You are on page 1of 4

BUWAN NG WIKA

Emcee Script

INTRODUCTION
B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

G: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang


isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.
Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

B: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na


nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa
mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

G: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na


ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang para sa
pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating
pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

B: Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay


uumpisahan na natin ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong
Buwan ng Wika na may temang:

B & G: “Filipino at mga katutubong wika: wika ng kapayapaan, seguridad, at


ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan”
I. PANALANGIN at PAMBANSANG AWIT

G: At bilang pasimula, magsitayo po tayong lahat para sa Panalangin sa


pangunguna ni Rev. Joel Duero at susundan ng Pambansang Awit ng
Pilipinas sa kumpas ni Bb. Layca Macadangdang, guro sa Ikawalong
Baitang.

[Panalangin] [Pambansang Awit ng Pilipinas]


II. PAMBUNGAD NA SALITA

B: Tinatawagan po ang ating butihing gurong namamahala sa junior High


School, G. Michael N. Lallabban upang magbigay ng Panimulang
pagbati. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!

III. PALABAS

G: Maraming Salamat, G. Lallaban.


Tinatawag po natin si Gng. Lyan Shaina Dubla Para sa pagpapakilala
ng mga hurado

B: Maraming salamat, Gng. Dubla.


Para naman sa pagpapaliwanag ng pamantayan, ating tawagin si Gng.
Suzette Torida-Elcano.

G: Maraming salamat Gng. Elcano


At ngayon Ating tunghayan ang mga inihandang itatanghal ng mga
mga magaaral ng Northern Philippines Academy .
B: Maraming Salamat sa inyong pagtatanghal. Aba at kahit sa murang
edad ay kahanga-hanga na. at Ngayon naman po ay tinatawagan ang
mga hurado kasama ang punung-guro ng ating paaralan, G. Hermann
D. Mandac para sa paggawad ng sertipiko.
IV. PAGBIBIGAY NG PARANGAL

B: Binabati ko ang mga magaaral na nanalo sa mga patimpalak.


At ngayon, atin ng pakinggan ang pangwakas na pananalita ni
Bb. Lea R. Talamayan, butihing gurong namamahala sa
Senior High School.

G: Maraming Salamat Bb. Talamayan. Binabati namin ang lahat ng


nagtaguyod sa Culmination ng Buwan ng Wika ngayong taon.
Gayundin ang mga bata at ang mga magulang na dumalo. Kung hindi
dahil sa inyo, hindi magiging matagumpay ang programang ito.

B: Dito na nagwawakas ang ating programa ngayong umaga.

G: Ako po si Bb. Jamaica Mitch Tomas.

B: At ako naman po si G. Mike Jeron Martinez

B&G: Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Wika ng saliksik.


Maraming Salamat!

You might also like