You are on page 1of 15

FSPL REVIEWER

AKADEMIKONG PAGSULAT

- Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang


panlipunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan,
may pananagutan, at may kalinawan

PAGSUSULAT

- Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang


kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

LAYUNIN NG PAGSULAT

● Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat
ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama.
● Pangalawa, ito ay panlipunan o pansosyal kung saan ang layunin ng pasgulat ay
ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan.

Mga kahalagahan at Benepisyo

● Mahasa ang kakayahan mag-oraganisa.


● Malinang ang kasanayan sa pagsusuri.
● Mahubong ang kaisipan.
● Mahikayat at mapaunlad ang kakayahang makilatis.
● Magbigay aliw.
● Paggalang at pagkilala sa mga gawa ng iba.
● Malinang ang kasanayan sa pagkalap ng impormasyon

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

WIKA

- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,


karanasan, impormasyon at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat
PAKSA

- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.

LAYUNIN

- Ito ay magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.

PAMARAAN NG PAGSULAT

- Mga paraan ng pagsulat upang maialahad ang kaalaman at kaisipan ng


manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

KASANAYANG PAMPAG-IISIP

- Taglay ng isang manunulat ang kasanayang pampag-iisip upang masuri ang mga
datos.

KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT

- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman


sa wika at retorika particular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik.

KASANAYAN SA PAGHAHABI NG BUONG SULATIN

- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon


mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo at
masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

Limang Paraan ng Pagsulat

Impormatibo

- Layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga


mambabasa.
Ekspresibo

- Naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala,ideya, obserbasyon at


kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o
pag-aaral.

Naratibo

- Layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa


magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod.

Deskriptibo

- Maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa


mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.

Argumentatibo

- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

MGA URI NG PAGSULAT

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

- Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw, nakapukaw ng damdamin, at


makaantid sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

- Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang


pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

- Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang


natutunan sa paaralan lalo na sa paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

- Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

- Layunin ng sulatin na mabigyan pagkilala ng mga pinagkukunang kaalaman o


impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, thesis at disertasyon.

Akademikong Pagsulat (AcademicWriting)

- Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa


pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’-ibang larang.

Mga Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

● Obhetibo
● Pormal
● Maliwanag at Organisado
● May Paninindigan
● May Pananagutan

Akademikong Sulatin (Abstrak, Sintesis/ Buod)

Abstrak

- ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebuy, proceedings at


papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang Gawain na may
kaugnay sa deisiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.

- Inilahad ng Abstrak ang masalimuot na datos sa pananaliksik at pangunahing


mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya’y
isa hanggan tatlong pangungusap sa bawat bahagi. Ito’y may layuning
magpabatid, mang-aliw at manghikat.
PHILIP KOOPMAN (1997)

MGA ELEMENTO

Pamagat

- Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.

Intoduksiyon o Panimula

- nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat ang bahaging ito


upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.

Kaugnay na literature

- batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon para sa mga


mambabasa.

Metodolohiya

- isang plano Sistema para matapos ang isang gawain.

Resulta

- sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.

Konklusyon

- panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinion na mag-iiwan ng


palaisipan kaugnay sa paksa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing Mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng


abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng


sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at
konklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito
sa kabuuan ng mga papel.

4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapiko, talahanayan at iba pa maliban


na lamang kung sadyang kinakailangan.

5. Basaing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtas ang
mahahalagang kaisipang dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Mga Katangian ng mahusay na Abstrak

● Binubuo ng 200-250 na salita.


● Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
● Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
● Nauunawaan ng target na mambabasa.

SINOPSIS O BUOD

- ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong


naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati at iba
pang anyo ng panitikan.
-
- Ang buod ay maaaring buuin ng isang talata o higit pa o maging ilang
pangungusap lamang.

- Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda


gamit ang sariling salita. Ito ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa
sa diwa ng seleksiyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga
salitang gagamitin.

MAHALAGANG ISAALANG-ALANG SA PAGKUHA NG MAHAHALAGANG DETALYE


● SINO ?
● ANO?
● KAILAN?
● SAAN?
● BAKIT?
● PAANO?
- Sa pagsulat ng synopsis o buod, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito
kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbabanggit
sa pamagat, may-akda at pinanggalingan ng akda.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIN O BUOD

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang
damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa
buod na gagawin.

3. Kailangang mailahad o maisama na rito ang mga pangunahing tauhan maging


ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.

4. Gumamit ng mga ankop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa


kuwentong binubuo ng dalawa o higit pang talata.

5. Tiyaking wato ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa


pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sagguniang ginamit kung saan hinago o kinuha ang
orihinal na sipi ng akda.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing Mabuti hanggang makuha


ang buong kaisipan o paksa ng diwa.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magatala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro


ang isinulat.

5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito ng hindi


mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.
PAGBUBUOD NG MGA PANITIKAN

- Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring gumawa
muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng
pangyayari. Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang
pangunahing karakakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.

Mga Akademikong Sulatin (Bionote at Panukalang Proyekto)

Bionote

- ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa paguslat ng personal


profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyog talambuhay o tinatawag
sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang
tao o biography.

- Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writinng for
Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng
buo na kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga
journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.

- Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume o anumang kagaya


ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin.

- Ito rin ang madalas na mababasa sa abahging “Tungkol sa iyong Sarili” na


makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng
bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamgitan ng pagbanggit ng mga
personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o
ginagawa sa buhay.

Mga Bagay na dapat Tandaan sa pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito sa nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para
sa netwsorking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6)
na pangungusap.

2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa


iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman kung ito ay marami, piliin
lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.

3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakauslat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang
iyong sarili sa iba maikli at tuwirang paraan.

5. Ibang gumagamit ng kauting pagpapatawa para higit na maging kawiliwili ito sa


mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito.

6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamit upang matiyaks ang
katumpakan at kaayusan nito.

Panukalaang Proyekto

- Ang unang mahalagang hakbang bago isulat ang kabuong panukalang proyekto
ay ang pag-alam at pagsusuri sa mga pangangailangan ng komunidad,
organisasyon o samahang pinag-uukulan ng panukala. Maaraing magmasid sa
paligid o kaya ay magsagawa ng panayam sa mga kinauukulang makapagsasabi
ng mga suliraning nararanasan uoang maging akma at nararapat ang mga
solusyong ilalatag sa panukalang proyekto. Makatitiyak na ang mga ito ay
talagang makatutugon sa kanilang pangngailangan at ang pangangailangang ito
ang magsisilbing batayan sa pagbuo ng panukalang proyekto.

Akademikong Sulatin na TALUMPATI

Pagtatalumpati

- ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang


pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa. Ang isang talumpating
isinulat ay hindi magiging gaap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa
harap ng madla.
Mga Uri ng Talumpati

1. Biglaang Talumpati

- Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang


paksa sa oras ng pagsasalita.

2. Maluwag na Talumpati

- Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbbigay ng ilang minuto


para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan.

3. Manuskrito

- Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon seminar o program sa


pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.

4. Isinaulong Talumpati

- Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusya ding pinag-aralan at


hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

5. Talumpati ng Pagtanggap (Acceptance Speech)

- Ito ay laganap sa mga programa ng paggawad o pagkilala sa kahusayan ng


isang tao.

6. Talumpati ng Pagtatapos (Commencement Speech)

- Ito ay kadalasng binibigkas ng natatangiang mag-aaral na may pinakamataas na


grado o pinakamatagumpay sa klase tuwing pagtatapos.

7. Luksampati (Eulogy)

- Ito ay nagsisilbing parangal at paggunita sa alaala ng isang taong yumao.

8. Talumpati ng Pamamaalam (Farewell Speech)

- Ito ay bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa bansa o


pagbibitaw ng propesyon.
9. Brindis (Toast)

- Ito ay bahagi ng ritwal sa isang saluslo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at


pagkilala sa taong pararangalan.

“4 Basic Types of Speeches”

1. Talumpating Impormatibo

- naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig. Maaari itong nagtuturo


ng isnag teorya o impormasyon. Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik sa
kapwa mag-aaral o sa kaguruan.

2. Talumpating Naglalahad

- ay halos katulad din ng impormatibong talumapti, ngunit may kasama itong


demonstrasyon habang naglalahad ng impormasyon. Mapapansin ito sa mga
programang pang-edukasyon gaya ng pagtuturo.

3. Talumpating Mapanghikayat

- Ay naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig na kumilos tungo


sa pagbabago. Kailangan ng maingat na paghahanda sa mga ganitong talumpati
dahil sisikapin nitong baguhin ang mga ideya, paniniwala, pamahiin, kultura at
tradisyon ng nakararami.

4. Talumpating Mapang-aliw

- ay madalas na naririnig sa mga personal na salu-salo, gaya ng anibersaryo,


kasal, kaarawan, o victory party.

Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati

1. Kronolohikal na Huwaran

- Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran

- Ang paghahanay ng mga materyeales ng talumpati ay nakabatay sa


pangunahing paksa.

3. Huwarang Problema-Solusyon

- Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit


ang huwarang ito.

Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati

- Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang


sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay,
komprehensibo at organisado ang bobogkasing talumpati.

1. Introduksyon

- Ito ay naghahanda sa ,ga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman


dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod
na katangian sa isang mahusay na panimula:

● a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.


● b. Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
● c. Maipaliwang ang paksa

2. Diskusyon o Katawan

- Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito


tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
Ito ang pinakakaluawa ng talumpati.

Mga Katangiang Taglay ng Katawan sa Talumpati

Kawastuhan

- tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat sa totoo at


maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
Kalinawan

- kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang


maunawaan ng mga nakikinig.

Kaakit-akit

- gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

3. Katapusan o Kongklusyon

- Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom


ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.

4. Haba ng Talumpati

- Nakasalalay kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking
tulong sa pabuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

Mga Bahagi ng Talumpati

● Simula (Introduksyon)
● Gitna (Nilalaman)
● Wakas (Kongklusyon)

Pagsulat ng Talumpati

1. Alamin kung sino ang magiging tagapakinig at kung ano ang okasyon.

2. Alamin kung ilang minuto o oras ang ilalaan para sa pagbigkas ng talumpati.

3. Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong


buhay, o mayroon kang sapat na kaalaman.

4. Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng


isasagawang pagbigkas.

5. Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin.


6. Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati.

7. Balangkasin at suriin ang mga nakalap na datos.

8. Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto ng talumpati.

9. Tatalakayin, pagyamanin at paunlarin ang mga ideya.

10. Ihanda ang mabisang kongklusyon.

11. Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati.

12. Kapag naisulat na ang unang borador, basahin ang teksto nang ilang ulit.

13. Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag-imprenta


ng maraming kopya.

14. Basahin ang kopya nang paulit-ulit.

You might also like