You are on page 1of 2

HOW TO WRITE A SCIENCE ARTICLE?

Science Article - isang uri ng article na ang paksa ay patungkol sa agham.

Types of Science Article:

1. Science News

-katulad ng news writing, ang science news ay isang uri ng balita na karaniwang nagpapahayag ng pagkakatuklas o
mga pangyayari sa mga bagay na may kinalaman sa siyensiya.

2. Science Editorial

-sulating editoryal na naglalaman ng opinyon/pahayag/kuro-kuro ng manunulat tungkol sa isang isyung pang-


agham o argumentong may kinalaman dito.

3. Science Interpretative

-kalimitang naglalaman ng mga paglalarawan, pagbibigay-depinisyon, o paglalahad ng mga facts o ideya ng paksa.

4. Science Feature

-katulad ng science news, ito rin ay isang paraan ng pagpapahayag ngunit sa mas malikhaing paraan. Inilalathala
dito ang iba't-ibang mga pagkakatuklas o mga ideyang may kinalaman sa agham ngunit ginagamitan ang mga ito ng
mga mabubulaklak na salita.

So, ang ituturo ko ngayon sa inyo ay "HOW TO WRITE A SCIENCE FEATURE" (Lathalaing Pang-agham) dahil commonly,
ang pinapaggawa sa mga science writers in DSPC/RSPC or even NSPC ay mga Science Feature Article. Pero before tayo
magproceed, let us have first a recap.

PARTS OF SCIENCE FEATURE ARTICLE:

1. Title

-syempre sa lahat ng mga articles, hindi dapat mawawala ang pamagat ng iyong feature. According to my
experience, 50% of your work ay nasa title daw kaya wag kalilimutan ang title bago ipasa ang article, okay?

Your title should active. Unlike news na passive, dapat ang pamagat mo ay buhay, make it catchy but dapat makikita
pa rin sa title mo ang magiging laman ng science feature mo.

For example:

⚫Ang Pagkatuklas ng Rafflesia sa Mindoro❌

⚫Rafflesia sa Mindoro: Sinyales nga ba ng Masaganang Kagubatan?✔

Ganyan dapat ang pamagat mo, yung tipong mapapaisip ang mga mambabasa that will push them na basahin pa ang
iyong artikulo.

2. Introductory Lead

-hindi yan tingga ha. Lead yan katulad nung sa news o balita. Introductory lead is the beginning part of the artcle.
Kapag feature, sa lead makikita kung ano ang problemang tinatalakay o kung ano ang paksa ng article. You should use
NOVELTY LEAD. Pwedeng nay quotation or in a descriptive way.

3. Nut graf (Nut Graph)


- ang nut graf mo ay dapat naglalaman lamang ng dalawang pangungusap. The one is for the summary ng iyong
sinulat and yung isa ay dapat dinidiscuss kung bakit importante ng topic na sinulat mo. Dapat sinasagot nito ang
magiging impact sa mga tao once na binasa nila ang article mo.

4. Body (Discussion)

- Eto na. Dito na dapat i-define ang topic mo in your own words syempre feature eh. Kung hindi kayang magdefine
then proceed to "Quotation-explanation". Make sure your body is composed of detailed facts. Dapat you have atleast
two quotations sa body mo. It should be research-based just like "Ayon sa pag-aaral ni....". One quotation= one
paragraph then the next paragraph ay explantion na. One explanation= one paragraph din dapat. Quotation-
Explanation-Quotation-Explanation-... and so on. Ganyan dapat ang laman ng body mo.

5. Conclusion

- it contains the summary ng buong article. Take note summary ah, you can rephrase what is in the body. Your
conclusion must also contain the advantage ng iyong paksang inilalarawan. Just like, "Ang pagkatuklas sa anti-rabies
vaccine ay isang malaking himala para sa mga biktima ng nakamamatay na sakit na ito sapagkat..." ganyern okay?

6. Call-To-Action (optional)

- ang call to action part na ito ay naglalaman ng naging problema or question but syempre with solution. It can be
your own solution. Dapat ilagay mo doon kung paano mo hihikayatin ang kabataan o ang mga mambabasa na
kumilos para malutasan ang problema sa paksang inilahad.

You might also like