You are on page 1of 22

Maikling Kwento

ni Eros Atalia
“SI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO”

Intoy! Intoy! Bangon! Alig! May alig!


Bumalinghat sa kanya ang tawag na iyon. Tinig iyon ni Mang Amor. Halos mag-iba ang
kanyang pintong yari sa pinagtagpi-tagping lawanit, plywood at palapa
ngniyog. Pagbukas nya ng pinto ay bumulaga si Mang Amor na hawak ang sagwan
habang may supapang sigarilyo. Gaya ng dati, nakamaong lang itong shorts at
hubad. Nakahambad ang sunog-sa-araw at tubig-alat na katawan. Ngunit ang nag-
aagaw na itim at uban na buhok ay hindinagpapahalatang anak-dagat si Mang Amor.
Ay! Digrasyaw bo! Bilis, baka may masagip pa tayo
, pabateng itinapon ang paubos nang sigarilyosa tulay
na kawayan. Tinapakan. Isiniksik sa pagitan ng mga kawayan. Dumura.
Sumunod ka na,ibababa ko na ang lunday.Putang ama, alig. Nakow po! Patay
tayo nyan. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa?
ang rapido ngtanong ni Intoy sa sarili habang minamadali ang paghahanda sa
gagamitin. Salaming panisid,gwantes, kutsilyo, boya, pamadyak, plehe at straw. Isinuot
ang shortpants na panlusong. Wala nangpanahon para
magkape. Sa ganitong panahon, oras ang kalaban. Dalawang basong tubig
angalmusal. Nagpahabol pa ng isang lagok ngunit di nya nilunok. Ibinabad sa bibig. Ha
banglumalabas ng bahay ay minumog ang tubig. Sinulyapan ang relos sa
dingding. Menos dyes paramag-alas sais. Ibinuga ang minumog sa tulay na kawayang
kadikit ng pinto ng kanyang bahay.Kadugsong ng kanyang bahay ang pantalan. Doon
binabara ni Mang Amor ang lunday nito paramatingnan-
tingnan at magamit agad kung kinakailangan. Nakababa na ang lunday. Akmanggagao
d na si Mang Amor. Pandalas sya ng baba. Dahil kung hindi, madali itong tumaob. Di
tuladng mga bangkang de-katig, matatag sa tauban. Yun nga lang, di maipasok ang
mga de-katig sa gitnang mga baklad.
Pano nyo nalaman?Kay Enoc. Mag-aahon sana sya. May order ng
limang sako ang Baclaran. Naunaha sya ng alig.Lalos daw pati pabitin at palutang.
Kakaputok pa lang ng araw. Malamig pa ang hanging labi ng nagdaang gabi sa
palabas naNobyembre at papasok na Disyembre. Maliban sa plastic, goma, sako, at
kung ano-anong basura aymay mangilan-ngilan pa ring patay na water lily na sumasabit
sa kanilang sagwan. Water lily natangay mula pa sa look ng Maynila, galing sa tubig-
tabang. Pagkaraan ng ilang araw na animokusang pagpapatianod mula sa Maynila
patungo sa dalampasigan ng Cavite, maninilaw hanggangsa maging kulay bulok na
kahoy ang lulutang-lutang na dating matingkad na berdeng halaman nakinilala sa
tawag na water lily. Ngunit ang lamig ng umagang iyon ay hindi makapigil sa
ilangmagtatahong na maisalba pa ang kanilang tanging kabuhayan mula sa pesteng
alig na dumadalas na ang dalaw nitong nakaraang mga taon. Nakita nilang marami na
ring pumalaot para sagipin angpwede pang sagipin.

Kitang-kita nila ang animo‟y natapong hugas


-bigas sa dagat. Kalat-kalat. Mainit-init. Sumasabay saagos at galaw ng dagat. Malas
na lang at siguradong ubos ang madadaanang tahong, talaba o halaanng pesteng
hugas-bigas na ito. Swerte ang naiwasan, sa ngayon, pero bukas-makalawa ay para
itongnakakalokong bumabalik. Iyan ang alig.
Ano, Amor… ano balita sa’yo? Intoy Syokoy, tapos mo dyan, daanan mo ang pwesto
ko.
Magpapalinis ako sa’yo , sabi ng isa.
Si Kapitan nga raw, lalos ang trentang bila. Ako rin Koy!
Pahabol ng isa pa.Tango lang ang sagot ni Intoy. Tuloy ang kanyang gaod. Ayaw
nyang ipahalata kay Mang Amor naumooo agad sya sa iba gayong hindi pa tapos ang
obligasyon nya sa matandang amo. Magkahalongtuwa at lungkot ang dala ng alig sa
araw na iyon. Tuwa, dahil kung maraming tinamaan ng alig,tiyak bukas at hanggat sa
mga susunod na araw ay maraming may tahungang magpapalinis sakanya. Kikita
sya ng malaki. Lungkot dahil, bukas o sa mga susunod na araw pa sya
kikita. Ngayonnya kailangan ng pera. Ngayon nya sana aanihin ang
sarili nyang tanim na tahong. Angmapagbebentahan ng sarili nyang maliit na tahungan
sana ang tatapos ngayon sa mahaba nyangpaghihintay. Pero paano
nya pupuntahan ang sarili nyang tahungan? Magkasama sila ngayon ngamo nya upang
silipin at sagipin ang tahungan nito. Hindi rin alam ni Mang Amor na mayroonsyang
sariling baklad. Baka isipin na ninanakaw nya ang binhi, kawayan, straw, plehe at boya
nito atinilalagay nya sa kanyang pwesto. Wala syang sariling bangka. Tanging bangka-
bangkaang gawalang sa pinagdugtong-dugtong na sako ng bigas na nilagyan ng
styrofoam ang nagsisilbi nyangbalsa. Hindi iyon uubra na pagpatungan
ng mabibigat. Kung sya nga na bihasa na sa pagbabalansesa lunday ay tumataob pa
sa kanyang balsa, ano pa kaya ang ikakarga ditong tahong?Di hamak na mas malaki
ang kikitain nya sa pagpapalinis ng mga baklad sa mga susunod na araw.Sapat na para
makapagsimula syang muling magtanim sa kapiraso nyang pwesto. Sobra pa
nangkaunti. Ngunit ngayon nya kailangan ang pera.Sa unang pwesto ni Mang Amor sila
pumunta. Itinali ng matanda ang lunday sa isa sa mganakausling tulos
ng kawayan. Dalawa ang pwesto rito ni Mang Amor. Bawat isa ay may
tiglimangbila. Ang bawat bila ay may di kukulanging trenta y sais na kawayan. Kung
sisilipin mula sa itaas,maitutulad sa isang malaking agaw-bitin. Yun nga lang, may mga
paang nakatulos sa dagat.Marahan silang bumaba. Ramdam nya agad ang init
ng alig. Malinaw-linaw pa rin naman sa
ilalimkahit na namumuti ang ibabaw ng dagat. Inisa-isa nya ang haligi ng bila. Nandoon
atnakakulumpon ang mga tahong na halos pambenta na ang laki. Nilapitan nya
ang mga ito. Sakaway ng kanyang mga kamay at sikad nya sa ilalim ng dagat, lumikha
ito ng bahagyang pagkilosng tubig. At
iyun na. Lumuwa ang laman ng tahong. Naiwan ang mga balat na nakakapit sakawaya
n. Naglabusaw ang tubig. Lumansa lalo ang dagat. Pinuntahan nya ang pabitin at
palutang.Ang pabitin ay ang mga tahong na nakabitin sa pagitan ng mga tulos
samantalang ang palutang aytahong na nakabalot sa lambat na pinalulutang ng
styrofoam na nakatali sa pagitan ng mga poste.Sinenyasan nya si Mang Amor. Ginilitan
nya ang kanyang leeg sa pamamagitan ng hintuturo. Tilanagsasabin
g “nasintensyahan na ang tahong”. Umiling si Mang Amor. Isinenyas ng m
atanda angmas malalim na parte ng kawayan. Kahit parehas nilang alam na mas
madaling mamatay ang

tahong sa mas malalim, nagbakasakali pa rin sila. Umahon muna sya para kumuha ng
hangin.Pinuno ang baga. At saka sumisid. Umahon na si Mang Amor. May edad na
ito at hindi na kayaang mas malalim.

Si Intoy
ang bihasa sa lahat ng magtatahong sa Kalye Marino. Kaya nga sya tinawag na
“IntoySyokoy” dahil pra nga raw itong syokoy n
a nakatatagal sa ilalim ng dagat. Para bang may hasang itotulad sa isda. Bagamat
maipagkakamali na rin si Intoy sa syokoy. Sunog ang balat sa araw at asin.
Maligasgas. Makapal. At kahit bagong ligo pa sya ng tabang, „wag lang di pagpawisan
ng kaunti ayamoy dagat agad sya. Kulay kalawang ang buhok. Di nya na kailangang
magpa-highlights pa ngchestnuts o blond. Bilugan ang mga mata na pirming mapula
dahil sa hapdi ng tubig-alat.Malalapad ang mga palad at mahahaba ang daliri. Payat na
mahahaba ang mga braso‟t kamay, hita‟t binti. Madaling lumubog, madaling
lumutang sa dagat. Mahahabang malalapad ang kanyang mgapaa na kapag kanyang
pinagdikit sa pagsikad ay aakalain mong buntot nga ng isda. Wala pangtumatalo
sa kanya sa bilisan ng paglangoy, palaliman at patagalan ng pagsisid. Mapamatanda
omapabata panis lahat sila kay Intoy Syokoy. Sa edad nitong desisais, mukha na syang
beynte singkopero parang katawan ng trese anyos. Unat ang kanyang mga kalamnan,
balat, buto‟t litid sa
paglangoy at pagsisid. Ngunit walang makaing matinong sustansya ang mga bahaging
ito kungkayat sila-sila na lang ang nagkakainan. Di tulad ng mga swimmer na atleta,
bato-
bato‟t malalapad
ang katawan na umbok ang masel. Si Intoy, bato nga. Pero parang isang buhay
na postengkongkreto.Sisid si Intoy. Nangabay sa mga tulos ng kawayan. Hinihila ang
sarili pababa sa pamamagitan ngpabaligtad na pag-akyat sa palosebo. Inuga nya ang
mga pahalang na kawayan. Kinuskos ang mganakakapit na tahong. Umalsa ang
mga laman, lumabusaw lalo ang tubig. Wala syang gaanongmaaninag. Ipinasya nyang
umahon na. Isang sikad pataas.Sisinghap-singhap syang umahon. Tinanggal ang
salamin pangdagat.
Ano? Walwal! Kisay tayo, Mang AmorAy! Digrasyaw bo.
Nagpasya silang tignan ang natitirang tatlong bila ni Mang Amor sa laot. Madalas
napapatawad ngalig ang laot. Di na nito kayang malason ang malayo
sa pampang. Malakas na ang alon doon atnadadala ng ragasa ng tubig ang peste. May
kalayuan nga lang ang pwesto ni Mang Amor.Mangangalay sila sa kakasagwan at baka
hindi nila mailigtas ang pwede pang mailigtas. Binilinanng matanda si Intoy na
maghihintay na lang sa lunday at babalikan sya ng amo gamit ang bangkangde
motor at saka hihilahin ang lunday sa laot. Nakisabay na lang pauwi ang matanda sa
isangkinawayang kapwa mangingisda para maidaan sa kanyang pantalan. Maililigtas
pa ang tahongkung maiaahon agad ito. Ang palatandaan, kapag sa pagsisid ay
nakabuka ang mga ito ngunitkapag ginalaw ay kusang magsasara. Maibebenta pa kahit
sambot-puhunan man lang.
Sinamantala iyun ni Intoy. Pandalas syang gumaod papunta sa kanyang pwesto. Mgad
alawandaang metro ang layo noon sa pwesto ng kanyang amo. Wala syang
palatandaan sakanyang baklad di tulad ng iba na may mga bandila o boyang
malalaki. Basta‟t kinabisa nya na lang

kung san iyon. Di halatang may tahungan sa kanyang piniling pwesto, kasi nga, di
nakausli ang mgakawayan. Maliliit na kawayan lang ang kanyang ginamit. Di pansinin
kumbaga. Sobra lang ang mgaiyon sa kanyang mga pinagtrabahuhan. Sinabi nya na
lang na gagawa sya ng balsa-balsangkawayan. Isang bila lang iyun. Iilang tumpok ng
semilya ang kanyang inilagay doon buhat na rin saisang nagpatanim. Sobra
ang semilya, kapos sa kawayan. Wala nang pabitin at palutang. Magastossa straw,
styrofoam at plehe ang mga iyon. Puro tali na lang sa bila ang ginawa nya. Sya lang
ang
gumawa ng lahat ng iyon. Natutunan nya yun simula noong sya‟y nuwebe anyos
pa lang. Sa
pamamagitan ng pagsama-sama sa mga nagtatali, naglilinis, nagbabaon, nag-aahon at
kung anu-anopang trabahong may kinalaman sa pagtatahong. Masasabing isa na sya
sa batikan sa larangan ngpagtatahungan. Wala nga lang sapat na kapital para
makapagtanim nang malakihan.Sa gulang na lima natuto na syang lumangoy nang
itulak sya ni Bertong Baka palabas ng pantalan.Tawanan ang mga kalaro nya. Sina
Yeyeng Tikol, Boyet Bagol at Doray Langaw. Narinig nya angtawanan ng lahat kahit pa
na sisinghap-singhap sya.
Yaaah! Si Intoy Kuting, di makalangoy,
kantyaw ni Bertong Baka.
Kuting! Kuting! Kuting!
ang sigaw nina Boyet Bagol at Yeyeng Tikol.Kuting pa noon ang bansag kay
Intoy. Tatay nya kasi si Landong Pusa. Mahilig manghuli ng pusapara gawing
pulutan. Namatay ito nang tumalon mula sa pantalan dahil sa sobrang
kalasingan.Tuhog ang leeg at tagos sa balakang ang tulos ng kawayan ang eksenang
tumambad isang umaga sa
pantalan. Pagkalibing ng tatay ay nawala na ang ina. Balita‟y sumama na sa isang
drayber ng bus at
iniuwi ng probinsya.Tumigil sa pagtawa si Doray nang mapansing hindi na yata
makakawag ang kalaro.
Bakanalulunod na si Intoy.Uy, ang langaw, nag-aalala sa kuting,
alaska ni Yeyeng Tikol.
Pag namatay ang kuting, lalangawin naman,
hirit ni BoyetSinagip din sya ng mga kalaro. Bagamat umiiyak si Intoy at nagtatawanan
ang kalaro, nakuha pa rinnilang magbiruan.
‘Tang ‘na ka, kuting ka kasi kaya takot ka sa tubig,
si Boyet uli.
Sa dami ng nainom mong dagat, mamaya, pati utot mo at dighay, amoy dagat,
alaska ni YeyengTikol.Simula noon, palihim na nag-aaral lumangoy si Intoy. Sa una ay
pakuya-kuyapit pa sya sa mgaposte sa silong ng mga bahay. Hanggang sa poste
ng pantalan. Hanggang maglipat-lipat na sya ngposte ng mga pantalan. Hanggang sa
kaya nya nang makipaghagaran-taya sa mga kalaro. Sya anglaging panalo sa karera sa
paglangoy. Sya ang pinakamatagal sumisid. Di baling makainom sya ngtubig at
magkasugat-
sugat sa mga nakausling kawayan o poste, basa‟t doon man lang ay ituring
syang magaling, sa paglangoy at pagsisid.
Sa kanilang magkakaibigan, si Berto ang pinakamalakas. Punggok na malaki
ang katawan. Bato-bato. Tagaigib ba naman ng tubig-tabang sa buong iskinita nila kung
hindi lumaki ang katawan atmapunggok. Tinawag itong baka dahil atungal-baka si Berto
pag pinapalo nang kanyang nanay.Gala, malakas ang loob at may kakulitan. Kasama
nya ngayon ito sa inuupahang maliit na bahay-
bahayan sa tabing dagat. Kasalukuyang tagahugas ng bus. Madaling araw ang pasok,
bagomagtanghali ang uwi.Si Boyet ay binansagang bagol kasi nahuli itong nangungupit
ng bagol sa tindahan. Bata pa langdaw kumakana na. ewan kung likas na malikot ang
kamay. Naging batikang manananggal (ngsinampay, gamit, bisekleta) sa kanilang
baranggay at pinagkaisahan na gulpihin ng taong bayan.Hanggang sa hindi na
makita. Ang huling balita ay nakakulong daw ito ngayon sa Maynila.Si Yeyeng Tikol
sana ang matalino sa kanilang lahat. Ito lang ang nakatuntong ng mataas-taas napinag-
aralan kung hindi lang nagkaletse-letse. Matapos maglimang taon sa Saudi ang
kanyang ama,umuwi itong una ang ulo at isinunod na lang ang katawan. Noong maliliit
pa sila, pirmingnakapasok ang kamay ni Yeye sa loob ng
shorts. Nagtitikol daw. Nang magbinata , di na syatinawag na Yeyeng Tikol, Ariel na (ito
ang tunay nyang pangalan), di na raw pwede ang tikol.Malaki na kasi kaya Ariel Burat
na sya ngayon. Nahilig mag-aral kahit walang laman ang bulsa attyan, natutong mag-
shabu. Kaya‟t si Yeyeng Tikol o Ariel
Burat ay madalas nasa kanto ng KalyeMarino, nagtatawag ng mga dalagitang
naglalakad habang ipinapakikita ang pagbuburat.
Si Doray Langaw… ano ba
ang kadalasang kwento ng lumaki sa iskwater na walang pinag-aralan, nain
iwan ng mga magulang at tumayong ina‟t ama sa dalawang nakababatang kapatid, na
may itsura
naman kahit papaano b
asta‟t maliligo lang at magsisipilyo
, magpulbos ng kaunti at lipstik? E, diputa. Di naman. Di naman puta si Doray
Langaw. Pakangkang lang daw ito sa mga mambabasnig.Ang basnig ay
malaking bangka na tumatagal nang ilang linggo sa dagat. Sari-saring isda ang huling
mga ito. Pagkadaong sa katihan o barahan, magbebenta ng isda ang
mga mambabasnig sanamamakyaw sa pandawan. At dadayo doon si Doray. Tilapya
naman nya ang kanyang ibebenta.Huhugasan sa hapon para maagang
mabenta. Mabilis kasi itong mabilasa sa gabi. Kasi naman, kahitdisisyete pa lang ang
kanyang tilapy
a, para na itong kwarenta „y singko anyos na galunggong. Kung
malakas ang benta, maagang gagarahe si Doray. May pambili na ng pagkain
at bigas. Kungmamalasin at babaratin ang kanyang tilapya, palit-isda na lang. Okay pa
rin. Ibebenta na lang nyakinaumagahan ang isdang ipinambayad sa kanyang inilakong
tilapya noong nakaraang gabi.Gaya ng inaasahan ni Intoy, lalos din ang kanyang
tahong. Sa kalkula nya, maibebenta nya sapakyawan nang tatlong daan ang laman
ng kanyang tahungan. Sya at ang mga tulad nya nanaghintay ng anim hanggang pitong
buwan, na namuhunan ng sipag mula sa pagtatanim, pagbisitakada ilang araw,
paghihigpit sa mga taling maluluwag, pagtatanggal ng mga kumapit na
basura,pagluluwag ng mga sobrang sikip na pagkakatali. Malamang, mga kinseng
galon sa beynte pesosbawat isa. Matatapos na sana ang
kanyang paghihintay. Nagkaayos na sana sila ni Doray.Agad syang bumalik sa lugar na
pinag-iwanan sa kanya ni Mang Amor. Maya-maya pa ay dumatingna ang amo. Hila-
hila ng bangkang de motor ang kinasasakyan nyang lunday. Tumataas na
angaraw. Sumisilaw na sa kanyang mata ang repleksyon nito sa dagat. Wala sa
loob nya ang paglimasng tubig sa lunday. Saan sya kukuha ng pera? Paano na ang
usapan nila ni Doray? Pwede kayangbumale na agad sa kanyang lilinisan?
Toy, kung talagang kursunada mo ang tilapya ni Inday dapat bayaran mo rin ‘yun. Kahit
pa
magkakaibigan tayo, abay bisnis is bisnis, sabi ng titser natin sa H.E.,
si Bertong Baka.
Ulol! ‘Tang ‘nang ‘to, sama ng isip. Wala pa sa isip ko yung iniisip mo. ‘Yan ang
napapala mo sa
pakikiusyoso sa kwentuhan ng mga drayber at konduktor.Eh! Kung kuskusin din kaya
kita tulad ng pagkuskos ko sa bus? Di ka pa kasi nakakatotkanskaya ka ganyan
magsalita. Totoy ka pa! Tagal na nating tule, totoy ka pa rin!
At ikaw… matanda na? Buwan lang ang itinanda mo sa akin ‘no? Row por ka talaga!
Palkups ka talaga? Apat na ang natotkans ko. Si Jenny Kikay, nilibre ko lang ng McDo
at ibiniling t-shirt sa ukay-ukay, nakalaykay ko na ang kiki ni Kikay. Kaya lang amoy
ukay-ukay din angpuday ni Kikay. Maluwag na rin. Si Che-che Tatse, niyari ko
nang patuwad sa pantalan ni MangAmor. A, yun, syinota ko talaga muna. Ako nakauna
dun. Si Neneng Bayag, syinota ko rin. Peropakiramdam ko, ako ang syinota.
Dito ko sa ‘ting kinana ‘yun. At ang di ko makakalimutan… siSelyang Kuto. ‘Yun ang
dumonselya sa akin.

Napatigil si Intoy sa paghihimay ng straw na pagbabalutan ng similya. Inusisa ang


sinabi ng
kaibigan. Kilala kasi si Selyang Kuto na dating star ng beerhouse. Halos nagbibinata‟t
nagdadalaga
na ang mga anak nito at napabalitang kinukuto. Di nya alam kung inaabatan lang
sya ng reaksyon ngkasama sa bahay na washer ng bus. Baka nga nagbibiro ang
kaibigan.
O, lalong lumalaki ang mata mo. Lalo kang nagmumukhang lasing na syokoy. Wala ng
kuto
‘yun. Magaling na nung kinana nya ako. At por yur inpurmesyun, di ko
binayaran ‘yun. Sya pa
ang nagpainom. Kursunada siguro ako. Pabertdey nya raw sa akin. Sya ang
nakaberdyin sa akinsa edad na kinse.
Kursunada nga ni Intoy si Doray. Matagal na. Kahit na noong mga bata pa sila. Di nya
alam. Dinaman maganda si Doray. Busangot ang nguso at bahagyang nakatikwas ang
ilong. May katabaan attulad nyang pwede ring makaliskisan ang balat. Siguro ay ang
malamlam nitong mga mata. Sigurodahil parehas silang wala ng mga magulang. Siguro
dahil sa maagang bumalikat ng mga kapatid.Siguro ay maagang namulat sa
pagtatrabahong tulad nya. O dahil palakaibigan ito di tulad nyangtahimik. Kaya nga raw
ito tinawag na Doray Langaw dahil laging nakadapo sa tumpukan ng tao.Bata,
matanda, kapwa babae o mapalalake, kilala o hindi. Alam na nya at ng buong Kalye
Marinoang trabahong paglalako ng tilapya ni Doray. Sa gabi, pupunta ito sa barahan ng
basnig malapit saPhilippine Navy, sa likod ng City Hall. Makikipagtawaran sa mga
mambabasnig. Sa kwento ni Bertoat ng mga kakilalang mangingisda, pwede na raw sa
dalawandaan. Syempre, doon sa batuhan o samismong bangka, o kaya sa basnig, o
kaya sa mga pantalan pinupusta ang tilapya ni Doray. Kapagbilog ang buwan, walang
gaanong kita ang mga mambabasnig, isda ang bayad sa tilapya nito. Payagna rin si
Doray. Kinabukasan, ilalako naman nya ang mga ito. O kaya dadalhin sa palengke, sa
isangplangganita kadalasang asubi, kangkay, samaral, banak, bangus-alat o tamban,
sa daanan ng tao…
ibinebenta ni Doray ang mga isda. Minsan, sa awa nya kay Doray, binibili nya agad ang
lako nitokahit pa may huli rin syang isda o binibigyan sya ng parte ni Mang Amor sa
pangingilaw sa gabi opamamandaw sa hapon.

Mabait sa kanya si Doray dahil maliban kay Berto, ito lang ang nagtityagang makinig sa
kanyangmga kwento at pantasya. Si Doray lang ang nagpapaalala sa kanya na
mas maswerte sya kaysa dito.Na sya ang pinakamagaling na maninisid, magtatali,
mag-aani at maglilinis ng tahong. Sya angpinakamabilis sa languyan. Sya ang
pinakatumatagal sa sisiran. At si Doray lang sa buong KalyeMarino ang tumatawag sa
kanyang pangalan nan
g di kakabit ang “syokoy”. Di nya alam kung may
gusto rin sa kanya si Doray. Baka kasi nagpapasalamat lang ito sa madalas nyang pag-
aabot ngbungkos ng tahong dito. Baka naman, pinaglalakuan na rin sya ng tilapya nito
kapalit ng maramingbungkos ng tahong.Marami ang umaasa sa tahungan. Ang Kalye
Marino ay hindi Kalye Marino kung wala ang mgamagtatahong. Sinasabi ng mga
matatanda na tinawag ang kanilang lugar na Kalye Marino simulanggawing Base Militar
ng mga Amerikano ang dulo ng kanilang lugar na pinangalanang Sangley PointNaval
Base. Ang tumbok daw ng kanilang kalye ang unang gate ng Sangley Point. Kayat
sakanilang kalye dumadaan ang mga sundalong Amerikano para maglabas-masok sa
base. Marines omarino ang kadalasang sundalong dinadala sa Sangley. Nilipat lang
ang gate sa tumbok ngpangunahing lansangan dahil may napatay na puti nang
makasagasa ito ng batang naglalaro sa
Kalye Marino. Balita‟y sa sobrang kalasingan, nakaladkad ang bata hanggang sa gate.
Maraming dumayo sa kanilang lugar dahil sa trabaho. Shoeshine, sastre,
driver, bugaw, puta,tindero at kung anu-ano pa. dumami ang dumayo sa Lungsod ng
Cavite para makipagsapalaran sapangakong kaunlarang dala ng bawat barkong nag-
aangkla sa baybayin ng Kalye Marino. Sumiglaang transportasyon. Dumami ang tao.
Lumaki ang palengke. Nagkaroon ng sinehan. Libangan.Putahan. Sugalan. Dumami
ang simbahan. Kayat ang pampang ng Kalye Marino ang sinimulangtayuan ng barung-
barong. Sa simula‟y mga dalaw
ampung bahay lang daw ang kulang sa isangkilometrong kalsadang sumasanga mula
sa pangunahing lansangan patungo sa base. At ngayon ngaay ilang metro na ang
sinakop ng mga bahay mula sa pampang papuntang dagat. Di daw pinapansinang
tahong noong panahon ng mga Amerikano. Ginagawa lang daw itong pain sa isda. Ang
mgatahong ay kusang tumutubo sa mga batuhan o breakwater, barkong lubog, mga
poste ng bahaypampang. Maraming mangingisda sa Kalye Marino noong panahon ng
Amerikano. Suki ng mga itoang mga puti lalong lalo na sa malalaking isda, hipon,
alimasag, pu
sit, pating, talaba at iba‟t ibang
lamang dagat. Dumami ang tao sa mga pampang ng Lunsod ng Cavite. Dumami ang
tao sa pusod,dibdib at bituka ng lunsod. Dumumi ang dagat. Pinalitan ng burak ang
dating buhangin. Sa paglisanng mga Amerikano at paglipat ng base sa Olongapo,
marami ang naglupasay sa lungkot atpagkalugi. Nagsara ang maraming beerhouse,
kainan, patahian, pasadyaan ng sapatos at iba pa.nawalan ng trabaho. Nawalan ng
pag-asang makapag-asawa ng Amerikano ang mga puta. Nabalingang pansin ng iba
sa dagat. Marami ang pumalaot. Ngunit katagalan, mas marami pang plastic
atbasurang nalalambat kesa isda. Sumasabit ang mga kawil sa tela, sako at lata.
Pinalitan ng burak angdating puting buhangin ng pampang. Kayat tahong ang
pinagdiskitahan ng ibang datingmangingisda.
Trenta‟y singko pesos
kada galon ang benta ni Mang Amor at Intoy sa tahong kapag tingi. Sa mgawalang
wala, ulam na ito maghapon. Sabawan lang, tiyak na may mahihigop at mailalaman
sakumakalam na tyan at may pang-ulam sa maghapon ang isang pamilya. Ibang
usapan at presyuhankapag pakyawan. Ibig sabihin, lahat ng laman ng tahungan,
aanihin. Libo ang turingan dito. Nagingpopular ang Cavite dahil sa tahong. Partikular
ang Lunsod ng Cavite. Partikular ang Kalye Marino.Manamis-namis daw ang tahong
hango sa baybayin ng Kalye Marino. Haka ng matatanda, dahildaw sa agos mula sa
Maynila-Bataan. Hula naman ng ibang lasenggo ay dahil sa ebak ng tao.
Kunsabagay, lahat naman ng idinideposito sa banyo sa lahat ng pampang ng Lunsod
ng Cavite ay sadagat ang diretso. Maging ang tambakan ng basurahan ng lungsod na
ito, sa pampang din sa likodng sementeryo matatagpuan.Isinuot ni Intoy ang
salaming panisid at pamadyak. Mapapalaban sya ng sisiran. May kalaliman
angpwesto ni Mang Amor. Nagdoble sya ng gwantes. Mas makapal ang taliptip sa
kawayan sa laot.Higit ng hininga. Sisid. Sikad at padyak habang kagat-kagat
nya ang kutsilyo. Binaybay nya angmga bila. Niluluwa na ng mga tahong ang sarili
nitong laman. Lumabusaw ang tubig. Binisita nyaang mga pabitin. Gamit ang kutsilyo,
pinutol nya ang isa sa mga ito. Dumiretso sa isa sa mgapalutang. Pinutol nya rin.
Umahon. Ipinakita sa amo. Nakanganga ang lahat. Wala na ang laman.Nadale ng
alig.Sabi ng ibang beteranong magtatahong, kelan lang daw nagkaroon ng
alig. Nagsimula lang daw itonitong huling dekada. Ang paniniwala, dahil sa labis na
dumi na ng dagat. Ang paniniwala ng iba,ang alig daw ay ang dumi. Kemikal at lasong
nakaimbak sa mga pusali, imburnal at kanal nglungsod n
a nabasa‟t
natuyo sa loob ng ilang buwan. At kapag bumuhos ang malakas na ulan, iaagosang
ragasa ng tubig patungong pampang, lilikha ito ng kawalan ng balanse ng lamig, init,
alat at ibapang kemikal at mikrobyo sa dagat. Kung tuba ang ikinamamatay ng isda, at
red tide sa tao, alignaman ang sa tahong at mga lamang dagat.Paano ba nya sasabihin
kay Doray
ang lahat? Na gusto nya ito. Kung mahal, hindi nya alam. Basta‟t
kung may magagawa lamang sana sya, ayaw nya itong makikita sa barahan ng
basnig. Kung pwedelang sana, sabihin nya na kay Doray na tutulungan nya na lang ito
sa pagbuhay sa dalaw nitongkapatid. Kaso, alam nyang di sapat
ang pagseserbisyo nya sa mga tahungan. At ang kaunti nyangtanim na tahong ay di rin
uubra. Kada anim na buwan ba naman umani ng tahong at lagi panginaabot ng alig,
gaganahan pa ba syang magprisinta ng tulong kay Doray? Si Doray na nga lang yata
ang „dalagitang‟ may itsura sa kanilang looban. Kung hindi man mukhang sirena sa
imburnal,
madalas na mukhang igat ang mga kababaihan sa kanilang eskinita. Minsan, kapag
naliligo sila sadagat ni Bertong Baka, makikisabay ito kasama ang dalawang
kapatid. Tinuturuang lumangoy niDoray ang mga ito. Sa laki ng tyan, ika nga ni Berto ,
para daw itong mga buteteng laot. Siyang-siyasi Intoy na makita ang pagkakahapit ng t-
shirt sa may katabaang katawan ni Doray tuwing aahon sadagat at magpapahinga
sa pantalan. May kung ano syang nararamdaman na di nya ginusto.Marapat sabihing
ayaw nya nga. Pumapalag ang palos sa kanyang short pants. Kumikiwal-
kiwal.Kumikibot-kibot. Di nya alam kung dahil lang sa pagkakatuli nila ni Berto noong
nakaraang taon.Syosyotain nya rin kaya si Doray tulad ng ginagawa ni Berto? At
pagsyota na, gagawin rin kaya nilani Doray ang ginagawa ni Berto kina Jenny Kikay,
Cheche Tatse, Neneng Bayag at Selyang Kuto?
Ayaw pa nyang isipin „yun. At hindi pa sya marunong, tuturuan kaya sya ni Doray? „Yun
ang lalo
nyang ayaw isipin. Pero paano nga nya sasabihin kay Doray? Gusto nya ba itong
mahalin o anuhinlang. O mahalin at aanuhin din pagkatapos.Kagabi lang, nang hihilahin
ni Intoy ang mga inorder na kawayang ibinagsak mula sa Maragondonsa barahan ng
basnig, nakita nya doon si Doray. Kausap ang ilang mambabasnig. Iniwasan nya ngtitig
ang kababata. Bagamat alam ni Doray na alam nya at ng buong taga-Kalye Marino ang
trabahong pagbebenta ng tilapya sa mga mambabasnig, ano‟t parang nahihiya pa rin
sya para dito?
Sige ang tali nya sa mga kawayan para hilahin ng bangkang de motor at ilalagay sa
silong ngkanyang pantalan. Binayaran nya ang nag-deliver ng kawayan. Inabutan sya
ng singkwenta pesos.Parang komisyon na yun sa kanyang pag-order sa kausap.

Intoy!
alam nyang si Doray „yun.
Kunwa‟y di n
ya narinig. Pandalas sya ng lakad papunta sa bangka. Tinawag syang muli ni
Doray,sunud-sunod na. Di na nya maiiwasan.Anyong sinino nya pa ang tumatawag.
Maliwanag ang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan atwaring nagbubunyi ang lahat ng
mga bituin. Nasinagan ng liwanag si Doray. Puting t-shirt at shortsna dilaw ang
suot nito. Nakatsinelas. Bahagyang pinapula ang labi at litaw ang layo ng
kulay ngmukha sa leeg gawa ng kulapol ng pulbos. Basa pa ang buhok. May labi pa
ang bango ng shampooat sabong pampaligo. Inihatid sa kanya ng hanging habagat ang
samyo ng bagong paligongkababata. Di magkandatuto si Intoy sa pagbatak ng tali para
mag-start ang motor ng bangka.
Uy, ‘kaw pala. Anong gi
nagawa mo dito? Gabi na ha? Sino naiwan sa mga kapatid mo?
repekeng kanyang tanong. Kahit alam nya ang sagot sa kanya
ng mga tanong. Ano kaya‟t sumagot siDoray ng ganito: “Kabron ka talaga. Alam
mo naman na nandito ako para magpakangkang. Natural
gabi. Gabi lang naman bumabara ang mga basnig. At alam mong walang naiiwan sa
mga kapatid
kong natutulog na.”

Mahina ang huli. Bilog ang buwan. Wala akong maiuuwi. Di bale, baka bukas, siguro.
Di nakapagsalita si Intoy. may naglaro sa isip nya. Ano kaya kung sabihin nya kay
Doray na sya nalang magbabayad? Pero di nya aanuhin si Doray. Pauuwiin nya lang
ito. Para bang gusto nyang
iligtas si Doray mula sa mga asal pating na mambabasnig. Mga pating na basta‟t
makakuha lang ng
tyempo, sasakmalin agad ang maliliit na isda. Pero alam nyang ilang ulit nang nasakmal
ang tilapyani Doray. Paulit-ulit. Minsan nga, ayaw na ng ibang mambabasnig. Paitlugan
na raw ang tilapya niInday. Gusto nila na mas sariwang tilapya. Mas mahal nga
lang. Okay lang daw, sulit naman.Habang tumatagal ay pababa nang pababa ang
presyo ni Doray. Noong una, hanggang limang daannabibili ang kalakal ni Doray. Pero
makalipas ng dalawang taon. Swerte na ang tatlong daan. Kayadoble ang kayod
nito. Mula alas sais hanggang mga alas dose. Sa barahan, marami ang tulad niDoray.
Alas sais ay labasan na ng mga paninda. Inilalako sa mga parukyano. Pag may bumili,
ayos
na. Boundary na. Yung iba, uulit pa. Pangreserba „ika nga sakaling tumumal ang benta
han
kinabukasan. Pagsapit ng mga alas nwebe, alas dyes, pababa ng pababa ang kanilang
presyo sapaniniwala ng mga basnig na bilasa na sila. Nakailang pisil at pindot na sa
kanilang tilapya ang mgamambabasnig. Kung talagang matumal, dumadayo pa
ang mga ito sa Villamar Beach sa Noveleta.Mga magpupukot naman ang aalukan ng
tilapya. Kaso, mas nakakatakot daw dun. Marami sa tuladnila ang nagkasakit. Na-red
tide ika nga. Wala pang ganoong tapang si Doray.
Pasabay naman, kung uuwi ka na.Oo ba.
Sa loob ni Intoy, sayang din ang kinse pesos na ibabayad ni Doray sa dyip. Isang sakay
mula sabarahan hanggang sa may simbahan. Tapos mula simbahan, isa pa uling
dyip pa-Sangley. Kunglalakarin, medya oras din. Delikado, gabi na. Ibinaba nya si
Doray sa kanyang pantalan. Bandangbukana ng iskinita ang bahay ng kababata.

Naberdyin
ka na ba, Intoy? Balita sa ‘kin n
i Berto, di pa raw. Sya daw madami na. Yabang nun
‘no? Madami na raw syang na
-ano. Eh, king sinu-
sino lang naman ang mga ‘yun. Sina Jenny
Kikay na inanakan ng mga kundoktor at drayber, si Neneng Bayag na pekpek palit-bato,
siSelyang Kuto na tinatanggihan na sa basnig at si Cheche Tatse, ekskyus lang
‘no, mas mataba pasa akin ‘yun. Ang mga type talaga ni Baka… ‘la pala sya. ‘Kaw, type
mo ba ang tulad ko?
angparang walang anong tanong ni Doray. Alam ni Intoy na si Bertong Baka ang
nagnguso kay Doray.Di nya alam kung matutuwa sya o magagalit sa kaibigang
washer. Di nya alam kung talagangnagmamalasakit sa kanya ang kaibigan o
ibinubugaw lang talaga sya. Di nya alam kungnakikipagsyota na sa kanya si Doray o
simpleng pinaglalakuan lang sya ng tilapya nito.
Sige, bukas, di ako pupunta sa barahan. Puntahan kita dyan sa inyo.
Ha, a, e, si Berto, e…

Sus, pakipot pa ‘to. Alam ko naming gabi ang alis ni Baka at umaga na ang uwi. Basta,
mga ala
una, baka may makakita sa atin, e. Iwan mong bukas ang pinto mo.
May gusto rin ba sa kanya si Doray? O baka naman magpapaano lang sa kanya? Kung
magpapaano
ito sa kanya, gusto ba talaga iyon ni Doray o may bayad? “Bisnes is bisnes” ika nga ni
Berto. Baka
nga. Ampanget. May bayad. Ibig sabihin nun di rin sya mahal. Pero, nagbebenta
naman ng tilapyasi Doray sa kung sinu-sino lang, bakit hindi pa sya ang tumangkilik sa
paninda ng kababata? Mabutina yun, kung sya naman ang kakain ng tilapya ni Doray,
gusto nya talaga ito. O mahal na siguro.Halos hindi makatulog si Intoy nang gabing
iyon. At napagpasyahan nya na kailangan nya ng pera.Kung sakaling humingi ng
kabayaran si Doray, hindi sya mapapahiya. At ang nasa isip nya nga ayang hanguin
ang lahat ng tahong nya at ipapakyaw sa mga nagtitinda sa kanilang
kanto. Bagsakpresyo na. Kahit tatlong daan, payag
na sya. Bibili sya ng pandesal at mantikilya, kape‟t asukal sa
panaderya sa kanto para may pagkain sila. Bibili rin sya ng shampoo at sabong
mabango. Purosabong panlaba na lang kasi ang natitikman ng kanyang ulo at
katawan. Bibili rin sya ng Colgate.Baka amoy dagat pa sya, nakakahiya naman. Baka
maalat ang laway nya, nakakahiya naman. Pag-alis ni Berto, saka siya naglinis ng
bahay. Baka makahalata kasi ang kaibigan kung maaga nya
itonggagawin. Maglalaba rin sya ng kumot at punda. Ibinibilad nya sa araw ang banig at
unan. Mag-iipon sya ng tubig-tabang.Ngunit ngayon, pinatay ng alig ang sagot
sa mahabang paghihintay ni Intoy. itutuloy pa ba nya?Ano ang ikakatwiran nya kay
Doray? Na wala syang pera? Paano kung gusto pala talaga sya niDoray at hindi ito
nagbabayad? Baka naman magalit sa kanya ito at isiping itinuturing nya rin tuladng
pagturing sa kanya ng mga mambabasnig?Sige ang murang pa-Chavacano ni Mang
Amor.
Digrasyaw bo, kabron!
Pinagpuputol ni Mang Amor ang mga pabitin at panabit. Si Intoy, kinayas nya ang mga
bila at poste.Tinanggal ang mga balat ng tahong na wala nang laman. Lumalabo ang
tubig sa tuwing babagsak saburak ang mga bungkos ng patay na tahong. Awtomatiko
at mabilis ang kilos ni Intoy kahit wala saloob ang trabaho. Lalo pang lumalabo ang
tubig sa mga laman ng tahong, lumulutang sa paligid naumaalsa mula sa kinayas na
tahong sa mga bila at posteng kawayan. Ilang oras lang at malinis nadalawang
pwesto ni Mang Amor. Bukas na nila itutuloy ang paglilinis sa iba. Pahapon na. gutom

na sila at giniginaw hatid ng hanging pasko. Nanguluntoy na ang kanilang balat sa


kamay attalampakan. Sugat-
sugat ang kamay ni Intoy sa talim ng mga taliptip at tahong. Di syanaipagtanggol ng
manipis at magupok nyang gwantes.Gabi. May taklob ang nakahanda nang pandesal at
mantikilya. Katabi ng kanin at ulam naipinagtabi ni Berto kaninang hapon bago
ito umalis para maghugas ng bus. May mainit na tubig satermos. Nakahanda na rin
ang tinging kape at asukal. Salamat sa isandaang paunang bayad sakanya ni Mang
Amor sa paglilinis ng mga pwesto maghapon. Ngunit hindi sya nakapaglinis
ngbahay. Hindi nya rin nalabhan ang kumot at punda ng unan. Di nya rin naibilad ang
banig at unan.May tubig-tabang na naigib si Berto. Pero di pa sya naliligo. Nag-aasin
na ang tubig-dagat sakatawan ni Intoy. matigas na ang
kanyang buhok. Naaamoy ni Intoy ang sarili na maalat. Nasa
gawing pintuan lang sya. Nakaupo at nakaunat ang mga hita‟t binti sa tulay na
kawayan. Inaaninag
sa liwanag ng malamlam na bumbilya ang mga sugat ng kamay. Mahapdi. Pero di na
kumikirot.Sanay na sya. Naramdaman nyang lumalangitngit ang tulay na
kawayan. Iniluwa ng dilim si Doray.Nanulay ang bango ng bagong paligong bagong
dating. Naka-shorts at t-shirt ito. Basa pa ang buhok.
Inalig daw halos lahat? Oo e. Malas nga. Pati yung kapraso kong pwesto, di pinatawad.
May pinaglalaanan pa sana akonun.
Sige ang kukot nya sa sugat.
Gusto mong kumain? May kape dyan, pandesal at mantikilya.
Hinawakan ni Doray ang kanyang kamay. Sinuri ang mga sugat. Hinalikan ito. Inakay
sya paloobng bahay.
A, Doray, kasi…
Hayaan mo na, makakabawi ka rin sa susunod.
Pininid ni Doray ang pinto.

https://www.academia.edu/28371528/Documents_tips_si_intoy_syokoy_ng_kalye_marino

Si Pinkaw
Isabelo S. Sobrevega
Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong
iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan
ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong
bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa
bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga
bata. May karga-kargang kung ano at pasayawsayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang
kanyang
damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang
paa’y may medyas na marahil ay asul o berde.
Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang
kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may
nakataling pulang papel na may nakakabit na lata
ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong
na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng
araw.
“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-
tawing na daga,
“kumanta ka nga ng blak is blak.”
“Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga bata.
“Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri.
“Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!” nakangising sabat ng pinakamalaki sa
lahat. Mahaba
ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pinkaw. Umatras
ang babae at
hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw.
“Sige, agawin natin ang kanyang anak,” sabi nila sabay halakhak.
Maya-maya’y nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa
lupa.
“Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor.” Patuloy pa
rin ang panunudyo
ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata!
Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan ko sila upang takutin.
“Hoy, mga bata! Mga
salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.”
Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya’t isa-isang nag-alisan.
Nang wala na ang mga
bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:
“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”
Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag
sa akin at ngayon
nama’y mayor. “O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.”
Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita
kong lata pala
iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata.
“Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay...” ang kanyang kanta habang
ipinaghehele at siya’y
patiyad na sumasayaw-sayaw.
Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.
At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay namin sa tambakan, nang hindi pa iyon
nababaliw.
Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng
basura ng siyudad);
dito siya nakakuha ng makakain,
magagamit o maipagbibili. Datirati, madalas siyang kumakanta.
Hindi kagandahan ang kanyang
patagulaylay na pagkanta.
Habang tumutulak sa karitong
may tatlong gulong, pababa sa
lubak-lubak at maputik na
lansangan, sinusundan siya ng
mga asong kumakahol. Isang
bagay lamang ang mapupuna mo
sa kanya—lagi siyang
kumakanta. Hindi naman
maganda ang kanyang boses—
Basag nga at boses lalaki. Subalit
may kung anong kapangyarihang
bumabalani sa pandinig. Marahil
dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit
ganoon siya
kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.
Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton
niya’y puno ng
mga karton, papel, bote, basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa
gilid ng kariton,
makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y
pork-en-bins, pan
de sal na kadalasa’y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd
tsiken na may lamang
nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang
itinutulak, ngunit
magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad niyang tatawagin ang mga
anak: “Poray, Basing,
Takoy, nandito na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang magkasalubong sa
kanya habang hindi
magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang
kanilang pananghalian,
nakabili raw ba siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay
niyang pangalan.
“Pinkaw” ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang
kanyang asawa sa
sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak.
Subalit sinusumpa ni
Pisyang sugarol sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si
Pinkaw. Iba-iba raw ang
mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na
mataas para sa
kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong
nakasuot ng istretsibol
na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa
maisan. Si Basing ang
pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang
ang katas nito sa
biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi
at gwaponggwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na
totoo nga ang sinasabi ni
Pisyang sugarol.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang
mga lata, ang mga
bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang
kanyang mga anak, at
ang sungi ang siyang pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton
patungo sa Intsik
na tagabili.
Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita
mo na sinasaktan
ng mga ina ang kanilang mga
anak, ngunit hindi mo man lang
makikita si Pinkaw na inaambaan
ang kanyang mga anak.
“Ang mga bata,” nasabi niya
minsang bumibili ng tuyo sa
tindahan at nakitang pinapalo ng
isang ina ang maliit na anak na
nahuling tumitingin sa
malalaswang larawan. “Hindi
kailangang paluin; sapat nang
sabihan sila nang malumanay.
Iba ang batang nakikinig sa
magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang bata kung
saktan, susunod siya sa iyo
subalit magrerebelde at
magkikimkim ng sama ng loob.”
Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa
ilong ng kapwa-tao
upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo
na sa katulad
niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng
kariton ng iba, lalo
na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi
kukulangin sa beinte
sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi.
Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging
anak ni Pinkaw.
nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw
ang Intsik ngunit
sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya
pinagdugtongdugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat
wala naman talagang nakasaksi
sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag
ng kawali na
inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.
Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doktor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng
dahon ng bayabas
at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata.
“Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking
anak, sanay
namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi
naipadoktor,” sabi ni
Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak.
Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba
pang bagay na
ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap. Subalit si
Pinkaw na nagkataong
naroroon, “Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla
pa naman ako sa
pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na
nararapat bigyan ng
tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay
siyang hindi
tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang
siyang
nagkakamal ng tulong. Kalokohan...”
Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.
Naganap ang susunod na pangyayari nang wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako
ng kapatid kong
maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding
galit ang aking
nadama sa kanila.
Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa
sakit ng tiyan ang
mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi nito.
Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong.
Ngunit wala
silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.
Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga
anak. Nagtungo
siya sa bahay ng doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor sapagkat naglalaro
raw ito ng golf,
ayon sa katulong.
Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa pang doktor. Matagal
siyang tumimbre
sa trangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa
bintana.
Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos di
na makakilos sa
pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng
kapalaran.
Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto
upang isakay ang
maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya’y
napansing hindi na
kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit
nang mabatid
niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng
kariton upang
sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang
nagmamasid lamang sa
kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya
upang tumulong.
Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito
sa lubak-lubak na
kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng
pamahalaan. Matapos
ang pagtuturuan ng mga doktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga
pasyenteng
mukhang mayaman, nalapatan din ng gamot ang dalawang anak ni Pinkaw.
Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at
sumunod namang namatay
ang bunso.
Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw,
sinusundan na naman
ng mga pilyong bata.
“Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” ang kanta niya habang
ipinaghehele sa kanyang
mga bisig ang binihisang lata.

https://www.academia.edu/37719026/Si_Pinkaw_Maikling_kwentong_Hiligaynon

You might also like