You are on page 1of 3

EXT.

MASUKAL NA DAAN PAPUNTA SA BAHAY NI SISA - DAY

Puno ng pag-aalala, si Sisa ay dali-daling bumabalik sa kanilang bahay upang hanapin ang
nawawalang anak, na hindi pinapansin ang init at mabatong daan. (15 sec.). Bigla siyang napahinto
ng masaksihan sa hindi kalayuan ang mga guwardiya sibil na may dala-dalang kaniyang inahing
manok.

SISA (V.O.)
Salamat po, Diyos ko, at mabuti nilang hindi dinampot ang anak ko.

Habang naglalakad sa daan, namukhaan ng mga guwardiya sibil ang babaeng kanilang
nakasalubong.

GUWARDIYA SIBIL 1
Hindi ba't siya ang ina ng magnanakaw? Dakpin siya!

Palihim na narinig ito ni Sisa at mas nagmadaling makaiwas sa mga guwardiya, subalit siya ay
hinabol at dinakip ng mga ito sa dalawang kamay.

Sisa
Anong kailangan ninyo sa akin?.. Anak, Crispin!
(Nagpupumiglas sa mahigpit na kapit ng dalawang guwardiya sibil habang patuloy na hinahanap si
Crispin.)

GUWARDIYA SIBIL 1
Nasaan ang iyong mga anak? Ikaw ba ang ina ng magnanakaw?
Huwag kang magsisinungaling! Nasaan ang iyong mga anak? Sa oras na magsisinungaling ka,
itatali ka namin sa puno ng kahoy saka babarilin!
(Tinututukan ng baril si Sisa.)

SISA
Hindi ko po alam kung nasaan sila. Matagal ko na pong hindi nakikita ang bunso kong si Crispin.
(Paiyak na hinaing ni Sisa)

Itinulak si Sisa at siyang naka-handusay sa sahig.

GUWARDIYA SIBIL
Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Ibigay mo sa amin ang salaping galing sa magnanakaw
mong anak, at kung hindi, mabubulok ka sa kuwartel!

SISA
Hindi magnanakaw ang aking mga anak! Si Basilio ay walang ibinigay sa akin, kahit isang kusing.
Halughugin n'yo man ang buong bahay, wala kayong makikita sapagkat kami ay mahirap lamang.
Hindi lahat ng mahirap ay magnanakaw.

GUWARDIYA SIBIL
Wag ka nang magpaliwanag pa. Dakpin siya!

Lumuhod na nagmamakaawa si Sisa sa mga Guwardiya Sibil, subalit hindi siya pinakinggan at
hinablot siya patayo.

SISA
Wag po, maawa kayo! Bitawan n'yo ako, wala akong kasalanan! Kailangan ko pang hanapin ang mga
anak ko.

Pagod na naglalakad sina Sisa habang pinagigitnaan ng mga guwardiya sibil, at nang malapit na
sila sa bayan, itinulak siya ng isang guwardiya mula sa kanyang kapit at payukong naglakad sa
daan na puno ng hiya. Nang masaksihan ito ng mga naglalabasang tao sa simbahan, nagbulungan
sila na may insulto sa kanilang mga mata habang nakatitig kay Sisa.

EXT. SA LABAS NG KAPILYA - DAY

GUWARDIYA SIBIL
Bilis!

Nang malapit na sila sa kuwartel, muling dinampot ng guwardiya si Sisa at siya'y ipinasok sa
kuwartel.

EXT. KUWARTEL - DAY

Nakita ni Sisa ang Alperes na sa panahong iyon ay binubulungan ng isang sibil.

SISA
Ginoo! Tulungan n'yo ako, wala akong kasalanan!

Tumalikod ang Alperes at kinausap ang isa sa mga Guwardiya Sibil.

ALPERES
Ang Kura ang may kagagawan niyan. Kung nais niyang maibalik ang sinabi niyang perang ninakaw
ng mga anak nito, hingin niya kay San Antonio. Palayain n'yo siya.

Binuksan at ipinalaya ng guwardiya sibil si Sisa. Dali-dali siyang tumakbo papalabas. Patuloy si
Sisa sa paglalakad pauwi.
EXT. KALYE - DAY

Patuloy ang paglalakad at paghahanap ni Sisa sa kanyang anak, kasabay ng pangungutya mula sa
mga babae na kaniyang nakakasalubong.

SISA
Crispin, anak ko! Basilio!... Crispin! (habang naglalakad)
Nasaksihan n'yo ba ang aking anak na si Crispin? (tanong ni Sisa sa isang ginang)

GINANG 1
Wag mo akong hawakan! Alam mo bang napakamahal ng damit na suot ko! Alis!

GINANG 2
Baliw! (laugh2)

EXT. KUBO - DAY

Patuloy na hinalughog ni Sisa ang buong-bahay.

SISA
Mga anak, nandito na ang Nanay. Basilio, Crispin!

Habang naghahanap si Sisa sa kanyang mga anak, napahinto siya nang masilayan ang pilas na
damit ni Basilio.

SISA
Juiceko! Damit ito ni Basilio! Mga anak ko! (Hagulgol ni Sisa habang yakap ang damit ni Basilio)

EXT. KALYE - TAKIPSILIM

SISA
Mga anak ko, nasaan na kayo? Basilio! Crispin! Mga anak ko! (Nabuang na)

You might also like