You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
District of Cardona
BERNARDO F. SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cardona, Rizal

ARALING PANLIPUNAN 8
DIAGNOSTIC TEST

PANGALAN: ______________________________________________________ PETSA: ______________


PANGKAT: _______________________________________________________ ISKOR: ______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel
1. Alin sa sumusunod ang naglalarawan tungkol sa agham na heograpiya?
A. Ito ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig.
B. Ito ay ang pag-aaral sa iba’t-ibang anyong lupa at tubig.
C. Ito ay tumutukoy sa agham na pag-aaral sa klima at panahon.
D. Ito ay tumutukoy sa mga likas na yaman na matatagpuan sa daigdig.

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking kontintente?


A. Africa C. Asia
B. Antarctica D. Europe

3. Ano ang humahati sa globo sa hilaga at timog na hemispero?


A. Equator C. Longitude
B. Latitude D. Meridian

4. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

5. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?


A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.

6. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng
mga kaganapan?
A. Historiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Prehistoriko

7. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?


A. Agrikultura C. Irigasyon
B. Apoy D. Metal

8. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?


A. Ice Age C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Paleolitiko

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?


A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napapaligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay daan sa pagtatag ng unang
imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.
10. Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,
Egyptian, Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.


B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

11. Ang “Mesopotamia” ay naging lundayan ng sinaunang kabihasnan. Ito ay mula sa salitang Griyego na
nangangahulugang “lupain sa pagitan ng mga ilog”. Ano ang mga ilog na ito sa Mesopotamia?
A. Mohenjo-Daro at Harappa C. Tigris at Euphrates
B. Nile at Indus D. Yangtze at Huang Ho

12. Isa sa mga unang paraan ng pagsulat na naitala ay ang tinatawag na cuneiform na karaniwang naisulat sa
mga clay o luwad. Alin sa sumusunod na kabihasnan nagmula ang nasabing paraan ng pagsulat?
A. Akkad C. Babylon
B. Assyria D. Sumer

13. Sa kasalukuyan, ang ating pamahalaan ay nagbibigay ng pagsusulit sa lahat ng taong nais na pumasok o
magtrabaho dito na tinatawag na Civil Service Examination. Alin sa sumusunod na kabihasnan ang tinatayang
unang nagpatupad nito?
A. Indus C. Sumer
B. Olmec D. Tsina

14. Nakapagbigay ng malaking ambag ang kabihasnang Assyria sa larangan ng edukasyon. Itinayo ni
Ashurbanipal ang kauna-unahang aklatan sa daigdig. Ano ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ambag na ito
ng kasaysayan?
A. Naging interisado ang mga tao sa kasaysayan.
B. Nagkaroon ng maraming koleksyon ng aklat sa kasalukuyan.
C. Natutuhan ng tao kung paano mag-ingat ng mga tala ng kasaysayan.
D. Nagkaroon ng sistema ng pag-iingat ng mga tala ng pangyayari na maaaring pagbatayan sa mga
pangyayari ng nakaraan.

15. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng
mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

16. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado ?


A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang- diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang Malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.

17. Naitatag ang mga unang lungsod-estado sa iba’t ibang bahagi ng Greece. Ang timog na bahagi nito ay
tinatawag na ___________.
A. Crete C. Marathon
B. Delos D. Peloponnesus

18. Kung ihahambing ang sinaunang kabihasnang Minoan at Mycenae sa mga kabihasnang sumibol sa
Mesopotamia, mayroon bang makikitang pagkakaiba?
A. Mayroon, sapagkat ang Minoan at Mycenae ay naitatag sa mga lambak-ilog samantalang ang
Mesopotamia ay sa baybay dagat.
B. Mayroon, sapagkat ang Minoan at Mycenae ay naitatag sa mga baybay dagat samantalang ang
Mesopotania ay sa mga lambak-ilog.
C. Wala, dahil magkatulad itong naitatag sa mga lambak-ilog.
D. Wala, dahil magkatulad itong naitatag sa mga baybay dagat.

19. Karaniwang makikita ang sentro ng pamayanan at mga tahanan ng mga sinaunang Greek ay nasa ibabaw
ng matataas na mga lugar. Ang kanilang pamilihan o pook kalakalan ay sa ibabang bahagi naman. Ano ang
dahilan ng ganitong pagkaka-ayos?
A. Dahil ang kanilang hanap buhay ay nasa mga kabundukan
B. Dahil hindi maaaring pagtayuan ng pamayanan ang mababang lugar
C. Dahil madalas noon nakararanas ng pagbaha sa mga mababang lugar
D. Dahil ito ay isang paraan upang magsilbing proteksyon sa panahon ng digmaan

20. Naging tanyag ang pagbabatas ng mga Roman na tinatawag na Twelve Tables na nagsasaad ng mga
karapatan ng mga plebeian o patrician at ang pamamaraan ayon sa batas. Ano ang kahalagahan ng
pagbabatas na ito ng mga Roman?
A. Natutuhan ng tao ang pagbabalangkas ng batas
B. Bahagi na ng isang lipunan ang pagbuo at pagpapatupad ng batas
C. Ipinapakita nito na walang itinatanging tao ang pagpapatupad ng batas
D. Kinakailangan na maging maayos ang pagpapatupad ng batas

21. Sumibol ang mga klasikal na kabihasnang Inca, Aztec at Maya sa Mesoamerika. Alin sa sumusunod na
katangian nagkakatulad ang tatlong kabihasnan?
A. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao.
B. Nakapagtatag sila ng imperyo na sumakop sa kalupaan ng Amerika.
C. Mandirigma ang kanilang mamamayan kung kaya lumawak ang kanilang nasasakupan.
D. Nakapagtayo sila ng mga templo para sa kanilang mga diyos.

22. Sa pamumuno ni Mansa Musa sa Imperyong Mali, hinikayat niya ang pagpunta ng mga iskolar at ang
paniniwlang Islam. Ano ang naging mabuting epekto nito sa Imperyo?
A. Dumami ang tao sa imperyo.
B. Dumami ang bilang ng mga iskolar.
C. Lumaganap ang kalakalan
D. Lumaganap ang karunungan sa Imperyo

23. Ang Islam ang pinakamalaganap na relihiyon sa kalakhan ng Africa. Ano ang dahilan nito?
A. Dahil nagmula ang relihiyong Islam sa Africa.
B. Dahil angkop ang lugar ng Africa sa mga Muslim.
C. Dahil sa Africa lumipat ang ilang Arabe mula sa Asya.
D. Dahil sa kalakalan, napadpad ang mga Muslim sa Africa.

24. Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nasimula sa Timog China ang mga Austronesian na naging
mga unang tao na nanirahan sa mga pulo sa Pacific. Ano ang mahihinuha tungkol sa pagsisimula ng mga
unang pamayanan dito ?
A. Lumaganap ang kulturang Chinese sa Austronesia.
B. Ang mga unang taong Austronesian ay mga Chinese.
C. Walang taong naninirahan sa mga pulo sa Pacific noong una.
D. Ang mga pamayanan ay nagmula sa migrasyon ng mga tao sa pulo.

25. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang mga kontribusyon ng kabihasnang
klasiko ?
A. Patuloy na pangalagaan ang mga kontribusyon at ipreserba.
B. Gawing gabay upang higit na maunawaan ang daigdig sa kasalukuyan
C. Tandaan ang pinag-aralan tungkol dito.
D. Wala sa nabanggit

26. Naging matagumpay ang Simbahan na makapagtatag ng mabisang organisasyon noong Gitnang Panahon
sa Europe. Sino ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahan noong Gitnang Panahon?
A. Arsobispo C. Obispo
B. Kardinal D. Obispo ng Roma

27. Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan si Charlemagne bilang Emperador ng Banal na
Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Ano ang naging bunga ng pagkakatatag ng Imperyong ito?
A. Bumagsak ang pamumuno ng Simbahan
B. Dumami ang kalabang barbaro ang Rome
C. Binuhay muli nito ang Imperyong Romano
D. Sinikap bawiin ng mga obispo ang pamumuno kay Charlemagne

28. Malaking bahagi ng mga mamamayan noong Panahong Medieval ay nakatali sa lupang kanilang sinasaka
at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng mga tao?
A. Baron C. Serf
B. Lord D. Vassal

29. Ano ang kahalagahan ng manor sa isang fief noong Gitnang Panahon?
A. Dito nakatira ang hari
B. Dito nagtatanim ang mga serf
C. Dito matatagpuan ang sentro ng lupain
D. Dito matatagpuan ang tahanan ng mga serf

30. Lumipas man ang maraming taon, nanatili pa rin ang organisasyong itinatag ng Simabahan na ipinapairal
pa rin sa kasalukuyan. Ano ang naging epekto nito sa pangakalahatang kalagayan ng Simbahan ?
A. Nagkawatak watak ang Simbahan sa iba’t ibang grupo
B. Nanatili na lamang sa Europe ang impluwensya ng Simbahan
C. Naging bayatan ang pamunuan ng Simbahan ng ibang pamahalaan
D. Nanatili ang malakas na impluwensya ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo

31. Alina ng pinakawastong kahulugan ng renaissance?


A. Muling pagsilang ng Kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Panibagong kaalaman sa agham

32. Kasabay ng pag-usbong ng Renaissance ay sumibol ang kaisipang Humanismo. Paano nakaapekto ang
kaisipang Humanismo sa Renaissance ?
A. Napigil nito ang pagalaganap ng Renaissance sa Europe.
B. Nagsilbi itong daan upang maging makapangyarihan ang Simbahan.
C. Maraming Humanista ang nagsulong ng Reporma sa Simbahan.
D. Lumaganap ang Renaissance sa iba’t ibang bahagi ng Europe.

33. Maraming napasimulang imbensyon at pagtuklas sa larangan ng Agham noong Renaissance. Naganap
dito ang pagkaimbento ng teleskopyo ni Galileo Galilei, ang Law of Universal Gravitation at iba pa. Ano ang
ipinapakitang kahalagahan ng Renaissance sa Agham?
A. Naging masigla ang pag-aaral ng agham
B. Maraming siyentipiko ang nakilala dahil sa kanilang tuklas
C. Nagbigay daan ito sa higit na maraming kaalaman na nagagamit sa kasalukuyan
D. Lalong tumingkad ang panahon ng Renaissance dahil sa iba’t ibang tuklas

34. Sinasabing tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonisasyon dulot ng eksplorasyon. Kabilang
dito ang paghahanap ng kayamanan, pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ______________.
A. pagkakaroon ng maraming ginto at pilak
B. paghahangad ng katanyagan at karangalan
C. paggalugad ng ibang lugar sa labas ng Europe
D. pagtatatayo ng mga simbahan sa iba’t ibang lugar

35. Isa si Ferdinand Magellan sa mga unang nakapaglakbay sa ibang bahagi ng mundo. Paano nakatulong
ang eksplorasyon ni Magellan sa larangan ng paglalayag ?
A. Ang lahat ng mga karagatan sa mundo ay magkakaugnay.
B. Ang paglalakbay ni Magellan ang unang nakaligid sa buong mundo.
C. Ang mundo ay bilog at hindi tulad ng unang paniniwala na ito ay patag.
D. Ang rutang pakanluran mula sa Spain ay maaaring magdala sa manlalakbay papuntang Silangan.

36. Paano napukaw ni Marco Polo ang interes ng mga Europeo upang maglakabay sa China?
A. Naging guro si Marco Polo sa Europa at ibinahagi niya ang kanayang paglalakbay sa Silangan.
B. Ang mga kwentong naisulat sa “Travels of Marco Polo” ay nagpabatid tungkol sa yaman at kaunlaran ng
China.
C. Gumawa si Marco Polo ng mapa na naglalarawan ng madaling ruta patungong China.
D. Ang mga larawang iginuhit ni Marco Polo ay nagpakita ng kayamanang mayroon ang China.

37. Sinasabing naapektuhan din ng kolonisasyon ang pagbabago ng kapaligiran o ecosystem. Bakit ito
nangyari?
A. Dahil naabuso ng mga Europeo ang pangangalap ng mga spices.
B. Dahil napabayaan ng mga Europeo ang kalikasan ng kanilang nasakop.
C. Dahil nagkaroon ng pagpapalitan ng mga hayop at halaman at maging sakit
D. Dahil naging malaki ang pangangailangan sa spices, kinakailangan na ito na lamang ang kanilang itanim.
38. Ito ay tumutukoy sa simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng
kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ito ay ang Rebolusyong ____________.
A. Amerikano C. Siyentipiko
B. Industriyal D. Pranses

39. Dumating ang Panahon ng Kaliwanagan (Englightenment) bunga ng mga kaisipang iminumungkahi ng
mga pilosopo. Hinikayat nila ang paggamit ng katuwiran, kaalaman at edukasyon sa pagsugpo ng pamahiin at
kamangmangan. Ano ang naging epekto nito sa lipunang Europeo?
A. Binigyang diin nila ang pag-aaral
B. Dumami ang naging mga pilosopo sa Europe
C. Nagbukas ng maraming paaralan sa Europe
D. Nasuri ng tao ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalang katarungan

40. Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal, maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng
tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita ng malaki. Ano ang ipinahihiwatig ng
sitwasyon ?
A. Kinakailangan ng tao na sumabay sa makabagong teknolohiya
B. Nahikayat ang tao na gumamit ng makinarya sa paghahanap buhay
C. Winakasan na ng tao ang gawing agrikultura sa pagpasok ng panahong industriyal
D. Nabago ang kaisipan ng mga tao na mas malaki ang kita sa industriya kaysa sa agrikultura

41. Ano ang maituturing na pinakamahalagang naging bunga ng mga rebolusyong sumiklab sa kasaysayan ng
daigdig?
A. Naipahayag ng tao ang kanyang hinaing sa pamahalaan
B. Maraming bayani ang kinilala matapos ang mga rebolusyon
C. Maraming bansa ang lumaya sa kamay ng mga mananakop
D. Nagsilbing tanglaw ito sa maraming kilusang panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan

42. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa “White Man’s Burden”?


A. Ang mga Europeo ay ang pinakamataas na lahi ng tao sa daigdig.
B. Ang mga Europeo ay kinakailangan magprotekta ng kapakanan sa mga nasakop nilang lugar.
C. May karapatang bigay ng Diyos ang United States na mapalawak at angkinin ang buong kontinente ng
Hilagang America.
D. Tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan
sa mga katutubo ng kolonya na kanilang nasakop.

43. Paano nahikayat ng mga Europeo na magsilbi sa kanila ang mga bansang nasakop nila sa Asia at Africa?
A. Binigyan nila ito ng mataas na pasahod ang sinumang magtrabaho sa kanila.
B. Pinagkalooban nila ng mga lupang sakahan ang mga tao kapalit ng mga produktong kanilang makukuha.
C. Binigyan nila ng pagkakataong magkaroon ng bahagi sa industriya ang mga katutubo sa Asya at Africa.
D. Ginamit ng mga Europeo ang mga gawaing pampulitika, pang-industriya at iba pa upang mahikayat na
magtrabaho sa kanila.

44. Sinasabing ang sistemang kapitalismo ay isa sa mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Ano ang dahilan nito?
A. Maraming kapitalista noon sa Europe.
B. Hangad ng mga kapitalista na magkaroon ng mga kaibigang kapitalista sa mga nasakop na lugar.
C. Ang pagkakaroon ng kolonya ang magbibigay ng katuparan na magkaroon ng malaking tubo ang mga
kapitalista.
D. Ang mga maharlika ay hinangad na maipalaganap ang sistemang kapitalismo sa mga katutubo.

45. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng masidhing pagpapakita ng damdaming pagkamakabayan o


nasyonalismo?
A. Nagsasakripisyo ang tao sa kapakanan ng kanyang bansa
B. Higit na nararamdaman ang nasyonalismo kapag nahihirapan
C. Naipagmamalaki ng mga mamamayan ang katangian ng kanilang bansa
D. Ipinaglalaban nila ang kanilang bansa sa mga mananakop maging sa digmaan

46. Isa sa masasabing sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpapamalas ng kanilang damdaming
nasyonalismo ng iba’t ibang bansa sa Europe. Kung minsan, ito ay malabis at nagiging panatikong
pagmamahal sa bansa tulad ng mga Junker sa Germany. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kanilang
damdaming nasyonalismo?
A. Sila ang nangungunang lahi sa Europe.
B. Sila ang mga direktang anak ng Diyos.
C. Sila ang nararapat na mamuno sa buong Europe.
D. Sila ang mga mamamayan na may pinakamataas na paraan ng pagmamahal sa bansa.
47. Ang nangyaring digmaan sa Silangang Europe ay kinapalooban ng paglusob ng Russia sa Germany sa
pangunguna ni Grand Duke Nicholas. Ano ang naging resulta ng digmaang ito?
A. Natalo ang Germany sa kamay ng Russia
B. Natalo ang Russia sa kamay ng Germany
C. Sumilang ang komunismo sa Russia
D. Natatag ang Central Powers sa Europe

48. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Versailles
ngunit ito ay nagdulot ng hinanakit sa Germany. Bakit ito ang naging damdamin ng Germany sa nasabing
kasunduan?
A. Hindi kabilang ang Germany sa nangyaring kasunduan
B. Sa pananaw ng Germany, ito ay hindi epektibong kasunduan
C. May ilang mga bansa din sa Europe na hindi sumang-ayon sa kasunduan
D. Lubhang marahas ang naging parusang iginawad sa Germany na nilalaman ng kasunduan

49. Sinasabing ang pagpasok sa eksena ni Adolf Hitlet ang naging simula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ano ang ginampanan niya sa pagsisimula ng digmaan?
A. Binuwag niya ang League of Nations
B. Nagdeklara si Hitler ng digmaan sa mga bansa sa Europe
C. Nagawa niyang magtalo-talo muli ang mga bansang magkakalaban noong Unang Digmaang Pandaigdig
D. Nahikayat niya ang mga German na ipaghiganti ang bansa sa mga nagtakda ng Kasunduan sa Versailles.

50. Sa kabila ng malakas na puwersang militar ng Japan sa Pacific ay napasuko din ito ng Allied Forces sa
pangunguna ng US. Alin sa sumusunod na pangyayari maiuugnay ang ginawang pagsuko ng Japan sa US
noong 1945?
A. Humina ang puwersang militar ng Japan sa Pacific
B. Nagsisuko ang mga pinunong militar na Hapon sa US
C. Napabagsak ng US ang himpilang militar ng Japan sa Pacific
D. Binagsakan ng bombang Atomika ang Japan sa Hiroshima at Nagasaki

51. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nawala ang dating
makapangyarihang imperyo ng Germany, Italy at Japan. Ano ang naidulot ng pagbagsak ng mga imperyong
ito?
A. Sumibol ang ibang imperyo sa mundo
B. Nawalan ng pamahalaan ang mga dating sakop ng imperyo
C. Nagkaroon muli ng impluwensiya ang Simbahan sa Europe
D. Natatag ang mga malayang bansa na dating bahagi ng mga dating imperyo

52. Matapos ang digmaan, ninais ng ilang pinuno ng mga bansa na huwag ng masundan pa ang mga
digmaang naganap. Dito naisulong ang pagtatatag ng United Nations. Ano ang pangunahing dahilan ng
pagkakatatag nito?
A. Pagyamanin ang maayos na pagsasamahan ng mga bansa
B. Panatilihin ang pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan
C. Makipagtulungan sa paglutas ng suliraning pangkabuhayan
D. Magsilbing isang sento para sa pagsasaayos ng gawain ng mga bansa

53. Ano ang dahilan ng pagsilang ng Komunismo sa Russia?


1. Ang pamumuno ng Tsar ay bulagsak at mahina
2. Kakaunti lamang ang mga kalayaang panlipunan
3. Mahirap at makaluma ang kalagayan at pamamaraan ng pagsasaka
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 1 at 3 D. 1, 2, at 3

54. Alin sa sumusunod na mga punto nagkakatulad ng prisipyo ang mga ideolohiyang Komunismo, Facismo
at Nacismo?
A. Ang pamamahala ay nasa isang tao lamang
B. May iisang lahi ang dapat na mamuno sa daigdig
C. Ang demokrasya ay hindi nakabubuti sa isang lipunan
D. Bigyan ng malayang pamumuhay ang mga mamamayan

55. Nagkaroon ng hindi mabuting pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansang Estados Unidos at Russia na
kung saan ay naganap ang tinatawag na “Cold War” noong taong 1940. Ano ang naging sanhi nito?
A. Naniniwala ang United States sa prinsipyo ng demokrasya samantalang ang Russia ay Sosyalismo at
Komunismo
B. Nagkaroon ng lihim na pag-atake ang Russia sa United States na naging simula ng di-pagkakaunawaan
C. Nais ng United States na mapaunlad ang ekonomiya ang daigdig na tinutulan naman ng Russia
D. Pinalaganap ng United States ang kalayaan sa relihiyon na hindi naman sinang-ayunan ng Russia

56. Mayroon bang naging mabuting naidulot ang Cold War sa pagitan ng United States at Russia?
A. Mayroon, dahil dalawang bansa lamang ang nagkaroon ng pagtatalo at hindi nadamay ang ibang bansa.
B. Mayroon, dahil maraming imbensyon ang lumitaw na naging kapaki-pakinabang sa agham, medisina at
iba pa.
C. Wala, dahil maraming ari-arian ang nasira matapos ang Cold War.
D. Wala, dahil malaki ang naging epekto nito sa moral ng ibang manggagawa na nagdulot ng suliraning
pang-ekonomiya.

57. Paano nagawa ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy nito ang kanilang pananakop na
tinatawag na “neo-kolonyalismo”?
A. Ipinagpatuloy nila ang pang-aapi sa mga dating nasakop na teritoryo.
B. Ginamit nila ang ekonomiya upang maitago ang kanilang tunay na layunin.
C. Ginamit nila ang impluwensiya ng relihiyon upang mahikayat ang mga mamamayan sa kanilang
patakaran.
D. Binigyan nila ng malaking pabor ang mga nasakop na lugar sa mga pagpapalitan ng kalakal

58. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkatatag ng mga pandaigdigang organisasyon?


A. Maitaguyod ang interes ng mga kasapi sa pandaigdigang ekonomiya
B. Magkaroon ng organisasyong maaaring magkontrol sa mga bansa sa mundo
C. Maipakita ang kaunlaran, katatagan at kahusayang tinatamasa ng mga kasapi
D. Magbigkis ang mga bansa para sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.

59. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa layunin ng pagkatatag ng International Monetary Fund?
A. Ito ang namamahala sa lahat ng mga bangko sa buong mundo
B. Ito ang namamahala at nagbibigay kalayaan sa kalakalang internasyunal
C. Ito ang pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa mundo.
D. Ito ang nagbibigay ng tulong- pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad pa lamang.

60. Bakit naglalagay ng “trade block” ang mga magakakasamang bansa?


A. Magkaroon ng pagkakapantay –pantay sa pagluluwas ng kalakal
B. Malilimitahan ang pogpoprodyus ng mga produktong iniluluwas ng mga bansa
C. Mabawasan ang mga taripa na ipinapataw sa kalakal ng mga kasaping bansa.
D. Mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na bansang kasapi nito manguna sa kalakalan

Inihanda nina:

Mahaia Lee C. Rivera


Teacher I

Karen S. Cruz
Teacher I

Sinuri ni:

Regine M. Gapasin
Department Head

Binigyang pansin:

CELESTINO A. SANTIAGO
Principal III
AP8 DIAGNOSTIC TEST
SY 2022-2023

ANSWER KEY

1 A 21 A 41 D
2 C 22 C 42 D
3 B 23 D 43 D
4 D 24 D 44 C
5 A 25 A 45 D
6 D 26 C 46 A
7 B 27 C 47 A
8 C 28 C 48 D
9 D 29 C 49 D
1
0 B 30 D 50 D
1
1 C 31   51 D
1
2 D 32 D 52 B
1
3 D 33 C 53 D
1
4 D 34 A 54 C
1
5 B 35 D 55 A
1
6 A 36 B 56 B
1
7 A 37 C 57 B
1
8 B 38 C 58 D
1
9 D 39 D 59 D
2
0 C 40 D 60 C

AP8 DIAGNOSTIC TEST


SY 2022-2023

ANSWER KEY

1 A 21 A 41 D
2 C 22 C 42 D
3 B 23 D 43 D
4 D 24 D 44 C
5 A 25 A 45 D
6 D 26 C 46 A
7 B 27 C 47 A
8 C 28 C 48 D
9 D 29 C 49 D
1
0 B 30 D 50 D
1 C 31   51 D
1
1
2 D 32 D 52 B
1
3 D 33 C 53 D
1
4 D 34 A 54 C
1
5 B 35 D 55 A
1
6 A 36 B 56 B
1
7 A 37 C 57 B
1
8 B 38 C 58 D
1
9 D 39 D 59 D
2
0 C 40 D 60 C

You might also like