You are on page 1of 1

Magandang hapon or umaga sa lahat.

Narito ako at ang aking


mga ka grupo ngayon sa inyong harapan upang ilahad ang
konsepto, katangian, at kahulugan ng wika.

Ano nga ba ang wika? Ayon kay Henry Gleason ang wika ay
isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa
pakikipag talastasan na nabibilang sa iisang kultura.

Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na


ginagamit araw-araw.

Ang Wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit


ng tao upang maipahayag ang kanilang mga kaisipan, damdamin,
at ideya. Ito ay binubuo ng mga tunog, salita at mga patakaran na
ginagamit para maunawaan at maipahayag ang mensahe.May ibat
ibang wika sa buong mundo, at bawat isa ay may kani kanilang
struktura at kultura.

Ang wika bilang instrumento sa pakikipag komunikasyon ay


maihahalintulad sa isang tulay na nag uugnay ng mga lugar at mga
tao. Hindi lamang ang mga tao at mga lugar ang na uugnay kundi
pati narin ang mga saloobin, kultura, karanasan at damdamin.

Ang wika ay nakakatulong upang mapagaan at mapadali ang


gawain ng tao sa pang araw araw na pamumuhay.

Ayon kay Henry Gleason may apat na katangian ang wika at


may may karagdagan ito. Una, ang wika ay naglalarawan ng
masistemang balangkas ng tunog pagkakabuo, at paggamit sa
isang pahayag. kinakailangang malaman ng isang indibidwal ang
wastong paraan sa pagbuo, paggamit upang mas epektibo ito.

Ikalawa, ang wika ay sinasalita o binibigkas na mga tunog,


upang maggamit ng wasto ang wika, kailangang mabigkas ito ng
malinaw upang may kahulugan at makahulugan ito para sa mga
tao.

Pangatlo, ang wika ay pinipili at isinasaayos. Bawat letra o


titik ay pinipili at isinasaayos upang makabuo ng mga salita na
makikinabangan sa pakikipag komunikasyon.

At pang apat, ay ang wika ay arnitraryo

You might also like