Professional Documents
Culture Documents
Narration
Narration
music room at doon ay sinalubong siya ng dalawang tao na hindi niya kilala at si
Zeke na halatang gulat na gulat kung bakit nasa loob ng music room ngayon si
Gavin.
Nakatayo lang si Gavin sa harap nila, “Hey, sorry I’m late.” sinarado mi Treyton
ang pintuan sa likod ni Gavin. Ang mga miyembro ng banda nila ay nakatitig pa
rin kay Gavin.
“Gav, upo ka muna doon.” Tinuro ni Treyton ang isang maliit na sofa na malapit
sa pinto at nakaharap sa maliit na stage kung saan nakapwesto ang drum set,
ang mga mic stand pati na rin ang electric guitar at bass.
“Umamin ka nga, sec. Kayo ba ni Treyton?” Bulong ni Zeke kay Gavin. Agad
naman na napalayo si Gavin kay Zeke, “Hindi ah!” Naramdaman ni Gavin ang
pamumula ng pisngi niya at ang kaba sa puso niya.
“This is Kyle, guitarist and sub vocalist.” Sumilip sa right side ni Treyton yung
tinutukoy niya. Ang amo ng mukha nito, kesa kay James na medyo intimidating
ang aura. “Hello! Secretary ka ng Student Council diba?” Tanong ni Kyle kay
Gavin.
“Uhh, yes! I’m Gavin.” Tumango si Kyle at kumaway kay Gavin, nginitian na
lang ‘to ni Gavin. “And I know kilala mo na si Zeke, our drummer.” Tumango
si Gavin.
“Zeke, balik na dito. Let’s start na.” Umalis si Zeke sa tabi ni Gavin at bumalik
na sa upuan niya kanina. May pinindot si Kyle sa laptop na nasa gilid niya at
kasabay nung ang pagtugtog ng background music at ang paghampas ni Zeke
sa drums.
Unang kumanta si Kyle, kasabay ng pagtugtog ng mga kasama niya. Hindi alam
ni Gavin kung bakit kahit pa apat ang nasa harapan niya ay nakapako lang ang
paningin niya kay Treyton.