You are on page 1of 2

HOST1 (RIVA): Magandang magandang umaga maam Carino, magandang umaga mga kaklase!!!

ako si Aldrich
John Riva ang isa sa magiging host ngayon.

HOST2 (BITUIN): At ako naman po si Marc Bituin ang magiging pangalawang host ngayon.

HOST1 (RIVA): Partner, siguro curious na ang ating manonood kung ano ang ating pag-uusapan ngayon.

HOST2 (BITUIN): Tama ka dyan partner kaya magsisimula na tayo, ang ating paguusapan natin ngayon ay tungkol
sa dengue. Now tinatawag ko si Doktora Zaira B. Cabusay, upang itanong o pag-usapan kung ano nga ba ang
Dengue.

HOST1 (RIVA): Magandang umaga doktora, so Doc Zaira, Ano nga po ba ang Dengue ?

DOCTOR (Zaira): Magandang umaga rin , ang Dengue po ay Isang viral infection na nagdudulot ng alinman sa
apat na klase ng Dengue Virus, apat na beses lamang Ang pwede ma-infect ang Isang tao ng Dengue Virus.

HOST1 (RIVA): Ano po ang tawag sa apat na klase ng Dengue Virus?

DOCTOR (ZAIRA): Ito ay tinatawag na Type 1(DENV-1), Type 2(DENV-2), Type 3(DENV-3), at Type 4(DENV-4)
na Dengue Virus, So Pag Ikaw na infect ng type 1 na virus dengue immune kana sa type 1 pero hindi sa ibang
types na type 2,3, and 4. Nagkakaroon ito ng mas severe na infection Ang mga susunod.

HOST2 (BITUIN): Pano naman po nagkakaroon ng Dengue ang Isang tao?

DOCTOR (ZAIRA): Ito ay dulot ng kagat ng isang lamok na tinatawag na Aedes Aegypti Mosquito, Kapag nakagat
ka ng lamok na ito possible na ikaw ay magkaroon ng Dengue. Kaya po nakapaka importantate na mag ingat
tayo. Dahil humigit-kumulang kalahati ng populasyon ng mundo ang nagkakaroon ng Dengue na may tinatayang
100-400 milyong impeksyon na nagaganap bawat taon.

HOST1 (RIVA): Ano-ano po ang mga sintomas ng Dengue Virus?

DOCTOR (ZAIRA): Ang mga sintomas ng Dengue Virus ay mataas na lagnat na tumatagal po ito ng dalawang
araw, possible din na magkaroon ng sakit ng ulo, pagsusuka at yung pinakacommon na sintomas ng Dengue
Virus ay ang humihina ang katawan, humina ang resistensiya o walang ganang kumain.

HOST2 (BITUIN): Doc, nagkakaroon din sila ng mga rashes Tama po ba?

DOCTOR (ZAIRA): Yes, Nagkakaroon sila ng rashes minsan, nag kakaroon ng bleeding sa ilong, mata at gilagid, so
yang mga sintomas na'yan akala ng iba na kaunti lang tong mga changes na toh na dapat natin pagtaunan ng
pansin huwag ito i-ignore o balewalain ang ano mang pagdudugo ng mga parte ng katawan lalo na kung ito ay
lumalabas sa ilong, mata at gilagid.

HOST1 (RIVA): Thank you Doc Zaira, Now interviewhin naman natin Si Cherry Ann D. Guira na na-dengue dati,
hinala nya na nakagat sya ng lamok dahil sa mga tambak na basura malapit sakanilang Bahay. Ito ang kanyang
kwento.
Pasyente (GUIRA): Hindi parin ako naka move on sa nangyari sakin noon, nagsimula po ito sa
simpleng lagnat at nung tumagal-tagal po nakaramdam na po ako ng pagkahilo at pagkahina ng aking
katawan, nung nangyari po yun agad-agad po ako sinugod ng tatay ko sa hospital.

HOST1 (RIVA): Ano ang ginawa sayo nung sinugod ka sa hospital?

Pasyente (GUIRA): Kinuhaan po ako ng dugo nun at tinest po nila yung dugo ko, mga isang o dalawang Oras po
lumabas na po yung result ng dugo ko, sabi ng doctor na dengue daw po ako.

Pasyente (GUIRA): Ang laki-laki po ng pasalamat ko sa Diyos dahil agad po akong pinauwi ng mga Doctor at hindi na
po ako kailangan ma confine, bumalik po ako sa hospital matapos po nang dalawang o tatlong araw kinuhaan po
ulit nila ako ng dugo at tinest po ulit, nung lumabas na po yung result sinabi na wala na daw akong dengue kaya
niresitahan pa rin po ako ng gamot.

HOST2 (BITUIN): Ang swerte mo naman pala Cherry Ann D. Guira dahil hindi lumala ang iyong dengue, thank you
sa pag-kwekwento Cherry Ann D. Guira.

HOST1 (RIVA): Ayon sa mga tao ang sabi nila mabisa daw ang tawa-tawa sa mga nagkakaroon ng Dengue,
karamihan sa mga pinoy ay naniniwala sa bias ng tawa-tawa PERO paalala lang po ng mga eksperto dapat
daw pong kailangang mag ingat sa pag-gamit ng tawa-tawa dahil ito ay may lason.

HOST2 (BITUIN): Balik na po tayo kay Doc Zaira, paano po maiiwasan ang Dengue?

DOCTOR (ZAIRA): Una, kailangan natin ito tuklasin kong saan ito namamahay ang mga lamok, ang mga common na
pinamamahayan ng mga ito ay mga tubig na madudumi sa paligid natin, mga maraming imbak imbak na mga
gamit at mga lumang gulong, isa pa kung paano maiiwasan ito ay kailangan natin patayin ang lamok sa
pamamagitin ng pagsp-spray ng insecticide o ano pa mang pwede pamatay sa mga lamok na ito.

HOST1 (RIVA): paano naman po ang pag-iwas sa kagat ng lamok?

DOCTOR (ZAIRA): Mag suot ng mahahabang damit tulad ng; pajama at long sleeve or pwede tayong
mag-lagay ng katol at mga kulambo kung hindi pwede sa isang tao ang katol. Again ako si Doctor Zaira B. Cabusay,
lagi nating tandaan sa panahon ngayon prevention is better than cure. Thank you.

HOST1 (RIVA): Palakpak naman dyan!!! Maraming maraming salamat po Doctor Zaira B. Cabusay, at dito na nga
po nagtatapos ang ating programa. Muli Ako si Aldrich John Riva ang nagpapangap bilang Host.

HOST 2 (BITUIN): Ako naman po si Marc Bituin nagpapangap bilang host din.

DOCTOR (ZAIRA): Ako naman po si Zaira B. Cabusay nagpapangap bilang doctor.

Pasyente (GUIRA): At ako naman po si Cherry Ann D. Guira ang nagpapangap bilang

pasyente.

OUTRO (GUIRA,CABUSAY,RIVA, BITUIN): MARAMING SALAMAT PO!!!!

You might also like