You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

MODYUL SA PAGSULAT SA PILING LARANG-AKADEMIK


GREYD 12

Kasanayang Pampagkatuto: CS_FA11/12EP-0a-c-39: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik


kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

Layunin ng Aralin

1. Naipapaliwanag ang mga batayang konsepto ng pananaliksik;


2. Nabibigyang-halaga ang katuturan at kabuluhan ng pananaliksik sa pag-aaral, pamilya at lipunan.
3. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang mabuting pananaliksik;
Paksang Aralin: Panimulang pananaliksik/Batayang Kaalaman sa Pananaliksik ng Iba’t ibang sulating
akademiko.

KAPEHAN SA BAYAN NI JUAN

Talakayin ang dalawang tanong na:

Ano ang
Ano ang
inaasahang
pagkakaalam
matutuhan
tungkol sa
pagkatapos ng
pananaliksik?
aralin?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12


Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

TALAKAYAN

BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay may malaking
papel na ginagampanan sa pag-unlad ng komunidad, kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa. Sa
kasalukuyan, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagsulat ng papel sa pananaliksik at isa ito sa
dahilan kaya masusi itong tinatalakay.

Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kay Aquino(1974), ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang
impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.
Ipinahayag naman nina Manuel at Medel(1976) na ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng
mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong
paraan.
Si Perel (Sanchez, 1980) ay nagbigay ng kahulugan sa pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o
pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik
Sina Treece at Treece (1977) ay nagbigay puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang
makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin. Ito ay tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon para
sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon.
Si Parel(Sanchez 1980) ay nagbigay ng kahulugan sa pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o
pagsisiyasat bilang pag sagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.
Sina Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng isang praktikal na depinisyon ng
pananaliksik. Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal
na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng
kultura at lipunan.
Sina Treece at Treece(1970) ay nagbigay ng puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang
makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin.
Batay naman sa kahulugang matatagpuan sa ensayklopidya, ang pananaliksik ay isang aktibo,
matiyaga at sistematikong proseso ng pagsisiyasat para makatuklas, makapagbigay ng interpretasyon o
baguhin ang katotohanan, pangyayari, asal, teorya o makagawa ng praktikal na aplikasyon sa tulong ng
mga makatotohanang pangyayari, batas o teorya.
Ang terminong pananaliksik ay ginagamit din sa paglalarawan ng mga tinipong impormasyon tungkol sa
isang partikular na paksa.
Bilang kongklusyon, ang pananaliksik batay sa ibinigay na iba’t ibang kahulugan ay isang sistematiko at
siyentapikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng
mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong
nagawa ng tao.

Mga Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematiko.

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12


Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng


katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na
hinahanapan kasagutan.
Ang pananaliksik ay kontrolado.
Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasan. Pinaplano itong mabuti at ang
bawat hakbang pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula ng resulta ng pag-aaral na
isinasagawa.
Ang pananaliksik ay empirikal.
Ipinapakita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa
na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng
pagsisiyasat. Ang mga empirikal na datos na ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng
kongklusyon.  Ang pananaliksik ay pagsusuri. Ito’y masusuri sa pag-aaral sa mga datos na
kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa
pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantalang ang kwalitatib ay tumutukoy sa malinaw at
tiyak na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon.
Ang pananaliksik ay obhetibo, walang kinikilingan at lohikal.
Ipinakikita sa pahayag na ito na ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at
hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
Ang pananaliksik ay ginagamitan ng hipotesis.
Ayon kay Gay (1976), ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa
isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o
magaganap pa lamang.

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay sa gagawing pananaliksik.

Katangian ng isang mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay masigasig


Napakaraming impormasyong makukuha sa gagawing pananaliksik subalit kailangang
pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat, dyornal, magasin, tesis at
disertasyon na makakatulong sa paksang pag-aaralan.
Ang mananaliksik ay masinop
Pagkatapos na makakuha ang lahat ng impormasyong kailangan sa gagawing
pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga
impormasyon.
Ang mananaliksik ay masistema
Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin
niya sa pananaliksik.
Ang mananaliksik ay mapamaraan
Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
Ang mananaliksik ay magaling magsiyasat
Ang mga impormasyong nakuha ay tinitimbang nang mabuti kung nararapat o di-
nararapat isama.
Ang mananaliksik ay may pananagutan
Ang mga awtoridad o eksperto at ang mga manunulat na ginagamit sa pananaliksik ay
dapat kinikilala.

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12


Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

Responsibilidad ng isang mananaliksik.

Ang bawat pagkilos o anumang gawain ay may kaakibat na obligasyon at responsibilidad. Hindi sapat
na matapos at mabuo lamang ang sulating pananaliksik nang walang obligasyon ang mananaliksik.
Narito ang ilang responsibilidad na kailangang niyang isaalang-alang:
1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.
May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi
kinikilala ang tunay na sumulat nito.
2. Plagiarismo
ang tuwirang pangongopya ng impormasyon. Ayon kay atienza at iba pa ang plagiarism
ay :
a) Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginagamitan ng bantas na pinipi
at hindi binanggit ang pinaghanguan;
b) Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag
ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan;
c) Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat ibang mananaliksik o manunulat at pinagsama-
sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos;
d) Pagsasalin ang mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang
mga ito; at
e) Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang
pagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mga
datos na ito.
3. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.
4. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng
ideya o mga impormasyon.
5. Gumawa ng bibliograpiya sa mga gumamit na sangguniang bilang pagpapatunay na may sapat
na batayan ang ginawang pananaliksik. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta ng
isinagawang pag-aaral.
6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

Mga Bahagi ng Pananaliksik

Ang sulating pananaliksik ay may sinusunod na mga bahagi na ginagamit na gabay ng mga
mananaliksik. Kontrolado ang sulating ito kaya hindi magagawa ng manunulat na manipulahin ito. Naririto
ang mga bahagi na gabay sulating pananaliksik. Kaligiran ng Pananaliksik
1. Panimula
Mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin.
2. Paglalahad ng suliranin
Ipinaliwanag sa bahagi ng panimula ang kahalagahan ng paksang pag-aaralan at ang
kaligirang kasaysayan nito kaya sa bahagi ng paglalahad ng suliranin ay makikita ang
pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan.
3. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral
tinatalakay at kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon
nito sa larangan ng edukasyon at siyensya. Binabanggit din kung sino ang
makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong
tintukoy na makikinabang
4. Batayang konseptwal/teoretikal

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12


Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teoretikal o konseptwal na balangkas na


kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy set ng pagkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na pagpapakita sa sistematikong pananaw
ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol
sa paksang pag-aaralan.
5. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral
Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa
isasagawang pag-aaral, saan at kailan ito gagawin.
6. Kahulugan ng mga Katawagan
May mga salita o konseptong ginagamit sa pag-aaral na kailangang isa-isahin at
ipaliwanag ang kahulugan upang maunawaan ng mambabasa kung paano ginagamit
ang salita o konsepto sa paksang pag-aaralan.
7. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Isa sa mahalagang bahagi ng pananaliksik ang pag-aaral sa mga kaugnay sa literatura.
May ibat ibang sistema sa pag-aayos ng mga kaugnay na literatura.

Naririto ang pamantayan sa paghahanap ng mga datos kailangan sa pananaliksik.


a) Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
b) Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
c) Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatugon sa paksang pag-
aaralan.
8. Pamamaraan
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa
pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan historikal o kaya’y
eksperimental.
9. Pagsusuri,Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos
Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. Makikita ang paglalaahad ng
mga datos paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay ng interpretasyon. Inilalatag din sa
bahaging ito ang paggamit ng talahanayan at mga grap sa pagpapakita ng mga datos.
10. Paglalagom , Kongklusyon at Rekomendasyon
Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang
ang mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilalahad ang kongklusyon sa
pag-aaral na ginawa. Sa kabilang banda dapat na maipakita ng mananaliksik ang
kaibahan ng pagbibigay ng resulta sa pagbibigay ng kongklusyon. Ipinahahayag sa
rekomendasyon ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng
mga mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa
paksa o porsyon na pananaliksik na maaring ipagpatuloy na hindi nagawa dahil sa
limitasyon ng pag aaral .
ABSTRAK

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, pael na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.

Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik


pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997)

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12


Republic of the Philippines

Region I
PANGASINAN DIVISION II
Binalonan,Pangasinan
Juan G, Macaraeg National High School

Sa kanyang aklat na “How to Write an Abstract,” bagama’t ang Abstrak ay maikli lamang,
tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng: Introduksiyon, Mga
kaugnay na Literatura, Metodolohiya, Resulta at Konklusyon.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang- akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel Ibig sabihin, hindi
maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglagay ng mga statistical figures o tables sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito
3. Gumamit ng simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi ipaliwanag
ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
6. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o sulatin akademikong na gagawan ng abstrak.
7. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya,resulta at konklusyon.
8. Buuin, gamit ang mga talata,ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.
Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng papel.
9. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graphs, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailanga.
10. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang
dapat isama rito.
11. Isulat ang pinal na sipi.

TAKDA

Sumuri ng abstrak mula sa isang tesis. Gawan ito ng abstrak na binubuo ng 300 salita lamang.

Pagsulat sa Piling Larang-Akademik Greyd 12

You might also like