Pangkasaysayang napakamalapit ng kaugnayan nito sa lingguwistikong antropolohiya at ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang larangan ay pinagtatalunan kamakailan lamang. Pagpapaliwanag tungkol sa Sosyolingguwistika
Ang sosyolingguwistika ay pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga aspeto ng
lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan. Kaiba ang sosyolingguwistika mula sa sosyolohiya ng wika dahil nakatuon ang sosyolingguwistika sa epekto ng wika sa lipunan. Sumasaklaw ng malaking bahagi ang sosyolingguwistika sa pragmatika. Pangkasaysayang napakamalapit ng kaugnayan nito sa lingguwistikong antopolohiya at ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang larangan ay pinagtatalunan kamakailan lamang. Pinag-aaralan din sa sosyolingguwistika ang kung paano ang mga baryasyon o pagkakaiba-iba sa iisang wika ay magkakaiba sa pagitan ng mga pangkat na pinag- hihiwalay ng partikular na mga pagbabagu-bago o mga baryabol, katulad ng etnisidad relihiyon, katayuan sa lipunan, edad at iba pa, at kung paanong ang paglikha at pagsunod sa mga panuntunang ito ay ginagamit upang ikategorya ang mga indibiduwal sa mga klaseng panlipunan at sosyoekonomiko. At dahil sa paggamit ng isang wika ay nag-iiba-iba sa iba’t ibang mga lugar(diyalekto), ang paggamit ng wika ay nag-iiba-iba sa mga antas ng panglipunan, at ang mga sosyolektong ito ang painagaaralan ng mga sosyolingguwistik.