You are on page 1of 3

ALDERSGATE COLLEGE

FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

MODYULO
ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA
GRAMATIKA: PANG-UGNAY (PANG-UKOL AT PANGATNIG)

Mga Guro: Bb. Zaira Alexis B. Catap


Bb. Allen O. Matin-ao
Bb. Princess S. Suitos
Baitang: 10
Oras na Gugugulin: 5 Oras

PANGKALAHATANG IDEYA
Ang modyul na ito ay nilikha upang makatutulong sa mga mag-aaral na mahubog ang kanilang
kagandahang-asal sa tulong ng mapanuring pagbasa sa nilalaman ng parabola. Matukoy at magamit ang pangatning
sa pangungusap sa pagbuo ng talata.

MGA LAYUNIN
1. nasasagot ang mga tanong ukol sa akda;
2. nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabola na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang-asal;
3. nahihinuha ang nilalaman, elemento, at kakanyahann ng akda kung ito ay mangayayari sa kasalukuyang
panahon;
4. natutukoy ang pang-ugnay na nagamit sa pangungusap;
5. nakapipili ng angkop na pang-ugnay na bubuo sa diwa ng talata at
6. nagagamit ng wasto ang mga pangatning sa buo ng talata.

PANIMULANG PAGTATAYA

PANUTO: Sumulat sa linya ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa pangungusap. Isulat
ang sagot sa inyong Sagutang papel.

1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.___________________________


2. Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang mangingibig.________________________
3. PInag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng
dalaga._____________________________
4. Sa tahanan ng binata idaraos ang maringal na kasalan._________________________
5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakasama sa kasayahan,________________________

POKUS NG ARALIN
ARALIN 2.1
ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

Basahin at unawain ang parabula ng Sampung Dalaga na matatagpuan sa inyong aklat na PLUMA sa pahina 33-36.

ARALIN 2.2
MGA BERBAL, DI BERBAL, AT PASULAT NA PAKIKIPAGTALASTASAN

 Ang pakikipagtalastasan ay isinasagawa natin sa araw-araw. Sa pamamagitan nito’y nakapagpapaabot


tayo sa iba ng mga impormasyon, kaisipan, pananaw, opinyon, reaksiyon, damdamin, at iba pa. Ang
pakikipagtalastasan ay maaaring berbal o pasalita, di berbal, at pasulat.

1 | PANITIKAN: ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


GRAMATIKA: PANG-UGNAY (PANG-UKOL AT PANGATNIG)
ALDERSGATE COLLEGE
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay karaniwang isinasagawa nang harapan ( face to


face), sa telepono, sa pamamagitan ng makabagong application ng teknolohiya tulad ng video
call sa facebook messenger, facetime, Skype, at iba pa gayundin ang pagsasalita sa media
tulad ng radio o telebisyon.

Ang di berbal na komunikasyon ay ang mga bagay na isinasagawa natin na nagpapaabot ng


mensahe kahit hindi natin binibgkas tulad ng pagkumpas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig
sa kausap, pagkunot ng noo, at iba pa. Naipapakita rin ang di berbal na mensahe sa
pamamagitan ng ating pananamit at pag-aayos ng sarili para maiakma sa okasyon kung saan
inaasahang magaganap ang komunikasyon.

Ang pasulat na komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, o e-mail, SMS o short messaging


system na lalong kilala bilang text messages, gayundin ang mga mensaheng ipinadadala natin
sa pamamagitan ng mga social networking site tulad ng pakikipagchat sa Messenger,
pagpopost at pagkokomento sa Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa. Ang pasulat na
komunikasyon ay makikita rin sa aklat, magasin, diyaryo, blog, at iba pa.

ARALIN 2.3
PANG-UGNAY (PANG-UKOL AT PANGATNIG)
PANG-UGNAY

 Ang tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino ay ang pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig. Sa pagsasalaysay
ay madalas nagagamit ang mga pang-ugnay na pang-ukol at pangatnig kaya halika’t higit pa nating kilalanin
ang mga ito.
 Pang-ukol- kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang mga kataga, salita, o pariralanag ginagamit bilang pang-
ukol.
Alinsunod sa/Alinsunod kay Laban sa/Laban kay Ukol sa/Ukol kay
Ayon sa/Ayon kay Para sa/Para kay Kay/Kina
Hinggil sa/HInggil kay Tungkol sa/Tungkol kay

 Pangatnig-mga kataga, salita, o pariralanag nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na
pangungusap.

Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang iba’t iban halimbawa ng pangatnig.


At kapag Kaya o Pagkat sanhi
Anupa Datapwa Kundi Ngunit Palibhasa Upang
Bagaman Dahil sa Kung Nang Pati Samakatuwid
bagkus Bago habang Maliban sakali Samantala
sanhi sapagkat subalit ni Sa medaling
salita

SANGGUNIAN

Marasigan, Emily V. et. al (2015) Pinagyamang Pluma 10 Phoenix Publishing House, Inc.

2 | PANITIKAN: ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


GRAMATIKA: PANG-UGNAY (PANG-UKOL AT PANGATNIG)
ALDERSGATE COLLEGE
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

3 | PANITIKAN: ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


GRAMATIKA: PANG-UGNAY (PANG-UKOL AT PANGATNIG)

You might also like