You are on page 1of 13

FPL 1

ABSTRAK NA
PAGSULAT
Ang Kahulugan ng Abstrak
Ang Abstrak, mula sa Latin
na abstracum, ay ang maikling
buod ng artikulo o ulat na
inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik
na bersiyon ng mismong
papel.
May dalawang uri ng
abstrak:
Deskriptibo
Impormatibo
Kalikasan at bahagi ng abstrak
Sa kabila ng kaiksian ng abstrak,
kailangang makapagbigay pa rin
ito ng sapat na deskripsiyon o
impormasyon tungkol sa laman
ng papel.
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
• Inilalarawan nito sa mga • Ipinahahayag nito sa mga
mambabasa ang mga pangunahing mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel. ideya ng papel.

• Nakapaloob dito ang kaligiran, •Binubuod dito ang kaligiran,


layunin, at tuon ng papel o artikulo. layunin, tuon, metodolohiya, resulta
at konklusyon ng papel.
• Kung ito ay papel – pananaliksik,
hindi na isinasama ang •Maikli ito, karaniwang 10% ng haba
pamamaraang ginamit, kinalabasan ng buong papel at isang talata
ng pag-aaral at konklusyon. lamang.

• Mas karaniwan itong ginagamit sa •Mas karaniwan itong ginagamit sa


mga papel sa humanidades at larangan ng agham at inhinyeriya o
agham panlipunan, at sa mga sa ulat ng mga pag-aaral sa
sanaysay sa sikolohiya. sikolohiya.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

Basahing muli ang buong papel.


Habang nagbabasa, isaalang-alang
ang gagawing abstrak. Hanapin ang
mga bahaging ito: Layunin,
pamamaraan, sakop, resulta,
kongklusyon, rekomendasyon, o iba
pang bahaging kailangan sa uri ng
abstrak na isusulat.
Isulat ang unang draft
ng papel. Huwag
kopyahin ang mga
pangungusap. Ilahad
ang mga impormasyon
gamit ang sariling
salita.
Irebisa ang unang draft upang
maiwasto ang anumang kahinaan
sa organisasyon at ugnayan ng
mga salita o pangungusap,
tanggalin ang mga hindi na
kailangang impormasyon,
magdagdag ng mahahalagang
impormasyon, tiyakin ang
ekonomiya ng mga salita at
iwasto ang mga maling grammar
at mekaniks.
I-proofread
ang pinal na
kopya.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

Binubuo
ng 200-250
salita
Gumagamit ng mga
simpleng pangungusap na
nakatatayo sa sarili nito
bilang isang yunit ng
impormasyon.
Kompleto ang mga bahagi
Walang impormasyon
hindi nabanggit sa papel
Nauunawaan ang
pangkalahatang target ng
mambabasa.
Bakit mahalagang
basahing muli ang buong
papel bago isulat ang
abstrak?
Ano ang kahalagahan ng
pagrerebisa ng unang draft
ng abstrak?

You might also like